You are on page 1of 2

Synopsis/Buod

(Paglalagom)

Ang synopsis o buod ay uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng
panitikan. Ang buod ay maaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap
lamang. Sa pagsulat ng synopsis mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit
ang sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng synopsis ay naglalayong makatulong sa
madaling pag unawa sa diwa ng seleksiyon o akda, kong kaya't nararpat na maging payak ang
salitang gagamitin.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod

1. Banggitin ang pamagat, may-akda at pinanggalingan ng akda upang maipaunawa sa


mambabasa na ang kaisipang iyong inilalahad ay hindi galing sa iyo kundi buod lamang ng
akdang binasa kaya iwasang magbigay ng iyong sariling pananaw tungkol sa akda at maging
obhektibo sa pagsulat nito.

2. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.

3. Isulat ito batay sat ono ng pagkakasulat ng orihinaal na sipi nito. Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin

4. Kailangang maialahad o maisama rito ang mga pangunahing tuhan maging ang kaanilang
mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.

5. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong


binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.

6. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginagamit sa pagsulat.


7. Huwag kalimutang isult ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na
sipi ng akda.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis / Buod

1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing Mabuti hanggang makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa nito.

2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinusulat.

5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.

You might also like