You are on page 1of 1

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang maayos na pagsulat ng lagom ay isang kasanayang dapat mong matutuhan. Ang
paglalagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Bukod sa
kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto, marami pang
kasanayan ang mahuhubog sa isang mag-aaral habang naglalagom. Tutulungan ka ng modyul
na ito na makasulat nang maayos na paglalagom (sinopsis). Simulan mo sa pamamagitan ng
pagbabasa ng mga kaalaman tungkol dito.

Ang Paglalagom na Sinopsis


Naglahad sina Julian at Lontoc (2016) tungkol sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis.
Ayon sa kanila ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga
akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at
iba pang anyo ng panitikan. Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng
ilang pangungusap lamang. Sa pagsulat ng sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng
binasang akda gamit ang sariling salita. Layunin nitong maisulat ang pangunahing kaisipang
taglay ng akda kaya’t mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan?
Saan? Bakit? Paano? upang mapadali ang pagsulat ng buod , kung kaya’t nararapat na maging
payak ang mga salitang gagamitin. Mahalagang matutuhan ang pagsulat nito para
makapagpahayag nang mabisa sa simple at maikling paraan.

Mga Dapat Tandan sa Pagsulat ng Sinopsis


1. Banggitin ang pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda upang maipaunawa sa
mambabasa na ang kaisipang iyong inilalahad ay hindi galing sa iyo kundi buod lamang ng
akdang binasa kaya iwasang magbigay ng iyong sariling pananaw tungkol sa akda at maging
obhetibo sa pagsulat nito.
2. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
3. Isulat batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung malungkot ang
damdaming naghahari, dapat maramdamin din ito sa buod na gagawin.
4. Isama ang mga pangunahing tauhan, kanilang mga gampanin at suliraning
kinakaharap.
5. Maaaring buuin ang buod ng isang talata, maging ng ilang pangungusap lamang.
Kung higit sa isang talata, gumamit ng angkop na mga pang-ugnay sa paghabi ng mga
pangyayari sa ibinubuod.
6. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
7. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango ang orihinal na
sipi ng akda.

You might also like