You are on page 1of 2

KATITIKAN NG PULONG

Matapos maihanda ang adyenda, tungkulin naman ng kalihim na gumawa ng katitikan ng


pulong. Ano ang katitikan ng pulong? Ang katitikan ng pulong ay tumutukoy sa maikli at
tuwirang detalye ng mga napag-usapan sa isang pulong. Ito ay naglalaman ng lagom ng
talakayan at desisyong napagkaisahan. Itinuturing itong legal na dokumento sa loob ng
ahensya o institusyon na inilalagak sa mga talaan.

Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong


Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipabatid sa mga sangkot sa pulong, nakadalo o di-
nakadalo, ang mga naganap: saan at kailan ito naganap, sino-sino ang lumiban, sino-sino ang
nagbahagi at ano ang mga naging desisyon at iba pa. Makikita sa mas detalyadong katitikan ng
pulong(depende sa sitwasyon) ang mga ibinahagi ng mga kasali sa pulong at naging tugon ng
tagapamahala rito.
Katulad ng korespondensya opisyal, nagiging permanenteng dokumento ito sapagkat nagsisilbi
itong mapanghahawakang kopya ng mga pinag-usapan sa naganap na pulong at sa paglipas
ng panahon, ito’y nagiging mahalagang dokumentong pangkasaysayan na
mapagsasanggunian.
Sa tulong ng katitikan ng pulong, maaari itong paghanguan ng impormasyon para sa susunod
na pagpupulong gayundin ang mahahalagang ideya para sa isasagawang proyekto.

HAlimbawa ng Katitikan ng Pulong


TANDAAN
Ang katitikan ng pulong ay nagsisilbing lagom o sintesis ng mga talakayan at mga
napagkaisahang pasya at rekomendasyon ng isinagawang pulong. Mahalagang dokumento ang
katitikan upang pagsanggunian ng mga impormasyong magagamit sa pagpapatupad ng mga
plano’t gawain ng institusyon.

You might also like