You are on page 1of 4

Inihanda nina:

Irish Mascardo

Gail Mira

G. Jino T. Gerodias
Talaan ng Nilalaman

Modyul 14 Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ang Katitikan ng Pulong…………………………………………………. 96

Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong……………………………….. 98

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong……………………….. 99


Ang Katitikan ng Pulong
Halos lahat ng mga grupo, organisasyon, at kompanya ay maymga pulong na kailangang
irekord ang mga pag-uusap tungkol a particular na paksa, mga napagpasiyang aksiyon, mga
rekomendasyon, mahahalagang isyung lumutang sa pulong, at iba pa. Anuman ang layunin o uri
ng pulong, kailangang maitala ang mahahalagang napag-usapan o nangyari dito. Ang
dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon ay tinatawag na katitikan ng
pulong.
Maraming kahalagahan ang Katitikan ng Pulong. Ginagamit ang katitikan ng pulong upang
ipaalam sa mga sangkot sa pulong, nakadalo o di-nakadalo, ang mga nangyari rito: kailan at saan
ito nangyari, sino-sino ang mga dumalo, sino-sino ang lumiban at ano-ano ang kanilang mga
dahilan, ano ang pinag-usapan, ano ang mga desisyon, at iba pa. Nagsisilbing permanenteng
rekord ang mga katitikan ng pulong. Sa paglipas ng panahon, maaaring maging mahalagang
dokumentong pangkasaysayan ang isang katitikan ng pulong. Hanguan din ito ng mga
impormasyon para sa mga susunod na pulong. Magagamit din ito bilang ebidensiya sakaling
magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o higit pang indibidwal o grupo. At ginagamit din ang katitikan
ng pulong upang ipaalala sa mga indibidwal ang kanilang mga papel o responsibilidad sa isang
partikularna proyekto o gawain. Isa rin ito sa mga batayan ng kagalingan ng indibidwal.
Ang mga gabay sa pagsulat ng katitikan ng pulong ay ang mga sumusunod, una ay ang “Bago
ang pulong” na kung naatasan o nagbulontaryong magsulat ng katitkan ng pulong, siguraduhing
hindi ang sarili ang pangunahin o punakaimpirtanteng kalahok dito. Mahahati lamang ang iyong
atensyon. Lumikha ng isang template sa pagtatala upang mapadali ang pagsulat at maglaan ng
maraming espasyo. Pangalawa(2), Habang nagpupulong, hindi kailangang itala ang bawat
salitang maririnig sa pulong. Hindi iyon ang kahingian ng pagsulat ng katitikan ng pulong.
Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang ang
bawat sabihin ng mga kalahok. Magpukod sa pag-unawa sa pinag-uusapan at sa pag tala ng mga
desisyon o rekendasyon. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos.
At ang panghuli naman ay Pagkatapos ng pulong, repasuhin ang isulinulat. Maaring magdagdag
ng mga komento. Kung may mga bagay na hindi naintindihan,lapitan at tanungin agad
pagkatapos ng pulong ang namahala rito o ang iba pang dumalo. Gawin ito habang sariwa pa sa
isipan ng lahat ang mga impormasyon.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, mahalaga ang pagsulat ng katitikan ng pulong. Kapakipakinabang ito
upang maging gabay sa paggawa ng desisyon at iwasan ang anumang ‘di pagkakaintindihan at
higit sa lahat, ito ay ebidensya na naglalaman ng eksaktong datos ng pagpupulong.

You might also like