You are on page 1of 23

PAGSULAT NG

AGENDA
AGENDA

• Listahan ng mga tatalakayin


(ayon sa pagkakasunod-sunod)
sa isang pormal na
pagpupulong.
AGENDA

Layunin :
Bigyan ng ideya ang mga
kalahok sa mga paksang
tatalakayin at sa mga usaping
nangangailangan ng atensiyon.
AGENDA

Sino-sino ang nagpapatawag ng pulong.


• president
• CEO
• director
• tagapamahala
• pinuno ng union, at iba pa)
• ang responsible sa pagsulat ng agenda.
KAHALAGAHAN
NG PAGHAHANDA
NG AGENDA
KAHALAGAHAN
(.) Ang pagkakaroon ng isang mahusay na agenda ay
magsisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at
ang lahat ng kalahok ay patungo sa isang direksiyon.

(.)Mas mabilis natatapos ang pagpupulong kung alam na ang


lahat ang lugar na pagdarusan. Ang oras ng pagsisimula at
pagtatapos, ang mga kailangang talakayin, at ang mga maaaring
kalabasanng pulong.
KAHALAGAHAN
(.) Makatutulong din maayos na agenda sa itinalagang kalihim sa
kaniyang pagtatala ng mga nangyayari sa pulong.

(.) Bagaman napabubuti ng malinaw na agenda ang pagiging


epektibo at mabisa ng mga pagpupulong, karaniwang hindi ito
gaanong pinaglalaanan ng pansin. May mga pagkakataong walang
malinaw na agenda kaya nawawala sa pokus ang mga kalahok, na
nagdudulot sa tila walang katapusang pagpupulong (na madalas ay
wala naman talagang nangyayari).
KAHALAGAHAN
(.) Kung may malinaw mang agenda, may mga pagkakataong
hindi ito sinusunod ng mga kalahok (kung ano-ano ang mga
kanilang pinag-uusapan na labas sa agenda) kaya tumatagal ang
pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng mga kalahok.
Isa sa mga epekto niyo ang umuuntiing bilang ng dumadalo sa mga
pagpupulong.
NILALAMAN NG
AGENDA
NILALAMAN
1. Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito
magsisismula at matatapos?

Kailangan itong malaman ng mga kalahok upang


makarating sila sa itinakdang oras at lugar at upang
makapagsimula na ang pulong sa lalong madaling panahon.
Bawat minuto ay mahalaga para sa mga kalahok, kaya
kailangang maisagawa ito nang mabilis.
NILALAMAN
2. Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong?
Sa bahaging ito ng agenda, sinasagot ang tanong na “Bakit
tayo magkaroon ng pagpupulong?”
Kailangang malinaw ang layunin upang mapaghandaan ng
bawat kalahok ang mga mangyayari sa pulong.
NILALAMAN
3. Ano-anong mga paksa o usapin ang tatalakayin?
Maaaring maikli lamang o detalyado ang bahaging ito,
depende sa pangangailangan. Minsan ay ipinapaliwanag na ito sa
kaugnay na e-mail, ngunit ang lahat ng bagay na pag-uusapan sa
pulong ay kailangang Makita sa agenda mismo. Ang mga
sumusunod ay mga paksang madalas tinatalakay sa isang
pagpupulong na balangkas din nga karaniwang agenda:
NILALAMAN
· Pag-apruba sa katitikan ng nakaraang pagpupulong o
minutes of the meeting
· Mga isyu o usapin sa katitikan ng nakaraang
pagpupulong na kailangang linawin o iwasto
· Regular na report
· Mga pangunahing puntong tatalakayin
· Iba pang bagay na nais pag-usapan
NILALAMAN
4. Sino-sino ang mga kalahok sa pagpupulong?

Tanging ang mga taong talagang kailangang umupo sa


pagpupulong ang dapat nasa listahan. Minsan, may mga
inaanyayahang lumahok sa pulong at magugulat na lamang sila sa
oras sa pagpupulong na hindi naman pala talaga sila kailangan
doon. Huwag aksayahin ang kanilang panahon.
NILALAMAN
NILALAMAN

NILALAMAN-----------------15
ORGANISASYON NG IDEYA----15
PAGSULAT NG
KATITIKAN NG
PULONG
KATITIKAN NG PULONG
• Ang dokumentong nagtatala ng
mga mahahalagang diskusyon at
desisyon.
• Sa pagsusulat ng Katitikan ng
Pulong, kailangang pairalin ang
talas ng pandinig, bilis ng
pagsulat, linaw ng pag-iisip
KAHALAGAHAN
(.) Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga
sangkot sa pulong, nakadalo o di-nakadalo, ang mga nangyari
sa pulong.

(.)Nagsisilbing permanenteng rekord ang mga katitikan ng


pulong.

(.)Maaaring magkaroon ng nahahawakang kopya ng mga


nangyaring komunikasyon.
KAHALAGAHAN
(.) Ang pagkakaroon ng katitikan ng pulong ang pagiging
hanguan nito ng mga impormasyon sa mga susunod na pulong.

(.) Ginagamit din ang katitikan ng pulong upang ipaalala sa


mga indibiduwal ang kanilang mga papel o responsibilidad sa
isang partikular na proyekto o gawain. Isa rin na batayan sa
mga kagalingan ng indibduwal.
GABAY SA PAGSULAT
Bago ang pulong.
Kung naatasan o nagboluntayong magsulat ng katitikan ng
pulong, siguraduhing hindi ang sarili ang pangunahin o pinaka
importanteng kalahok rito.

Lumikha ng isang template sa pagtatala upang mapadali ang


pagsulat.
GABAY SA PAGSULAT
Habang nagpupulong.
Hindi kailangang itala ang bawat salitang narinig sa pulong.

Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtatala


ng mga desisyon o rekomendasyon/
GABAY SA PAGSULAT
Pagkatapos ng pulong.

Repasuhin ang isinulat. Repasuhin kung wasto ang


baybay ng mga salita, bantas at iba pa.

Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos


ang pinal na kopya.

You might also like