You are on page 1of 3

Ang Katitikang Pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord, o

pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.

LAYUNIN
 Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong, nakadalo o ‘di
nakadalo ang mga nangyari rito.
 Nagsisilbing permanenteng rekord.
 Sa pamamagitan nito, maaaring magaroon ng nahahawakang kopya ng mga nangyaring
komunikasyon.
 Hanguan ng impormasyon para sa susunod na pulong.
 Ebidensya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawang indibidwal o grupo.

GAMIT
Ginagamit ang katitikan ng pulong upang maunawaan ng mga kasapi ang nangyari sa pulong kahit
hindi sila nakadalo rito. Ito ay makakatulong sa pagbalik-tanaw sa mga naunang desisyon at
diskusyon. At ito rin ay ginagamit bilang basehan sa mga usaping legal, tulad ng kontrata o
kasunduan na nailatag sa isang pulong.
Ang katitikan ng pulong ay karaniwang ginagamit sa mga board meetings, school meetings, barangay
assembly, pulong ng mga samahan, cabinet meeting, at marami pang iba.

KATANGIAN
 Pormal
 Obhetibo
 Organisado at sistematiko
 Komprehensibo
 Nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalye tinalakay sa pulong

ANYO
Uri ng Katitikan ng Pulong
1. Ulat ng katitikan – lahat ng detalye na napag-usapan sa pulong.
2. Salaysay na katitikan – isinasalaysay ang mga mahahalagang detalye sa pulong
3. Resolusyon ng katitikan – nakasaad lamang ang lahat ng isyung napagkasunduan

Bahagi ng Katitikian ng Pulong


Heading – ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran.
Makikita rin dito ang petsa, ang okasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
Mga kalahok o dumalo – dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng mga dumalo kasama ang panauhin. Maging ang pangalan ng mga
lumiban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – dito makikita kung ang nakalipas na
katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabago isinagawa sa mga ito.
Action items o usapin napagkasunduan – dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga
paksang tinalakay inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtatalakay ng
isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
Pagbalita o pagtalastas – hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang
pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na
pulong ay maaaring ilagay sabahaging ito.
Iskedyul ng susunod na pulong – itinatala sa bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang
susunod na pulong.
Pagtatapos – inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
Lagda – mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at
kung kalian ito isinumite.

You might also like