You are on page 1of 1

Pagtataya:

Panuto: Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng adyenda at katitikan ng


pulong? Isulat sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay.

Bawat organisasyon, asosasyon, o kung ano pang katawagan sa mga lipon


ng tao'y may pagpupulong na ginaganap upang mas mapagtibay ang samahan. Sa
isang pagpupulong, mahalagang mabatid at maunawaan ang kung anong paksang
tatakayin sa pagpupulong, upang maibahagi at maipahayag ng bawat kasaping meron
ang isang samahan ang kanilang mga opinyon at saloobin.
Ang adyenda ay ang talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang
pagpupulong habang ang katitikan ng pulong naman ay ang tinatawag na minutes of
meeting sa wikang ingles, dito isinusulat kung ano ang adyenda, anong oras nag
simula at nag wakas ang pagpupulong gayundin ang lugar na pinagganapan nito, at
kung sinsino-sino ang mga dumalo.
Mahalagang matutunan ang pagsulat ng adyenda at katitikan ng pulong,
sapagkat ang mga ito'y bahagi ng pagpaplano at pagpupulong. Ang maunawaan at
matutunan ang pagsulat ng mga ito'y para sa isang mas maayos na pagpupulong, at
mas matatalakay sa pagpupulong ang mga paksa. Layunin nitong bigyan ng ideya ang
mga kasapi sa pagpupulong sa mga paksang tatalakayin at mga usaping kailangan ng
atensyon.
Sa kabuuan, mahalagang matutunan ang pagsulat ng adyenda at katitikan
ng pulong nang sa gayong kung tayo ang maatasan na sumulat ng mga ito sa isang
pagpupulong ay magawa natin ito ng tama't mapanatili ang katiwasayan ng
pagpupulong, at maiwasan rin ang pagiging ignorante sa bagay na ito.

You might also like