You are on page 1of 14

Magandang

Buhay!
Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan, layunin at katangian
ng katitikan ng pulong;
2. Nakapagsasagawa ng isang maikling
pagpupulong batay sa napiling tema; at
3. Nakasusulat ng halimbawa ng katitikan ng
pulong batay sa isinagawang pagpupulong.
TUKUYIN NATIN!

• Kahulugan ng Katitikan ng Pulong


• Layunin ng Katitikan ng Pulong
• Katangian ng Katitikan ng Pulong
Ano ang kahulugan ng katitikan ng pulong?

Sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of the


meeting.” ito ang opisyal na rekord o tala ng pulong
ng isang organisasyon, korporasyon, o asosasyon.
Tala ito ng mga napag-usapan, napagdesisyunan, at
mga pahayag sa isang pulong.
Ano ang kahulugan ng katitikan ng pulong?

Hindi kailangang verbatim ang pagkakasulat ng


katitikan, ngunit dapat ang itinalang mga bilang o
item ay may sapat na deskripsyon upang madaling
matukoy ang pinagmulan nito.
Ano ang kahulugan ng katitikan ng pulong?

Kung walang katitikan, ang mahahalagang


tungkuling naiatang at kailangang magawa ay
posibleng hindi matupad dahil nakalimutan.
Ano ang layunin ng katitikan ng pulong?

1. Nagsisilbing opisyal na tala ng mga isinagawang


pagpupulong
2. Nagsisilbing kasangkapan upang maging sipi sa
pagbabalik-tanaw ng mga sangkot tungkol sa mga
nangyari sa pulong
Ano ang layunin ng katitikan ng pulong?

3. Nagsisilbing gabay o paalala tungkol sa lahat ng mga


detalye ng pinag-usapan o nangyari sa pulong
4. Maaaring maging mahalagang dokumentong
pangkasaysayan sa paglipas ng panahon
5. Nagsisilbing hanguan o sanggunian sa mga susunod na
isasagawang pagpupulong
Ano ang katangian ng katitikan ng pulong?

1.Ito ay dapat na makatotohanan at organisado ayon sa


pagkasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan.
2.Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang
diskusyon at desisyon.
3.Dapat ibinabatay sa agenda na unang inihanda ng
tagapangulo o pinuno ng lupon.
Ano ang katangian ng katitikan ng pulong?

4. Maaaring gawin ito ng kalihim, encoder/typist, o


reporter sa korte.
5. Dapat ding ito ay maikli at tuwiran, obhetibo,
walang paligoy-ligoy, at walang dagdag-bawas
sa dokumento.
6. Dapat ito ay detalyado at hindi kakikitaan ng
katha o bias sa pagsulat.
Panuto:
• Ang bawat pangkat ay magsasagawa
ng 2-3 minutong pulong batay sa
kanilang napiling tema.
• Pagkatapos ng pagpupulong, ang
kalihim ng bawat pangkat ay
inaasahang iulat sa klase ang
katitikan ng pulong.
• Gagamitin ng bawat pangkat ang
kanilang unang wika sa
pagtatanghal.
Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Organisado ang mga paksa sa nabuong katitikan
ng pulong.
2. Kompleto at komprehensibo ang paglalahad ng
mga paksa sa katitikan ng pulong.
3. Malinaw na naibahagi ang katitikan ng naging
pulong.
4. Nakikitaan ng kahandaan ang pangkat sa
pagtatanghal.
5. May partisipasyon ang bawat miyembro sa
pangkat.
Kabuoan
Tanong?

You might also like