You are on page 1of 6

METRO MANILA COLLEGE

U-Site Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Senior High School (Grade 11)
S.Y. 2020 - 2021

MODYUL–7
Katitikan ng Pulong

Bb. Stephanie P. Montero


FILIPINO SA PILING LARANGAN (TEKNIKAL BOKASYONAL)
MODYUL 7
KATITIKAN NG PULONG

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


A. Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo

Ang katitikan ng pulong ay tinatawag na isang listahan o plano na napag-usapan o mga desisyon
na gagawin ng isang pangkat o grupo. Mahalagang ang katitikan ng pulong dahil nagbibigay ito ng
katuturan sa kaayusan ng daloy ng pinag-usapan.

Sa araling ito, tatalakayin ang katitikan ng pulong sa pamamagitan ng pasasaliksik ng kaalaman


kung paano ito maisasagawa ng maayos, mga dapat tandaang hakbang para sa pagsulat sa ganitong
uri ng sulatin.

Inaasahan sa araling ito na makabubuo o makakasulat ng isang katitikan ng pulong gamit ang
mga gabay sa pagsulat sa tulong ng mga bahagi nito.

Basahin at Suriin Natin!

Ang katitikan ng pulong o minutes of the meeting kung tawagin sa wikang ingles ay isang uri
ng dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon at institusyon. Itinuturing din ito na isa sa
mga anyo ng komunikasyong teknikal na kinakailangang pag-aralan upang higit na mapagbuti ang
kasanayan bilang paghahanda sa buhay propesyonal.

Pangunahing gampanin ng katitikan ng pulong ang sumusunod:

1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong.


2. Naidodokumento nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro ng pulong.
3. Nagsisilbing itong paalala sa mga miyembro kung ano ang mga inaasahang gawain na
nakaatang sa kanila, gayundin ang mga takdang petsa na inaasahan nilang matapos ang
gawain.
4. Nababatid din kung sino-sino ang aktibo at hindi aktibong nakadadalo sa pulong.
5. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa sumusunod na pulong.
FILIPINO SA PILING LARANGAN (TEKNIKAL BOKASYONAL)
Ang isang organisasyon o samahan na mahusay itong naisasagawa ay maituturing na
dinamikong samahan. Sa pamamagitan nito, makikita ang kanilang pag-unlad at mababatid na sila
ay seryoso sa kanilang trabaho o anumang gawain. Masusukat din ang kredebilidad ng isang samahan
batay sa yaman ng kasaysayan ng kanilang katitikan ng pulong bilang indikasyon ng pagkakaroon
nila ng mayayamang talakayan at mga kapasyahan.

Sa pagsasagawa ng katitikan ng pulong, may limang pangunahing hakbang na dapat na


isaalang-alang. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Paunang pagpaplano. Ang isang planadong pulong ay nagdudulot ng mainam na resulta
sa samahan at sa buong miyembro nito. Higit sa lahat, napadadali nito ang paraan ng
pagtatala ng kalihim lalo na kung detalyadong naisaayos ng tagapamuno ang hanay ng mga
usapin. Upang matamo ang paunang pagpaplano, kinakailangang tukuyin ang mga usapin o
agenda; haba ng pulong, oras, iskedyul, at lugar kung saan gagawin ang pagpupulong; mga
usapin na bibigyan ng higit na prayoridad; at mga inaasahang mosyon o pagpapasya.
2. Pagrerekord ng mga napag-usapan. Bago simulan ang recording, alamin muna kung
ano-anong impormasyon o datos ang kinakailangang maitala. Tandaan, hidni lahat ng nag-
usapan ay kailangang maging bahagi ng katitikan ng pulong, lalo na kung ang mga ito ay
maliliit at hindi gaanong mahalagang mga ideya. Gayunman, sa pangkalahatan, ang katitikan
ng pulong ay kakikitaan ng sumusunod na mga bahagi:
• Iskedyul at oras ng pulong:
• Tala ng mga dumalo, hindi nakadalo, nahuli at naunang umalis;
• Pagwawastong ginawa sa mga nakaraang katitikan ng pulong;
• Resulta ng mga kapasyahang isinagawa;
• Mga hakbang na isasagawa;
• Mga usapin mula sa nakaraang pulong at mga bagong usapin; at
• Iskedyul ng sumunod na pulong
3. Pagsulat ng napag-usapan o transkipsiyon. Ang kalihim ang may tungkuling magtala
ng katitikan. Sa sandaling matapos ang pulong, mainam na maisulat niya agad ang
impormasyon batay sa isinagawang recording upang sariwa pa sa alaala niya ang lahat ng
impormasyon. Kailangang tiyaking naitala niya ang lahat ng mahahalagang kapasyahan,
mosyon at mga dapat maisagawa. Makabubuti ring isaalang-alang ang pagiging obhetibo at
pagtatala gamit ang tiyak na panahunan o tenses. Gayundin, iwasan ang paggamit ng
pangalan ng tao maliban kung ang kaniyang sinabi ay isang mosyon at iwasan ang personal
na obserbasyon. Makatutulong din ang paglalagay ng mga apendiks kung kinakailangan at
paggamit ng detalyadong paglalagom.
4. Pamamahagi ng sipi ng katitikan ng pulong. Bilang opisyal na tagapagtala, bahagi ng
responsibilidad ng kalihim ang pamamahagi ng katitikan ng pulong sa mga opisyal ng
samahan. Bago ito isagawa, inaasahan na ito ay nalagdaan na niya at nabatid ng
tagapamuno para sa pagpapatibay ng kapulungan. Ang pamamahagi ng sipi ay maraming
pamamaraan gaya ng hard copy, e-copy, o shared copy gamit ang cloud-based tool.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (TEKNIKAL BOKASYONAL)


5. Pag-iingat ng sipi o pagtatabi. Isa rin sa maaaring responsibilidad ng tagapagtala ang
makapagtabi ng sipi bilang reperensiya sa hinaharap. Makabubuti ito sa isang samahan
upang mabalikan nila ang kasaysayan ng mga kapasyahan at pag-unlad ng kanilang
organisasyon.

Upang higit na mapaigting ang kabatiran, narito ang ilang tip sa pagsulat ng katitikan ng
pulong: mula sa: Business Training Works Inc. 2016
• Ihain ang mga usapin bago pa man simulan ang nakaiskedyul na pulong.
• Tukuyin ang pangunahing layunin ng pulong.
• Ilatag ang mga usapin o agenda.
• Piliin ang pinakamainam na metodo (laptop, notebook, recording. At iba pa).
• Siguraduhing handa ang lahat ng kinakailangan.
• Maglaan ng espasyo sa pagkuha ng mga detalye.
• Itala ang lahat ng mga kalahok sa pulong.
• Kilalanin ang lahat ng dadalo sa pulong, gayundin ang kanilang pangangailangan.
• Bukod sa pangangailangan, mainam na gawing pamilyar ang sarili sa mga tanggapan
na kanilang kinakatawan.
• Gumawa ng template ng katitikan upang mas mapabilis ang proseso ng pagtatala.
• Makinig nang may pag-iingat upang walang makaligtaang detalye.
• Itala lamang ang katotohanan at iwasan ang pagkuha sa mga opinyong walang tiyak
na batayan.
• Gawing simple at malinaw ang pagkakasulat
• Maging tiyak
• Itala ang mga mahahalagang mosyon.
• Itala rin ang mga hindi natapos na usapin, gayundin ang mga nabinbing talakayan.
• Linawin ang iyong partisipasyon sa pulong.
• Lagumin ang lahat ng mahahalagang detalye.
• Sa oras na matapos ang pulong, gawin agad ang katitikan upang walang makaligtaang
datos.
• Basahing mabuti ang katitikan bago ito ipamahagi. Mainam na tiyak at tumpal ang
lahat ng detalye gaya ng pangalan ng mga dumalo, pagpapasya at mga mosyon.
• Hingin ang aprubal ng tagapamuno ng pulong bago ito ipamahagi.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (TEKNIKAL BOKASYONAL)


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong tungo sa pagpapayabong ng kaalaman sa paksang
tinalakay.
1. Ano ang kahalagahan sa pagbuo ng isang katitikan ng pulong?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mahahalagang gampanin ng isang katitikan?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan nagiging katanggap-tanggap ang katitkan ng pulong?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Panuto: Magbigay ng sariling pagpapaliwanag sa bawat hakbang sa pagbuo ng katitikan ng pulong


upang maging maayos ito maisagawa.

1. Paunang pagpaplano
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Pagrerekord ng mga napag-usapan


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

FILIPINO SA PILING LARANGAN (TEKNIKAL BOKASYONAL)


3. Pagsulat ng mga napag-usapan o transkripsiyon
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Pamamahagi ng sipi ng katitkan ng pulong


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Pag-iingat ng sipi o pagtatabi


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Sanggunian:

Francisco, C. & Gonzales, MG. (2017) Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex Book Store Publications:
Manila City, Philippines

Carasig, M., Melanio, D., Mercado, N., Santos, F.L. & Galeon, K.J. (2016) Filipino sa Piling Larangan
Tech-Voc. Jimczyville Publications: 16 Concha St. Tinajeros, Malabon City

Villanueva, V. (2016) Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Isports at Teknikal-Bokasyonal) Vibal


Group, Inc. Araneta Avenue. Quezon City

Meeting Photo: retrieved from :


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.fenderbender.com%2Farticles%2F10
398-four-steps-to-an-effective-shop-improvement-
meeting&psig=AOvVaw3Mi5QF7vVqearD_b1GoOFG&ust=1596004586345000&source=images&cd=vf
e&ved=0CAIQjRxqFwoTCKDGx8mq7-oCFQAAAAAdAAAAABAD

FILIPINO SA PILING LARANGAN (TEKNIKAL BOKASYONAL)

You might also like