Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.
Uri ng Abstrak na pananaliksik
Deskriptibo - pangunahing ideya ng teksto;kaligiran,layunin,paksa ng papel;kuwalitatibo
Impormatibo - importanteng mga punto ng teksto; kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, konklusyon, etc; kuwantitatibo