Ang Lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Mga Uri ng Paglalagom (1) Abstrak- ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na. siyentipiko at teknikal, lektyurer, at mga report. --Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. (2) Sinopsis o Buod-- isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekatong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati. at pang anyo ng panitikan. (3) Bionote-- isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. --ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites, at iba.
sanggunian: Pinagyamang Pluma (K to 12) Filipino sa Piling Larang (Akademik), Karapatang-ari
2017 ng Phoenix Publishing House, Inc, at nina Ailene Baisa-Julian at Nestor Lontoc