You are on page 1of 3

TALAAN NG NILALAMAN

PAGPAPAKILALA SA SARILI

MALIKHAING PAGSUSULAT

ABSTRAK

SINOPSIS

BIONOTE

MEMORANDUM

PANUKALANG PROYEKTO

POSISYONG PAPEL

REPLEKTIBONG SANAYSAY

LAKBAY SANAYSAY

TALUMPATI

ABSTRAK

Ang ABSTRAK ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa


pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na
siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang
bahagi ng title page pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng
pinakabuod ng buong akademiko o ulat.
Ayon kay PHILIP KOOPMAN (1997) sa kanyang aklat na How to
Write an Abstrak, bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay
into ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko
tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya,
resulta at kongklusyon. Naiiba ito sa kongklusyon sapagkat ito ay
naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahaging ng sulatin o ulat.

MALIKHAING PAGSUSULAT
(CREATIVE WRITING)

Ang MALIKHAING PAGSULAT ay isang uri ng pagsulat na ang


pangunahing layunin ay maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin
at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na
maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng
imahinasyonh o kathang-isip lamang. Maibibilang sa uri ng pagsulat
na ito ang maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin
ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at
iba pa.

SINOPSIS/BUOD

Ang SINOPSIS/BUOD ay ang pinaikling bersyon ng mga babasahing


pang-akademikong papel. Maaaring ibuod ang isang kwentong
nabasa o napanood, nobela, aklat, pelikula o movie, mga alamat, at
iba pa. Sa pagsulat nito, kinakailangan ang masusing pagbasa at
pag-unawa sa anumang nais na ibuod. Ito ay isa sa mga
mahahalagang sulatin na kung saan makakabuo ito ng isang
balangkas na makakatulong sa mga propesyunal o mga abalang tao
sa pamamagitan ng maikli at makabuluhang sinopsis.

BIONOTE

Ang BIONOTE ay isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan


isang talata lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang
indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyunal. Taglay nito
ang pinakamaikling buod ng mga tagumpay,pag-aaral,pagsasanay
ng may akda

MEMORANDUM

Ang MEMORANDUM, na mas kilala bilang memo, ay isang maikling


mensahe o tala na ginagamit para sa panloob na komunikasyon sa
isang negosyo. Sa sandaling ang pangunahing anyo ng panloob na
nakasulat na komunikasyon, ang mga memorandum (o mga memo )
ay tinanggihan sa paggamit mula noong pagpapakilala ng email at
iba pang anyo ng electronic messaging. Ang etimolohiya ng "Memo"
ay nagmula sa Latin, "upang maalaala."
PANUKALANG PROYEKTO

Ang PANUKALANG PROYEKTO ay isang kasulatan ng mungkahing


naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang
pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatunay nito.

Ayon kay BESIRA NEBIU, ang panukalang proyekto ay isang


detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang problema o suliranin.

POSISYONG PAPEL

ang POSISYONG PAPEL , kagaya ng isang debate ay naglalayong


maipakita ang katotohanan a katibayan ng isang tiyak na isyung
kadalasan ay napapanahon at nagdulot ng magkakaibang pananaw
sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao.

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang REPLEKTIBONG SANAYSAY , ayon kay MICHAEL


STRATFORD, Isang guro at manunulat, ay isa. sa mga tiyak na uri
ng sonaysay na may kinalaman sa instropeksiyon na pagsasanay.

Ayon naman kay MORGAN, guro mula sa West Virginia University at


University of Akron, ang repektibong sanaysay ay nagpapakita ng
personal na paglago ng isang too mula sa isang mahalagang
karanasan o pangyayari."

LAKBAY SANAYSAY

Ang LAKBAY SANAYSAY ay tinatawag ding travel essay o


travelogue, Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay
maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay. Ayon kay Nonon
Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay binubuo ng tatlong konsepto
sanaysay, sanay, at lakbay. Naniniwala siyang ang sanaysay ang
pinakaepektibong. pormat ng sulatin upang maitala ang mga
naranasan sa paglalakbay.

TALUMPATI

Ang TALUMPATI ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao


na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa
mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad
ng isang paniniwala.

You might also like