You are on page 1of 23

Pagsulat ng

Replektibong
sanaysay(sining ng
paglalahad)
Ang Sining ng Paglalahad
• Ayon sa UP diksiyonaryong pilipino(binago edisyon 2010)
ang paglalahad ay isang detalyadong at
komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook
o ideya.
• Ayon naman kay JOSE ARROGANTE (2000) sa kanyang
aklat na
FILIPINO PANGKOLEHIYO:Kasiningan ,Kakayahan, at
Kasanayan sa Komunikasyon.
• “Sa english,ang paglalahad ay tinatawag na expository
writing.Madalas makita ang anyong ito sa pagtalakay
sa karaniwan natinng binabasa sa araw-araw gaya ng
aklat,mga editoryal sa diyaryo,ng mga artikulo sa mga
magasin at iba pa.
• “Ilan sa malimit na paggamit nito ay ang
pagbibigay-kahulugan,pagsunod ng
panuto,pangulong-tudling ,suring basa,ulat,balita,at
sanaysay
Upang maging mabisa o epektibo ang paglalahad,ayon sa aklat na
Sining ng Pakikipagtalastasan na ginawa ng kagawaran ng filipino
(TUP,Manila),ito ay dapat na magtaglay ng sumusunod na mga sangkop
o elemento
1.Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang
tinatalakay
2.Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan
3.Malinaw at maayos na pagpapahayag
4. Paggamit ng larawan,balangkas,at iba pang pantulog
upang madali ang pag-unawa sa pinapaliwanag
5.Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay
na nasasaklaw ng tao
Ano ba ang sanaysay??
• ang SANAYSAY ay hango sa salitang Pranses na essayer
na ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkilikin”.
• Ayon kay FRANCISCO BACON, ang sanaysay ay isang
kasangkapan upang isatinig ang mga maikling
pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay.
• Ayon naman kay ALEJANDRO ABIDALL, ang salitang
sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan
ng isang sanay na pagsasalaysay.
Ayon kay Alejandro Abadilia

• Ang sanaysay ay salaysay ng mga taong


sanay sa pagsasalaysay.
Dalawang uri ng SANAYSAY

PORMAL
Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang
maayos at mariin at bunga ng isang maingat na
pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga
kaisipan.Kung minsan tinatawag din itong impersonal o
siyentipiko sapagkat ito’y binabasa upang makuha ng
impormasyon.
IMPORMAL
Tinatawag din itong pamilyar o personal, at
nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng
katauhan ng may-akda. karaniwan itong may himig na
parang nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang
panuntuan sa buhay.Ito’y naglalarawan ng ng
pangkahulugan ng may-akda sa isang pangyayari sa
buhay,nagtatala ng kanyang pagbubulay-bulay,at
naglalahad ng kanyang kuro-kuroo palapalagay.
May labindalawang natatanging uri ng
SANAYSAY
• Nagsasalaysay
• Naglalarawan
• Mapag-isip o Di practical
• Kritikal o Mapanuri
• Didaktibo o Nangangaral
• Nagpapaalala
• Editoryal
• Makasayentipiko
• sosyopolitikal
• Sanaysay na Pangkalikasan
• Sanaysay na Bumabalangkas sa isang tauhan
• magpagdili-dili o replektibo.
Karaniwang hinahati naman ang
kabuoan ng sanaysay sa tatlo:
Panimula
=Tandaang ito ay dapat ay nakatatawag ng pansin o
nakakapukaw sa damdamin ng mga mambabasa.

Katawan
= katawan o pinakanilalaman ng akda ay ka
na kailangang maging mayaman sa kaisipan.
Wakas
=Sa wakas na sanaysay,karaniwang nababasa ang
pangkalahatang impresyon ng may-akda.Maaring ilahad sa
bahaging ito ay buod o kongklusyon ng sumulat.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
• Ang replektibong sanaysay ayon kay MICHAEL
STRATFORD,isang guro at manunulat,ay isa sa mga tiyak
na uri ng sanaysay na may kinalaman sa intropeksiyon
na pagsasanay.
• Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na
naiisip,nararamdaman,pananaw,at damdamin hinggil sa
isang paksa at kung paano ito nalikha ng epekto sa taong
sumulat nito.
• Ang Replektibong sanaysay ay kadalasang
nakabantay sa karanasan niya mula sa nilalaman
nito masasalamin ang pagkatao ng sumulat.

• ayon kay KORI MORGAN ,guro mula sa West Virginia


University at University of Arkon,ang
Replektibong sanaysay ay nagpapakita ng
personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari.
mga halimbawa ng mga paksang maaring
gawan ng replektibong sanaysay;
• Librong katatapos lamang basahin
• Katatapos na proyekto higgil sa pananaliksik
• Pagsali sa isang pansibikong gawain
• Praktikum tungkol sa isang kurso
• Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
• Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
• Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teretoryo sa west
philippine sea
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
replektibong sanaysay
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng
nilalaman ng sanaysay
2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip.
Tanggap na, na gamitin ang mga panghalip na ako, ko,
at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal
na karanasan
3. tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na
karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o
patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o
katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito.
Tandaan ito ay kabilang sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pag sulat nito.
Gaeing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing
pag papliwanag ng mga ediya o kaisipam upang maipabatid
ang mensahe sa mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahgi sa pag sulat
ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at konklusiyon.
7. Gawing lohikal at organisado ang pag kakasulat ng mga
talata.
• Pag lutas sa isang mabigat na suliranin
• Isang natatangning karanasan bilang mag aaral
• At maarami pang iba.
4. Gumamit ng angkop na pormal na salita.
5. Gumamit ng tekstong nag lalahad.
6. Kailangan sumunod sa istruktura ng sanaysay.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng iyong
akda.
Mga hakbang sa pagsulat ng Replektibong
Sanaysay
1. ito ay dapat na nag tataglay ng introduksiyon, katawan at
wakas o kongklusyon.
2. Sa pagsulat ng simula, tandaan ito ay dapat na
makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa. Maaring
gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o
quotation, tanong, anekdota, karanasan at iba pa.
Sundan agad ito ng pag papakilala ng paksa at layunin
ng pagsulat na siyang nag sisilbing preview ng kabuoan
ng sanaysay. isulat ito sa loob lamang ng isang talata
3. Sa pagsulat naman ng katawan, dito inilalahad ang mga
pantulong o kaugnayan nakaisipan tungkol sa paksa o tesis
na inilalahad sa panimula. Maglagay sa bahaging ito ng
mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o
naranasan upang higit na mapag tibay ang iyong
kaisipanng iyong ipinapaliwanag.
4. pag-isipan ding mabuti kung paano mo tatapusin ang
iyong replektibog sanaysay.
MAIKLING PAG SUSULIT TUNGKOL SA PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY
1-3. Ano ang tatlong karaniwang humahati sa sanaysay?
4-5. Ibigay ang dalawang uri ng sanaysay.
6. Ayon sa ____ ang paglalahad ay isang detalyado at
komprehensibong pag papaliwanag ng isang bagay, pook o
ediya?
7-11.Mga dapat isaalang alang sa pagsulat ng
replekytibong sanaysay upang maging mabisa o epektibo
ang paglalahad ito ay dapat na magtaglay ng mga _____.
12-15. Ibigay ang apat na hakbang sa pag sulat ng
replektibong sanaysay

You might also like