You are on page 1of 4

TEKSTONG IMPORMATIBO

 Uri ng teksto na kapupulutan ng kaalaman.


 Nakaiipon ng kaalaman sa pagbabasa nito
 Layunin nito na maghatid ng kaalaman, magpaliwanag ng mga ideya, magbigay kahulugan sa ideya, maglatag ng
mga panuto o direksiyon, ilarawan ang anumang bagay na ipinaliliwanag, at magturo.
 Uri ng babasahing di-piksyon
 Isinulat ito sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa.
 Maaring nasa wikang madaling maunawaan ng karaniwang mambabasa
 Ang iba ay may kasamang Biswal na representasyon tulad ng grap upang maging mas Madali ang pag-unawa sa
mga datos.

MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Magasin
 Batayang Aklat
 Mga Aklat Sanggunian
 Pananaliksik
 Artikulo
 Balita
GABAY SA PAGBASA SA TEKSTONG IMPORMATIBO

Narito ang ilang mahahalagang tanong na maaring gamiting gabay sa pagbabasa ng tekstong impormatibo.

Layunin ng may-akda

 Ano ang hangarin ng may -akda sa kaniyang pagsulat?


 Malinaw bang naipakita sa teksto ang layunin ng may-akda na makapagpaliwanag o magbigay ng impormasyon?
 Anong impormasyon ang nais ipaalam ng may-akda sa mambabasa?

Mga pangunahin at suportang ideya

hal.Pangunahing paksa-Pagawa ng Bio-gas


Suportang detalye-ginagawang gas para sa pagluluto,ginagamit pang abono
 Tungkol saan ang teksto?
 Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
 Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?
Hulwarang organisasyon-ito ay isang kronolohikal na paglalahad ng mga detalye ng pangyayari o karanasan

 Paano inilahad ang mga suportang ideya?


 Ano ang hulwaran ng organisasyon na ginamit sa paglalahad ng mga detalye sa teksto?
 Maayos bang naihanay at naorganisa ang mga ideya gamit ang mga hulwarang organisasyon sa pagbasa?

Talasalitaan

 Gumamit ba ng mga salita o terminolohiya n di-karaniwang ginagamit sa normal na pakikipag-usap at ginagamit


lamang sa mga teknikal na usapin? Ano-ano ito?
 Matapos Mabasa ang teksto, naibigay ba nito ang lahulugan ng mga ginagamit na di-kilalang salita o
terminolohiya?
 Ano-anong impormasyon ay ng mga terminolohiyang ito ang tinalakay sa teksto?

Kredibilidad ng mga impormasyong nakasaad sa teksto

 Bagong kaalaman o impormasyon ba ang ibinabahagi ng teksto?


 Kung oo, sapat ba ang mga suportang detalye na tumatalakay sa bagong kaalamang ito?
 Nabanggit bas a teksto ang mga pinagkuhanan ng ideya o impormasyon?
 Mul aba sa kilala at mapagkakatiwalaang material ang mga nakasaad na impormasyon?
 Kaya bang mapatunayan kung gaano katotoo ang impormasyong nakasaad sa teksto?

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

GINAGAMIT SA HULWARANG ORGANISASYON NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Kahulugan
 Pag-iisa-isa
 Pagsusuri
 Paghahambing
 Sanhi at Bunga
 Suliranin at Solusyon
TEKSTONG DESKRIPTIBO O NAGLALARAWAN

 .

 Ginagamit ang paglalarawan sa halos lahat ng uri ng teksto upang magbigay ng karagdagang detalye at nang
tumatak sa isipan ng mambabasa ang isang karanasan o imahe ng paksang tinatalakay.
 Ginagamit bilang pandagdag o suporta sa mga impormasyonng inilalahad ng tekstong impormatibo at sa mga
pangyayari o kaganapang sinasalaysay sa tekstong naratibo
 Payak lamang ang paglalarawan, o kaya’y mas malinaw na nakapupukaw sa ating limang pandama- paningin,
pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama-upang kongreto ang paglalarawan sa isip ng mambabasa.

Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo


 Mga akdang pampanitikan suring-basa
 Talaarawan obserbasyon
 Talambuhay sanaysay
 Polyetong panturismo rebuy ng pelikula o palabas

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

May dalawang paraan ng paglalarawan upang makamit ang layon ng tekstong deskriptibo.

Karaniwang Paglalarawan

 Tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ng mga pang-uri at
pang-abay.

Masining na Paglalarawan

 Malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongretong imahe tungkol sa inilalarawan.
 Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang bagay, karanasan, o pangyayari
 Ang masining na pagamit ng wika ay nagagawa sa tulong ng mga tayutay upang ihambing ang paksa sa isang
bagay na mas malapit sa karanasan o alaala ng mambabasa.

You might also like