You are on page 1of 20

TEKSTONG IMPORMATIBO:

PARA SA IYONG KAALAMAN


TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo ay isang


anyo ng pagpapahayag na naglalayong
magpaliwanag, at magbigay ng
impormasyon.
Sinasagot nito ang mga tanong na ano,
sino, saan, kailan, at paano. Sa ibang
terminolohiya, tinatawag din itong
ekspositori.
Upang mas madaling maunawaan ang
tekstong impormatibo, ang manunulat ay
gumagamit ng iba’t ibang pantulong upang
gabayan ang mga mambabasa na mabilis na
hanapin o maunawaan ang iba’t ibang
impormasyon.
Ang ilan sa mga halimbawa ng mga pantulong
ay talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo
para sa mahahalagang bokabularyo. Maaari
ding gumamit ang mga manunulat ng mga
larawan, ilustrasyon, at kapsiyon para sa
larawan, graph, at talahanayan
GAANO KAHALAGA ANG
TEKSTONG IMPORMATIBO?
Nakatutulong itong hasain ang ating kaisipan
tungkol sa mga bagay, pangyayari o isyung
panlipunang nagaganap sa ating kapaligiran.
Napauunlad din nito ang iba pang kasanayan o
estratehiya gaya ng pagbabasa, pagtatala,
pagtukoy ng mahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri, at
pagpapakahulugan ng impormasyon.
MGA URI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo
ayon sa estruktura ng paglalahad nito. Ang
mga estrukturang ito ay, sanhi at bunga,
paghahambing, pagbibigay-depinisyon o
paglalahad, at pagkaklasipika.
A. SANHI AT BUNGA
Ito ay estruktura ng paglalahad na
nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangyayari at kung paanong
ang kinalabasan ay naging resulta ng
mga naunang pangyayari.
B. PAGHAHAMBING

Kadalasang nagpapakita ng pagkakaiba


at pagkakatulad sa pagitan ng anumang
bagay, konsepto, o pangyayari ang
tekstong ito.
C. PAGBIBIGAY - DEPINISYON O
PAGLALAHAD

Ipinaliliwanag ng ganitong uri ng tekstong


impormatibo ang kahulugan ng isang salita,
termino, o konsepto.
D. PAGKAKLASIPIKA
Ang estrukturang ito ay kadalasang
naghahati-hati ng isang malaking
paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya
o grupo upang magkaroon ng sistema
ang pagtalakay.
Ayon kay Yuko Iwai, mahalagang hasain ng
isang mahusay na mambabasa ang tatlong
kakayahan upang unawain ang mga
tekstong impormatibo.
MGA KASANAYAN SA PAGBASA NG
TEKSTONG IMPORMATIBO
Pagpapagana ng imbak na kaalaman
Pagbuo ng hinuha
Pagkakaroon ng mayamang
karanasan
PAGPAPAGANA NG IMBAK NA
KAALAMAN

Ito ay may kinalaman sa pag-alala ng mga


salita at konseptong dati nang alam na
ginamit sa teksto upang ipaunawa ang mga
bagong impormasyon sa mambabasa.
PAGBUO NG HINUHA

Ito ay may kinalaman sa pagbasa ng mga


bahagi ng teksto na hindi gaanong
malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay
nito sa iba pang bahagi na malinaw.
PAGKAKAROON NG MAYAMANG
KARANASAN

Isang karanasan na tumutulong sa atin upang


mahubog ang ating kaisipan. Nagiging
pundasyon ito ng mayamang kaalaman dahil
madalas na nagagamit natin ito sa mga
sitwasyon kung tinatawag ng pangangailangan.
PAGGAMIT NG MGA
PANANDANG DISKURSO
BILANG COHESIVE DEVICE
Paggamit ng mga salitang pantransisyon gaya ng una,
ikalawa, ikatlo, huli at marami pang iba. Maaaring
ang estruktura ng teksto ay pag-iisa-isa o paglilista.
Paggamit ng mga salitang pantransisyon na nagpapakita
ng kontradiksiyon o pagpapalit ng ideya gaya ng
gayunpaman, ngunit, o sa isang banda, kailangang
maunawaan na ang kasunod nito ang isang ideya na
taliwas sa nauna nang binasa.

You might also like