You are on page 1of 8

URI NG TEKSTONG

IMPORMATIBO
Ano ba ang Tekstong Impormatibo?
- Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay
makapagbigay ng impormasyon naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa
paksang tinatalakay sinasagot nito ang mga tanong na ano, kailan, saan, sino at
paano.
- Sa ibang terminolohiya tinatawag din itong "ekspositori" dahil layunin nitong
maghatid ng tiyak na impormasyon dapat ito ay madaling unawain.
- Sa pagsulat ng tekstong impormatibo ang mga manunulat ay gumagamit ng ibat-
ibang pantulong upang magabayan ang mga mambabasa para mas mabilis na
lang maunawaan ng impormasyon ang ilan sa halimbawa ng mga pantulong ay
talaan ng nilalaman, index at glosaryo. Maaari ding gumamit ang mga manunulat
na mga larawan,ilustrasyon,kapsyon graph at talahanayan.
Gaano ba kahalaga ang Tekstong Impormatibo?
- Dahil ang layunin nito ay magpaliwanag nakatutulong itong hasain ang ating
kaisipan tungkol sa mga bagay,pangyayari o isyung panlipunan nagaganap sa
ating kapaligiran.
- Napapatalas din nito ang iba pang kakayahang pangwika katulad ng
pagbabasa ,pagsusuri ,pagpapakahulugan at marami pang-iba.
- Ayon sa mga pananaliksik nakatutulong daw ang pagbabasa ng mga tekstong
impormatibo sa murang edad pa lamang upang mas magkaroon ng matibay na
pundasyon ang kanilang kaisipan.
Ibat-ibang uri ng Tekstong
Impormatibo depende sa
istruktura ng paglalahad nito
Sanhi at Bunga
- ito ay isang uri ng tekstong impormatibo nanagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangyayari. Inilalahad dito ang dalawang sitwasyon tungkol sa naunang
pangyayari at kung ano ang pwedeng maging resulta o nanging resulta nito. Ang
focus nito ang tanong na bakit nangyari ang mga bagay at kung ano ang naging
resulta nito. halimbawa ang mga tekstong may pamagat na:
- TV
- Pagkaubos ng yamang-dagat sa asya
- Paglaganap ng sakit na COVID-19 at •
- Mga dahilan ng hindi pagpasa ng modyul ng mga mag-aaral sa senior high
school.
Ang Pagbibigay Depinisyon
- sa ganitong uri ng tekstong impormatibo ipinaliliwanag ng manunulat ang
kahulugan ng isang salita terminolohiya o konsepto.
Ang Paghahambing
- Ito naman ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit na
anong bagay konsepto at maging pangyayari.
Ang Paglilista ng Klasipikasyon / Klasipikasyon
- Sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay hinahati sa ibat-ibang kategorya upang
magkaroon ng sistema ang talakayan.
- Sa uring ito ng teksto ,ang manunulat ay nag-uumpisa sa paglalahad ng
kahulugan ng paksa sa pangkalahatan ,pagkatapos ay hatiin ito batay sa uri o
klasipikasyon nito.

You might also like