You are on page 1of 3

TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspository,ay


isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay
ngimpormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano,
kailan, saan,sino at paano. Pangunahing layunin ng imporma bong teksto ang
magpaliwanag ngmambabasa ng anomang paksa na matatgpuan sa tunay na
daigdig. Kaiba sa pikisyon,nag lalahad ito ng mga kwento ng mga tunay na tao o
nagpapaliwang ng mgakonseptong naka batay sa mga tunay na pangyayari.

Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga


impormasyon na matatagpuan sa diskyunaryo,encyclopedia, o almanac, papel-
pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa dyaryo.

Upang mas madaling maunawaan ang anumang tekstong


impormatibo,kadalasang gumagamit ang manulat ng iba’t ibang pantulong upang
gabayan angmambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon.
Kabilang ang:

1.Talaan ng nilalaman

2.!ndex

3.Glosaryo para sa mahalagang bokabolaryo

4. Larawan at ilustrasyon

5.Kapsyon

6(.Palatandaan para sa mga lawawan, graph, at talahayan

Iba’t Ibang uri ng Tekstong impormatibo

May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo depende sa estraktura ng paglalahad


nito. Ang mga estrakturang ito ay

1.Sanhi at bunga
2.Paghahambing

3.Pagbibigay depenisyon

4.Paglilista ng klasipikasyon

Sanhi at bunga---Ito ay estraktura ng paglalahad na nagpapakita ng


pagkakaugnay-ugnayng mga panyayai at kung paanong ang kinalalabasan ay
naging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa uring nito, ipinaliliwanag ng
manunulat ang mailinaw narelasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa
kung bakit nangyari ang mga bagay 0 sanhi- at ano ang resulta nito o bunga-.

Paghahambing---Ang mga tekstong nasa ganitong estraktura ay kadalasang


nagpapakita ngmga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay,
konsepto, o pangyayari.

Pagbibigay-depenisyon---pinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang


salita, termino, o konsepto. )aaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong
bagay gaya ngkatarungan, pagkakapantay+pantay, o pag-ibig, sa ganitong uri ng
tekstongimpormatibo, mahalagang pag+ibahin ang mga kahulugang denotatibo o
konotatibo.

Paglilista at klasipikasyon.---Ang estrukturang ito naman ay kadalsang naghahati-


hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang
magkaroon ng sistemaang pagtalakay. pagsisimula ang manunulat sa pagtalakay
sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos bigyang depinisyon at halimbawa ang
iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito sa kabuuan, mas madaling
nauunawaan ang kaghulugan ng isang tekstokung agad na nakukuha ng
mambabasa ang gamit na padron o estruktura ngpaglalahad ng manunulat sa
isang tekstong impormatibo. Kapag naunawaan angestruktura, nabubuo sa sip ng
mambabasa ang kabuuang balangkas na nakatutulongsa kaniya upang unawain
ang kahulugan at ugnayan ng bawat bahagi nito.
Ayon - sa artikulung “Developing ESL/EFL Learner’s Reading Crisis: Why poor
Children Fall Behind” mahalagang hasaain ng isang mahusay na mamababasa ang
tatlong kakayahan upang unawain ang mga tekstongimpormatibo. Ang mga
kakayahang ito ay ang pagpapagana ng mga imbak nakaalaman, pagbuo ng mga
hinuha, pagkakaroon ng mayamang karanasan.

Pagpapagana ng imbak na kaalaman ay kinalaman sa pag-alala ng mga salita at


konseptong dati ng alam naginagamit sa teksto upang ipaunawa ang mga bagong
impormasyon sa mambabasa.Halimabwa kung nagbabasa ang isang mag-aaral
tungkol sa iba’t ibang uri ng pamumuno, maari niyang balikan ang nauna na
niyang nalalaman tungkol sa presidente, minister, o iba pang uri ng pinuno upang
iugnay sa mga impormasyon.

Pagbuo ng hinuha -ay may kinalaman sa pagbasa ng mga bahagin ng teksto na


hindi gaanong malinaw. Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng
isang bahagi na hindi direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto. Mahalagang
sanayin ng isang mambabasaang kriTIkal na pag-iisip sa ganitong mga kaso upang
hindi maantala ang pagbabasa sakabuoan ng teksto.

Pagkakaroon ng mayamang karanasan

Mahalaga rin ang pagkaroon ng mayang karansan sa pagbasa ng iba’t ibangteksto


at pagdanas sa mga ito.halimbawa. Kung ang isang mambabasa ay may malawak
na karanasan at pag-unawa saiba’t ibang uri ng hayop, mas magiging madali na sa
kaniya ang pagbuo ng mgakategorya at pagunawa sa iba’t ibang grupo nito sa
batay sa mga katangiang kaniyanang nasaksihan

You might also like