You are on page 1of 10

TEKSTONG

IMPORMATIBO
Group 1
ANO ANG KAHULUGAN NG
TEKSTONG IMPORMATIBO?

• Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng


pagpapahayag na ang layunin ay
makapagbigay ng impormasyon.

• Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag


sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang
mga tanong na ano, kailan, saan, sino at
paano. Sa ibang terminolohiya, tinatawag
din itong “ekspositori”.
• Dahil layunin nitong maghatid ng tiyak na impormasyon,
dapat ito ay madaling unawain. Sa pagsulat ng tekstong
impormatibo, ang mga manunulat ay gumagamit ng iba’t-
ibang pantulong upang magabayan ang mga mambabasa
para mas mabilis nilang maunawaan ang impormasyon. Ang
ilan sa halimbawa ng mga pantulong ay talaan ng nilalaman,
index at glosaryo.

• Maari ding gumamit ang mga manunulat ng mga larawan,


ilustrasyon, kapsyon, graph at talahanayan.
 
• Sa pagbuo ng tekstong impormatibo, mahalagang isaalang-alang
ang katumpakan ng nilalaman.

• Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na


kaalaman sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga
sangguniang pinagbabasehan.

• Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay


kailangang mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makakabuti
rin kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaring
makatulong upang maunawaan ng mambabasa ang mga isyu sa 
lipunan.
ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
TEKSTONG IMPORMATIBO AY:
• Diksyunaryo
• Encyclopedia
• Almanac
• Pamanahong papel o pananaliksik
• Siyentipikong ulat
• At mga balita sa pahayagan.
IBA’T-IBANG URI
NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
MAYROONG IBA’T-IBANG URI ANG TEKSTONG
IMPORMATIBO BATAY SA KUNG ANO ANG
ESTRAKTURA NG PAGKAKALAHAD NITO. ITO AY
MAARING MAGLAHAD NG :

Sanhi at bunga
• Uri ng tekstong impormatib na naglalahad ng ugnayan
ng mga pangyayari. Nagpapakita ito ng direktang
relasyon sa pagitan ng bakit nangyari ang pangyayari
(sanhi) at kung ano ang naging resulta nito (bunga).
• Ito ay nagpapaliwanag sa kung paano nakaapekto ang
mga pangyayari sa nakaraan sa mga kaganapan sa
kasalukuyan at maging sa hinaharap.
Paghahambing
• Ito naman ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa
pagitan ng kahit anong bagay, konsepto, at maging
pangyayari.

Pagbibigay ng depinisyon
• Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, ipinapaliwanag ng
manunulat ang kahulugan ng isang salita, terminolohiya, o
konsepto.
Paglilista ng Klasipikasyon
• Sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay hinahati sa iba’t-
ibang kategorya upang magkaroon ng sistema ang talakayan.
Sa uring ito ng teksto, ang manunulat ay nag-uumpisa sa
paglalahad ng kahulugan ng paksa sa pangkalahatan,
pagkatapos ay hahatiin ito batay sa uri o klasipikasyon nito.
IYON LAMANG,
MARAMING SALAMAT!

You might also like