You are on page 1of 11

Tekstong Impormatibo:

Para sa Iyong Kaalaman


Aralin 3
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Matukoy ang kahulugan at kahalagahan ng tekstong


impormatibo
• Maisa-isa ang iba’t ibang estruktura ng tekstong impormatibo
• Maipaliwanag ang mga kakayahan sa pagbasa ng tekstong
impormatibo
Daloy ng Talakayan

• Mga Kahulugan at Kahalagahan ng Tekstong Impormatibo


• Iba’t ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo
• Mga Kakayahan sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo
Kahulugan at Kahalagahan ng Tekstong Impormatibo
• Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag
na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang
tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.

• Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan
sa diskyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga
balita sa diyaryo.

• Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba
pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri, at pagpapakahulugan ng impormasyon.
• Upang mas madaling maunawaan ang anomang tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit ang
manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t
ibang impormasyon. Kabilang dito ang talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo para sa mahahalagang
bokabularyo, mga larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan,
graph, at talahanayan.
Iba’t ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo
• Ito ay estruktura ng paglalahad na
Sanhi at Bunga nagpapakita ng
pagkakaugnayugnay ng mga
pangyayari at kung paanong ang
Paghahambing kinalabasan ay naging resulta ng
mga naunang pangyayari.
• Sa uring ito, ipinaliliwanag ng
Pagbibigay-depinisyon manunulat ang malinaw na
relasyon sa dalawang bagay at
nagbibigay ng pokus sa kung bakit
Paglilista ng Klasipikasyon nangyari ang mga bagay (sanhi) at
ano ang resulta nito (bunga).
Iba’t ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo

Sanhi at Bunga
• Ang mga tekstong nasa
ganitong estruktura ay
Paghahambing kadalasang nagpapakita ng
mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng
Pagbibigay-depinisyon anomang bagay, konsepto,
o pangyayari.
Paglilista ng Klasipikasyon
Iba’t ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo
• Ipinaliliwanag ng ganitong uri
ang kahulugan ng isang salita,
Sanhi at Bunga termino, o konsepto. Maaaring
ang paksa ay tungkol sa isang
konkretong bagay gaya ng uri ng
Paghahambing isang hayop, puno, o kaya naman
ay mas abstraktong mga bagay
gaya ng katarungan,
Pagbibigay-depinisyon pagkakapantay-pantay, o pag-
ibig.
• Sa ganitong uri ng tekstong
Paglilista ng Klasipikasyon impormatibo, mahalagang pag-
ibahin ang mga kahulugang
denotatibo o konotatibo.
Iba’t ibang Estruktura ng Tekstong Impormatibo
• Ang estrukturang ito naman ay
Sanhi at Bunga kadalasang naghahatihati ng isang
malaking paksa o ideya sa iba’t
ibang kategorya o grupo upang
Paghahambing magkaroon ng sistema ang
pagtalakay.
• Nagsisimula ang manunulat sa
Pagbibigay-depinisyon pagtalakay sa pangkalahatang
kategorya at pagkatapos ay
bibigyang-depinisyon at
Paglilista ng Klasipikasyon halimbawa ang iba’t ibang
klasipikasyon o grupo sa ilalim
nito.
Mga Kakayahan sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo
• Ang pagpapagana ng imbak na kaalaman ay
may kinalaman sa pag-alala ng mga salita at
konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto
upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon
sa mambabasa. Halimbawa, kung nagbabasa
ang isang mag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri
ng pamumuno, maaari niyang balikan ang
nauna na niyang nalalaman tungkol sa
presidente, minister, o iba pang uri ng pinuno
upang iugnay sa mga bagong matutuklasang
impormasyon. Ang pag-alala at pagbuo ng
ugnayan ay makatutulong upang mabilis na
maunawaan ang isang teksto.
Mga Kakayahan sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo
• Ang pagbuo ng hinuha naman ay may
kinalaman sa pagbasa ng mga bahagi ng
teksto na hindi gaanong malinaw sa
pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba
pang bahagi na malinaw. Ito ay matalinong
paghula ng maaaring kahulugan ng isang
bahagi na hindi direkta o tahasang
ipinaliwanag sa teksto. Mahalagang sanayin
ng isang mambabasa ang kritikal na pag-
iisip sa ganitong mga kaso upang hindi
maantala ang pagbasa sa kabuuan ng teksto.
Mga Kakayahan sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo
• Mahalaga rin ang pagkakaroon ng
mayamang karanasan sa pagbasa ng
iba’t ibang teksto at pagdanas sa mga
ito. Halimbawa, kung ang isang
mambabasa ay may malawak na
karanasan at pag-unawa sa iba’t ibang
uri ng hayop, mas magiging madali na
sa kaniya ang pagbuo ng mga kategorya
at pag-unawa sa iba’t ibang grupo nito
batay sa mga katangiang kaniya nang
nasaksihan. Sa ganitong pagkakataon,
mas nagiging konkreto ang pagbabasa
para sa mag-aaral dahil alam nila kung
ano ang tinutukoy sa teksto.

You might also like