You are on page 1of 17

RIMBERIO CO

MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG

PAGBASA
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
MGA KASANAYAN SA

AKADEMIKONG

PAGBASA
Isang mahalagang kasanayan ang pagbasa. Kaakibat

ng pagbabasa ay ang pag-unawa at pagkuha ng

kaalaman at mahahalagang impormasyon. Tampok sa

yunit na ito ang mga kasanayan sa akademikong

pagbasa.

Sa kabuuan, nakapaloob sa yunit na ito ang pagtukoy

sa layunin, damdamin, tono, at pananaw ng teksto;

pagtukoy sa hulwaran ng organisasyon; pagbuo ng

lagom at kongklusyon; at pagbibigay ng

interpretasyon sa mapa, tsart, grap, at talahanayan.


RIMBERIO CO

PAGTUKOY SA LAYUNIN,

DAMDAMIN, TONO, AT

PANANAW NG TEKSTO
Aralin 1
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral

ay inaasahang natutukoy ang layunin,

damdamin, tono, at pananaw ng teksto.

• Ano ang akademikong pagbasa?


• Bakit importanteng maunawaan ang layunin ng teksto?
• Paano matutukoy ang tono, damdamin, at pananaw ng teksto?
Pag-aralan Natin
Ang akademikong pagbasa ay may kinalaman sa kritikal na

AKADEMIKONG pag-alam o pagtuklas ng kahulugan o kabuluhan ng isang

teksto. Higit sa pagtukoy sa sinasabi o mensahe nito, inaalam

dito kung paano inilalahad ng may-akda ang kaniyang mga

PAGBASA ideya. May mga kasanayang ginagamit at pinauunlad sa

akademikong pagbasa upang maging produktibo at

makabuluhan ang pagbabasa. Pag-aaralan natin sa araling ito

ang unang tatlong kasanayan.


RIMBERIO CO

MGA KASANAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG


AKADEMIKONG PAGBASA
Pag-unawa sa Layunin
Ang layunin ay ang tunguhin o nais mangyari

01 o makamit ng may-akda sa pagbabasa.

Maaaring malaman ang layunin sa tulong ng


mga sagot ng sumusunod na
tanong:
• Bakit isinulat ng may-akda ang teksto?
• Anong mga salita o sipi mula sa teksto ang nakapagsasabi ng layunin ng may-akda sa
teksto?
• Nais ba ng may-akda na manlibang o magbigay ng impormasyon?
• Nais ba ng may-akda na magbahagi ng kaniyang opinyon o mangaral?
• Ano ang pangkalahatang layunin ng isang teksto?
• Ano-ano ang espesipikong layunin ng isang teksto?
RIMBERIO CO

MGA KASANAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG


AKADEMIKONG PAGBASA
Pagtukoy sa Tono at Damdamin ng Teksto
Ang tono ay ang saloobin ng may-akda sa paksang kaniyang
02 isinulat. Maaaring sumulat ang may-akda ng tekstong nagpapakita
ng galit, tuwa, inis, at lungkot. Naipakikita ito sa pamamagitan ng
piling mga salita o sa mismong paglalarawan. Maaaring malaman
ang tono sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong:

• Ano ang damdamin ng may-akda tungo sa paksang kaniyang isinulat?


• Ano-ano ang salitang ginamit ng may-akda para maipakita ang kaniyang tono?
• Tuwiran ba ang tono ng may-akda o nagbago ito sa katapusan ng kaniyang

akda?
RIMBERIO CO

MGA KASANAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG


AKADEMIKONG PAGBASA
Pagtukoy sa Tono at Damdamin ng Teksto
Samantala, ang damdamin ay tumutukoy sa emosyong nalilikha sa isip
ng mambabasahabang at pagkatapos niyang basahin ang akda. Maaari
02 ding makaramdam ng galit, tuwa,inis, at lungkot ang mambabasa mula sa
pagbabasa ng teksto. Subhetibo ito at angmakasasagot lamang ay ang
mambabasa. Maaaring magabayan ang mambabasa sapagtukoy sa
kaniyang damdamin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na
tanong:

• Ano ang naramdaman ko habang nagbabasa ng akda?


• Ano ang naramdaman ko pagkatapos basahin ang akda?
• Saang bahagi ng teksto ko naramdaman ang damdaming ito?
RIMBERIO CO

MGA KASANAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG


AKADEMIKONG PAGBASA
Pagtukoy sa Pananaw ng Teksto
Ang pananaw ng teksto ay ang nais sabihin o
03 ipahayag ng may-akda tungkol sa isinulat na
paksa. Maaaring malaman ang pananaw sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na
tanong:
• Ano-ano ang paniniwala o opinyon ng may-akda sa paksang kaniyang isinulat?
• Personal at subhetibo ba ang pagtalakay ng may-akda sa kaniyang paksa o pawang mga

katunayan lamang at obhetibong pananaw ang kaniyang ginamit sa pagsulat?


• Anong bahagi ng buhay ng may-akda ang maaaring nakaiimpluwensiya sa kaniyang

pananaw?
PAGTUKOY SA

HULWARAN NG

ORGANISASYON
Ang isang manunulat ay palaging

gumagamit g balangkas o outline, o

maaaring graphic organizer na

kaniyang sinusundan upang maging

sistematiko at organisado ang

kaniyang mga ideya. Ang paraan ng

pagkakaayos ng kaniyang mga ideya

ay tinatawag na hulwaran (pattern)

ng organisasyon.
ANO NGA BA ANG IBAT

IBANG URI HULWARAN NG

ORGANISASYON

Bilang mga mambabasa, maaaring

hindi tayo pamilyar na ang iba't ibang

uri ng teksto ay may kani-kaniyang

hulwaran ng pagkakaayos ng mga

ideya.

ATIN NG ALAMIN!
Mga Uri ng Hulwaran ng Organisasyon
Kronolohikal Malalaman kung kronolohikal ang
Para sa mga akdang nagkukuwento at hulwaran ng organisasyon kapag
naglalahad ng proseso, mahalaga ang gumagamit ang teksto ng mga
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang o salitang naglalahad ng
pangyayari para mailahad ang salaysay o
makamit ang inaasahang resulta. Sa mga
pagkakasunod-sunod, gaya ng noong
tekstong naratibo at prosidyural, ang una, sunod, pagkatapos, at sa huli.
hulwaran ng organisasyon ay kronolohikal.
Paglalahad ng sanhi at bunga

Kapag ang may-akda ay naglalahad ng


dahilan at epekto ng isang pangyayari,
na matatagpuan sa mga tekstong
impormatibo, maaaring ipalagay na
ang hulwaran ng organisasyon ay
paglalahad ng sanhi at bunga.

Malalaman natin kung sanhi at


bunga ang hulwaran ng
organisasyon kapag gumagamit ang
teksto ng mga salitang dahil, sa,
kasi, sapagkat, epekto ng, kaya, kaya
naman, dahil dito, bunga nito, at iba
pa.
Paghahambing

May mga pagkakataon namang sa mga tekstong


diskriptibo at impormatibo ay may paksang
kailangang pagtularin at pag-ibahin. Dahil
mahalaga rito na makita kung paano nagkakaiba
at nagkakapareho ang tao, bagay, pangyayari, o
ideya na pinag-uusapan, ang hulwaran ng
organisasyong gingamit ay ang paghahambing.

Malalamang paghahambing ang


hulwaran ng organisasyon kapag
gumagamit ang teksto ng mga
salitang tulad ng, pareho sa,
kapares ng, kaiba sa, laban sa, at
iba pa.
Pagbibigay ng depinisyon o kahulugan, Pagbibigay
ng klasipikasyon, at Paghahalimbawa

Para sa anumang uri ng teksto na kailangang


magbigay linaw ng mga konsepto, maaaring piliin
ang isa sa mga hulwarang ito: pagbibigay ng
depinisyon at kahulugan, sa tuwing kailangang
magbigay ng depinisyon; pagbibigay ng
klasipikasyon,

sa tuwing ipinagsasama-sama ayon sa


mga piling kategorya ang mga nakalistang
tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, o
ideya; at paghahalimbawa, kapag ang
may-akda ay nagbibigay ng mga
halimbawa bilang suporta sa paksang
kaniyang inilalahad.
RIMBERIO CO

SALAMAT

You might also like