You are on page 1of 4

Tekstong Ekspositori

Ang tekstong ekspositori ay bunga ng pagpapahayag na ang layunin ay gumawa


ng malinaw, sapat at walang kinikilingang pagpapaliwanag sa ano mang bagay na
nasasaklaw ang isip ng tao.
- Sinasaklaw ng tekstong ekspositori ang pinakamalaking bahagi ng binabasa
at sinusulat ng tao.
- Obhetibo ang pinatutunguhan ng mga paglalahad.
- Maayos na naipapakita ang ideya o kaisipan.

MGA URI NG TEKSTO


Impormatibong Teksto
- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman
ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan
Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita

Deskriptibong Teksto
- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa
pisikal na katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay
tumutugon sa tanong na ano.
Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan.

Persuweysib na Teksto
- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat. Halimbawa: mga nakasulat
na propaganda sa eleksyon, mga advertisement.

Naratibong Teksto
- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng
nagsasalayasay Halimbawa: mga akdang pampanitikan.

Argumentatibong Teksto

- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng
mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang
ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
Halimbawa: mga editorial
Prosidyural na Teksto

- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-


sunod ng hakbang ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain.
Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.
Hulwaran ng mga Organisasyon ng

Teksto Depinisyon
Isang paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay kahulugan sa isang salita.
Sa pagbibigay ng definisyon, tinatalakay din ang isang bagay o paksa, kasama ang
mga pagkakatulad o pagkakaiba nito sa ibang bagay.
Maaaring ito ay pormal o di-pormal.

1. Pormal o Maanyo – Kapapansinan ng tatlong bahagi.


1.1. Salita o katawan (term)
1.2. Pangkat na kinabibilangan o kaurian (genre)
1.3. Kaibahan
(difference) Halimbawa:
Ang kasal (salita) ay isang sakramentong (kaurian) nagbubuklod da
dalawang pusong nagmamahalan. (kaibahan)

2. Di-pormal o Malaya. Nagbibigay kahulugan sa paggamit ng mga salitang


nakapukaw ng damdamin at hindi tuwirang sumusunod sa kaayusan ng
pangungusap sa pormal na pamaraan.
Halimbawa:Ang kasal ay bunga ng pagmamahalan ng dalawang pusong umiibig
sa isa’t-isa na dumaan sa maraming oras ng pagliligawan bilang pangako ng
lalaki sa babae.

May dalawang dimensyon ang definisyon:

 Denotasyon
Karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit
sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Hal: Berde ang kanyang damit.

 Konotasyon
Di-tuwiran ang kahulugan. Nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang
salita o pahayag. Sinasabi rin na ito ay pansariling kahulugan ng isang tao.
Hal. Berde ang utak niya.

Pag-iisa-isa
Pagtatalakay sa pangunahing paksa at pagbabanggit ng mga kaugnay at
mahahalagang salita.
Isa sa halimbawa nito ay ang ibinibigay na pagsusulit sa klase lalo na kung ito ay
objective, madalas na gamitin ang pag-iisa-isa kapag hakbang o proseso ang aytem.
Kailangan sap ag-iisa-isa, tiyakin kung dapat na magkakasunod ayon sa inilalahad na
aytem o maari naming hindi magkakasunod sapagkat hindi naman ito sa isang proseso.

Pagsusunod-sunod
Masasabing ito ang pinakasimpleng paraan ng pagsasaayos ng teksto. Ang mga ideya
nito ay isa-isang inilalahad o tinatalakay sa teksto.
May tatlong uri ng pagsusunud-sunod na hulwaran ng teksto Ito ay
ang: 1.Sekwensyal
2.Kronolohi
kal
3.Prosejural

Sekwensyal
Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento,
nobela,talambuhay,dula, balita atbp. na hahantong sa isang konklusyon. Karaniwang
ginagamitan ito ng mga salitang una, pangalawa, pangatlo, susunod at iba pa. Ito ay
karaniwang ginagamit kung ang mga pangyayari ang pinagsusunud-sunod, tulad ng
mga kwento, balita at iba pa.

Kronolohikal
Pagsusunud-sunod ng mga impormasyon at mahalagang pangyayari ayon sa
kung kailan nangyari ito.
Payak na halimbawa nito au ang kasaysayan ng isang bansa o mahalagang pangyayari
ng mundo.
Karaniwang ito ay may petsa gaya ng tiyak na araw at taon upang malaman kung
kailan nangyari ang kasaysayan.

Prosejural
Ang pagsusunud-sunod ay prosejural kung may hakbang o prosesong isasagawa.
Maaaring ito ay kung paano gawin ang isang bagay gaya ng pagluluto at pagsunod
sa direksyon.

Pagsusuri
Sa paraang ito ay kailangan ng paglilista ngunit ang naitalang detalye ay susuriin
pa. Ang mga sangkap na sinusuri ay pinaghihiwalay at ipinaliliwanag.

Paghahambing at pagkokontrast
Sa paraang ito, may dalawang bagay, kaisipan o pangyayariang
pinaghahambing. Iba- ibang anyo ang nagagamit sa pamamaraang ito.
Ginagamit sa pagpapahayag, mga kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba
ang hulwarang ito.
Kinakailanagn nito ang maingat na pagbasa ng mag-aaral sateksto upang maunawaan
niya ang nilalaman. Hindi dapat na isaulo ang nilalaman ng binasang teksto sapagkat
maaaring bigyan ng paghahambing at contrast ang tungkol sa dalawang paksang
maaaring ibig tukuyin ng awtor sa akda niya.

Sanhi at Bunga
May mga akda na ginagamitan ng sanhi at pinagmulan para mabuo ito. May mga
paksang naipaliliwanag o matatalakay kung babanggitin ang pinanggalingan o sanhing
pinagmulan. Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi kaysa bunga.
Isiping lagi ang ganito: “Anong ideya o pangyayari ang unang naganap (sanhi)? Ano
ang kinalabasan (bunga)?
May mga palatandaang salita na dapat alamin sa mga pangungusap/pahayag ang sanhi
at bunga. Ang mga salitang ito ay ang kaya, dahil sa, nang, buhat at iba pa.

Suliranin at Solusyon
Sa mga salitang katulad nito, problema ang unang inilalatag. Matapos malaman
ng pangkalahatang suliranin ay magkakaroon nang paglalahad sa mga paraan o
solusyon na resulta sa pag-aaral.

You might also like