You are on page 1of 10

Abstrak

Pagsulat sa Filipino sa Piling


Larangan
• Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn
away o extract from (Harper, 2016). Sa modernong panahon at pag-aaral,
ginagamit ang abstrak bilang buod ng mga akademikong sulatin na kadalasang
makikita sa panimula o introduksiyon ng pag-aaral. Ito ay naglalaman ng kaligiran
ng pag-aaral, saklaw, pamamaraang ginamit, resulta, at kongklusyon (Koopman,
1997).
• Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga
report.
• Ayon kay Philip Koopman (1997) sa kanyang aklat na How to Write an Abstract,
bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang
elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na
literature, metodolohiya, resulta at konklusyon.
Nilalaman ng Abstrak:

1. Motibasyon – sinasagot dito ang tanong kung bakit pinag-aralan ang isang
paksa.
2. Suliranin – sinasagot dito kung ano ang sentrong suliranin.
3. Pagdulog at Pamamaraan – inilahad dito kung paano kakalapin o kinalap
ang datos pananaliksik at saan ito nagmula.
4. Resulta – pinapakita dito kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral.
5. Kongklusyon – sasagutin kung ano ang mga implikasyon ng pananaliksik.
Mga Uri ng Abstrak
1. Impormatibong Abstrak – pinakakaraniwan sa lahat at
naglalaman ng mahalagang impormasyon sa pananaliksik.
2. Deskriptibong Abstrak – nasa 100 na salita ang laman. Laman
nito ay suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang
ginagamit at saklaw ng pananaliksik.
3. Krtikal na Abtrak – pinakamahabang uri ng abstrak at halos
kagaya ng isang rebyu. Binibigyang ebalwasyon, kabuluhan,
kasapatan at katumpakan ng pananaliksik.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-
akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay
dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi
maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa
ginawang pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa
abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at directing pangungusap.


Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga
pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo
kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at
nilalayon ng pag-aaral na ginawa
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin
na gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng
bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na
literature, metodolohiya, resulta at kongklusyon.
3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang
taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkasunod-
sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba
pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may
nakaligtaang mahalagang kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.
Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental,
pinansyal, relasyonal at sosyal.Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa
quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang
mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”.Ang bilang ng
mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa
hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na
resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas
ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at
mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo
sa estadong marital.
QUIZ#4

You might also like