Professional Documents
Culture Documents
Filipino Sa Piling Larang NOTESSept8&9
Filipino Sa Piling Larang NOTESSept8&9
Pagsulat ng Abstrak
KAHULUGAN NG ABSTRAK
•Ang abstrak ay buod ng isang akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimulang bahagi.
•Ayon kay Harper (2016), ang abstrak ay nagmula sa salitang Latin na “abstractus”, na ang ibig sabihin ay “drawn
away o extract from”
•Ayon naman kay Koopman (1997), ang abstrak ay naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamamaraang ginamit,
resulta at kongklusyon.
Ayon sa The Adelaide University (2014), mayroong 2 uri ang Abstrak: Deskriptibo (Kuwalitatibo) at Impormatibo
(Kuwantitatibo).
Deskriptibo (Kuwalitatibo)
Sa uring ito, inilalarawan ang mga pangunahing ideya ng teksto. Binibigyang-pansin ang kaligiran, layunin at paksa
ng papel at hindi pa ang pamamaraan, resulta, at kongklusyon
Ito ay karaniwang ginagamit sa disiplinang agham panlipunan, mga sanaysay sa sikolohiya, at humanidades.
Impormatibo (Kuwantitatibo)
Karaniwan itong ginagamit ng mga inhinyera, ulat sa sikolohiya, at agham.
Ipininahahayag sa mga mambabasa ang punto ng teksto, nilalagom ang kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya,
resulta, kongklusyonng papel.
MODYUL 4
Pagsulat ng Sintesis
KAHULUGAN NG SINTESIS
Ayon kay Harper (2016), ang sintesis ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang kahulugan sa Ingles
ay “put together” o “combine”.
Sa madaling salita, ang sintesis ay pagsasama-sama ng impormasyon, mahahalagang punto at ideya upang
mabuod ang isang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa
sandaling panahon lamang.