You are on page 1of 9

Jann Ranniel M.

Panllilio

12- Pythagoras

Gawain 1
Paano makatutulong ang abstrak ng isang teksto sa isasagawang pagbasa ng isang partikular na
babasahin o aklat?

Kapag may abstrak, hindi na kailangan pang basahin ang kabuuan ng pananaliksik upang matukoy kung
ito ay makakapag payaman sa isinusulat o kung malayo na ito sa paksa. Natutulungan nito ang sinomang
mananaliksik o manunulat na higit pang mapaunlad ang isang paksa, saliksik o sulatin.

Gawain 2
Sa tulong ng Semantic Grid lagyan ng depinisyon ang mga sumusunod na teminolohiya para maging
gabay sa pagsulat ng abstrak ng isang pananaliksik.

Abstrak
Buod Layunin Resulta Konklusyon Rekomendasyon
Ito ay muling Kahalagahan ng Mahalagang datos Inilalarawan ang Ang mga
pagpapahayag buong pag-aaral at sa kinalabasan ng resulta o obserbasyon sa
mga ibinigay na kung ano ang pag-aaral. kinalabasan ng ginawang pag-
impormasyon sa magiging pag-aaral. aaral at nagbibigay
maikling kontribusyon ng mga
pamamaraaan. nito sa napiling mungkahi ang
larangan. mananaliksik na
maaaring gawin pa
ng ibang
manananaliksik sa
paksa
na hindi nagawa
dahil sa limitasyon
ng pag-aaral.

This study source was downloaded by 100000836382098 from CourseHero.com on 03-31-2022 04:58:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/92692362/Jann-Ranniel-M-Panlilio-Abstrakdocx/
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang mga kahalagahan ng abstrak?

Napapahayag dito ang mahalagang ideya ng papel o nailalarawan ang pangunahing ideya ng
papel nang hindi na kailangan pang basahin ang kabuuan ng pananaliksik. Natutulungan nito ang
sinomang mananaliksik o manunulat na higit pang mapaunlad ang isang paksa, saliksik o sulatin.

2. Sa mga binasang halimbawa ng abstrak, nakapaloob ba lahat ang mga nilalaman

nito Bakit?

Nakapaloob dito ang lahat ng nilalaman ng abstrak. Nabanggit dito an gang buod, layunin, resulta,
konklyuson at rekomendasyon na kailangan upang makagawa ng abstrak.

3.Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsusulat ng abstrak?

Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuuan ng papel; ibig sabihin, hindi
maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pagaaral o sulatin. Iwasan ang
statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag
na magiging dahilan para humaba ito. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.
Dapat ito ay nakadobleng espasyo. Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag
maging maligoy sa pagsulat nito. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing
kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit
komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatan. Nakabatay ang pagsulat nito
ayon sa pagkakasunod-sunod ng saliksik. Nakasulat ito sa ikatlong panauhan at nakabatay sa
katotohanan at hindi opinyon lamang ng may-akda tungkol sa pananaliksik.

4. Ano ang 2 uri ng Abstrak?Ano-ano ang pagkakaiba nito?

Impormatibong uri ng abstrak at ang Deskriptibo na uri ng abstrak. Ang bawat uri ay naiiba mula sa
elemento na ginagamit sa panunulat, sa estilo na ginagamit at sa layunin o pakay na gustong ipaabot ng
isang manunulat. Ang deskriptibo ay binubuo lamang ng isang daan o kulang isang daan na mga salita at
walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa. Maihahalintulad lamang ito na parang
isang plano lamang na dapat na sundan ng isang manunulat at higit sa lahat ay kapakipakinabang ito
para sa mga magbabasa nito. Ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak, kumpleto ito at binubuo
ng halos dalawang daan at limampong salita o higit pa. Ang impormatibong abstrak naman ay Halos

This study source was downloaded by 100000836382098 from CourseHero.com on 03-31-2022 04:58:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/92692362/Jann-Ranniel-M-Panlilio-Abstrakdocx/
lahat ng elemento ng abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang
mga impormasyon na makikita sa babasahing ito.

5. Sa mga binasang halimbawa ng abstrak, masasabi mo ba na maayos ang

pagkakasulat?Ipaliwanag

Maayos na naisulat ito dahil madali itong maintindihan para sa mga mananaliksik na tulad ko.
Nasulat ng tama ang mga dapat isulat at ang mga gabay na terminolohiya upang makagawa ng abstrak.
Nagbigay ito ng buod ng kanyang pananaliksik, layunin, resulta, konklusyon at rekomendasyon na
makakatulong sa mga susunod na mananaliksik sa kaniyang pag- aaral.

F. SUBUKIN NATIN:

Bionote

Si Angelica Mae C. Macalino ay isang estudyante sa Tarlac National High


School. Siya ay kasalukuyang nag- aaral sa baiting 12 ng Senior High School. Siya ay
mahilig magsulat at magbasa ng mga librong pang medikal at nais niyang
mapatuloy ang kaniyang hilig sa pammagitan ng kanyang trabaho upang
makatulong sa mga tao pagkatapos mag- aral. Nais niyang kumuha ng kursong
Bachelor of Science in Nursing sa kolehiyo. Siya rin ay nakasulat na ng iba’t- i bang
tula at essay ngunit hindi ito inilathala.

This study source was downloaded by 100000836382098 from CourseHero.com on 03-31-2022 04:58:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/92692362/Jann-Ranniel-M-Panlilio-Abstrakdocx/
G. SA PALAGAY MO?
Gamit ang Akrostik ng Bionote, sumulat mula sa tinalakay na mga kahulugan at katangian nito.

B- Buod ng mga tagumpay,pag-aaral,pagsasanay ng may akda.

I- Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na
kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat.

O- Obhetibo ang paraan ng pagsulat ng detalye patungkol sa isang tao

N- Nagbibigay rin ito ng mga karagdagang impormasyon may kinalaman sa paksa at kaganapang
tatalakayin.

O- Organisado dapat ang paggawa nito dahil hindi lamang ito ginagamit upang ipakilala ang isang
indibidwal kundi upang pataasin ang kredibilidad nito sa anumang antas na kaniyang tatahakin
halimbawa nito ay para sa aplikasyon sa trabaho.

T- Talata na nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang


propesyonal.

E- Eksplisit dapat ang pagsulat ng abstrak upang ito ay maintindihan.

H. AYOS NA:
Tukuyin ang mga uri ng Akademikong Sulatin batay sa kahulugan ng mga ito.

Abstrak 1. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis,papel siyentipiko
at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunud- sunod ng nilalaman.

Sintesis/sinopsis2. Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng
maiklling kuwento. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunud- sunod na
pangyayari sa kuwento

Bionote 3.Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang natapos at iba pang
impormasyon ukol sa kanya. May makatotohanang paglalahad sa isang tao.

This study source was downloaded by 100000836382098 from CourseHero.com on 03-31-2022 04:58:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/92692362/Jann-Ranniel-M-Panlilio-Abstrakdocx/
I. TAYAIN NATIN:
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gumamit ng hiwalay na papel para sa gawaing
ito.

1. Ano ang abstrak?

Ito ay tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos nang pag-aaral. It ay
kabuuang nilalaman ng papel, nandirito ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata sa pananaliksik

2. Ano-ano ang mga kahalagahan nito?

Napapahayag dito ang mahalagang ideya ng papel o nailalarawan ang pangunahing ideya ng papel nang
hindi na kailangan pang basahin ang kabuuan ng pananaliksik. Natutulungan nito ang sinomang
mananaliksik o manunulat na higit pang mapaunlad ang isang paksa, saliksik o sulatin.

3. Ano ang pagkakaiba ng deskriptibong abstrak at impormatibong abstrak?

Ang deskriptibo ay binubuo lamang ng isang daan o kulang isang daan na mga salita at walang
konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa. Maihahalintulad lamang ito na parang isang
plano lamang na dapat na sundan ng isang manunulat at higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa
mga magbabasa nito. Ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak, kumpleto ito at binubuo ng halos
dalawang daan at limampong salita o higit pa. Ang impormatibong abstrak naman ay Halos lahat ng
elemento ng abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang mga
impormasyon na makikita sa babasahing ito

4. Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng buod o sintesis?

 Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.


 Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi.
 Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga
gampanin at mga suliraning kanilang hinaharap.
 Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod.
 Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
 Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na
sipi ng akda.

5. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak?

 Lahat ng mga detalye o o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig
sabihin , hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-
aaral o sulatin.

This study source was downloaded by 100000836382098 from CourseHero.com on 03-31-2022 04:58:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/92692362/Jann-Ranniel-M-Panlilio-Abstrakdocx/
 Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan
ng deyalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
 Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa
pagsulat nito.
 Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
 Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa
ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.

6. Bakit mahalaga ang abstrak?

Mahalaga ang abstrak dahil ito ang nagsisilbing maikling berisyon ng buong artikulo, dokumento, saliksik,
at ulat na sinasabi ring pinakabuod nito. Ito ay inilalagay bago ang introduksiyon. Mahalaga ang abstrak
dahil una, malalamang ang papel na ginawa ay natapos na pag-aaral na. Ibig sabihin, nagkaroon na ng
kinalabasan ang pag-aaral o saliksik na ginawa. Maipakikita rin ng abstrak ang mahahalaga at
pangunahing ideya na bumubuo sa dokumento o papel na ginagawa. Nakapaloob rin sa abstrak ang
kaligiran, layunin, at tuon ng ginagawang papel. Nagkakaroon din ng ideya ang mambabasa sa umpisa pa
lamang kung tungkol saan ang papel o dokumentong ginagawa.

7. Paano magsulat ng isang buod o sintesis?

 Linawin ang layunin sa pagsulat,


 Pumili ng mga naaaayong sanggunian batay sa layunin,
 Buuin ang tesis ng sulatin
 Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin
 Isulat ang unang burador
 Ilista ang mga sanggunian
 Rebisahin ang sintesis
 Isulat ang pinal na sintesis

8. Ilahad ang pagkakaiba ng abstrak, buod o sintesis at bionote.

 Ang abstrak ay makikita sa unahan ng isang thesis na siyang naglalaman ng maikling detalye ukol
sa pag aaral
 Ang buod naman ay nasa gitna ng isang pag aaral. Dito makikita ang kabuuan o detalye ng pag
aaral o akda. Ito ay ang pinaikli o pinaiksing bersyon ng isang teksto. Ito ay maaaring
pinanood,pinakinggan o nakasulat. Sa pagbuod pinipili dito ang mga pinaka-mahahalagang ideya
at mga sumusoportang ideya o datos. Mga mahahalagang pangyayari o ang mga mahahalagang
nangyari.
 Ang sintesis ay kaugnay ng buod sapagkat dito makikita ang sariling pagsusuri o ebalwasyon ng
mga impormasyon mula sa iba't ibang may akda o sources. Isang anyo ng pag-uulat ng mga
impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring ideya o datos mula sa iba't ibang

This study source was downloaded by 100000836382098 from CourseHero.com on 03-31-2022 04:58:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/92692362/Jann-Ranniel-M-Panlilio-Abstrakdocx/
tao ,Iibro , pananaliksik at iba pa ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na
kabuuan
 Ang bionote ay makatotohanang pagpapahayag ng personal na propayl ng isang tao, Halimbawa
ay ukol sa kanyang Academic Career at iba pang Impormasyon.

B. Sumulat ng biyograpiya sa isang buong papel.

Ang Aking Talambuhay


Ako si Jann Ranniel M. Panlilio. Ako ay labinwalong taong gulang na. Ipinanganak ako
noong ika- apat ng diyembre taong 2002. Ang aking mga magulang ay sina Arnel J. Panlilio at
Jocelyn M. Panlilio. Pangatlo ako sa apat nilang anak. Ang trabaho ng aking ama ay Lay- out
artist habang ang aking ina naman ay nasa bahay inaalagaan kaming magkakapatid. Ako ay
nakatira sa lalawigan ng Tarlac. Nag- aral ako ng elementarya sa publikong paaralan na
Matatalaib Buno Tarlac City. Nakakuha ako ng iba’t ibang parangal at nagtapos ng Salutatorian
na mag- aaral sa elementarya. Isa itong malaking oportunidad sa akin at dahil dito ay nakuha
akong iskolar sa isang pribadong paaralan na Osias Colleges Inc. at doon na ako nakapagtapos
ng Junior High School. Madaming magagandang ala- ala ang nangyari sa aming magkakaklase at
isa sa mga ito ang hindi ko malilimutan. Nakapagtapos ako ng Junior High School na may bitbit
na parangal at dahil dito nakuha muli akong iskolar at nag- aral sa pribadong paaralan na Tarlac
Christian College. Marami akong natutunan dito at nagkaroon ako dito ng mga kaibigan. Akala
nung una ay mahirap dahil bago na naman ang sistema at bago na naman ang aking mga
kaklase ngunit isa ito sa mga dahilan upang mas maging mabuti akong estudyante o mag- aaral.

Hindi nagtagal nangyari na ang isa sa pinaka- kinakatakutan ng ating bansa- ang
pagpasok at pagkalat ng Covid- 19 sa ating bansa. Hindi ito naging madali sa lahat at dahil dito
marami ang tao ang hindi nakapagtrabaho at ipinasara na ang mga iba’t ibang hanap- buhay ng
mga tao, isa na rito ang paaralan. Bilang mag- aaral naging isang malaking pagsubok ito para sa
akin. Naging mahirap ang mga aralin na dapat ay sa paaralan itinuturo. Nagkaroon ng lockdown
at dahil dito ay naging mas mahirap makakuha ng pagkain, makapag- aral, makapag- trabaho at
higit sa lahat naging malungkot ang bakasyon ng isang mag- aaral na tulad ko na dapat ay
nagsasaya ang bawat isa. Ngunit nagpapasalamat din ako dahil dito ay mas napalapit kami ng
aking pamilya sa ating Panginoon.

Pagkatapos ng mahaba- habang bakasyon ay napagdesisyonan kong mag- aral muli sa


pampublikong paaralan bilang modular digital na estudyante sa Tarlac National High School.
Naging mahirap man ito dahil sa pandemya na ating kinakaharap, naging daan naman ito upang
maging responsible tayong mga estudyante at hindi lamang nakadepende sa mga taong
nakapaligid sa atin. Pagkatapos ko mag- aral sa High-School ay balak kong kumuha ng kursong

This study source was downloaded by 100000836382098 from CourseHero.com on 03-31-2022 04:58:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/92692362/Jann-Ranniel-M-Panlilio-Abstrakdocx/
civil engineer o architect sa kolehiyo upang makagawa ng iba’t ibang gusali at bahay na gusto
kong ipatayo na makakatulong sa ating bansa.

C. Sumulat ng isang buod o sintesis ng isang kuwentong nabasa.

Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)


Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang. Bago siya ipanganak
ni Namongan, inutusan ng kaniyang ina ang kaniyang ama na si Don Juan Panganiban na manguha ng
mga kahoy. Ngunit hindi na bumalik si Don Juan hanggang ipinanganak niya si Lam-ang. Pambihirang
bata si Lam-ang dahil kaya na niyang magsalita at may taglay siyang kakaibang lakas. Itinanong ni Lam-
ang kung nasaan ang kaniyang ama. Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis ang kaniyang ama upang
labanan ang mga Igorot, nag-ayos si Lam-ang at pumunta sa lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang
kaniyang ina. Nakita niya na nagsasagawa ng sagang ang mga Igorot. Nang lumapit siya, nakita niya ang
ulo ng kaniyang ama. Pinagpapatay niya ang mga Igorot.

Nang bumalik siya sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya upang paliguan siya. Nang
maligo siya sa Ilog Amburayan, namatay ang mga isda sa baho ng kaniyang libag. Hinanap niya ang
dalagang nagnangangalang Ines Kannoyan, anak ng pinakamayamang tao sa Kalanutian. Pumunta siya sa
nasabing lugar, kasama ang tandang at aso niya. Nakarating siya matapos ang pakikipaglaban kay
Sumarang at pang-aakit ni Sarindang. Nasindak sa kaniya ang mga lumiligaw kay Ines Kannoyan. Naibigay
din niya ang lahat ng mga hiling ng magulang nito kaya ikinasal ang dalawa. Minsan ay nangisda si Lam-
ang at nakain siya ng berkakan, isang malaking isda. Isang maninisid ang nakakuha ng kaniyang labi at sa
tulong ng kaniyang tandang, muli siyang nabuhay at namuhay nang matiwasay.

D. Sumulat ng isang abstrak.

KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA- ANIM NA TAO

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-4 na taon ng
pambansang mataas na paaralan ng Tarlac National High School. Hinangad sa pag-aaral na ito na
matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng
pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon.
Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang
pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo.

This study source was downloaded by 100000836382098 from CourseHero.com on 03-31-2022 04:58:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/92692362/Jann-Ranniel-M-Panlilio-Abstrakdocx/
Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng
datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa
ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa
pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos.

Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa
pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa
pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa
pagsasalita ang mga mag-aaral.

Unang talata: Rasyunal

Ikalawang Talata: Metodolohiyang ginamit

Ikatlong Talata- Saklaw at Delimitasyon

Ikaapat: Resulta ng pananaliksik

This study source was downloaded by 100000836382098 from CourseHero.com on 03-31-2022 04:58:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/92692362/Jann-Ranniel-M-Panlilio-Abstrakdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like