You are on page 1of 7

Akademikong Sulatin

Ang Akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa


pagpapataas ng kaalamansa iba�t ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang
pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa
manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.

KATANGIAN, LAYUNIN AT GAMIT NG AKADEMIKONG SULATIN


OCTOBER 16, 2016 RICKIMAEEEE
https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/

---
PPT KAHULUGAN,KALIKASAN, AT KATANGIAN NG SULATING AKADEMIK (FILIPINO SA PILING
LARANG-AKADEMIK)

Published on Jul 18, 2018


----
Ang akademikong pagsulat ay uri ng pagsusulat na aangat sa antas ng kaalaman ng mga
mambabasa. Itinuturing ang akademikong pagsulat na nangangailangan ng mataas na
antas ng kaalaman.

Kahulugan ng pagsulat ng sulating akademiko https://brainly.ph/question/1500869


- by Angeliquehermopa3y2k 10.06.2018
---

MGA AKADEMIKONG SULATIN


MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN:

Abstrak � Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago ang
introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel.
Mga Uri ng Abstrak

Deskriptibong Abstrak
Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel.
Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel.
Impormatibong Abstrak
Ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.
Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang.
Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak

Basahing muli ang buong papel.


Isulat ang unang draft ng papel.
Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan.
I-proofread ang pinal na kopya.
Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak

Binubuo ng 200-250 na salita.


Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
Nauunawaan ng target na mambabasa.
SANGGUNIAN: Venido, Ana Melissa,
https://www.slideshare.net/anamelissavenido1/pagsulat-ng-abstrak, June 24, 2017

Sintesis
Pagsasama ng dalawa o higit pang buod.
Paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin .
Pagsasamang iba�t ibang akda upang makabuo ng isang akda nakapag-ugnay.
Dalawang Anyo
Explanatory
Argumentative
Mga Uri ng Sintesis

Background Synthesis � ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-


samahin ang mga sanligang impormasiyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong
inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.
Thesis-driven Synthesis � halos katulad lamang ito sa ng background synthesis
ngunit nag kakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis
hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi
ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.
Synthesis for the Literature � ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.
Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu
sa mga naisulat nang literature ukol sa paksa. Karaniwang isinasaayos ang sulatin
batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa.
Bigyang Pansin ang mga Sumusunod:

Tamang impormasiyon mula sa pinaghanguan/sangguagnian


Organisasiyon ng teksto
Napagtitibay ang nilalaman at napapaillalim pag-uunawng nagbabasa
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Linawin ang layunin


Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito.
Buuin ang tesis na sulatin
Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatain
Isulat ang unang burador
Ilista ang mga sanggunian
Rebisahin ang sintesis
Isulat ang pinal na tesis
SANGGUNIAN: Mohinog, Arrhiane, https://prezi.com/5rnbkuln8xi0/pagsulat-ng-buod-at-
sintesis/, July 24, 2017

Talumpati
Pormal � Ang talumpati ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng
manonood o tagapakinig. Pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na
layunin.
Opinyon � Ito ay isa ring buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagbigkas. Manghihikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman
o impormasyon, at maglahd ng isang paniniwala.
Masining � Isang masining na pag papahayag tungkol sa isang mahalaga at
napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Karaniwang
binibigkas bagaman madalas itong nagsisimula sa nakasulat na anyo.
Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

Talumpating nagbibigay impormasyon � Nagpapaliwanag, nag-uulat, naglalarawan,


nagbibigay kahulugan, nagpapakita ng kaganapan, nagbibigay liwanag.
Talumpating nanghihikayat � May layuning mapaigting, mabago, maimpluwensyahan o
mapatotohanan ang mga saloobin, paniwala o emosyon ng tagapakinig.
Talumpating nagtataguyod ng pagbubuklod-buklod ng lipunan � Naglalayong maiangat
ang damdamin ng pagbubuklod-buklod, pagkakapatiran at pagkakaisa.
Uri Ayon sa Anyo at Kahandaan

Impromptu
Extemporaneous
Pinaghandaan
Binabasa ang manuskrito
Bahagi ng Talumpati

Panimula
Katawan
Konklusyon
Pagbabalangkas ng Talumpati

Kronolohikal � Pagsasaayos batay sa ugnayan ng panahon; Nakaraan �> Kasalukuyan �>


Hinaharap
Lohikal (Topikal) � Pagsasaayos batay sa pangunahing paksa; Paguuri-uri
Komparison/Kontrast � Tungkol sa dalawa o tatlong punto na nahahati asyon sa
pagkakapareho o pagkakaiba na ang layunin ay palitawin ang kahusayan ng
paninindigan sa kabilang panig.
Problema-Solusyon � Ito�y ginagamit bilang panghihikayat o nag papakilos
Sanhi at Bunga � Nagpapakita ng kaibahan ng sanhi sa bunga ng isa o higit pang
kondisyon. Angkop ito sa talumpating nanghihikayat.
Bentahe at Disadbentahe � Paghahati sa mabuti (pro�s) at hindi mabuting (con�s) mga
impormasyon. Tagapakinig ang bahalang tumimbang sa dalawang bahagi upang magpasyang
mamili sa dalawang panig.
Pagsulat ng Talumpati

Paghahanda � Bahagi ng paghahanda ang pagtiyak sa mga sumusunod:


Layunin ng Okasyon � Mahalagang alamin ng tagapagtalumpati ang layunin ng pagdaraos
ng okasyon.
Layunin ng Tigapagtalumpati � Tiyakin ng tagapagtalumpati sa kaniyang sarili kung
ano ang kaniyang magiging layunin sa pagtatalumpati
Manonood � Ang manonood ay hindi lamang tagapakinig. Pangunahing salik din sila sa
nilalaman at estilo ng talumpati.
Tagpuan ng Talumpati � Tumutukoy ito sa lugar, kagamitan, oras, at daloy ng
programang kapapalooban ng talumpati.
Mahalaga ang panimulang pagsisiyasat sa mga elementong ito dahil kailangang
isaalang-alang ang mga ito sa pagtitiyak sa nilalaman, tagal, at tono ng talumpati.

Pananaliksik
Pagbuo ng plano � Kailangang pag-aralang mabuti ang paksa o tema, at/o papel ng ng
tagapagtalumpati sa okasyon. Isaisip na maraming iba�t ibang paraan o estratehiya
ng paggawa ng isang paksa o tema. Ilista ang mga ito at piliin ang pinakaangkop sa
okasyon sa layunin, sa manonood at tagpuan.
Pagtitipon ng materyal � Batay sa karanasan ng maraming manunulat, madali lang ang
mismong pagsusulat kung ang lahat ng material na kailangan ay nandiyan na sa
mismong oras ng pagsulat. Ito ay maaring aklat, artikulo, panayam, kuwento,
pelikula, musika, at/o larawan.
Pagsulat ng balangkas � Ito ang magbibigay ng direksiyon sa pagsulat sa pamamagitan
din nito ay maaaring makita kung ano pang bahagi ang kulang sa datos at kung
kailangan pa ng dagdag na materyal
Pagsulat � Simulang sulatin ang talumpati ayon sa nabuong balangkas. Naritong ang
ilang pangkalahatang gabay sa pagsulat:
Sumulat gamit ang wikang pabigkas
Sumulat sa simpleng estilo
Gumamit ng iba�t ibang estratehiya at kumbensyon sa pagpapahayag
Gumamit ng mga angkop na salitang pantrasisyon
Huwag piliting isulat agad ang simula at katapusan ng talumpati
SANGGUNIAN:

Bernales, Rolando A., Pagsulat sa Filipino. 2016


Carasig, Keico., www.slideshare.net., Enero 2, 2017
Faculty.washington.edu/ezent/impo.htm
Pondantes, Fritz Earlin ., www.slideshare.net, Mayo 5, 2016
Sacristan, Joeffrey., www.slideshare.net, Agosto 11, 2017
Gabiane, Ruth O., Talumpati_kaligiran.pptx, 2018
Panukalang Proyekto
Detalyadong deskripsyon ng isa basahin ng serye ng mga aktibidad na naglalayong
malunasan ang isang suliranin.
Hindi maituturing na proyekto ang dating aktibidad na nauulit sa eksaktong
pamamaraan, mga aktibidad na walang malinaw na layunin, at mga regular na aktibidad
ng organisasyon
Maari itong nakasulat o oral na presentasyon, internal o sa kinabibilangang grupo o
eksternal o di-kinabibilangang organisasyon, maaari ring hiningi
(solicited/invited) o hindi hiningi (unsolicited / prospecting).
Ang maikling panukalang proyekto ay may 2 hanggang 10 pahina na nasa anyong liham
lamang, samantalang mahigit sa 10 pahina ang isang mahabang panukala. Maaaring may
parehong bahagi ang 2 ngunit mas elaborated at sumusunod sa structured format ang
mahabang panukala.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto (American Red Cross, 2006)

Magplano nang maagap � pagkausap sa mga stakeholder upang matalakay ang mga
pangangailangan at masuri ang panukalang proyekto.
Gawin ang pagpaplano nang pangkatan � kolaboratibong paghahati ng gawain
Maging realistiko sa panukala � kung ano lamang ang kakayanin sa loob ng panahong
nakatalaga at kung ano ang maaaring makamit. Sundin ang S.M.A.R.T. (specific,
measurable, attainable, realistic at time-bound)
Matuto bilang organisasyon � sa karanasan ng sarili at ng iba
Maging makatotohanan at tiyak � iwasang maging masaklaw
Limitahan ang paggamit ng teknikla na jargon � gumamit ng mga salitang
pangkaraniwan at naiintindihan ng lahat sa halip na mga teknikal o espesyalisadong
salita.
Piliin ang pormat na malinaw at madaling basahin � makatutulong ang kasimplehan ng
pormat at anyo
Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang pinansyal � tiyaking top of the
list na prayoridad ng mag-aapruba ang panukala.
Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukala � kabilang dito ang mga
salitang simulan, ikumpara, maghandog, mangulo, mag-organisa, suportahan,
magpakahulugan, gumawa, gumamit at iba pa.
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto

Panimula � dito inilalahad ang mga rasyonal o ang mga suliranin, at motibasyon.
Katawan � dito inilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang
iminumungkahing badyet para sa mga ito
Konklusiyon � dito inilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto at
kung bakit ito dapat aprubahan
Mga Espisipikong Laman ng Panukalang Proyekto

Pamagat � dapat malinaw at maikli


Proponent ng Proyekto � tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto
Kategorya ng Proyekto � ang proyekto ba ay seminar, o kumprensiya, palihan,
pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program?
Petsa � kailan ipapadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto
Rasyonal � ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto
at kung ano ang kahalagahan nito
Deskripsiyon ng Proyekto � isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin;
nakadetalye dito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at ang
inaasahang haba ng panahon
Badyet � itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto
ng proyekto
Pakinabang �Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan nito-sa
ahensiya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto?
SANGGUNIAN:

Bernales, Rolando A., Pagsulat sa Filipino. 2016


Gabiane, Ruth O., Panukalang proyekto_kaligiran.pptx, 2018
Bionote �
Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang
magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar,
symposium, mga patimpalak at / o sa gig).

Maaari ring makita ang bionote sa likuran ng mga pabalat ng libro, at kadalasan ay
may kasamang litrato ng awtor o ng may-akda.

Ang bionote ay karaniwang dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang na


naglalarawan sa taong paksa ng bionote. Ang bionote ay dapat na isang
impormatibong talata na siyang nagpapaalam sa mga mambabasa o makikinig kung sino
ang taong paksa ng bionote o ano-ano ang mga nagawa ng paksa bilang propesyunal.
Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa paksa na may kaugnayan sa
tatalakayin sa kaganapan.

Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang


isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at
ng kaniyang kredibilidad bilang panauhin o bilang propesyunal.

Paano gumawa ng bionote? Narito ang mga dapat tandaan sa pagsusulat ng bionote:

Dapat batid ng lahat na iba ang bionote sa talambuhay at / o autobiography.


Napakalaki ng agwat nito dahil ang bionot ay nararapat lang na maikli at siksik,
samantalang dapat ay mas detalyado at mas mahaba ang pagsusulat ng talambuhay at /
o ng autobiography.

Dapat din na batid ng lahat na iba ang bionote sa curriculum vitae, resume, at
biodata. Hinihingi sa mga cv, resume, at biodata ang mga personal na impormasyon ng
paksa tulad ng ngalan, kasarian, edad, petsa at lugar ng kapanganakan, tangkad,
timbang, at marami pang ibang impormasyon tungkol sa paksa.

Bakit nagsusulat ng bionote?

Ito ay para ipaalam sa iba / lahat ng manonood, mambabasa at / o makikinig ang


kredibilidad sa larangang kinabibilangan na siyang tatalakayin sa isang kaganapan
� Para rin ipakilala ng may akda ang kaniyang sarili sa mga mambabasa
� Para ang bionote ay magsilbing marketing tool
� Para rin ipaalam sa iba / lahat na hindi ang karakter ng paksa at para na rin
magkaroon ng sapat na pag-introduce sa kredibilidad sa larangang kinabibilangan ng
paksa. Ito ay isa na ring paraan upang maipakilala ang sarili sa mga mambabasa.
Narito ang mga Katangian ng Bionote

maikli lang dapat ang nilalaman nito


� gumagamit ng ikatlong panauhan para hindi masyadong egocentric
� kinikilala ang mga mambabasa o ang target market
� gumagamit ito ng baligtad na tatsulok � tulad sa pagsulat ng mga balita at iba
pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa
bionote
� nakatuon sa mga angkop na kasanayan o katangian ang nilalaman ng bionote
� binabanggit ang degree o tinapos ng paksa sa bionote.
Isang mahalagang paalala: maging matapat lago sa pagbabahagi ng mga impormayson.

Narito naman ang mga Layunin at Gamit ng Bionote

Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal profile ng isang indibidwal,
tulad ng kanyang academic career at mga academic achievements, at iba pang
impormasyon ukol sa kanya.

Ang Mga Dapat Laman ng Bionote

Personal na impormasyon gaya ng mga sumusunod: tinubuan lupa o pinagmulan, edad,


buhay kabataan-kasalukuyan
Kaligirang pang-edukasyon na sumasakop sa ngalan ng mga paaralang pinasukan, digri
na tinapos, at mga karangalan
Ang bionote ay ambag sa mga larangang kinabibilangan gaya ng mga kontribusyon at
mga adbokasiya.
Mahalagang Ideya! Ang bionote, sa totoo lang, ay maituturing na isang marketing
tool. Ginagamit ito upang itanghal ang mga pagkilala at mga natamo ng indibidwal.

Dapat lahat tayo ay may matapat sa pagbabahagi ng mga impormasyon Kinokondena dapat
ang mga fake news.

SANGGUNIAN: ncz, https://brainly.ph/question/411196


6. Agenda at Katitikan ng Pulong

Ang agenda ay layunin o gabay ng isang pagpaplano na dapat ay matupad ngunit ang
planong ito ay pinananatiling sikreto. Ang paggawa ng agenda ay maaaring sinasabi
lamang sa bawat miyembro ng grupo o pwede rin namang gumawa ng balangkas.

Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala,


rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
So, para mas ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong �minutes of meeting�.
Hindi kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na �katitikan ng pulong� dahil nasanay
tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay.

SANGGUNIAN: https://brainly.ph/question/985575
https://brainly.ph/question/1520700#readmore

7. Photo Essay

Isa itong koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkasund-sunod


upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na
paraan.

SANGGUNIAN: https://brainly.ph/question/783278

8. Lakbay Sanaysay

Ang mga lakbay sanaysay ay mga uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay
ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan, gabay, o damdamin sa paglalakbay.

Maaring maging replektibo o impormatibo ang pagsulat ng isang lakbay sanaysay.


Kadalasang ginagamit ang mga lakbay sanaysay sa mga travel blogs upang manghikayat
sa mga taong maglakbay sa isang partikular na lugar.

Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

1. Travel blogs
2. Travel shows
3. Travel guide

SANGGUNIAN: https://brainly.ph/question/491100#readmore
9. Posisyong Papel
Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa
isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng
isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa
pulitika, sa batas at iba pang dominyo.

Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham
sa patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.
Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel upang isapubliko
ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.

SANGGUNIAN: https://tl.wikipedia.org/wiki/Posisyong_papel

10. Replektibong Sanaysay

Ang Replektibong Sanaysay


� Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o
prosa
� Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa
paksa.
� Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa
isang partikular na pangyayari.
� Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik
� Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad
ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga
batayan o talasanggunian

SANGGUNIAN: https://brainly.ph/question/477069#readmore

(https://pytnpndportfolio.wordpress.com/mga-akademikong-sulatin/)

You might also like