You are on page 1of 14

HEOGRAPIKAL,

MORPOLOHIKAL, AT
PONOLOHIKAL NA
VARAYTI NG WIKA
A. LAYUNIN
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
* Naipaliliwanag ang heograpikal, morpolohikal, at
ponolohikal na varayti ng wika;
* Nasasabi kong ang mga halimbawang
pangungusap ay nagpapakita ng varayti ng
wika o heograpiya, morpolohiya, at
ponolohiya; at
* Nakapagtatala ng mga tiyak na halimbawa ng
varayti sa heograpiya, morpolohiya, at
ponolohiya partikular sa mga wika sa
Pilipinas
PRETEST
Hanapin sa Hanay B ang sa palagay mo ay kahulugan ng bawat
salita sa Hanay A.

___ 1. barikan a. nagluluto at nagtitinda ng bilo-bilo


___ 2. huntahan b. nagluluto at nagtitinda ng goto
___ 3. tuklungan c. inuman ng alak
___ 4. gotohan d. nagluluto at nagtitinda ng lomi
___ 5. magpipinindot e. lugar ng inuman ng alak na may
mga babae
___ 6. pagerperan f. kwentuhan
___ 7. lomihan g. kapilya
VARAYTI NG WIKA
A. Narinig mo na ba ang mga pahayag na “napatak
ang mga dahon,” “nasuray ang dyipi,” at “mapurol
ang ulo”? Sa anong sitwasyon mo narinig ang mga
ito?
B. Ano-anong bagay ang alam mong pumapatak,
sumusuray, at maputol?

pumapatak sumusuray Mapurol


HEOGRAPIKAL NA VARAYTI NG WIKA – nasa
katawan at kahulugan ng salita ang pagkakaiba.

Pansinin ang tumbasan ng mga salitang


ito:
inihaw = binabange
tagilid = tabinge
langgam = hantik/guyam
saranggola = papagayo/bulado
iimik = naghiso
Halibawa ng varayti sa heograpiya
KATAWAGAN SA KATUMBAS NA SALITA
TAGALOG-MAYNILA SA IBANG LUGAR
lupa Mukha (Pampanga)
Lupa Daga (Ilokos)
Lumiban Tumawid (Tagalog-
Batangas)
Pating Kalapati (iloilo
Hilom Tahimik (Cebu)
Doon Dito (Antique
Oo iyo (Bikol)
MORPOLOHIKAL NA VARAYTI NG WIKA – ang
pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling ng salita at hindi
sa taglay na kahulugan nito

Sa ilang lalawigang Tagalog gaya ng Batangas


ang pandiwa o salitang nagpapakita ng aksiyon o
kilos ay nakabanghay sa unlaping /na-/ tulad ng
naiyak, naulan, nakanta, at natakbo. Sa Maynila, ang
pandiwa o salitang nagpapakita ng aksiyon ay
nakabanghay sa gitlaping /-um-/ gaya ng umiiyak,
umuulan, kumakanta at tumatakbo. Kaya sa Maynila,
ang napatak ay pumapatak at ang nasuray ay
sumusuray.
Kung paghahambingin natin mga salitangTagalog ng
Batangas at Maynila. Ganito ang mga pangungusap
na mabubuo natin.

Batangas: Napatak ang buko


Maynila: Pumapatak ang ulan

Batangas: Nasuray ang auto.


Maynila: Sumusuray ang paglakad
(lasing na lalaki)
PONOLOHIKAL NA VARAYTI – nasa bigkas at
tunog ng salita ang pagkakaiba.

often /o-fen/ vs. /often/


Organization /or-ga-ni-za-tion/ vs /or-ga-nay-sey-tion/
Adidas /A-di-das) mabagal vs /Adidas/mabilis
Nike /Nayk/ vs /Nayki/
accurate /a-kyu-reyt/ vs /a-kyu-rit/
today /tu-dey/ vs /tu-day/
Aluminum /a-lu-mi-num/ vs /a-lu-min-nyum/
Centinnial /sen-ten-yal/ vs /sin-tin-yal/
Millennium /me-len-nyum/ vs /mi-lin-nyum/
(Pangkatang gawain) (5 - 8 miyembro sa bawat
grupo)
Manood ng isang episode ng isang travel
show sa telebisyon na nasa wikang Filipino
(Halimbawa, Biyahe ni Drew) o kaya sa youtube.
Itala ang mga maririnig mong salitang nagpapakita
ng varayti sa heograpiya, morpolohiya at
ponolohiya. Gamit ang mga salitang nalikom,
sumulat ng isang sanaysay na humuhikayat sa mga
Pilipino na pasyalan ang iba’t ibang magandang
lugar sa bansa. Ang sanaysay ang dapat mayroon
100 – 150 na salita lamang. Iulat ito sa klase.
A. Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod. Tukuyin kung ang varayti ay A.
Heograpikal; B. Morpolohikal; at C. Ponolohikal. Isulat ang titik lamang sa
iyong sagutang papel. (1/2)

____ 1. bundok – bunrok


____ 2. lumayo – nalayo
____ 3. bigas – bugas
____ 4. hubog – hugis o korte (Maynila) / hubog – lasing (Cadiz)
____ 5. beyaran – bayaran
____ 6. hilom – tahimik (Cebu) / hilom – paggaling ng sugay (Maynila)
____ 7. anim – innem
____ 8. nagkaon – kumain
____ 9. labi – gabi(Pangasinan) / labi – bahagi ng bibig (Maynila)
____ 10. paaram – paalam
____ 11. dala – bitbit (Maynila) / dala – dugo (Pangasinan)
____ 12. dalhan – dalhi
____ 13. amo – unggoy (Visaya) / amo – taong pinaglilingkuran (Maynila)
____ 14. tahian – tahii
____ 15. hain – paghahanda ng pagkain sa mesa (Maynila / hain – saan
(Samar)
B. Magbigay ng halimbawa:

3 – Heograpikal na varayti ng wika


1 – Morpolokihal na varayti ng wika
1 – Ponolohikal na varayti ng wika

C. Ipaliwanag kung ano ang pagkakaiba ng


Heograpikal, Morpolohikal at Ponolohikal na
varayti ng wika
Isulat sa Tagalog-Maynila ang mga sumusunod na
salitang ginagamit sa lalawigan ng Quezon.

TAGALOG-QUEZON TAGALOG-MANILA
sarhi Sarhan/isara
Buksi
Takpi
Lagai
Lutui
Tapuni
lagyi
TAKDANG ARALIN:
Pumili ng kagrupo mula sa mga kaklase. Bawat
grupo ay mayroong 5 miyembro. Magtala kayo sa ½
crosswise ng 15 bagay na makikita sa loob ng
paaralan(Halimbawa libro, opisina, uniporme at iba
pa. Pagkatapos, maghanap kayo mula sa mga guro,
administrador, mga magulang o kamag-anak na
nagsasalita ng ibang wika/diyalekto maliban sa
Magalleones. Itanong sa kanila kung ano sa kanilang
diyalekto ang mga salitang iyong itinala. Isulat ito sa
½ crosswise na papel.

You might also like