You are on page 1of 7

ARALIN 4: VARAYTI NG WIKA

ABOT-TANAW

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

a. Naipapaliwanag ang heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na varayti ng wika;


b. Nasasabi kung ang mga halimbawang pangungusap ay nagpapakita ng varayti ng wika sa
heograpiya, morpolohiya, at ponolohiya; at
c. Nakapagtatala ng mga tiyak na halimbawa ng varayti sa heograpiya, morpolohiya, at ponolohiya
particular sa mga wika sa Pilipinas.

BALIK-TANAW

A. Mahuhulaan mo kaya ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A? Hanapin sa Hanay B ang sa
palagay mo ay kahulugan ng bawat salita sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A B
____1. Barikan a. nagluluto at nagtitinda ng bilo-bilo
____2. Huntahan b. nagluluto at nagtitinda ng goto
____3. Tuklungan c. inuman ng alak
____4. Gotohan d. nagluluto at nagtitinda ng lomi
____5. Magpipinindot e. lugar ng inuman ng alak na may mga babae
____6. Pagerperan f. kuwentuhan
____7. Lomihan g. kapilya

B. Narinig mo na ba ang mga pahayag na “napatak ang mga dahon”, “nasuray ang dyipni”, at “mapurol
ang ulo”? Sa anong pagkakataon o sitwasyon mo narinig ang mga ito?

COMPUTER COMMUNICATION DEVELOPMENT INSTITUTE- CCDI NAGA Page 1


Ano- anong bagay ang alam mong pumapatak, sumusuray, at mapurol? Isulat sa kahon ang iyong
sagot.

PUMAPATAK SUMUSURAY MAPUROL

GAOD-KAISIPAN

Mayroong Tatlong (3) Varayti ang Wika:


 Heograpikal na Varayti ng Wika
 Morpolohikal na Varayti ng Wika
 Ponolohikal na Varayti ng Wika

HEOGRAPIKAL NA VARAYTI NG WIKA


- Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa
iba’t-ibang lugar.
- Dahil ang Pilipinas ay isang archipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan, at
napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan, hindi maiiwasang makalikha ng sariling kultura
o paraan ng pamumuhay ang mga tao. Kasabay ng nabubuong kultura ang pagbuo rin ng
wika sapagkat ang kultura ay kabuhol ng wika.
- Ito ang dahilan kung bakit sa magkakahiwalay at magkakaibang lugar, ang iisang bagay o
konsepto ay nagkakaroon ng magkaibang katawagan.

HALIMBAWA:

Ang IBON ay nangangahulugang LANGGAM para sa mga Sinugbuanong Binisaya. Kaya


kapag nagkasama sa iisang lugar ang isang nagsasalitang Filipino at isang Sinugbuanong Binisaya, at
narinig nila ang salitang “Ibon”, ang isa ay yuyuko at maghahanap ng langgam, at ang isa naman ay
titingala at maghahanap ng ibon sa ere.

Kapag nasa Pampanga ka at naliligaw ka at ibig mong magtanong ng direksyon,


“MANGUNGUTANG KA”. Samantala, kung nasa Maynila ka, kapag “Mangungutang ka” ay
manghihiram ka ng pera.

COMPUTER COMMUNICATION DEVELOPMENT INSTITUTE- CCDI NAGA Page 2


Ang “Maganda” sa wikang Filipino ay “Mahusay” sa Samar. Sa Pangasinan, ang salitang
“Oras” ay nangangahulugang “Hugas”. Ang “Baka” ay nangangahulugang “Bobo” sa wikang
Niponggo.

Mga Katawagan sa Tagalog- Maynila Katumbas na Salita sa Ibang Lugar


Lupa Mukha (Pampanga)
lupa Daga (Ilokos)
lumiban Tumawid (Tagalog- Batangas)
pating Kalapati (Iloilo)
hilom Tahimik (Cebu)
doon Dito (Antique)
oo Iyo (Bikol)

GAWAIN: Magbigay ng Limang (5) Filipinong salita at ang katumbas nitong salita sa ibang lugar.

1.
2.
3.
4.
5.

MORPOLOHIKAL NA VARAYTI NG WIKA

- Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba sa paraan ng pagkakabuo ng mga salita dahil sa


paglalapi.
- Dahil sa magkakaiba rin ang kultura na kinabibilangan,, nagkakaiba-iba rin sa pagkakabuo
ng mga salita.

Basahing muli ang mga pahayag na ito:

“Napatak ang mga dahon”

“Nasuray ang dyipni”

Sa unang pahayag, ginamit ang salitang “napatak” para sa dahon. Sa Tagalog- Batangas,
maaaring gamitin ang salitang “napatak” para sa mga bagay na nalalaglag o nahuhulog (mula sa itaas).

Halimbawa:

“Tayo nang mamulot ng mga napatak na mangga”. Samantala, sa Maynila, mas ginagamit ang
“napatak” para sa tubig gaya ng ulan at luha.

COMPUTER COMMUNICATION DEVELOPMENT INSTITUTE- CCDI NAGA Page 3


Sa pangalawang pahayag, ginamit ang salitang “nasuray” ng Tagalog-Batangas para sa isang
sasakyan. Sa Tagalog- Maynila, hindi sa sasakyan ginagamit ang salitang “nasuray” kundi sa tao. Mas
ginagamit ang salitang “gumegewang” o “pagewang-gewang” kapag sasakyan ang tinutukoy. Halimbawa:
“Pagewang-gewang ang sasakyang minamaneho ng lasing na drayber”.

Pansinin mo ang pagbuo ng mga salitang “napatak” at ”nasuray”. Sa ilang lalawigang Tagalog
gaya ng Batangas, ang pandiwa o salitang nagpapakita ng aksiyon o kilos ay nakabanghay sa unlaping / na-/
tulad ng naiyak, naulan, nakanta, at natakbo. Sa Maynila, ito ay nakabanghay sa gitlaping /-um-/ gaya ng
umiiyak, umuulan, kumakanta, at tumatakbo. Kaya sa Maynila, ang napatak ay pumapatak at ang
nasuray ay sumusuray.

IBA PANG MGA HALIMBAWA:

Tagalog- Maynila Kumain


Tagalog- Batangas (iba pang lalawigang Nakain
Tagalog)
Camarines Sur Makakan
Legazpi City Magkakan
Aklan Makaon
Tausug Kumaun
Bisaya mangaon
Pampanga mangan

Tandaan lagi ang wastong pagpili ng panlapi upang wastong maipahayag ang gustong sabihin.
Halimbawa:

MAGPUGAY sa bandila (alisin ang sumbrero), hindi PUGAYAN ang bandila (alisan ng
dangal.)

Kasama sa mga varayti ng isang wika ang ispeling o baybay ng salita.Tingnan ang halimbawa ng
magkakaibang ispeling ng mga salita sa American at British English.

AMERICAN ENGLISH BRITISH ENGLISH


acknowledgment Acknowledgement
airplane Aeroplane
anesthesia Anaesthesia
analog Analogue
endeavor endeavour

COMPUTER COMMUNICATION DEVELOPMENT INSTITUTE- CCDI NAGA Page 4


GAWAIN:

Isulat sa Tagalog- Maynila ang mga sumusunod na salitang ginagamit sa lalawigan ng Quezon. Tingnan
ang una bilang halimbawa.

TAGALOG- QUEZON TAGALOG- MAYNILA


1. Sarhi Sarhan/isara
2. Buksi
3. Takpi
4. Lagyi
5. tapuni

PONOLOHIKAL NA VARAYTI NG WIKA


- ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba sa bigkas at tunog ng mga salita.
- Ang ganitong varayti sa ponolohiya ay hindi eksklusibo sa mga wika sa Pilipinas. Nangyayari
rin ang mga ganitong pagkakaiba sa bigkas at tunog sa mga wikasa daigdig.

Mga Halimbawa:

OFTEN- /o-fen/ vs /of-ten/


NIKE - /Nayk/ vs /Nay-ki/
ACCURATE- /a-kyu-reyt/ vs /a-kyu-rit/
TODAY- /tu-dey/ vs /tu-day/
ORGANIZATION- /or-ga-ni-za-tion/ vs /or-ga-nay-zey-tion/
AWAY- /a-wey/ vs /a-way/
ALUMINUM- /a-lu-mi-num/ vs /a-lu-mi-nyum/

LAYAG-DIWA

A. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng Speech Bubble.
1. Ano ang HEOGRAPIKAL na Varayti ng Wika?_______________________________________

COMPUTER COMMUNICATION DEVELOPMENT INSTITUTE- CCDI NAGA Page 5


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano ang MORPOLOHIKAL na Varayti ng Wika?

3. Ano ang PONOLOHIKAL na Varayti ng Wika?

B. Tukuyin kung ang Varayti ay (A). HEOGRAPIKAL; (B). MORPOLOHIKAL; o (C).


PONOLOHIKAL. Titik lamang ang isulat sa unahan ng bawat bilang.

___1. Bundok- bunrok ___9. Labi- gabi(Pangasinan)/ bahagi ng bibig (Maynila)

COMPUTER COMMUNICATION DEVELOPMENT INSTITUTE- CCDI NAGA Page 6


___2. Lumayo- nalayo ___10. Dala- bitbit(Maynila)/ dugo (Pangasinan)

___3. Hubog- hugis (Maynila)/ lasing (Cadiz) ___11. Dalhin- dalhi

___4. Bigas- bugas ___12. Amo- unggoy(Visaya)/ taong pinaglilingkuran


(Maynila)

___5. Beyaran- bayaran ___13. Tahian- tahii

___6. Hilom- tahimik(Cebu)/ paggaling na sugat (Maynila)

___7. Anim- innem ___14. Hugasan-hugasi

___8. Nagkaon-kumain ___15. Wala-wara

COMPUTER COMMUNICATION DEVELOPMENT INSTITUTE- CCDI NAGA Page 7

You might also like