You are on page 1of 22

ARALIN 4:

HEOGRAPIKAL, MORPOLOHIKAL AT
PONOLOHIKAL NA VARAYTI NG WIKA
BALIK-TANAW

Mahuhulaan mo kaya ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa Hanay A? Hanapin sa Hanay B ang
palagay mo ay kahulugan ng bawat salita sa Hanay A.

_____ 1. barikan a. nagluluto at nagtitinda ng bilo-bilo


_____ 2. huntahan b. nagluluto at nagtitinda ng goto
_____ 3. tuklungan c. inuman ng alak
_____ 4. gotohan d. nagluluto at nagtitinda ng lomi
_____ 5. magpipinindot e. lugar ng inuman ng alak na may mga babae
_____ 6. pagerperan f. kuwentuhan
_____ 7. lomihan g. kapilya
LUSONG-KAALAMAN

A. Narinig mo na ba ang mga pahayag na “napatak ang mga dahon,” “nasuray ang dyipni,”
at “mapurol ang ulo”? Sa anong pagkakataon o sitwasyon mo naririnig ang mga ito?
B. Ano-anong bagay ang alam mong pumapatak, sumusuray, at mapurol?

Pumapatak Sumusuray Mapurol


GAOD-KAISIPAN

• Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng wika.


Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago na nahahati ng katubigan at kapatagan, at
napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan, hindi maiwasang makalikha ng sariling
kultura o paraan ng pamumuhay ang mga taong sama-samang naninirahan sa isang
partikular na pulo o lugar. Kasabay ng nabubuong kultura ang pagbuo rin ng wika
sapagkat ang kultura ay kabuhol ng wika.
• Ito ang dahilan kung bakit sa magkakahiwalay at magkakaibang lugar, ang iisang bagay o
konsepto ay nagkakaroon ng magkaibang katawagan.
HALIMBAWA:
HALIMBAWA:

• Kapag nasa Pampanga ka at naliligaw at ibig mong magtanong ng direksyon,


“mangungutang” ka. Samantala kung nasa Maynila ka, ibig mong “mangutang”,
nanghihiram ka ng pera.

• Ang “maganda” sa wikang Filipino ay “mahusay” naman sa Samar.

• Sa Pangasinan salitang “oras” ay “hugas” ang ibig sabihin sa Filipino; samantalanag


may salitang “oras” din sa Filipino na panahon naman ang tinutukoy.
Nangyayari rin na nagkakaroon ng magkaibang kahulugan sa magkahiwalay na
lugar na may magkaibang kultura ang isang salita.

Halimbawa:

• Ang salitang salvage ay nangangahulugang “iligtas o isalba” sa Ingles. Nang hiniram ng Filipino ang
salitang ito, kabaliktaran ang nagging kahulugan nito, dahil ang salvage ay nagging “pagpatay nang
hindi nilitis.”

• Ang “baka” sa Niponggo ay nangangahulugan ng “bobo” samantalang sa Filipino, ito ay isang hayop.
1. Ang ganitong pagkakaiba ay sa mga katawagan at kahulugan ay ng salitang ginagamit sa
iba’t ibang lugar ang tinatawag nating heograpikal na varayti ng wika.

PANSININ ANG MGA TUMBASAN NG MGA SALITANG ITO:

Maynila Iniihaw = binabange


Tagilid = tabinge
Langgam = hantik/guyam
Saranggola = papagayo/ bulado
Iimik = naghiso
Batangas at sa iba pang
lalawigan ng Tagalog
Tignan natin ang mga halimbawang larawan ng iba’t ibang katawagan para sa pulis at kung
saan-saang bansa ito ginagamit.
Basahin ang mga salitang sa loob ng kahon sa ibaba. Ang mga ito ay halimbawa ng varayti
sa heograpiya:

Mga Katawagan sa Tagalog-Maynila Katumbas na salita sa ibang lugar


lupa mukha (Pampanga)
lupa daga (Ilokos)
lumiban tumawid (Tagalog-Batangas)
pating kalapati (Iloilo)
hilom tahimik (Cebu)
doon dito (Antique)
iyo oo (Bikol)
• Hindi lamang lokasyon ng mga lugar at ang magkakaibang kultura na lumilikha ng
magkakaibang katawagan at kahulugan ang nagiging dahilan ng varayti ng wika. Ang
iba’t ibang paraan ng pagbuo ng salita ng mga taong kabilang sa iba’t ibang kultura ay
nagiging salik din sa varayti ng wika.

Basahing muli ang mga pahayag na ito:

“napatak ang mga dahon”

“nasuray ang dyipni”

“mapurol ang ulo”


• Sa unang pahayag, ginamit ang salitang “napatak” para sa dahoon. Sa Tagalog-Batangas
at sa iba pang lalaawigang Tagalog, maaaring gamitin ang salitang “napatak” para tukuyin
ang mga bagay na nalalaglag o nahuhulog (mula sa itaas).

Halimbawa nito ang pangungusap na:


 “Tayo nang mamulot ng mga napatak na mangga.
 “Malapit nang mamunga ang sinegwelas, kayrami nang napatak na dahon.”

Samantala, sa Maynila mas ginagamit ang “napatak” para sa tubig, gaya ng ulan at luha.
“NASURAY ANG DYIPNI”

• Sa pangalawang pahayag, ginamit ang salitang “nasuray” ng Tagalog-Batangas para sa isang


sasakyan. Sa Tagalog-Maynila, hindi sa sasakyan
Kung paghahambingin natin angginagamit salitang “nasuray” kundi tao.
ang salitang
gamit ng mga
“napatak” at “nagewang” sa Tagalog ng Batangas at Maynila,
• Mas ginagamit ang salitang
Pansinin mo ang pagbuo “pagewang-gewang”
ng mga salitang “napatak” ato“nasuray.”
“gumegewang” ilangkapag
Sa natin: sasakyan
lalawigang ang
Tagalog gaya ng
ganito ang mga pangungusap na mabubuo
Batangas, ang pandiwa o salitang nagpapakita ng aksyiyon o kilos ay nakabanghay sa unlaping /na-/
tinutukoy.
tulad ng naiyak, naulan, nakanta, at natakbo. Sa Maynila, ang pandiwa o salitang nagpapakita ng
aksiyon o kilos ay nakabanghay sa gitlaping /um-/ gaya ng umiiyak, umuulan, kumakanta, at
tumatakbo. Kaya sa Maynila, ang napatak ay pumapatak at ang nasuray ay sumusuray.
Halimbawa:
Batangas: Nasuray ang auto..
“Pagewang-gewang
Batangas: Napatak angangbuko.
sasakyang minamaneho ng lasing na drayber.”
Maynila: Sumusuray ang
Maynila: Pumapatak ang ulan.
“Gumegewang ang sasakyang minamaneho ng lasing paglakad na drayber.”
(ng lasing na lalaki).
2. Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba’t ibang lugar, nagkakaiba rin ang paraan ng
pagbuo ng salita ng mga naninirahan sa mga ito. Ang pagkakaiba-ibang ito sa pagbuo ng
mga salita dahil sa paglalapi ang tinatawag na morpolohikal na varayti ng wika.

Tagalog-Maynila kumain
Tagalog-Batangas (iba pang lalawigang nakain
Tagalog
Camarines Sur makakan
Legaspi City magkakan
Aklan makaon
Tausug kumaun
Bisaya mangaon
Pampanga mangan
• Sa pelikulang Heneral Luna, sa isang eksenang natimbuwang na ang Heneral sa dami ng
taga at tama ng baril na tinamo, ipinakita ang isang babaeng nasa bintana ng kumbento.
Nagsalita ang babae: “Nagalaw pa ba iyan?” Ipinapakita sa pangungusap na ito ang
varayti ng wikang gamit sa Hilagang Katagalugan: nagalaw sa halip na gumagalaw.

• Bilang pangkalahatang tuntunin, masasabing nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan


ang salita batay sa panalaping ginamit.
Halimbawa:

Salitang ugat: bili Salitang ugat: bili


Panlapi: -um- Panlapi: mag-

Nabuong salita: bumili (sa Nabuong salita: magbili (sa


Ingles, to buy) Ingles, to sell)
May mga pagkakataon naman na kahit magkaibang panalapi ang ginamit,
hindi pa rin nagbabago ang kahulugan ng salita.

• Tignan natin ang mga panlaping I- (unlapi) at –IN (hulapi).

• Pareho lamang ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:

Iluto lutuin
Iihaw ihawin
Iinit initin
Igisa gisahin
HALIMBAWA:

1. Iakyat mo na sa maysakit ang kanyang hapunan.


2. Akyatin na natin ang mayamang mangangalakal mamayang gabi.

Ang tanong, ano ang pagkakaiba ng dalawang pangungusap?

Tandaan: Maging maingat sa paggamit ng panlapi. Kung minsan, hindi lamang varayti o magkaibang anyo
ng iisang salita ang sangkot sa usapan; maaari ding maging iba ang kahulugan.
HALIMBAWA:

1. Magpugay tayo sa bandila.


2. Pugayan ang bandila.

Ang tanong, ano ang pagkakaiba ng dalawang pangungusap?


Kasama sa varayti ng isang wika ang ispeling o baybay ng salita. Tignan ang halimbawa ng
magkakaibang ispeling ng mga salita sa American at British English.

American English British English

acknowledgment acknowledgement
airplane aeroplane

anesthesia anaesthesia

analog analogue

catalog catalogue

characterize characterise

fiber fibre

theater theatre

enrollment enrolment
3. Ang pagkakaiba-ibang ito sa bigkas at tunog ng
mga salita ang tinatawag ba varayti sa ponolohiya.
• Bukod sa mga pagkakaiba sa katawagan at kahulugan (heograpikal na varayti), anyo at
ispeling (morpolohikal na varayti), nagkakaroon din ng pagbabago sa bigkas at tunog ng
mga salita ayon sa pangkat ng mga taong gumagamit nito.

• Tiyak na napansin mo na magkakaiba ang bigkas at tunog ng mga salita sa bawat lugar.
Katulad ng natalakay na, limilikha ng sariling wika ang mga taong magkakasama sa iisang
kultura at lugar. Sa paglikha ng kani-kaniyang wika, hindi maiwasang malikha rin ang
magkakaibang tunog at bigkas sa mga salita.

Dialectal accent
Ang ganitong varayti sa ponolohiya ay hindi eksklusibo sa mga wika sa pilipinas. Nangyayari rin ang
mga ganitong pagkakaiba sa bigkas at tunog sa ng wika sa daigdig. Narito ang ilang halimbawa:

Often - /o-fen/ vs. /of-ten/


Organization - /or-ga-ni-za-tion/ vs. /or-ga-nay-zey-tion/
Adidas - /A-di-das/ (mabagal) vs. /Adidas/ (mabilis)
Nike - /Nayk/ vs. /Nay-ki/
accurate - /a-kyu-reyt/ vs. /a-kyu-rit/
away - /a-wey/ vs. /a-way/
today - /tu-dey/ vs. /tu-day/
Porsche - /Por-sha/ vs. /Porsh/
millenium - /me-len-nyum/ vs. /mi-lin-nyum/

You might also like