You are on page 1of 12

Yunit II

Mga Kaalamang Pangwika, Mas Palalimin


at Palawakin!
Aralin 8

Ang Interaksiyonal, Personal,


at Imahinatibong Tungkulin
ng Wika
Layunin ng Talakayan
 mabigyang kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng
wika na nakatuon sa interaksiyonal, personal, at imahinatibo;

 mapag-iba ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal,


personal, at imahinatibo;

 matukoy ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal,


at imahinatibo sa pinanood na indie film;

 maiugnay ang interaksiyonal, personal, at imahinatibong


tungkulin ng wika sa pinanood na indie film; at

 makapagsagawa ng diadic na talakayan ukol sa tungkulin ng


wika sa pinanood na indie film.
Daloy ng Talakayan
 Ang wika, ayon kay Halliday;

 Transaksiyonal na Kahulugan at Funsiyonal (tungkulin) na


konteksto

 Ang Interaksiyonal na tungkulin ng wika;

 Ang Personal na tungkulin ng wika; at

 Ang Imahinatibong tungkulin ng wika


Ang Wika, ayon kay Halliday
 Ayon kay Halliday (1973), ang pagkatuto ng wika ay pagkatuto kung
paano bumuo ng kahulugan.

 Nasa pundasyon ng wika ang kultural at panlipunang anyo bunga ng


kultural at panlipunang proseso na lumilikha ng kahulugan sa isang
umiiral na kultura.

 Ang wika ay isang set ng tiyak at magkakaugnay na sistema ng mga


semantikong pagpipilian na mauunawaan sa pamamagitan ng
pananalita o leksikogramatikal na estruktura ng bokabularyo at sintaks.

 Ang wika ay isang moda ng pag-uugali at hindi isang purong


elementong panggramatika.
Transaksiyonal na Kahulugan at
Funsiyonal (tungkulin) na konteksto

Transaksiyonal ang pagpapakahulugan ng dalawang taong nag-uusap sa


magkabilang linya ng telepono ngunit ang panlipunang estruktura na
nagtatakda ng wastong pagsisimula at pagtatapos ng isang pag-uusap ay
malinaw na nagkokonsidera sa kontekstwal na tungkulin ng wika.
Ang Interaksyonal na Tungkulin ng Wika

 Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang


ugnayan, ang wika ay may interaksiyonal na tungkulin.

 Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang


isang tao at ang kaniyang kapuwa sa paligid.
Ang Interaksyonal na Tungkulin ng Wika

Halimbawa

Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga


panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon at
palakasin ang layuning makipagkapuwa gaya ng, “Mahal Kita,”
“Kamusta?” “Nanay,” at “Mabuhay!”
Ang Interaksyonal na Tungkulin ng Wika
Paano Mabisang Matatamo ang Mahusay na
Interaksiyon?
Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa pamamagitan ng
estratehiyang interaksiyonal gaya ng paggamit ng mga katangiang di
gumagamit ng salita, tulad ng kilos, tuon ng mata, at pagwiwika ng
katawan (mga muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-kiling ng ulo, at iba
pang mga kilos).
Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon kung paiba-iba
ang eskpresyon, tono, at intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa
pakikipagusap.
Ang Personal na Tungkulin ng Wika

Nagsisilbing gampanin naman ng personal na tungkulin ng wika ang


palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag ang


kaniyang mga personal na preperensiya, saloobin, at pagkakakilanlan.
Ang Imahinatibo na Tungkulin ng Wika

Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng wika upang ipahayag


ang imahinasyon at haraya, maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, lumikha
ng bagong kapaligiran o bagong daigdig.

Sa pagsulat ng mga malikhaing komposisyon, gumagamit ng tayutay at


iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng mapang-akit na
komunikasyon.
Ang Imahinatibo na Tungkulin ng Wika
Halimbawa

Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines ay nagpapakita ng


malikhaing gamit ng wika upang magpatalas ng isang ipinahihiwatig
na kahulugan at damdamin.

“Papupulis kita! –
“Password ka ba?
– Ninakaw mo kasi
ang puso ko.”
‘Di kasi kita
makalimutan.”

You might also like