You are on page 1of 88

UNANG MARKAHAN

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 1


Konseptong
Pangwika
Unang Modyul

Nakatuon ang modyul na ito sa mga Konseptong Pangwika. Nahahati ito sa dalawang aralin;
ang una ay ang konsepto ng mga wika sa Filipinas, wikang Pambansa, wikang Opisyal, wikang
Panturo. Ang ikalawa naman ay pumapaksa sa iba pang mga konseptong pangwika tulad ng
Unang wika, Pangalawang wika, Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo,
Barayti ng Wika, Homogenous at Heterogenous.
Lilinangin sa modyul na ito ang karunungang pangwika ng mga mag-aaral sa pag-ugnay ng
mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyon sa radyo, talumpati at panayam,
pagtukoy ng kahulugan at kabuluhan, at pag-ugnay nito sa sariling karanasan.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 2


KONSEPTONG PANGWIKA
Aralin Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
1.1 Unang Linggo (First Quarter)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radio, talumpati, at panayam
2. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
ALAM MO BA?
Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang wika at wikain. Mayroon tayong
walong pangunahing wikang ginagamit sa iba’t ibang kapuluan: Tagalog,
Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Kapampangan, at Pangasinense.
Ang pagkakaroon ng maraming wika sa bansa ang naging dahilan ng
pangangailangang magkaroon ng isang pambansang wika.
Ayon kay Jose Villa Panganiban, isang leksikograpo at lingguwista, ang wika
ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinion sa pamamagitan ng mga
salita upang magkaunawaan ang mga tao.

Ang wikang Filipino ay ang opisyal na wikang ginagamit ng mga Pilipino sa


pakikipagtalastasan sa buong bansa. Ito ang nagsisilbing midyum ng
komunikasyon saan ka man sa Pilipinas. Ayon pa nga kay Marquez (2017), ang
wikang Filipino ang wikang behikulo ng kulturang sariling at siyang inaasahang
magbubuklod sa bansa. Sa pamamagitan nito’y maabot ang masa, maaarok ang
kanilang saloobin, hangarin at mithiin.

MAGSIMULA TAYO!
Isulat sa bilohaba ang mga salitang magbibigay kahulugan sa wika.
Pagkatapos ay pumili sa mga salitang naisulat at magbigay ng maikling
pagbabahagi tungkol sa iyong karanasan sa paggamit ng wika.

WIKA

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 3


TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Konseptong Pangwika sa iyong aklat sa
pahina 16 hanggang 20.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang link na ito tungkol Multilingguwal na Perspektibo
ng Wika: https://www.youtube.com/watch?v=OsucgIjtTms

KARAGDAGANG KONSEPTO

Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga


Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at dayalekto. Humigit-kumulang 150 wika
at dayalekto ang umiiral sa ating bansa.

PAMBANSANG WIKA
Sang-ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935, ang
Kongreso ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
pambansang wika na ibabatay sa mga umiiral na katutubong wika.
Noong Disyembre 31, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa
rekomendasyon ng Surian sa bias ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.

Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula sa
Tagalog ito ay naging Pilipino sa bias ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
ipinalbas ni Jose E. Romero.
Ayon naman sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas ng 1987, nakasaad
na “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika.

WIKANG OPISYAL
Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala
sa konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng
pamahalaan. May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas – ang Filipino at Ingles.
Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 7, ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hanggan’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 4


WIKANG PANTURO
Sa pangkalahatan ay Filipino aat Ingles ang mga opisyal na wika at wikang
panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother
Tongue o Unang Wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo
mula Kindergarten hanggang Grade 3.
Sa mas matataas na baiting ay Filipino at Ingles pa rin ang pangunahing wikang
panturo o medium of instruction.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Bakit mahalagang malaman natin ang pinagmulan ng wika?

IBAHAGI
Sa iyong sariling pagkakaunawa, ano ang pinagkaiba ng Tagalog sa
Filipino? Paano mo ito natutukoy sa iyong pagasasalita?

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Ano ang kabuluhan ng wika sa pagiging mamamayan ng bansa at ng
daigdig? Ipaliwanag.

2. Sa kasalukuyan, napapanatili pa rin ba ang paggamit ng Filipino sa mga


opisyal na transaksyon o pagdinig sa pamahalaan?

3. Paano babaguhin ang uri ng mga estudyanteng produkto ng mga paaralang


gumagamit ng unang wika?

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 5


ATING PALALIMIN
Makipanayam ng tatlong taong marunong ng ibang wika o diyalekto
(halimbawa: isang Waray, isang Cebuano at isang Ilokano). Tanungin sila kung
paano ipinapahayag sa kanilang katutubong wika ang mga sumusunod na mga
pahayag. Suriin kung may pagkakapareho o pagkakaiba ang mga ginamit na
wika.

PAHAYAG ______________ _______________ ______________


1. Ang ganda
ng Pilipinas

2. Maraming
salamat sa
iyong
kabutihan.
3. Ako ay
bihasa sa
wikang
Filipino.
4. Saan ka
nakatira?

5. Sino ang
iyong
inspirasyon
sa buhay?

ATING PAHALAGAHAN
Batay sa aralin, ano-ano ang naisip mong kahalagahan ng wika sa lipunan, sa
iyo bilang mag-aaral at sa pagkakaibigan? Ilahad ang iyong kasagutan sa mga
kahon.

MGA KAHALAGAHAN NG WIKA SA LIPUNAN

MGA KAHALAGAHAN NG WIKA BILANG MAG-AARAL

MGA KAHALAGAHAN NG WIKA SA PAGKAKAIBIGAN

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 6


ATING ILIPAT
A. Pumli ng gawain sa pahina 22 Tapusin Mo Na.
B. Magsagawa ng interbyu sa mga propesyonal tungkol sa paggamit nila ng
Filipino at Ingles gabay ang mga sumusunod na katanungan:

1. Sa ano-anong sitwasyon nila ginagamit ang Filipino?


2. Sa anong sitwasyon naman nila ginagamit ang Ingles? May mga
pagkakataon bang sabay ang paggamit ng dalawang wika?
3. Sa ano/ ano-anong sitwasyon ito nangyayari?
Sa pamamagitan ng isang slideshow presentation, gumawa ng balangkas ng
iyong ginawang panayam. Susukatin naman ng guro ang pag-uulat gamit ang
rubrik na ito:
Rubrik para sa Pagbabalita gamit ang Slide show Presentation

NAISAGAWA NANG NAISAGAWA BAHAGYANG


MAY KAGALINGAN (2 puntos) NAISAGAWA
(3 puntos) (1 puntos)

Nakalap na Siksik at mayaman sa Hindi gaanong sapat Kulang ang


impormasyon mula impormasyon mula ang nakuhang nakuhang
sa panayam sa mga interbyu impormasyon mula impormasyon mula
sa mga interbyu sa interbyu

Organisasyon Naihahanay nang Naihahanay ang mga Hindi organisado ang


maayos at lohikal ang impormasyon paghahanay ng mga
mga impormasyon impormasyon

Kalinawan ng Malinaw at madaling Hindi gaanong Mahirap unawain at


Presentasyon maunawaan ang malinaw at kadaling sundan ang
presentasyon unawain ang presentasyon
presentasyon

Kahandaan Nagpapakita ng lubos Handa sa Hindi lubos ang


na kahandaan; presentasyon subalit kahandaan at hindi
naipaliliwanag at hindi gaanong nasasagot nang
nasagot na mabuti naipaliliwanag ang maayos ang mga
ang mga tanong sagot sa mga tanong tanong

9-12 puntos – Sadyang kahanga-hanga ang slide show presentation

8-11- Kahanga-hanga ang slide show presentation

7-0 – Mas mapagbubuti pa

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 7


IBA PANG KONSEPTONG PANGWIKA
Aralin
Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
1.2
Ikalawang Linggo (First Quarter)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang
komunikasyon sa telebisyon
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga
karanasan

ALAM MO BA?
Sinasabing ang wika upang ituring na buhay ay bukas sa pagpasok ng mga
bagong salita ayon sa pangangailangan ng panahon. Ayon nga sa isang
kasabihan sa Ingles: “Variety is the spice of life”. Ibig sabihin, ang
pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi nakasasama. Maaari
itong tingnan bilang isang proseso ng pag-unlad at pagyabong, isang magandang
pangyayari sa pagpapayaman sa wika. Ayon kay Pamela Constantino (2002),
“mahalaga ang pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa.”
Naniniwala siyang may malaking kinalaman o ugnayan ang wika sa lipunan at ang
lipunan ay isang masining na kultura. Dagdag pa niya, “Ang kultura ay hango sa mga
tao at ang wika ay nagpapahayag ng espiritu/kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa
lipunan/komunidad.” (Constantino, p.10)

MAGSIMULA TAYO!
Hatiin sa tatlong pangkat ang buong klase o kung maaari’y ang bawat isa
ay gagawa ng gawain. Isasalin ng mga mag-aaral sa wikang Waray ang
awiting “Mahal Ko o Mahal Ako” ni Edwin Morollano na pinasikat ni KZ
Tandingan. Pagkatapos, kakantahin ang tatlong bersyon ng awit na ito.

ENGLISH WINARAY
FILIPINO
Who should I love?
You, whom my hoped Sino ang iibigin ko?
flocked Ikaw ban a pangarap ko
Or he on my heart O siya bang kumakatok
knocked sa puso ko?
What should I side? O, anong paiiralin ko?
My heart or my mind? Isip ba o ang puso ko?
I’m now confused inside Nalilitong litong litong lito
Who should I pick Sinong pipiliin ko?
The one I love or one Mahal ko o mahal ako?
who loves me?

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 8


TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Konseptong Pangwika sa iyong aklat sa
pahina 23 hanggang 26.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Bilingguwalismo at Multilingguwalismo -
https://www.youtube.com/watch?v=-F-u2vp6Ysg
Barayti ng Wika -
https://www.youtube.com/watch?v=n_r8JlWWzIU

KARAGDAGANG KONSEPTO

Ang UNANG WIKA ay tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o inang wika” dahil
ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata. Tinatawag na “tall” na
tagapagsalita ng isang partikular na wika ang isang tao na ang unang wika ay ang
wikang pinag-uusapan. Halimbawa, “taal na Tagalog” ang mga tao na ang unang
wika ay Tagalog. May nagsaabi rin na sila ay “katutubong tagapagsalita” ng isang
wika.
PANGALAWANG WIKA ang tawag sa iba pang mga wikang matutuhan ng isang
tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika. Halimbawa, Hiligaynon ang
unang wika ng mga taga-Iloilo. Ang Filipino ay pangalawang wika para sa kanila.
Ang Ingles, Nipongo, Pranses, at iba pang mga wikang maaari nilang matutuhan
ay tinatawag ding pangalawang wika.
IKATLONG WIKA ang tawag sa wikang natutunan ng bata buhat ng paglawak ng
kanyang mundo, pagdami ng batang nakasasalamuha, gayundin ang mga lugar
na kanyang nararating, mga palabras na napapanood sa telebisyon, mga aklat na
nababasa at pagtaas ng antas ng kanyang pag-aaral.

BILINGGUWALISMO
Nakapagsasalita ang tao ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan.
Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan itong paggamit
ng Ingles at Filipino bilang panturo sa iba’t ibang magkakahiwalay na asignatura:
Ingles sa Matematika at Agham, Filipino sa Araling Panlipunan at iba pang
kaugnay na larangan. Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi multilingguwalismo

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 9


ang pinaiiral na patakarang pangwika sa edukasyon. Ang pagpapatupad ng
Mother-Tongue-Based Multilinggual Education o MTB-MLE ay nangangahulugang
paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar.
MULTINGGUWALISMO
Ang multilingguwalismo ay ang pagkakaroon ng natural na kasanayan at
kahusayan sa paggamit ng higit pa sa dalawang wika. Kinikilala rin sa larangan ng
edukasyon sa ating bansa ang multilingguwalismo bilang patakarang pang-
edukasyon dahil sa ating karanasang pangkasaysayan at sa likas na pagiging
mayaman ng ating bansa sa iba-ibang wika at kultura. Ito ay patakarang pangwika
kung saan nakasalig sa paggamit ng pambansang wika at wikang katutubo bilang
pangunahing midyum sa pakikipagkomunikasyon at pagtuturo bagam’t hindi
kinalilimutan ang wikang global bilang mahalagang wikang panlahat. Layunin
nitong pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo at/o wika ng tahanan (unang
wika) bilang pangunahing wika ng pagkatuto at pagtuturo mula sa una hanggang
ikatlong baiting sa elementarya, susundan ito ng Filipino o ng wikang pambansa
bago simulant ang pagtuturo sa wikang Ingles. Samakatuwid, kinakailangang
maging bihasa muna ang isang bata sa kanyang unang wika, sa pangalawang
wika, at kung mayroon pa, ikatlong wika upang maturing siyang multilingguwal.

MONOLINGGUWALISMO
Ang monolinggwalismo naman isang kaparaanan at pagbabagong ponemang
pangwika na puspusang tinatalakay ng mga sosyolingguwistiks. Ito ang tawag sa
pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa. Ibig sabihin, iisang wika ang
ginagamit ng wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May iisang wika
ring umiiral bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at
wika ng pakikipagtalastasan sa pangaraw-araw na buhay. Layunin ng
monolingguwalismo na ipatupad ang iisang wika sa isang bansa katulad ng
mahigpit na paggamit ng Pransya ng Wikang Pranses. Ang mga bansang mahigpit
na ipinag-uutos ang sistemang monolingguwal ay Englatera, Pransya, South
Korea at Hapon.

HOMOGENOUS AT HETEROGENOUS NA WIKA


Ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika ay kaugnay ng sosyolingguwistikong
teoryang ito dahil sa pamumuhay ng magkakaibang mga indibidwal at pangkat na
namumuhay sa magkakaibang lugar na tinitirhan, may iba-ibang interes, gawain,
ponag-aralan, at iba pang aspekto ng pamumuhay. Pinaniniwalaan na sa teoryang
ito, ang wika ay hindi lamang instrument sa pakikipagkomunikasyon kundi isang
mahalagang instrument sa pagbuo ng isang sama-samang lakas ng
magkakaibang kultural at sosyal na gawain.
Samantala, ang ideya naman ng pagiging homogenous ng wika ay nababatay sa
kapaligiran ng mga indibidwal o pangkat na nainirahan sa iisang pook,
pagkakatulad ng interes, paniniwala, paraan ng pamumuhay at pagkakaunawaan
gamit ng iisang wika lamang.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Paano nakatutulong ang pagiging multilingguwal ng isang tao?

IBAHAGI

Anong palabas sa telebisyon ang may isa o higit pang wikang


ginagamit? Paano mo ito naiintindihan?
©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 10
IBA’T IBANG BARAYTI NG WIKA

Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga lingguwista, ang barayti ng wika ay ang


pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng
katangiang sosyo-sitwasyunal. Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na
ginagamit ng mga tao sa bansa.
o Dayalek. Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng
mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o
bayan.
Halimbawa: Tagalog ng Rizal, Tagalog ng Morong
o Idyolek. Ito ang pansariling paraan ng pagsasalita ng isang indibidwal. Dito
lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
Halimbawa: Idyolek ni Marc Logan, Noli de Castro, Kris Aquino, at iba pa.
o Sosyolek. Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Halimbawa: gay lingo, conyospeak, jejemon, wika ng mahirap o mayaman
o Etnolek. Barayti ng wika mula sa mga etnolinguwistikong grupo.
Halimbawa: Vakkul (salitang Ivatan na nangangahulugang pantakip ng ulo),
bulanon, kalipay, palangga
o Ekolek. Barayti naman ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng
tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi o lumalabas sa
bibig ng mga bata at mga nakatatanda.
Halimbawa: Pappy o Mumsy, pamingganan at iba pa
o Register. Naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit
niya sa sitwasyon o kausap. Maaaring sitwasyunal na rehistro, okupasyunal
na rehistro at tropical na rehistro.
Halimbawa: Paggamit ng pormal at ‘di-pormal na paraan ng pagsasalita
o Pidgin at Creole. Ang pidgin ay isang barayti ng isang wika na napaunlad sa
kadahilanang praktikal, tulad ng mga pangangalakal, sa mga pangkat ng tao
hindi alam ang wika ng iba pa. Ang Creole naman ang isang wika kung ang
pidgin ay nadedebelop lagpas sa tungkulin nito bilang wika ng pangangalakal
at naging unang wika ng isang pamayanang panlipunan.
Halimbawa: nagsimula bilang pidgin ang Zamboangueño Chavacano na
kinalaunan ay naging creole dahil may nabuo itong sariling gramatika.
(Semorlan, 2012)

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Paano natitiyak ng kasalukuyang pamahalaan na matatamo ng mga
mamamayan nito ang multilingguwalismo?

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 11


2. Ano ang ugnayan ng wika at lipunan? Paano pinaghihiwalay ng wika ang
pangkat ng mga tao sa lipunan?
3. Paano nagiging tanda ng natatanging paraan ng pagsasalita ng tao ang
idyolek? Ano-ano kaya ang mga salik na maaaring makaapekto sa idyolek
na nalilinang ng isang tao? Ipaliwanag.

ATING PALALIMIN
A. Gawin ang Isabuhay Mo Na sa pahina 27 ng inyong aklat.
B. Panoorin ang video mula sa youtube na pinamagatang “K-12 Kaalaman:
Mother tongue-based multilingual education”. Pagkatapos panoorin ay
suriin ang nilalaman at maglahad ng dalawang sariling repleksyon o
komento. Ilagay ito sa mga kahon sa ibaba.
(youtube link: https://m.youtube.com/watch?v=dkpXSL5QPmg)

ATING PAHALAGAHAN
A. Maglahad ng iyong sariling repleksyon tungkol sa wikang Filipino at ang
mga konsepto tungkol dito. Gamitin ang iyong UNANG WIKA sa paglalahad
ng iyong opinyon.

B. Gawin ang Lihain Mo Na sa pahina 27 ng iyong aklat.

ATING ILIPAT
Panoorin ang tig-isang episode ng sumusunod na mga programa sa telebisyon.
Habang nanonood, magtala ng mga salitang ginamit na nabibilang sa iba’t ibang
barayti ng wika. Suriin ang mga salitang ito, pagkatapos, sabihin kung paano
nakatulong ang mga ito sa lubusang pag-unawa mo sa nilalaman at mensahe ng
programang pinanood.
1. Imbestigador ni Mike Enriquez (GMA-7)
2. Tapatan ni Tonying (TNT) ni Anthony Taberna (ABS-CBN)
3. Word of the Lourd ni Lourd De Veyra (TV-5)

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 12


Pagkatapos mong matutunan at maisakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito
ay handa ka na sa isang maikling pagsusulit. Pag-aralang muli ang mga
mahahalagang paksa para sa pagsusulit sa susunod na araw.

Gamit ng Wika
Ikalawang Modyul
Nakatuon ang modyul na ito sa mga Gamit ng Wika. Nahahati ito sa tatlong aralin; (1) ay ang unang
pangkat ayon sa konsepto ni M.A.K Halliday - instrumental, regulatori, inter-aksiyonal, at personal;
(2) ang ikalawang pangkat - heuristiko, imahinatibo, at impormatibo; at (3) ayon naman kay Jakobson
- pagpapahayag ng damdamin, panghihikayat, pagsisimula ng pakikipag-ugnayan, paggamit
bilang sanggunian, paggamit ng kurokuro at patalinghaga. Bahagi rin sa ikatlong aralin ang mga
cohesive device.
Lilinangin sa modyul na ito ang karunungang pangwika ng mga mag-aaral sa paggamit ng
kaalaman sa modernong teknolohiya, pagbibigay kahulugan sa mga komunikatibong gamit ng wika sa
lipunan, pagtukoy ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan, pagpapaliwanag nang pasalita ang gamit ng
wika sa lipunan, paggamit ng mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagsaliksik ng mga
STEFTI-SHS 2020-2021
©halimbawang Komunikasyon
sitwasyon na nagpapakita ng gamit at
ngPananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 13
wika sa lipunan.
GAMIT NG WIKA:
Aralin Instrumental, Regulatoryo, Interaksiyonal at Personal
2.1
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa)
2. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon
kay M.A.K Halliday)
Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikatlong Linggo (First Quarter)

ALAM MO BA?
Ayon kay Josefina Mangahis et. al., (2008), mahalagang instrumento sa
pakikipagkomunikasyon ang wika. Nag-uugat ang tungkulin nito sa umiiiral na
sistema ng isang kultura ayon sa pamanatayan ng paniniwala, tradisyon,
pag-uugali, at kung paano nakikisalamuha ang mga tao sa lipunang
kanilang ginagalawan. Ayon kay kinikilalang “Ama ng Makabagong
Sosyolohiya” na si Emile Durkheim (1985), ang lipunan ay nabubuo sa
pamamagitan ng mga taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang
bawat isa ay may kanya-kanyang papel naginagampanan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang pitong gamit ng wika ayon sa aklat ni
Servillano T. Marquez Jr., Ph.D. (2017) na Komunikasyon at Pananaliksik sa WIKA
at KULTURANG PILIPINO. Nahahati sa dalawang pangkat ang mga ito. Ang una
ay ang instrumental, regulatori, inter-aksiyonal, at personal. Tumutukoy ito sa
pangangailangan ng mga bata na matuto ng wika upang matugunan ang mga tiyak
na layunin o tungkulin sa lipunan. Ang huling pangkat ay heuristiko, imahinatibo,
at impormatibo na para naman sa pangangailangan ng mga bata sa pag-agapay
at pakikisalamuha sa kanyang paligid at lipunang ginagalawan.

MAGSIMULA TAYO!
Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Lagyan ng emoji ang pahayag na sa
tingin mo’y nagamit mo na sa pakikipagtalastasan. Ibatay ang emosyon
ng emoji sa damdamin ng bawat pahayag. Lagyan naman ng ekis ang pahayag
na hindi mo pa nagagamit.
1. Hinahangaan kita sa iyong angking galling.
2. Kilala mo ba si Kim Chu?

3. Paano ko siya kakalimutan?


4. Ang ganda ng aklat na binasa ko!
5. Bawal lumabas!

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 14


Maaaring ibahagi sa klase ang iyong ‘di malilimutang karanasan tungkol sa
mga pahayag na iyong nagamit sa gawain at ang kahalagahan ng paggamit ng
wika sa iyong naging pag-uusap.

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Gamit ng Wika sa iyong aklat sa pahina
58 hanggang 66.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Gamit ng Wika -
https://www.youtube.com/watch?v=Akp4D6Kka7w

KARAGDAGANG KONSEPTO

GAMIT NG WIKA
Ayon kay M.A.K Halliday

· 1. Instrumental
Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan
ng mga tao sa paligid lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin.
Ginagamit rin ito upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay tulad ng
paguutos, pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa
karunungang kapaki-pakinabang, pagbibigay panuto, pangangalakal, paggawa ng
liham pangalakal, at iba pa.
Mga Halimbawa:
Patalastas

2. Regulatoryo
Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Itinuturi ring
instruksiyon o ang pagkokontrol sa anong rapat gawin tulad ng pagtakda ng mga
regulasyon, direksiyon o proseso sa kung paano gawin ang isang partikular na
bagay, pag-ayon, pagtutol, at iba pa.

Mga halimbawa:
Mga babala

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 15


3. Interaksyonal
Ang wika ay Interaksyonal kung may interaksyon sa isa’t isa o ang pagkaroon ng
kontak sa iba at bumuo ng pagkakaugnayan sa pamamagitan ng
pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa. Mga halimbawa wikang
Interaksyonal ay tulad ng pagpapaalam, pagbibigay-galang o pagbati, paggawa
ng liham para sa isang tao, at iba pa.

Mga halimbawa:

Liham

· 4. Personal
Ang wika ay sinasabing Personal kung ito’y tinatamaan sa personal na damdamin
tulad ng pagpapahayag ng sariling opinion o niramdaman. Ang wikaing ito ay
impormal at walang tiyak na balangkas. Halimbawa sa mga gawaing ito ay ang
panglalait o pagmumura, pagsisigaw, pagsusulat ng editoryal, pagsusulat ng
dyaryo at iba pa.
Halimbawa:

Mga talaarawan

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Paano nagkakaiba ang mga gamit ng wika ayon sa tinalakay sa modyul na
ito?

2. Saan nag-uugat ang gamit ng wika? Bakit napakahalagang pag-aralan ang


mga ito?

ATING PALALIMIN

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 16


Magsaliksik sa google ng mga poster o print ads ng mga kilalang produkto sa
bansa. Ipaskil ang nahanap na ad sa mga kahon batay sa paggamit ng wika.
Maglahad ng patunay o paliwanag sa iyong halimbawa.

PANG-INSTRUMENTAL PANREGULATORI

_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________

PANG-INTER-AKSIYONAL PAMPERSONAL

_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 17


ATING PAHALAGAHAN
Kompletuhin ang dayagram ng mga impormasyong tumutukoy sa pagkakaiba ng
tatlong tungkulin ng wikang tinalakay. Ilagay sa unang linya ang pagkakaiba sa
kahulugan at ikalawa, ang pagkakaiba ng gamit.

INSTRUMENTAL REGULATORI INTER- PAMPERSONAL


AKSIYONAL

Pagkakaiba
sa kahulugan

Pagkakaiba

sa gamit

ATING ILIPAT
Pang-indibidwal: Manood sa Youtube ng isang Commercial Video na gumagamit
ng alin sa mga natalakay na gamit ng wika. Ilahad ang mga bahagi ng bidyo na
nagpapatunay sa naturang gamit ng wika.
Pangkatan: Makipangkat sa mga kamag-aral. Magkaroon ng isang video
presentation tungkol sa mga gamit ng wika ayon sa mga karaniwang paggamit nito
sa pang-araw-araw.
Pamantayan sa Pagtatanghal

Kamangha- Nakakamangha Magaling MARKA


Pamantayan mangha (4 puntos) (3-2 puntos)
(5 puntos)
Nilalaman Naglalaman ng May laman ang May iilang bahagi
kompletong detalye pagtatanghal ng ng pagtatanghal
sa hinihinging hinihinging ang naglalaman
kaisipan kaisipan ng kaisipan
Organisasyon Organisado at Kinakikitaan ng May iilang bahagi
maayos ang pagka-organisado ang kinakikitaan
pagkakabuo ng sa kabuuan ng ng pagka-
mga detalye sa detalye ng bawat organisado
bawat bahagi bahagi
Wika Lubos na maayos May kalinisan ang May iilang bahagi
at malinis ang balarila ng ang nagpapakita
balarila ng pagtatanghal ng kalinisan sa
pagtatanghal balarila ng
paagtatanghal
Pagkamalikhain Lubos ang May kahusayan at May bahaging
kahusayan at pagkamalikhain nagpapakita ng
pagkamalikhain ng ang ginagawang pagkamalikhain
ginagawang pagtatanghal
pagtatanghal

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 18


Kahandaan Kinakikitaan ng May kahandaang Hindi gaanong
Aralin lubos na
kahandaan sa lahat
makikita sa
ginagawang
pinaghandaan
ang ginawang
2.2 ng aspeto ng pagtatanghal pagtatanghal
pagtatanghal

KABUUAN

GAMIT NG WIKA:
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at pelikula
2. Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay ng halimbawa
Heuristiko, Imahinatibo at Imporatibo
Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikaapat na Linggo (First Quarter)

ALAM MO BA?
Sa panahon ng patuloy na paglaki ng bata, patuloy niyang natutuhan ang wikang
ginagamit sa lipunang kanyang ginagalawan. Mahalagang aspekto ito sa
pagtuklas niya ng iba pa niyang pangangailangan upang maayos na
makisalamuha sa lipunang kinabibilangan niya. Giagamit niya ang wika
upang maipakita ang mga kakayahang mayroon siya upang magampanan
ang mga tungkulin niya bilang isang indibidwal na bahagi ng higit pang mas
malaking lipunan.
Ibahagi sa klase ang mga sitwasyong naranasan mo na sa nagpapakita ng
kahalagahan ng paggamit ng wika sa paglinang sa iyong mga kakayahan na
maiaambag sa lipunang iyong ginagalawan.

MAGSIMULA TAYO!
Noong 2012, inillunsad ng Kagawaran ng Turismo ang opisyal na
kampanyang panturismo ng Pilipinas, ang “It’s More Fun in the Philippines”
upang hikayatin ang mga turista na bisitahin ang ipinagmamalaking mga
pasyalan, magagandang tanawin, at matikman ang namumukod-tanging
kasiyahan sa paglilibot sa buong kapuluan ng Pilipinas. Batay dito, bumubuo
naman ng iyong orihinal at malikhaing tag line sa wikang Filipino na
humihikayat sa mga mamamayang Pilipino na tangkilikin ang pambansang
turismo.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 19


TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Gamit ng Wika sa iyong aklat sa pahina
58 hanggang 66.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Gamit ng Wika -
https://www.youtube.com/watch?v=4zYZuj6FWhk

KARAGDAGANG KONSEPTO

GAMIT NG WIKA (Ikalawang Pangkat)

· 5. Heuristiko
Ang wika ay Heuristiko dahil sa wikang ito ay naghahanap ng mga impormasyon
at gamit madalas ay mga impormasyon makakatiwalaan na makamit sa mga
propesyonal at akademikong libro o pinanggalingan. Halimbawa sa mga ito ay ang
pagtatanong, pagnanaliksik, pag-eeksperimento, panonood ng mga balita sa
telebisyon o dyaryo, at iba pa.

Mga Halimbawa:

Interbyu Pagbabasa ng magasins o mga pahayagan

6. Imahinatibo
Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang
imahinatibo na bagay. Madalas itong kinukwento sa paraang pagsusulat o

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 20


pagsasalita na produkto. Halimbawa sa wikang ito ay ang pagtula, pagawit,
pagkukwento ng kwento, pagbabasa ng nobela, at iba pa.

Ayaw Ko Nang Lumuha Pa


Ni Balagtas (Galing kay Selya)

Minsan na akong umibig, umibig ng ubod tapat Ayaw ko nang lumuha pa, lumuha at maghinagpis
at minsan kong naranasan, matamis nga ang pagliyag ‘di koi big na sugatan, at was akin yaring dibdib
Minsan din akong lumuha, lumuha nganong saklap Yaring pinto ng puso ko’y malaong nang nakapinid
‘pagkat ako ay nabigo, kabiguang walang tulad. upang ‘di na muling buksan, mga tawag tawag ng pag-ibig.

Pilit kong maiwaglit, maiwaglit at limutin Salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo’t mga sumpa
talikuran ang pag-ibig, mga lalaki’y sumpain iya’y ‘di ko matatanggap, sapagkat ako’y nadala
na
Ngunit ako’y tao lamang, mayroong puso’t damdamin Ang sugat na naghilom na’t, ‘di nais manariwa
pinukaw ng pag-ibig mo, ang puso kong nahihimbing. ayaw ko nang magtiwala, ayaw na ngang lumuha.

Labis akong natatakot, natatakot magpabaya


‘di ko lubos na nabatid, kung ikaw ri’y mandaraya
Baka kung matutuhan, kong umibig at magtiwala
ako’y iyong talikuran, at iwanang lumuluha.

· 7. Impormatibo
Ang wika ay ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa paraang pagsusulat at
pasalita. Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga artikulo tulad ng tesis, research
paper; pagsasaysay o pag-uulat, pagtuturo, at iba pa.

Mga Halimbawa:

Pagtuturo Panayam

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Isa-isahin ang tatlo pang gamit ng wika ayon sa tinalakay sa modyul. Paano
nagkakaiba-iba ang bawat isa?

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 21


2. Saan nag-uugat ang tatlo pang gamit ng wika? Bakit napakahalagang pag-
aralan ang mga ito?

ATING PALALIMIN
Manood sa telebisyon ng isang episode ng mga kilalang soap opera o
pelikulang Pilipino ngayon. Suriin ang mga linya o diyalogo ng mga aktor at
ilagay sa mga kahon sa ibaba ang bahagi ng palabas na nagpapatunay sa
gamit ng wika. Lagyan din ng paliwanag ang iyong napiling halimbawa.

PANG-HEURISTIKO PANG-IMPORMATIBO

_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________

PANG-IMAHINASYON

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 22


_____________________________________
_____________________________________

ATING PAHALAGAHAN
Lagyan ng angkop na diyalogo o pahayag ang tatlong speech bubbles na
nagpapakita ng tatlong gamit ng wikang tinalakay. Siguruhing may ugnayan ang
tatlong pahayag sa isa’t isa.

ATING ILIPAT
Pumili ng alinman sa mga naitalakay na gamit ng wika at bumuo ng iyong sariling
halimbawa para rito. Pagkatapos makalikha, i-post sa facebook o anumang social
media sites na may caption sa kung gaano kahalaga ang gamit ng wika sa
pakikipagkomunikasyon sa bawat isa. Suriin kung naging epektibo ba ng iyong
nilikha sa pakikipagtalastasan.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 23


GAMIT NG WIKA (Ayon kay Jakobson)
Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikalimang Linggo (First Quarter)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Aralin
1. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa
2.3
sa mga gamit ng wika sa lipunan
2. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan

ALAM MO BA?
Madalas sa pakikipagkomunikasyon, nagiging suliranin ng nag-uusap kung paulit-
ulit ang paksa ng pag-uusap. Cringe, Redundant, o paulit-uliti kung sabihin pa.
Kaya, maliban sa kaalaman paano gamitin ang wika, mahalaga ring malaman ng
isang tagapagsalita ang kaangkupan ng salitang bibigkasin upang
mapanatili ang magandang ugnayan.
Ayon pa nga kay Marquez (2017), sa pakikipagkomunikasyon,
kailangang mabatid ng isang nagsasalita ang mga paraan ng paggamit ng
wika. Mahalaga ito upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang bawat isa.
Mababatid ng kinakausap ang layunin ng nagsasalita, gayundin naman,
maiaangkop ng nagsasalita ang paraan ng kanyang pagpapahayag ayon na rin sa
pagkakilala niya sa kausap.
Napapansin mo ba ito minsan sa iyo? Gaano kadalas mong nauulit ang mga
salita?

MAGSIMULA TAYO!
Pansinin ang larawan sa kaliwa, subukang ayusin at mas magandahin ang
mga pangungusap dito. Muli itong isulat sa kahon sa kanan.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 24


TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Gamit ng Wika sa iyong aklat sa pahina
77 hanggang 78.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Gamit ng Wika -
https://www.youtube.com/watch?v=fUc9V8vSGgI&t=78s
Kohesyong Gramatikal –
https://www.youtube.com/watch?v=ROG3WLYwcZY

KARAGDAGANG KONSEPTO

GAMIT NG WIKA (Ayon Kay Jakobson, 2003)


1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive). Saklaw nito ang pagpapahayag
ng mga saloobin, damdamin at emosyon.
Halimbawa: Nakikiisa ako sa mga adhikain ng ating pamunuan

2. Panghihikayat (Conative). Ito ang gamit ng wika upang makahimok at


makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakikipag-
usap.
Halimbawa: Magkaisa tayong lahat upang maging ganap ang katahimikang
ating ninais.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 25


3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic). Ginagamit ang wika upang
makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
Halimbawa: Ikinagagalak kong makasama ka sa aming mga krusada.

4. Paggamit bilang sanggunian (Referencial). Ipinakikita nag gamit ng


wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman
upang maparating ang mensahe at impormasyon.
Halimbawa: Ayon kay Don Gabor sa kanyang aklat na Speaking Your Mind
in 101 Difficult Situation, may anim na paraan kung paano magkaroon ng
maayos na pakikipagtalastasan.

5. Paggamit ng kurokuro (Metalingual). Ito ang gamit na lumilinaw sa mga


suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o
batas.
Halimbawa: Itinatadhana nang walang pasubali sa Batas ng Komonwelt
Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa n ngayon ay
Komisyon sa Wikang Filipino.

6. Patalinghaga (Poetic). Saklaw nito ang paggamit ng wika sa masining na


paraan na nagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
Halimbawa: Isa-isa mang mawala ang mga bituin sa langit, hindi pa rin niya
maikakalia na nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugong naghasik ng
lagim sa puso ng bawat Pilipino noong panahon digmaan.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Paano nakatutulong ang mga gamit ng wikang natalakay sa pang-araw-
araw nating pakikipagkomunikasyon?

IBAHAGI

Anong sitwasyon sa iyong buhay ang nagpapakita ng gamit ng wika sa


lipunan?

Maliban sa iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan, mahalaga ring malaman ng isang
tao ang kaangkupan ng salitang kanyang binibigkas. Nagiging daan ito upang
magkaroon ng magandang komunikasyon at kaakit-akit na mag-uusap.

MGA COHESIVE DEVICE


Ginagamit upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng pangngalan o salitang
ginagamit sa pagpapahayag
1. Pagpapatungkol (Reference)

Ito ay paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauna o nahuling pangngalan.


Uri nito:
a. Anapora o Sulyap na Pagbalik. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap o talata.
Halimbawa: Ang kyogen ay isang dulang pantanghalan na isinisingit sa
pagtatanghal ng Noh. Ito ay naglalayong magpatawa o aliwin ang mga manonood.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 26


b. Katapora o Sulyap na Pasulong. Tawag sa mga panghalip na ginagaamit sa
unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng pangungusap
o talata.
Halimbawa: Sa Kyogen na ating binasa, makikita ang hangarin niyang mapunta
sa langit bagama’t siya ay kumikitil ng buhay ng mga ibon upang pagkakitaan,
ipinaliwanag niyang hindi siya ang nakikinabang dito. Iyana ng katwiran ni
Kiyoyori ang pangunahing tauhan sa kwento.

2. Elipsis

Ito ang pagtitipid sa pagpapahayag. May mga salitang hindi na inilalagay o


nawawala na sa pahayag sa kadahilanang naiintindihan na ito sa pahayag at
magiging pauulit-ulit lamang.
Halimbawa: Bibihira ang mga nagsasalin ng mga ganito sa ibang wika.

3. Pagpapalit

Ito ay paggamit ng iba’t iba pang reperensiya sa pagtukoy ng isang bagay o


kaisipan.
Halimbawa: Dahil sa pgsasalin ng mga akda sa wikang nauunawaan natin ay
namumulat tayo sa kulturang banyaga. Nalalaman natin ang kulturang Hapon
at natututo tayo sa mga gawain nila.

4. Pag-uugnay

Ito naman ang paggamit ng iba’t ibang pangatnig upang mag-ugnayan ang
dalawang pahayag.
Halimbawa: Itinatanghal ang kyogen kapag tapos na ang pagtatanghal ng Noh
upang maging kaaliw-aliw sa mga manonood ang panonood ng teatro.

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
A. Sagutan ang gawain sa Suriin Mo Na sa pahina 78 ng iyong aklat.
B. Sagutin ang mga sumusunod:
1. Isa-isahin ang mga gamit ng wikang tinalakay at ipaliwanag ang
kahalagahan ng bawat isa.

2. Bakit kailangang pag-aralan ang mga cohesive device? Magbigay ng


patunay sa iyong mga sagot.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 27


ATING PALALIMIN
A. Gawin ang pagsasanay sa Isabuhay Mo Na sa pahina 79 ng iyong aklat.
B. Kapanayamin ang isang guro sa wika (maaaring sa Ingles o Filipino),
tanungin kung ano-ano ang kanyang mga ginagawa sa panahon ng CoVid.
Itala ang mga pangungusap na kanyang sasabihin at hanapin ang mga
Cohesive Device na ginamit sa panayam.

ATING PAHALAGAHAN
A. Gawin ang Likhain Mo Na sa pahina 79 ng iyong aklat.
B. Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa kung paano mo pinapanatiling
malusog ang iyong katawan at pag-iisip sa panahon ng pandemya.
Salungguhitan ang mga cohesive device na iyong ginamit sa mga
pangungusap. Siguraduhing makabubuo ng tig-limang halimbawa nito.

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 28


__________________________________________________________________

__________________________________________________________________
ATING ILIPAT
A. Gawin ang pagsasanay sa aklat sa Tapusin Mo Na sa pahina 79 ng iyong
aklat.
B. Gumawa ng isang slide show presentation tampok ang iyong nabuong
sanaysay sa gawain sa Ating Pahalagahan titik B.

Pagkatapos mong matutunan at maisakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito


ay handa ka na sa isang maikling pagsusulit. Pag-aralang muli ang mga
mahahalagang paksa para sa pagsusulit sa susunod na araw.

Kasaysayan ng
Wika
Ikatlong Modyul
Nakatuon ang modyul na ito sa Kasaysayan ng Wika. Hinati sa tatlong aralin ang Panahon
ng Katutubo, Panahon ng Kastila, Panahon ng Rebolusyong Pilipino, Panahon ng Amerikano,
Panahon ng Hapon, Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyang Panahon.
Lilinangin sa modyul na ito ang karunungang pangwika ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng
opinyon o pananaw, pagsusuri ng pananaw, pagtukoy ng mga pinagdaanang
pangyayari/kaganapan, pagsulat ng sanaysay, at patiyak ng mga sanhi at bunga ng mga
pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 29


KASAYSAYAN NG WIKA:
Aralin Panahon ng Katutubo, Espanyol at Rebolusyon
3.1 Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikaanim na Linggo (First Quarter)

ALAM MO BA?
Isang mabisang ekspresyon ng damdamin ng isang lipunan ang kanyang wika. Isa
ito sa pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura ng isang bansa sa mga
henerasyon na bumubuo at nagpapatunay nito. Samakatuwid, ang wika ay ‘di lamang
institusyon kundi kasangkapan din na nakatuon sa pag-unlad ng pag-iisip
at kakayahan ng mga mamamayan na makipagtalastasan sa loob ng isang
lipunan.
Ang lawak ng kaalaman ay nakakamit sa tulong ng malawak na
paglalakbay ng isipan sa mga larangan ng kaalaman at impormasyon.
Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng wika sa pag-unlad nito.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay
sa wikang pambansa
2. Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
3. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay
sa wikang pambansa
4. Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika

MAGSIMULA TAYO!
Maghanap ng hindi bababa sa limang salita sa word search na inihanda.
Pagkatapos ay pumili ng isang konseptong kaya mong ipaliwanag ayon sa
iyong sariling opinyon.

K A S A L U K U Y A N K R A E
H Y C H G Y I S B A P O E N S
F I L I P I N O A K I H B M P
B T L N D K A S T I L A O A A
N O S G F Y G R S W I P L P N
A U N L A D F W K K P O U R Y
W A M E R I K A N O I N S S O
M E U S B L V E S R N E Y O L
T A G A L O G P A T O S O A S
K A T U T U B O E A A N N W K

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 30


TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Kasaysayan ng Wika sa iyong aklat sa
pahina 80 hanggang 88.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Kasaysayan ng Wikang Pambansa -
https://www.youtube.com/watch?v=URzOZGMEfyM
https://www.youtube.com/watch?v=TndSWdNWVLo

KARAGDAGANG KONSEPTO

PANAHON NG KATUTUBO

Teorya ng Pandarayuhan
1916- Kilala na nag teoryang ito sa tuguring na “Wave Migration Theory” na
pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng
taong dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang
grupo ng Negrito, Indones at Malay.
1962- natagpuan ng pangkat ng mga arkeologo ng Pambansang Museo ng
Pilipinas sa pangunguna ni Dr. Robert B. Fox ang harap ng isang bungo at isang
buto ng panga sa Yungib ng Tabon sa Palawan.
1975- pinatunayan din nina Landa Jocano na ang bungong natagpuan ay
kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas. Ayon sa kanilang ginawang
pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking na kabilang
sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java na kabilang sa Homo Erectus.
1975 pataas- makalipas ang ilang taon ay natagpuan naman ni Dr. Armand
Mijares ang isang buto ng paa na sinasabing mas matanda pa sa Taong Tabon sa
kuweba ng Callo, Cagayan. Tinawag itong Taong Callao na sinasabing nabuhay
nang 67, 000 taon na ang nakalilipas.
Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano
Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing
Austronesian. Ang Austronesian ay hinango sa salitang Latin na auster na
nangangahulugang “south wind” at nesos na ang ibig sabihin ay “isla”.
Kung susuriin batay sa nabanggit na teorya, ang unang taong nainirahan
sa Pilipinas ay nagtataglay na ng mga patakarang pangkabuhayan, kultura at
paniniwalang panrelihiyon. Ang ating mga ninuno ay may sarili ng panitikang

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 31


kasaysayan ng ating lahi- mga kuwentong bayan, akamat, epiko, awiting bayan,
salawikain, kasabihan, bugtong, palaisipan at iba pa.
May sinusunod ding pamamaraan ng pagsulat na tinatawag na baybayin.
Ang mga ebidensyang ito ay matatagpuang nakasulat sa biyas ng kawayan. Ang
baybayin ay binubuo ng 17 titik- 3 patinig at 14 katinig na hawig sa mga ginagamit
ng Indones o ng mga Malayo-Polinesyo.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Ano-ano ang mga mahahalagang naiambag ng mga sinauang Pilipino sa
pag-unlad ng ating wika?

IBAHAGI

Sa iyong panaw, ano ang saysay ng pandarayuhan sa ating ngayon?

PANAHON NG MGA ESPANYOL


Dumating ang mga Kastila sa Pilipinas noong 1521. Ang layunin nila ay hindi
lamang pananakop bagkus ay mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga unang
Pilpino. Ito ang dahilan kung bakit kasama ng mga konkistador ang mga prayleng
misyonerong dumating sa Pilipinas. Nagsagawa ng mga pananaliksik o pag-aaral
ang ilang misyonerong iskolar. Tinipon nila at binuong muli ang matatandang
panitikang pasalita at pasulat, saka pinasukan ng diwang Katolisismo. Malaking
pagbabago ang naganap sa panitikan ng Pilipinas. Pagkaraan ng 43 taon ng mga
Kastila kasama ang iba’t ibang orden ng mga prayle ay nangasiwa sa
pagpapalaganap ng Kristiyanismo at ng pagtatag ng mga eskuwelahan para sa
pagbasa at pagsulat upang mapahusay ang pagtuturo ng relihiyon, inatasan na ituro
ang Kastila sa mga kolonya.
Noong 1550, nagpalabas si Haring Carlos I ng isang kautusan na nagtatakda ng
pagtuturo ng pananampalatayang Katoliko sa wikang Kastila.
Noong 1634, nagpalabas si Haring Felipe IV ng isang atas na muling nagtatakda
ng pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo.
Sa panahon ni Haring Carlos II (1665-1700), nagpalabas siya ng isang atas na muling
nagbibigay-diin sa mga atas-pangwika nina Carlos I at Felipe IV at nagtakda ng
parusa sa mga hindi sumusunod.
Noong 1863, si Jose de la Concha, ang kolonyal na ministro ng Espanya ay
nagmungkahi sa reyna ng isang dekri sa pagtatatag ng sistemang edukasyong
pangkalahatan sa Pilipinas.
Noong Oktubre 1867, mayroon isang kautusan para makapag-aral ng Kastila ang
mga tao. Nakahikayat ito sa mga Pilipinong gusting maging miyembro ng principalia
dahil ito lamang ay para sa nakapagsasalita, nakababasa at nakasusulat ng Kastila.
Noong Disyembre 1889, may kautusan ang superior ng pamahalaan nag awing
sapilitan ang pagpasok sa paaralan sa edad na 6-12 taon. Ngunit wala ring probisyon
sa pagpapatupad nito.
Sinalungat ng mga Kastilang prayle ang pamahalaan sa programang pang-
edukasyon at pangwika upang panatilihin ang kanilang kapangyarihan at hindi
magkaroon ng wikang komon ang mga Pilipino upang hindi mawala ang impluwensya
ng mga Kastila sa Pilipinas.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Paano nakatutulong ang pandarayuhan ng mga Espanyol sa ating wika?

IBAHAGI

Sa iyong pananaw, anong kabutihan ang naidulot ng pandarayuhan ng


©STEFTI-SHS mga
2020-2021
Espanyol sa bansa? Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 32
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
Ang katutubong panitikan ng mga Pilipino ay nabihisan ng kulturang Kastila at
paksaing panrelihiyon. Namulat ang damdaming Pilipino dahil sa mga sumusunod
na dahilan: pagbubukas ng Suez Canal, pagpasok ng diwang Liberal sa bansa,
pagiging Gobernador-Heneral ni Carlos Maria dela Torre, at pagbitay sa GomBurZa.
Sa panahong ito, maraming mga Pilipino ang naging matindi ang damdmaing
nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mgaa karunungan.
Matatag at maingat na ginamit bilang sandata ang panulat sa unti-unting paggising
at pagpapamulat. Kabilang sa kanila sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena,
Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar. Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat
sa wikang Tagalog. Nagkaroon din ng kilusan ang propagandista noong 1872 na
siyang naging simula ng kamalayan upang maghimagsik. Itinatag din nina Andres
Bonifacio ang Katipunan. Ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan
at pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng wikang
Tagalog. Pinili nilang gaamitin ang Tagalog saa pagsulat ng mga sanaysay, tula,
kwento, liham at talumpati na punong-puno ng damdaming makabayan. Hindi lamang
sa panulat nagsikap ang mga propagandista bagkus ginamit din ang mga dulang
panlansangan at pantanghalan. Masasabing ang unang kongkretong pagkilos ng
mga Pilipino ay nang pagtibayin ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899.
Ginawang opisyal na wika ang Tagalog bagama’t walang isinasaad na ito ang
magiging wikang pambansa ng Republika. Nang itatag ang Unang Republika sa
pamumuno ni Aguinaldo, isinaad sa Konstitusyon na ang paggamit ng wikang
Tagalog ay opsiyunal. Doon lamang sa mga nangangailangan ng paggamit ng
wikang Tagalog ito gagamitin.

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Masasalamin bas a panahon ng mga katutubo ang mayamang tradisyon at
kultura ng mga sinaunang Pilipino? Ano-ano ang mga katangian ng mga
sinaunang Pilipinong nairahan sa bansa?

2. Bakit naging malaking usapin sa panahon ng Kastila ang gagamiting wika


sa mga sumusunod na sitwasyon:
a. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
b. Pagtuturo sa Paaralan

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 33


3. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang damdaming Nasyonalismo sa
panahon ng Rebolusyon?

ATING PALALIMIN
Magsaliksik sa internet ng tungkol sa mga sumusunod na Batas Pangwika.
Pumili ng tatlong batas na sa palagay mo ay may pinakamahalagang naiambag
sap ag-unlad ng wikang pambansa. Humandang ipaliwanag ang iyong nakalap
na impormasyon tungkol sa mga napiling batas.
1. Resolusyon Blg. 1-93 (Enero 6, 1993)
2. Resolusyon Blg. 3-94 (Oktubre 19, 1994)
3. Memorandum Pangkagarawan Blg. 46, s.1996 (Abril 11)
4. CHED Memorandum Order No. 20, s.1993
5. CHED Memorandum Order No. 59, s. 1996

ATING PAHALAGAHAN
A. Isulat sa baybayin ang mga sumusunod na mga salita.
1. alpabeto
____________________________________________________
2. wika
____________________________________________________
3. kultura
____________________________________________________
4. Pilipino
____________________________________________________
5. kabataan
____________________________________________________

B. Gawin ang Likhain Mo Na sa pahina 89.

C. Read and React. Ibigay ang iyong reaksyon sa pahayag na ito:

Namulat ang isip at diwa ng mga Pilipino upang magsulat ng mga akdang
bumabatikos sa mga hindi magandang pamamalakad ng Espanyol.
Mababakas sa kanilang mga akda ang mariing pagtutol at hangaring
lumaya sa pananakop ng Espanyol.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 34


Reaksyon:

ATING ILIPAT
Panoorin ang animated version ng “Lupang Hinirang” sa youtube anumang
website. Pagkatapos, suriin ang bahagi ng video na sa tingin mo’y nababatay sa
mga panahong tinalakay sa modyul na ito. Ipaliwanag ang iyong sagot sa paraang
pagbuo ng isang powerpoint presentation.

Magiging batayan sa pagmamarka ang rubrik sa ibaba:


NAISAGAWA BAHAGYANG HINDI
(3 puntos) NAISAGAWA NAISAGAWA
(2 puntos) (1 puntos)
Nakalap na Siksik at mayaman sa Hindi gaanong sapat Kulang ang mga
mga isyung mga nakalap na isyung ang mga nakalap na nakalap na isyung
pangwika isyung pangwika pangwika
pangwika
Organisasyon Naihahanay nang Bahagyang Hindi organisado ang
maayos at lohikal ang naihahanay ang mga paghahanay ng mga
isyu isyu isyu

Kalinawan ng Malinaw at madaling Hindi gaanong nalinaw Mahirap unawain at


Presentasyon maunawaan ang at madaling unawain sundan ang daloy ng
presentasyon ang presentasyon presentasyon

Kahandaan Nagpapakita ng lubos Handa sa Hindi lubos ang


na kahandaan; presentasyon subalit kahandaan at hindi
naipaliliwanag at hindi gaanong nasasagot nang
nasasgot nang mabuti naipaliliwanag ang maayos ang tanong
ang tanong ng klase sagot sa tanong ng ng klase
klase
Mga Makabuluhan, angkop Hindi gaanong angkop Walang naibigay na
ibinigay na at realistiko ang mga at realistiko ang mga mga mungkahing
mungkaging solusyon naibigay na solusyon
mungkahing mungkahing solusyon
solusyon

9-12 puntos – Sadyang kahanga-hanga ang slide show presentation


8-11- Kahanga-hanga ang slide show presentation
7-0 – Mas mapagbubuti pa

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 35


KASAYSAYAN NG WIKA:
Aralin Panahon ng Amerikano, Hapones at Kasalukuyan
3.2 Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikapitong Linggo (First Quarter)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at
pag-unlad ng Wikang Pambansa
2. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng
kasaysayan ng Wikang Pambansa

ALAM MO BA?
Naging isang mahalagang aspekto ng kasarinlan ang pagkakaroon ng
sariling wika ng mga Pilipino noon. Ito na marahil ang isang lihim na
sandatang tutulong sa kanila tungo sa pagkakaisa. Bagama’t patuloy pa
ring ipinaglalaban ng mga Pilpino ang kasarinlan ng ating bansa at pagkakaroon
ng ating sariling pagkakakilanlan laban sa mga dayuhan, hindi nagkaroon ng
katuparan ang pangarap ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling wikang
gagamitin nila sa pakikipagkomunikasyon sa panahon ng Espanyol. Ito marahil
ang dahilan kung bakit hindi rin nagtagumpay ang mga rebelyong sumibol sa iba’t
ibang panig ng bansa. Bukod sa kakulangan sa armas, wala ring isang wikang
nagamit na nauunawaan ng lahat.

MAGSIMULA TAYO!
Dugtungan ang pahayag sa loob ng kahon para mabuo ang diwa. Sikaping
gamitin ang alinman sa salitang “Tagalog”, “Pilipino”, at “Filipino” sa
pahayag na idurugtong.
Halimbawa: Talagang masaya ang kuwentuhan …
Sagot: Talagang masaya ang kuwentuhan kung nasa wikang Filipino ang usapan

1. Mas maunlad pa ang Pilipinas …

2. Pinoy ako …

3. Kung may kaharap akong genie ngayon, hihilingin kong …

4. Sa aming bayan …

5. Iboboto ko ang kandidato sa eleksiyon kung …

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 36


TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Kasaysayan ng Wika sa iyong aklat sa
pahina 90 hanggang 92.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Kasaysayan ng Wikang Pambansa -
https://www.youtube.com/watch?v=TndSWdNWVLo

KARAGDAGANG KONSEPTO

PANAHON NG AMERIKANO
Nang lagdaan ng mga kinatawang mula sa Espanya at Estados Unidos ang
kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898 na nagkabisa noong ika11
ng Abril 1899, nailipat ang pamamahala ng Pilipinas mula Espanya tungo sa
Estados Unidos. Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo nang panahong
iyon. Inaasahang sa pamamagitan ng sistema nila ng edukasyon, magiging tama
nag edukasyon ng mga mamamayan, masaklaw at magtuturo sa mga Pilipino ng
pamamahala sa sariling bayan at higit sa lahat mabibigyan din sila ng wikang
nauunawaan ng lahat para sa mabisang pakikipagtalastasan sa buong kapuluan.
Bumuo ng dalawang komisyon na noo’y pangulo ng Amerika si William McKinley
upang ipatupad sa bansa:
a. Komisyong Schurman. Pinangunahan ni Jacob Schurman na naniniwalang
kailangan ng Ingles sa edukasyong primary. Ipinatupad ng Batas Blg. 74
noong Marso 21, 1901 na nagtatag ng mga paaralang pambayan at
nagpahayag na Ingles ang gawing wikang panturo.
b. Komisyong Taft. Ito ang pangalawang komisyong itinatag noong ika-16 ng
Marso 1900 na nagpasimula sa pagtatayo ng pamahalaang sibil sa
Pilipinas.
Naniwala ang mga kawal na Amerikano na mahalagang maipalaganap kaagad
sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga
Pilipino at Amerikano. Mga sundalo ang unang nagpasipagturo ng Ingles.
Masasabing nagpatunay ito na matagumpay ang mga Amerikano sa
pagpapalaganap ng kanilang wika. Gayunman, taliwas naman ang naging
resulta ng isinagawang pag-aaral ni Henry James Ford. Ayon sa pag-aaral ni
Ford, napag-alamang walang malinaw na resulta ang puspusang pagtuturo ng
Ingles sa mga Pilipino na ginastusan ng malaking halaga sa pamahalaang
Amerikano. Napakahirap umanong intindihin ang uri ng Ingles na sinasalita ng
mga Pilipino at sa katutubong wika pa rin nagbabasa at nagsusulat ang
karamihan sa kanila.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 37


Sa sarbey na ginawa nina Najeeb Saleeby at ng Educational Monroe Survey
Commission na pinamunuan ni Dr. Paul Monroe, natuklasan nila na kahit na
napakahusay ng maaaring pagtuturo ng wikang Ingles ay hindi pa rin ito
magiging wikang palahat dahil ang mga Pilipino ay may kanya-kanyang wikang
bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang
pang-araw-araw na gawain. Iginiit ni Saleeby na makabubuti ang pagkakaroon
ng isang pambansang wikang hango sa katutubong wika nang sa gayon ay
maging Malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon sa bansa.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Paano binago ng mga Amerikano ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas?
IBAHAGI
Sa iyong panaw, ano ang saysay ng pandarayuhan ng mga amerikano sa ating ngayon?

PANAHON NG MGA HAPONES


Noong ika-7 ng Disyembre 1941, binomba ng Hapon ang base-militar ng Estados
Unidos sa Pearl Harbor, Hawaii na nagpasimula ng digmaan sa dalawang bansa na
bahagi ng mas malawak na Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagsapit ng ika-2 ng
Enero 1942, tuluyan nang nasakop ng Hapon ang Maynila at inilagay ang Pilipinas
sa ilalim ng iperyong Hapones. Noong panahon ng mga Hapones nagkaroon ng
pagsulong ang wikang pambansa. Sa pagnanais na burahin ang anumang
impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa anumang
aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sa panahong ito ipinatupad nila ang
Ordinansa military Blg. 13 na nag-uutos nag awing opisyal na wika ang Tagalog at
ang wikang Hapones (Nihonggo). Ang gobyerno-militar ay nagturo ng Nihonggo sa
mga guro ng paaralang pambayan. Ang mga nagsipagtapos ay binibigyan ng
katibayan upang maipakita ang kanilang kakayahan sa wikang Niponggo. Ang
katibayan ay may tartlong uri: Junior, Intermediate at Senior. Sa panahong ito ay
isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas.
Pangunahing proyekto ng kapisanan ang pagpapalaganap ng wikang Tagalog sa
buong kapuluan.
Noong ika-30 ng Nobyembre 1943, inilabas ni Pangulong Laurel ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 10 na nagtatakda ng pagtuturo sa pambansang wika.
Noong ika-3 ng Enero 1944, pinagbuksan ng isang Surian ng Tagalog, gaya ng
Surian ng Nihonggo upang ituro ang Tagalog sa mga gurong di-Tagalog na
pagkaraan ay ipadadala sa mga lalawigan upang magturo ng pambansang wika.
Sa panahon ng Hapones nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa wika at
napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat gamit
ang wikang ito.

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Ano-ano ang naging impluwensya ng pananakop ng mga Amerikano sa
bansa? Magtala ng lima at ipaliwanag.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 38


2. Paano binago ng biglang pagsakop ng Hapon sng kalagayang pampulitika
sa Pilipinas? Ano ang idelolohiyang isinulong nila? Ipaliwanag.

3. Alin sa mga atas o kautusang tinalakay ang totoong nagpakita ng


pagtataguyod sa wikang Filipino? Ipaliwanag.

ATING PALALIMIN
A. Bumuo ng isang kampanya o slogan na magsisilbing iyong repleksyon
sa kasaysayan ng Wikang Filipino. Ilahad din ang iyong pagpapaliwanag
sa iyong nabuong slogan.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

ATING PAHALAGAHAN
A. Isulat ang mga dahilan sa pagpili sa tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa ayon sa iyong binasa.

Mga Dahilan sa
pagpili sa Tagalog
bilang Batayan ng
Wikang Pambansa

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 39


B. Muling pag-aralan ang mga mahahalagang bahagi ng aralin. Pumili ng isa sa
mga bahaging ito na sa tingin mo ay may mahalagang ambag sa pag-unlad ng
wikang Filipino. Bumuo ng isang sanaysay na nagpapaliwanag sa bahaging ito
ng ating kasaysayan.

ATING ILIPAT
Magsagawa ng maikling saliksik tungkol sa mga kasalukuyang kinakaharap na
isyu ng ating wikang pambansa gaya ng CHED Memorandum Order No. 20
s.2013, na nag-alos sa Filipino bilang asignatura sa kolehiyo. Itala ang mga
nasaliksik at magbigay ng mga mungkahing solusyon para sa mga naitalang isyu.
Gawan ito ng slide show presentation at ibahagi sa harap ng klase. Tasahin ang
slide show presentation gamit ang rubrik sa ibaba:
NAISAGAWA BAHAGYANG HINDI
(3 puntos) NAISAGAWA NAISAGAWA
(2 puntos) (1 puntos)
Nakalap na Siksik at mayaman sa Hindi gaanong sapat Kulang ang mga
mga isyung mga nakalap na isyung ang mga nakalap na nakalap na isyung
pangwika isyung pangwika pangwika
pangwika
Organisasyon Naihahanay nang Bahagyang Hindi organisado ang
maayos at lohikal ang naihahanay ang mga paghahanay ng mga
isyu isyu isyu

Kalinawan ng Malinaw at madaling Hindi gaanong nalinaw Mahirap unawain at


Presentasyon maunawaan ang at madaling unawain sundan ang daloy ng
presentasyon ang presentasyon presentasyon

Kahandaan Nagpapakita ng lubos Handa sa presentasyon Hindi lubos ang


na kahandaan; subalit hindi gaanong kahandaan at hindi
naipaliliwanag at naipaliliwanag ang sagot nasasagot nang
sa tanong ng klase
nasasgot nang mabuti maayos ang tanong
ang tanong ng klase ng klase
Mga Makabuluhan, angkop Hindi gaanong angkop Walang naibigay na
ibinigay na at realistiko ang mga at realistiko ang mga mga mungkahing
mungkaging solusyon naibigay na solusyon
mungkahing mungkahing solusyon
solusyon

9-12 puntos – Sadyang kahanga-hanga ang slide show presentation


8-11- Kahanga-hanga ang slide show presentation
7-0 – Mas mapagbubuti pa

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 40


KASAYSAYAN NG WIKA:
Aralin Panahon ng Pagsasarili
3.3 Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikawalong Linggo (First Quarter)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-
unlad ng Wikang Pambansa

ALAM MO BA?
Hindi mapasusubalian na sa mga nagdaang panahon, unti-unting nakita
ang pagsulong ng wikang Filpino tungo sa inaasam na pagyabong at
malawakang paggamit nito. Sa panahon ng Hapones, malaki nag iniunlad
ng wikang Filipino lalo na sa larangan ng panitikan. Ayon nga sa pag-aaral,
ang panahon ng Hapones ang itinuturing na Gintong Panahon ng Maikling
Kwentong Pilipino.

MAGSIMULA TAYO!
Isulat kung ano para sa iyo ang Tagalog, Pilipino at Filipino.

TAGALOG PILIPINO

FILIPINO

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Kasaysayan ng Wika sa iyong aklat sa
pahina 94 hanggang 102.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 41


PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa -
https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To

KARAGDAGANG KONSEPTO

PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG SA KASALUKUYAN


Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong Hulyo
4, 1946. Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa
bias ng Batas Komonwelt Blg. 570.
Ipinalabas ni Pangulong Ramon Magsaysay noong ika-26 ang Proklamasyon Blg.
12 na nag-aatas ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula ika-29 ng
Marso hanggang ika-4 ng Abril taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni
Francisco Balagtas.
Nilagdaan ang Proklamasyon Blg. 186 noong ika-23 ng Sityembre 1955 ng dating
Pangulong Ramon Magsaysay na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng
Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang pagpapahalaga sa kaarawan
ni Manuel L. Quezon.
Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ni Jose E. Romero ang tawag sa wikang
Pambansa na mula sa Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7.
Noong Marso 16, 1971, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 304 na bumabago sa komposisyon ng Surian ng Wikang
Pambansa.
Noong Agosto 12, 1986 nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Proklamasyon Blg.
19 na kumikilala sa wikang pambansa ng Pilipinas na gumawa ng napakahalagang
papel sa himagsikan. Gayundin ang pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansang Pilipino tuwing ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.
Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas ng 1987, ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Ipinalabas ni Pangulong Aquino noong ika-30 ng Enero 1987 ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 112 na nag-aatas ng reorgranisasyon ng DECS. Ayon sa
Seksyon 17 niyo, ang SWP ay kikilalanin bilang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
o LWP.
Noong Agosto 25, 1988, ipinalabas ni Pangulong Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan, ahensiya at iba pang sangay ng ehekutibo na magsagawa ng mga
hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon at
komunikasyon.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 42


Noong Agosto 14, 1991, nilagdaan ni Pangulong Aquino bilang pagsunod sa
itinatadhana ng Konstitusyon na nakasaad na ang Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas ay tatawain ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Noong ika-15 ng Hulyo 1997, ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang
Proklamasyon Blg. 1041 na nagtatakda ang buwan ng Agosto ay Buwan ng
Wikang Pambansa at nagtatagubilin sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at
paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay ng pagdiriwang nito.
Ipinalabas ng Pangalawang Kalihim Isagani R. Cruz na nagpakilala sa 2001
Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at nagtatakda ng
paggamit dito bilang gabay sa pagtuturo. Upang matugunan ito, pinaluwag ng
bagong tuntunin ang paggamit ng 8 hiram na titik (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z).
Ipinalabas ni Pangulong Arroyo noong Mayo 2013 ang Executive Order No. 210
na nag-aatas ng monolingguwal na wikang panturo- ang Ingles sa halip na Filipino.
Noong 2006, ipinalabas ni Kalihim Jesli A. Lapus ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 42 na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng 2001 Revisyon ng
Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
Ipinalabas ni Kalihim Armin A. Luistro, FSC ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
34 noong ika-14 ng Agosto 2013 na nagpapakilala sa Ortograpiyang Pambansa,
ang binagong gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino na binuo ng KWF.

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Alin sa mga atas o kautusang tinalakay ang totoong nagpakita ng
pagtataguyod ng wikang Filipino? Ipaliwanag.

2. Mula sa mga pangulong nagpatupad ng mga patakarang pangwika, sino sa


kanila ang may malaking naiambag sa pagtataguyod ng wikang pambansa?

3. Masasabi mo bang nabot na ng wikang Filipino ang hangarin nitong maging


“wika ng karunungan”? Pangatwiranan.

ATING PALALIMIN
A. Gawin ang Isabuhay Mo Na sa pahina 103 ng iyong aklat.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 43


B. Magsaliksik ng mga napapanahong isyung napapanahon tungkol sa Wikang
Filipino. I-post ito sa facebook o twitter na may caption ng iyong reaksyon tungkol
dito. Kung walang account, bigyan ng kopya ang guro o kaklase. Kolektahin ang
mga react, share at comment ng iyong mga kaklase sa iyong post.
Rubrik sa Pagmamarka ng Istatus
Maaaring markahan ang Facebook status batay sa dami ng paggusto o like na nakuha.
50- mahigit na react – Napakahusay ng pagsulat sa Facebook status
30-49 na react – Mahusay ang pagsulat ng Facebook status
10- 29 na react – Katamtamang husay sa pagsulat ng Facebook status
0 – 9 na react – Hindi gaanong mahusay sa pagsulat ng Facebook status

ATING PAHALAGAHAN
A. Gawin ang pagsasanay sa Likhain Mo Na sa pahina 104 ng iyong aklat.
B. Muling basahin ang paksa ng araling ito, pagkatapos ay hanapin ang mga
SANHI at BUNGA ng iba’t ibang pangyayari. Itala ang mga nahanap sa
ibaba.

SANHI BUNGA

ATING ILIPAT
A. Gawin ang pagsasanay sa iyong aklat (Tapusin Mo Na, pahina 104).
B. Batay sa iyong nakalap na datos sa gawain sa Sulat, bumuo ng isang
naratibong ulat (Narrative Report) hinggil sa isang partikular na bahagi ng
talakayan. Maaaring mangalap pa ng karagdagang impormasyon sa
internet tungkol sa iyong napiling isyu o paksa.
Mamarkahan ng guro ang iyong ginawang naratibo ayon sa rubrik sa ibaba:
Panukatan Pamantayan Puntos Marka
Nilalaman Mapanuring pagsusuri sa aspektong kultural at 40%
lingguistiko na tampok sa sinuring komunidad
Paraan ng Nagtataglay ng interesante, makabuluhan, at 25%
Pagtalakay malikhaing panimula, panggitna at
kongklusyon
Kalidad ng May mayamang saliksik, batayan, at kasanayan 25%
Datos sa panayam
Pormat Tumugon sa teknikal na aspekto ng paglilimbag 10%
KABUUAN 100%

Pagkatapos mong matutunan at maisakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito


ay handa ka na sa isang maikling pagsusulit. Pag-aralang muli ang mga
mahahalagang paksa para sa pagsusulit sa susunod na araw.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 44


SANAYSAY BATAY SA ISANG GINAWANG
Output PANAYAM
1 Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikasiyam hanggang Ikasampung Linggo (First Quarter)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong
kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad

ALAM MO BA?
Matapos ang mga nabatid na konsepto, kaalaman, at kasanayan kaugnay
sa paggamit at pag-unawa sa wikang Filipino bilang mahalagang aspekto
ng ating kultura at lipunang kinabibilangan, mahalagang mailapat ang mga
kabatiran at pag-unawang ito sa pagbuo ng mga pagninilay at mapanuring
obserbasyon sa isang aktuwal na sitwasyon.

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Sanaysay sa iyong aklat sa pahina 105
hanggang 106.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Kaalaman tungkol sa Sanaysay -
https://www.youtube.com/watch?v=FPEIf2uOlbE

KARAGDAGANG KONSEPTO

SANAYSAY
Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na
kadalasan ay naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong
paraan, naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa.
Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang
iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 45


May dalawang uri ang Sanaysay

1. Pormal

Tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik


ng sumulat. Kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao,
bagay, lugar o pangyayari. Ang tono nito ay siryoso at walang halong biro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol
sa opinyon ng sumulat sa mga maiinit na balita.

2. Di-pormal

Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-


araw na nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin nito
ang mga bagay-bagay at karanasan ng may akda sa isang paksa kung saan
mababakas ang kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya
sa isang kaibigan kaya naman ito ay madaling maintindihan.

Mga Bahagi ng Sanaysay

1. Simula/Panimula

Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy
ng mambabasa ang kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw
na ng may-akda ang damdamin ng mga mambabasa.

2. Gitna/Katawan

Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng


may-akda. Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang
paksang tinatalakay o pinag-uusapan.

3. Wakas

Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng


sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay sa paksang pinag-usapan.

Mga Halimbawa ng Sanaysay

 Tungkol sa Pag-ibig
 Tungkol sa Pamilya
 Tungkol sa Kahirapan
 Tungkol sa Kaibigan
 Tungkol sa Wika
 Tungkol sa Kalikasan

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 46


LAPATAN NATIN
Magsagawa ng isang obserbasyon at interbyu sa isang komunidad na may
ginagamit na natatanging wika. Magbibigay-tuon ang interbyu at obserbasyon sa
mga aspekto ng wika at kulturang nahuhubog sa komunidad na ito. Maaaring
ilarawan ang mga varayti ng wikang nilikha sa komunidad, iang iba’t ibang
panlipunang tungkulin o gamit ng wika, paraan ng komunikasyon, at ang
potensiyal nitong makapag-ambag sa pagsusulong ng wikang Filipino at lipunang
Pilipino sa pangkalahatan. Pagnilayan ang mga nakalap na impormasyon at
obserbasyon upang makabuo ng isang sanaysay na naglalahad ng
pangkalahatang pagsusuri sa mga nabanggit na aspektong kultural at
lingguwistiko ng napiling komunidad. Limitahan ang sanaysay sa tatlo hanggang
limang maikling bond paper. Kinakailangang kompyuterisado ang sanaysay na
may font na Arial 12, doble-espasyo, at may sariling pamagat. Kalakip ng
sanaysay ang transcript ng isinagawang panayam na may lagda ng kinapanayam.
RUBRIK SA PAGSULAT NG KRITIKAL NA SANAYSAY
(Batay sa pahina 106 ng iyong aklat)
Napakahusay Mahusay Di-gaanong Kulang Pa
(4) (3) Mahusay ang
(2) Kasanayan
(1)
Nailalahad kaagad ang
thesis statement ng
sanaysay na isinulat
Nasunod nang wasto
ang mga hakbang sa
pagsulat ng sanaysay
Naisaalang-alang ang
sumusunod na mga
kumbensiyon ng
pagsulat- bantas,
ispeling, gramatika,
organisasyon (koherens,
kaisahan, kasapatan,
completeness)
Naisasaayos nang
mabuti ang mga
pangungusap at talata
ayon sa mahahalagang
bahagi ng sanaysay
Naihahanay nang sunod-
sunod ang mga ideya at
napalutang ang mensahe
nito
Sa kabuuan, ang
sanaysay ay kawili-wiling
basahin, masining, at
makatwiran
Interpretasyon:
24- 28 Napakahusay 10-14 Di Gaanong Mahusay
15-23 Mahusay 5-9 Kulang Pa ang Kasanayan

Pagkatapos mong matutunan at maisakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito


ay handa ka na sa isang Unang Markahang Pagsusulit (First Quarter Examination).
Pag-aralang muli ang buong bahagi ng una hanggang ikatlong modyul bilang
paghahanda.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 47


IKALAWANG MARKAHAN

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 48


Sitwasyong
Pangwika
Ikaapat na Modyul
Nakatuon ang modyul na ito sa mga Sitwasyong Pangwika. Nahahati sa tatlong aralin ang
iba’t ibang sitwasyong ito- (1) Telebisyon, Dyaryo at Radyo, (2) Pelikula, Kulturang Popular at Text,
at (3) Social Media, Kalakalan, Pamahalaan at Edukasyon.
Lilinangin sa modyul na ito ang karunungang pangwika ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng
iba’t ibang paggamit ng wika, pagsuri at pagsaalang-alang ng mga lingguwistiko at kultural na
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa pelikula, pagpaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan,
STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon
©anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa at Pananaliksik
iba’t sa Wika at Kulturang
ibang sitwasyon, pagsulatPilipino
ng Imga
49 tekstong
nagpapakita ng mga kalagayang pangwika at pagtukoy ng iba’t ibang register at barayti ng wika.
MGA SITWASYONG PANGWIKA:
Aralin Telebisyon, Dyaryo at Radyo
4.1 Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula
sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon
2. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga
blog, social media posts at iba pa
Unang Linggo (Second Quarter)

ALAM MO BA?
Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino, sa mahabang kasaysayan nito ay nakita
natin ang paglago, pag-unlad at pagbabago ng ating wika. Malaki ang epekto ng
makabagong teknolohiya sa ating wika.
Ayon pa nga kay Marquez (2017), hindi mapasusubalian na malaki ang
papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa pagbuo ng isang
pambansang identidad o kaakuhan ng Pilipinas. Ang wikang Filipino sa
panahon ngayon, sa gitna ng krisis ay isang daan na nagbubuklod sa mga
mamamayang Pilipino tungo sa pagkakaunawaan sa personal o kahit
digital.
Ano na kaya ang sitwasyon ng ating wika sa panahong ito? Ating subukang alamin.

MAGSIMULA TAYO!
Tukuyin kung sinong kilalang personalidad sa telebisyon o pelikula
ang nagwika ng mga sumusunod na linya. Idagdag na rin ang pelikula o
palabas na pinagbidahan.

“Wag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal mo ako. Because that’s what I
deserve.” - _________________________________________________________________________

“Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maagawan ka, lumaban ka!” -
_________________________________________________________________________________

“Ako na lang… Akon a lang ulit.” -


_________________________________________________________________________________

“Eh, kung sardinas nga may label, may BFAD pa. Relationship pa kaya?” -
_________________________________________________________________________________

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Sitwasyong Pangwika at halimbawa nito
sa iyong aklat sa pahina 112 hanggang 116.
©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 50
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.
PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Sitwasyong Pangwika –
https://www.youtube.com/watch?v=SE1QdQa7o3Y&t=18s

KARAGDAGANG KONSEPTO

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON


Ang telebisyon ay itinuturing na makapangyarihang
midya sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang
naabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection
ay lalong dumami ang manonood ng telebisyon saanmang
sulok ng bansa sapagkat nararating na nito maging
malalayong pulo sa bansa.
Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa
telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga local na tsanel. Ang
mga halimbawa ng mga programang pnatelebisyon na
gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga
pantanghaling palabas, mga magazine show, news and public
affairs, komentaryo, dokumentaryo, reality TV, mga programang pang-showbiz at
maging mga programang pang-edukasyon.
Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang
dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mamamayang
Pilipino ang nakapagsasalita.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Ano ang naganap na pagbabago sa sitwasyong pangwika noon
hanggang sa kasalukuyan?

IBAHAGI

Paano gamitin o panatilihin ang wika sa telebisyon?

SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO


Wikang Filipino ang nangungunang wika ng mga
estasyo ng radio sa AM man o sa FM. Ang mga estasyon sa
probinsya ay gumagamit ng rehiyunal na wika ngunit kung
may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila
nakikipag-usap. Sa diyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit
sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 51


LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Sa pamamagitan ng Venn Diagram, itala ang sitwasyong pangwika ng
Pilipinas sa nakaraan at sa kasalukuyan. Paano nagkakaiba ang
sitwasyong pangwika ng Pilipinas sa nakaraan at sa kasalukuyan? Bukod
dito, ano ang nananatiling pagkakatulad sa mga patakarang pangwika na
magpasahanggang ngayon ay makikita pa rin.

ATING PALALIMIN
A. Gawin ang pagsasaanay sa Isabuhay Mo Na sa pahina 117.
B. Manood ng balita o isang palabas sa telebisyon o makinig sa radyo ng isang
serye. Pansinin ang paraan ng paggamit ng wika sa pinanood o
pinakinggan. Itala sa ibaba ang iyong mga napansin.
TELEBISYON: OBSERBASYON:

______________

RADYO: OBSERBASYON:

______________

ATING PAHALAGAHAN
Sang-ayon ka ba sa paraan ng paggamit ng wika (sa tono at antala), sa pagiging
strikto sa pormalisasyon ng paggamit ng wikang Filipino at sa tamang pagbigkas
nito sa iba’t ibang palabas sa radyo at telebisyon? Patunayan ang iyong mga
kasagutan.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 52


Sa isang Noon Time Show

Pamagat ng palabas at istasyon:

Obserbasyon:

Sa isang programang pagbabalita o News and Public Affairs Program

Pamagat ng palabas at istasyon:

Obserbasyon:

Sa isang Teleserye o Telenovela

Pamagat ng palabas at istasyon:

Obserbasyon:

Sa isang programang Pangradyo

Pamagat ng palabas at istasyon:

Obserbasyon:

Sa isang Dyaryo

Pamagat ng palabas at istasyon:

Obserbasyon:

ATING ILIPAT
A. Gawin ang pagsasanay sa Tapusin Mo Na pahina 118 ng inyong aklat.
B. Sa isang kapat na bahaging cardboard, lumikha ng isang photo collage ng mga
paborito mong palabas sa telebisyon o istasyon ng radyo na nagigiliw kang
makinig. Ipaliwanag ang dahilan ng iyong pagpili sa mga larawan.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 53


PAK NA PAK HAVEY NA HAVEY WALEY KABUUAN
PAMANTAYAN (5 PUNTOS) HAVEY (3 PUNTOS) (2-1
(4 PUNTOS) PUNTOS)

PAGKAMALIKHAIN Nakikitaan ng Makikita ang May sining Kakaunti


lubos na sining sining sa sa ilang lamang sa
ang ginawang ginawang bahagi ng bahagi ng
obra. obra. ginawang likha ang
obra may sining
NILALAMAN Lubos na Makikita ang May ang Kakaunti
nakikitaan ng kaangkupan kaangkupan lamang ang
kaangkupan at at linaw ng at linaw ng angkop at di
linaw ng mensaheng mensaheng masyadong
mensaheng ginawa ginawa malinaw ang
ginawa mensahe ng
ginawa
ORGANISASYON May lubos na Makikita ang May Hindi
kaisahan sa kaisahan sa kaisahan sa gaanong
lahat ng mga bahagi iilang bahagi nakikita ang
bahagi ng ng likha ng likha kaisahan sa
likha. mga bahagi
ng likha
PALIWANAG/ Lubos na Naipaliliwana Naipaliliwana Kakaunti
PAGBABALITA naipaliliwanag g ang g ang lamang ang
ang nilalaman nilalaman at nilalaman at naipaliwanag
at nasasagot nasasagot nasasagot at nasagot
nang maayos nang maayos ang illang na
ang mga ang mga mga katanungan
katanungan katanungan katanungan tungkol sa
hinggil sa hinggil sa hinggil sa ginawa
ginawa ginawa ginawa
KAHANDAAN Nakikitaan ng May May bahagi Kakaunti ang
lubos na kahandaan ng paggawa bahaging
kahandaan sa sa paggawa at handa
paggawa at at pagsasalita
pagsasalita pagsasalita ang handa

MGA SITWASYONG PANGWIKA:


Aralin
4.2
©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 54
Pelikula, Kulturang Popular at Text
Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikalawang Linggo (Second Quarter)

ALAM MO BA?
Ang sitwasyon ng wika ay hindi na lamang umiikot sa palabas o pakikinig sa radyo.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-
iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood
2. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng
paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon
Sa pagbunsod ng modernismo sa ating lipunan, nasali na ring
maapektuhan ang wikang Filipino. Ang mga makabagong plataporma ng
komunikasyon na kagaya ng social media ay naging malaking impluwensya sa
pagpapalago ng wika.
Sa ngayon, naging lunsaran na ang mga kilalang website sa internet sa pakikipag-
ugnayan sanhi upang magkaroon ng iba’t ibang epekto sa wika at komunikasyon.
Anong mga aspeto pa ng pakikipag-ugnayan ang mayroong direktang impluwensya
sa ating wikang Pambansa?
.

MAGSIMULA TAYO!
Bumuo ng isang hugot, pick-up lines tungkol sa sitwasyon ng wikang
Filipino. I-post ito sa mga kaklase at paramihan ng makukuhang reaction.
Ang mga kaklase ay may nakahandang react buttons na magsisilbing
pamantayan sa iyong puntos:
20 – pataas Napakagaling
10- 19 Magaling
9 – pababa Kailangan pang ayusin

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang iba pang Sitwasyong Pangwika sa iba’t ibang
larangan. Pansinin din ang mga halimbawa nito ayon sa talakayan sa
ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Sitwasyong Pangwika –

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 55


https://www.youtube.com/watch?v=XgSpg0Se8-E

KARAGDAGANG KONSEPTO
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA

Bagama’t mas maraming banyaga kaysa local na pelikula


ang naipalalabas sa ating bansa taon-taon ang mga lokal na
pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay
mainit ding tinatangkilik ng mga manonood. Filipino ang wika o
lingua franca ng telebisyon, radyo, dyaryo at
pelikula. Pangunahing layunin ay maakit ang
mas maraming manonood, tagapakinig o
mambabasa na makauunawa malilibang sa
kanilang palabas, programa at babasahin.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Ano ang naganap na pagbabago sa sitwasyong pangwika sa
pelikula noon hanggang sa kasalukuyan?
IBAHAGI

Paano gamitin o panatilihin ang wika sa mga pelikula?

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG


POPULAR
A. Fliptop. Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.
Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-
rap ay magkakatugma bagama’t sa fliptop ay hindi
nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan.
Kung ano lang ang paksang sisimulan ng unangn kalahok
ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Wala itong
nasusulat na iskrip.
Halimbawa: Battle League at Filipino Conference Battle.

B. Pick-up Lines. May mga nagsasabing ang pick-up


lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na
sinasagot ng siyang bagay na madalas naiuugnay sa pag-ibig
at sa iba pang aspeto ng buhay.
Halimbawa: Kapuso ka ba? Pinatatanong kasi ni Mama kung
kalian ka pwedeng maging kapamilya.

C. Hugot Lines. Ang hugot lines na tinatawag ding love


lines o love quotes na tumutukoy sa mga linya ng pag-ibig na
nakakakilig, nakakatuwa, o minsa’y nakakainis. Karaniwang
nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong
nagmamarka sa isipan ng manonood. Minsan nakasulat ang
mga ito sa Filipino o Tag-Lish.
Halimbawa: “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? O
kailangan mo ako kaya mahal mo ako?” – Milan, 2004

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 56


MAHALAGANG KATANUNGAN:
Ano ang naganap na pagbabago sa sitwasyong pangwika sa mga
kulturang popular noon hanggang sa kasalukuyan?
IBAHAGI

Paano gamitin o panatilihin ang wika sa iba anyo ng kulturang


popular?

SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

Ang pagpapadala ng SMS ay mahalagang bahagi ng


komunikasyon sa Pilipinas. 4 Bilyong text ang ipinapadala sa
ating bansa araw-araw kaya naman tinaguriang “Text Capital
of the World”. Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas
ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at
Filipino sa pagpapahayag.
Madalas na binabago o pinaiikli sng baybay ng salita para mas madali at
mabilis itong mabuo. Halimbawa: “d2 na me, wr u na?”, “sn k n b?”, “r u goin 2 c
me 2day?”
Paggamit ng daglat bilang shortcut o pagpapaikli sa mga parirala lalo na sa
Ingles. Halimbawa: BFF (Bestfriends Forever), BTW (By The Way), HBD (Happy
Birthday), OMG (Oh My Gosh)

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Ano ang naganap na pagbabago sa sitwasyong pangwika sa text
noon hanggang sa kasalukuyan?
IBAHAGI

Paano gamitin o panatilihin ang wika sa text messaging?

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Bakit mahalagang malaman ng isang mamamayan ang sitwasyong
pangwika ng kanyang bansa? Ano ang dulot nito sa kanyang
pakikipagkomunikasyon?

2. Alin sa mga natukoy sa aralin ang maituturing mon a pinakamahalaga? Alin


ang hindi gaano? Alin naman ang kailangang ayusin o pausbungin?
Ipaliwanag isa-isa.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 57


ATING PALALIMIN
Makipanayam ng dalawang tao (isa ay may edad 40 pataas, at isa naman ay 13
hanggang 39). Suriin kung paano at gaano kadalas nilang gamitin ang mga paraan
ng pakikipagkomunikasyon. Itala lahat ng nakalap na datos sa tsart sa ibaba.
UNANG IKALAWANG
KINAPANAYAN KINAPANAYAM
(EDAD 40 PATAAS) (EDAD 13 – 39)

Panood ng Pelikula

Paggamit O
Pagtangkilik sa mga
Kulturang Popular
(Fliptop, Pick-Up
Lines, Hugot Lines)
Paggamit ng Text
Message sa
Pagpapadala ng
Mensahe
Paggamit ng Internet
o Iba’t Ibang Social
Media Sites

ATING PAHALAGAHAN
A. Suriin ang nakalap na datos sa gawain Saliksik. Batay dito, bumuo ng isang
pie chart sa kung ano ang pinakaprominenteng tinatangkilik ng mga tao.
Maglahad din ng iyong sariling pandanda.

B. Pumili ng iyong pinakagamitin sa mga tinalakay. Ilahad ang dahilan at


mga kabutihang naidudulot nito sa iyo bilang mag-aaral, kabataan, at
mamamayang Pilipino.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 58


ATING ILIPAT
Pumili sa mga sumusunod na gawain ayon sa ano ang mas madali o mas
nakakagiliw sa iyo:
1. Pelikula. Manood ng “Heneral Luna” o “Goyo: Ang Batang Presidente”.
Suriin ang nilalaman at paraan ng paggamit ng wika ng mga tauhan.
Pumili ng hindi bababa sa sampung (10) magagandang linyang
nagpapakita ng kagandahan ng kultura at wikang Filipino.
2. Kulturang Popular. Manood sa youtube ng isang fliptop battle ng mga
kilalang fliptopper sa bansa. Suriin ang paraan ng pagsasalita ng mga
manlalaro at itala ng hindi bababa sa sampung (10) linya na tumatak sa
iyo. Ipaliwanag ang dahilan ng pagpili mo sa mga linyang ito at ano ang
kahulugan nito ayon sa palabas.
3. Text. Gamit ang text messaging app, makipagkumustahan sa isa
hanggang dalawa mong kaibigan. Subuking maging purong Filipino ang
iyong pag-reply. Pansinin ang paraan ng kanilang pagbibigay ng
mensahe sa iyo. Piliin din ng hindi bababa sa sampu (10) na tumatak na
pahayag at ipaliwanag bakit ito ang iyong napili.
4. Social Media. Magbasa ng isang wattpad seriesi na may gamit ng
purong Filipino. Suriin ang bawat bahagi ng kwento at itala ng hindi
bababa sa sampu (10) ang mga makabuluhang bahagi ng iyong
binasang akda. Ipaliwanag din ang bawat isa.

MGA SITWASYONG PANGWIKA:


Aralin Social Media, Kalakalan, Pamahalaan at Edukasyon
4.3 Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikatlong Linggo (Second Quarter)

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 59


ALAM MO BA?
Ayon kay De Quiros (1996), ang wika ay susi o instrumento upang
makapaghari sa isang tiyak na lipunan. Wika ang kasangkapan ng mga
pulitiko, pinuno at kilalang personalidad sa isang bansa upang
makaimpluwensya at makahatak sa masa.
Nagiging madali at mabilis na ang pagpapalaganap ngayon ng ganitong

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino
2. Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyera,
Negosyo at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa
mga larangang ito
adhikain sapagkat sa tulong modernong teknolohiya na kahit bata ay may angking
alam sa paggamit.
Ano naman kaya ang kalagayan ng ating wika sa pormal na sektor? Paano
ginagamit ng mga makapangyarihan ito ngayon?

MAGSIMULA TAYO!
Tukuyin ang pangalan/ pamagat ng mga sumusunod na logo:

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang iba pang Sitwasyong Pangwika sa iba’t ibang
larangan. PANOORIN
Pansinin din ang mga halimbawa nito ayon sa talakayan sa
ibaba.
I-klik ang mga sumusunod na link:
Sitwasyong Pangwika –
https://www.youtube.com/watch?v=Xq0D2-6I2x0
https://www.youtube.com/watch?v=ja1RIfLGGFI

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 60


KARAGDAGANG KONSEPTO

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET

Madaling makabalita sa mga mangyayari sa buhay sa pamamagitan ng


mga naka-post na impormasyon. Larawan, at pribadong mensahe gamit ang
Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr, at iba pa. Karaniwan ang code
switching gayundin ang pagpapaikli ng salita o paggamit ng daglat sa mga post at
komento. Ingles ang pangunahing wika sa internet dahil napakalawak at
napakarami kasi ng mga taong konektado sa internet na umabot sa mahigit 3
Bilyon sa buong mundo. May babasahin at impormasyong nakasulat sa Filipino sa
internet gaya ng mga dokumentong pampamahalaan, akdang pampanitikan,
awiting nasusulat sa Filipino, awiting-bayan, resipe, rebuy ng pelikulang Tagalog,
mga balita, diksyunaryong Filipino at samu’t saring sulatin sa wikang Filipino tulad
ng mga blog, komento at marami pang iba.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Ano ang naganap na pagbabago sa sitwasyong pangwika sa
social media noon hanggang sa kasalukuyan?
IBAHAGI

Paano gamitin o panatilihin nang tama ang wika sa social media?

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN


Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga malalaking kompanya at
korporasyon na pag-aari ng mga dayuhan na tinatawag na multinational
companies. Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga
call center. Nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga
pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, mga
palengke, at maging sa direct selling. Ito rin ang wikang ginagamit sa mga
komersiyal o patalastas pantelebisyon o panradyo.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Ano ang naganap na pagbabago sa sitwasyong pangwika sa
pakikipagkalakalan noon hanggang sa kasalukuyan?
IBAHAGI

Paano gamitin o panatilihin ang nang tama ang wika sa kalakalan?


SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN
Sa bias ng Batas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988, naging malawakang
paggamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan.
Ginagamit ang wikang Filipino sa mahahalagang panayam at sa mga talumpati
tulad ng SONA. Ginagamit din sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ngunit
hindi maiiwasan ang code switching lalo na sa mga salitang teknikal.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Ano ang naganap na pagbabago sa sitwasyong pangwika sa
pamahalaan noon hanggang sa kasalukuyan?
IBAHAGI
©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon
Paano gamitin o panatilihin at Pananaliksik
nang tama ang wika sa saWika at Kulturang Pilipino I 61
pamahalaan?
SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON
Sa mahabang paraan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang
wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang Filipino
at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Ano ang naganap na pagbabago sa sitwasyong pangwika sa
edukasyon noon hanggang sa kasalukuyan?
IBAHAGI

Paano gamitin o panatilihin nang tama ang wika sa paaralan?

REGISTER O BARAYTI NG WIKANG GINAGAMIT SA IBA’T


IBANG SITWASYON
Paggamit ng jargon o mga terminong kaugnay ng mga trabaho o iba’t ibang
hanapbuhay o larangan.
Halimbawa: exhibit, appeal, complaint, suspect, court justice, at iba pa)

BASAHIN
Suriin nang mas malalim ang tungkol sa Register ng Wika sa inyong aklat sa
pahina 28 hanggang 30.

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Gaano kahalaga ang ugnayan ng wika sa ekonomikal na kaunlaran ng
bansa? Bakit mahalaga itong gamitin?

2. Batay sa kalagayan ng ating bansa, paano nakatutulong ang paggamit ng


wika sa kalakalan, pamahalaan, edukasyon? Maging sa social media?
Ipaliwanag.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 62


ATING PALALIMIN
Magsaliksik ng mga suliraning pangwika batay sa sitwasyon nito sa iba’t ibang
plataporma. Ayon dito, bumuo ng isang sulirananing pangwika at ilahad ang iyong
dahilan o patunay sa pagiging makatotohanan nito.

ATING PAHALAGAHAN
A. Malaking ambag sa isang bansa ang pagbibigay-halaga at pagtuon sa mga
sitwasyong pangwikang kinakaharap nito. Itala ang mga kabutihan at hindi
kabutihang epekto sa mga pagbabagong naganap sa sitwasyong pangwika
ng ating bansa.

KABUTIHAN HINDI KABUTIHAN

1.

2.

3.

B. Bumuo ng dalawang pangungusap ang mga sumusunod na mga salita at


tukuyin ang pagkakaiba ng kahulugan batay sa larangan nito.

1. Wax Kahulugan
a. ________________________________ ____________________
b. ________________________________ ____________________

2. Base Kahulugan
a. ________________________________ _____________________

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 63


b. ________________________________ _____________________

3. Puno Kahulugan
a. ________________________________ _____________________
b. ________________________________ _____________________

ATING ILIPAT
Bumuo ng pangkat ng lima para sa isang posisyong papel kaugnay ng mga
sitwasyong pangwika na inilahad sa paraang seminar/forum sa klase. Talakayin
ang nilalaman nito at magkaroon ng depensa sa loob ng klase.
(para sa karagdagang kaalaman tungkol sa isang posisyong papel bisitahin ang
link na ito: www.academia.edu/38736859/Pagsulat_ng_Posisyong_Papel)

Pagkatapos mong matutunan at maisakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito


ay handa ka na sa isang maikling pagsusulit. Pag-aralang muli ang mga
mahahalagang paksa para sa pagsusulit sa susunod na araw.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 64


Kakayahang
Komunikatibo
Ikalimang Modyul
Nakatuon ang modyul na ito sa mga Kakayahang Komunitkatibo. Hinati sa tatlong aralin
Kakayahang Lingguwistiko o Grammatikal, Sosyolingguwistiko, Pragramatik, Istratedyik at
Diskorsal.
Lilinangin sa modyul na ito ang karunungang pangwika ng mga mag-aaral sa paggawa ng
pag-aaral gamit ang social media, pagtukoy ng mga angkop na salita, pangungusap, pagbigay ng
kahulugan, pagpili ng angkop na mga salita at paraan ng paggamit, pahinuha ng layunin ng isang
kausap, pagbuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika sa iba’t
ibang grupong sosyal at kultural ng Pilipinas

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO:
Aralin Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal
5.1 Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 65


Ikaapat na Linggo (Second Quarter)

ALAM MO BA?
Mula sa primary hanggang sa magtapos ng pag-aaral ang isang bata,
hinahasa na ng mga guro ang kanyang kakayahang panggramatika. Sa
pagsusulat ng pangalan hanggang sa pagbuo ng sariling pangungusap,
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga
tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wika
2. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang
napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon
nahahasa ang kakayahang lingguwistiko ng isang bata.
Ayon kay Marquez (2017), sa pag-aaral ng anumang disiplina, masasabing
mahalagang magkaroon ng sapat at kinakailangang kakayahang lingguwistiko at
komunikatibo ang isang tao. Samakatuwid, pangunahing kakayahang dapat
linangin ng isang tao ito.
Ano ang kakayahang lingguwistiko? Paano ito nakatutulong sa bawat tao?

MAGSIMULA TAYO!
Humanap ng kapareha at suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin ang
angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo nang tama ang
pangungusap.

1. (Pahirin, Pahiran) mo ng mayonnaise ang pandesal.


2. Pakidala ang mga pagkaing ito (kina, kila) Nelia at Pat.
3. Nariyan na yata si Papa! Buksan mo na ang (pinto, pintuan)!
4. Si Bryan ay (tiga-, taga-) Aklan.
5. Nagmamadali niyang inakyat ang (hagdan, hagdanan).

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Kakayahang Lingguwistiko at halimbawa
nito sa iyong aklat sa pahina 134 hanggang 136.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Kakayahang Komunikatibo –
https://www.youtube.com/watch?v=Krd3RM1tCaE
Kakayahang Lingguwistiko –

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 66


https://www.youtube.com/watch?v=XXHPwh9ltPo

KARAGDAGANG KONSEPTO

Ang terminong kakayahang pangkomunikatibo o communicative


competence ay nagmula sa lingguwistang si Dell Hymes mula Portland, Oregon
noong 1966. Ito ay nauukol sa kakayahan sa aktuwal na paggamit ng wika sa mga
tiyak na pagkakataon. Sa pagtatamo ng kakayahang pangkomunikatibo,
kIailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob
sa teksto at sa porma o kayarian (gramatikal) ng wikang ginagamit sa teksto (Higgs
at Clifford, 1992).
Ang unang uri ng kakayahang pangkomunikatibo ay ang kakayahang
lingguwistiko o gramatikal. Ito ay naaayon sa tuntunin ng wika o balarilang
kayarian na alam ng taong nagsasalita ng wikang ito. Ito rin ang kakayahang
umuunawa at makabuo ng estruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng
gramatika. Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal
(Celce-Murcia, Dornyei, at Thurell, 1995):
1. Sintaks. (Pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng pangungusap
na may kahulugan)
o Estruktura ng pangungusap
o Tamang pagkakasunod-sunod ng salita
o Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos,
padamdam)
o uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
2. Morpolohiya. (Mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang
bahagi ng pananalita)
o Iba’t ibang bahagi ng pananalita
o Prosesong derivational at inflectional
o Pagbuo ng salita
3. Leksikon. (mga salita o bokabularyo)
o Pagkilala sa mga
a. Content words (pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
b. Function words (panghalip, pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-ukol,
pang-angkop)
o Konotasyon at denotasyon
4. Ponolohiya o Palatunugan
o Segmental
- Katinig, patinig, tunog
o Suprasegmental
- Diin, intonasyon o tono, hinto
5. Ortograpiya
o Mga grafema (titik o di-titik)
o Pantig at palapantigan
o Tuntunin sa pagbabaybay
o Mga bantas

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Paano naiiba ang kakayahang lingguwistiko ng isang tao sa ibang
kakayahan mayroon siya?
IBAHAGI

Aling bahagi ng kakayahang lingguwistiko ang pamilyar sa iyo?


Alina ng hindi?
©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 67
LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Sa anong pagkakataon mahalagang maisaalang-alang ang kakayahang
lingguwistiko?

2. Bilang mag-aaral, paano nakatutulong ang karunungan sa lingguiwistiko o


gramatika sa iyong kinabukasan?

ATING PALALIMIN
Naging kontrobersyal at maraming bumatikos sa kilalang personalidad na si Kim
Chu hinggil sa kanyang opinyon o reaksyon tungkol sa pagpapasara ng ABS-CBN
Company sa ginanap na online rally ng nasabing estasyon. Ayon sa kanya:

“Sa classroom may batas. Bawal lumabas, oh, bawal lumabas. Pero ‘pag
sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal lumabas pero may ginawa ka sa
pinagbabawal nila. Inayos mo ‘yung law ng classroom niyo at sinubmit mo
ulit ay pwede na ikaw lumabas.”

Kung mabibigyan ka ng pagkakataong maiayos ang sinabi niya, paano mo ito


papalitan nang mas angkop na salita o pangungusap para maiparating mo pa rin
ang mensahe sa madla?

ATING PAHALAGAHAN
A. Basahin sa iyong aklat sa Kaya Mo Ba Ito? sa pahina 135. Suriin at isulat
sa kahon ang iyong napansing kamaliang panggramatika.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 68


B. Bumuo ng isang talata tungkol sa “Kahalagahan ng Balarilang Filipino”.
Maaaring magsaliksik ng karagdagang impormasyon sa internet o mga
aklat. Siguraduhing aayon ka sa tamang balarila o gramatikang
lingguwistiko.

ATING ILIPAT
Magsaliksik sa aklatan, e-book at internet hinggil sasumusunod. Magbigay ng mga
halimbawa at iulat sa klase ang iyong nasaliksik.
1. Paggamit ng orihinal na baybay, particular ng mga salitang mula sa iba’t
ibang rehiyon at propesyon.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 69


2. Pagbaybay sa mga salitang hinuhulapian (kaso ng -an at -han; in at -hin)
3. Paghuhulapi sa mga salitang may “o” sa huling pantig (halimbawa: gulo,
pasok) at nagtatapos sa “e” (halimbawa: babae, suwerte);
4. Panghihiram sa Espanyol at sa Ingles
5. Paggamit ng pang-angkop na ”nang” at “ng”

PAMANTAYAN sa Pak na Pak Havey na Havey Waley MARKA


PAGBABALITA (5 puntos) havey (3 puntos) (2-1 puntos)
(4 puntos)
Nakikita ang kahandaan sa
pagbabahagi sa kilos at
tinig
Napunto at naibahagi nang
maayos ang nilalaman ng
kabanata

Sapat at akma ang mga


nalikom na datos
Organisado at malinis ang
presentasyon
Malikhaing presentasyon

KABUUAN

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO:
Aralin Kakayahang Sosyolingguwistiko at Pragmatik
5.2 Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikalimang Linggo (Second Quarter)

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 70


ALAM MO BA?
Ang komunikasyon o pakikipag-ugnayan sa kapwa ay mananatiling
kapareha ng kakayahan sa wika o gramatika. Pagkatapos matutuhan ng
isang bata ang balarila ay diretso niyang gagamitin ito upang
makipaghalubilo sa kapwa. Dito nagsisimulang malinang niya ang kanyang
kakayahang sosyal.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan
2. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-usapan, lugar, panahon, layunin at grupong
kinabibilangan
Dagdag ding dapat matutuhan ng isang bata ang pag-unawa sa kilos at
salita ng kanyang kausap. Ang ganitong kakayahan ay isang mahalagang aspeto
upang mapanatili ang maayos na pakikipag-ugnayan.

MAGSIMULA TAYO!
Bawat mag-aaral ay bibigyan ng dalawang metacards na may magkaibang
kulay. Sa bawat metacard, punan ng karugtong na pahayag ang
sumusunod na senaryo:

Para sa Metacard 1:

“Kapag napansin kong hindi bagay ang damit ng aking kaibigan sa aming pupuntahang
okasyon subalit hindi ko direktang mabanggit sa kaniya dahil baka masaktan ang kaniyang
damdamin, ang sasabihin ko na lang ay,“
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Para sa Metacard 2:

Kapag mababa ang nakuha kong marka sa pagsusulit sa Matematika at nais kong ipaalam
ito sa aking mga magulang nang hindi magreresulta sa biglaang galit, sisimulan koi to sa
pamamagitan ng pagsasabi ng,“
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Kakayahang Komunikatibo at halimbawa
nito sa iyong aklat sa pahina 136 hanggang 140.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 71


PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Kakayahang Sosyolingguwistiko –
https://www.youtube.com/watch?v=RVYJYJL92sQ
Kakayahang Pragmatik –
https://www.youtube.com/watch?v=leSxKjtGBGQ

KARAGDAGANG KONSEPTO
KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
Ang sosyolingguwistiko ay ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan
niya sa mga kausap, ang impormasyong pinag-uusapan at ang kanilang pinag-
uusapan. Isinasaalang-alang dito ang kontekstong sosyal ng isang wika.
Ang mga salik panlipunang nakaaapekto sa usapan ay nilagom ni Dell Hymes sa
akronim na SPEAKING
S (Setting) – lugar o pook kung saan nag-uusap
P (Participant) – ang mga taong nakikipagtalastasan
E (Ends) – mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan
A (Act of Sequence) – ang takbo ng usapan
K (Keys) – tono ng pakikipag-usap
I (Instrumentalities) – tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat
N (Norms) – paksa ng usapan
G (Genre) – diskursong ginamit

Ang komunikasyon ay akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa


pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraa. Ito ay ang proseso ng pagpapadala
at pagtanggap ng mgs mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na
maaaring berbal o di-berbal.
Berbal na Komunikasyon
Ang tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita sa anyong
pasalita o pasulat man.
Di-berbal na Komunikasyon
Hindi gumagamit ng salita bagkus gumagamit ng mga kilos o galaw ng katawan
upang maiparating ang mensahe sa kausap.
Iba’t ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon:
a. Kinesics (kilos ng katawan g. Chronemics (panahon/oras)
b. Pictics (ekspresyon ng mukha) h. Iconics (simbolo o icons)
c. Oculesics (galaw ng mata) i. Colorics (kulay)
d. Vocalics (di-lingguwistikong tunog) j. Objectics (bagay)
e. Hatpics (paghawak/pandama) k. Paralanguage (paraan ng pagbigkas ng salita
f. Proxemics (komunikatibong gamit ng espasyo) l. Olfactorics (amoy)

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 72


MAHALAGANG KATANUNGAN:
Paano naiiba ang kakayahang sosyolingguwistiko ng isang tao sa
ibang kakayahan mayroon siya?
IBAHAGI

Aling kakayahang sosyolohiko ang kalimitan mong ginagamit sa


tahanan? Paaralan?
Alina ng hindi?

KAKAYAHANG PRAGMATIK
Natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di-sinasabi batay sa
ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng mga salita sa
kanilang kahulugan batay sa paggamit ng konteksto. Kasama sa paglinang sa
kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech act. May tatlong sangkap ang
speech act:
1. Ang sadya o intensyunal na papel nito o illocutionary force
2. Anyong lingguwsistiko o locution
3. Ang epekto sa tagapakinig o perlucution

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Sa anong pagkakataon mahalagang maisaalang-alang ang kakayahang
sosyolingguwistiko?

2. Ilahad ang kahalagang ng kakayahang pragmatiko sa pakikipag-ugnayan.


Maglahad ng halimbawa.
.

ATING PALALIMIN
A. Manonood ng isang talkshow sa telebisyon. Himayin ang naging pag-uusap
gamit ang modelong SPEAKING ni Hymes. Gamitin ang pormat sa ibaba:
PAMAGAT NG TALKSHOW:

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 73


S – (Setting)

P – (Participant)

E – (Ends)

A – (Act Sequence)

K – (Key)

I – (Instrumentalities)

N – (Norms)

G – (Genre)

B. Manood ng isang Indie Film. Mula sa pelikula, pumili ng limang linya o pahayag
at suriin ito ayon sa mga sangkap ng speech act.
Blg. Linya/ Pahayag Nagpahayag Speech Act
na
Karakter Illocutionary Locution Perlocution
Force

ATING PAHALAGAHAN
A. Gamit ang graphic organizer na Tic-Tac-Toe, bumuo ng angkop na
pahayag para sa kinakausap na nakatalaga sa bawat kahon batay sa
sitwasyong ito:
Panghihikayat na sumali sa kampanyang nagsusulong ng “Anti-Bullying”.
GURO MAGULANG KAIBIGAN

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 74


KAMAG-ARAL KAPATID BAGONG KAKILALA

HINDI KAKILALA PINSAN KAPITBAHAY

B. Tukuyin kung anong anyo ng di-berbal na komunikasyon ang ipinahihiwatig


ng sumusunod. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.
__________________1. Paghimas ng ina sa ulo ng sanggol
__________________2. Hindi pagtugon sa ipinadalang text message
__________________3. Galaw ng kamay ng guro habang nagpapaliwanag
__________________4. Pasigaw na pananalita
__________________5. Pagtabi sa kaibigan
__________________6. Pagtingin sa pulubi mula ulo hanggang paa
__________________7. Naghihingalong tinig
__________________8. Pagpisil sa mukha ng kapatid
__________________9. Pag-iwas sa mga nag-iinuman
__________________10. Pagtungo sa madilim na sulok ng silid

ATING ILIPAT
A. Bumuo ng isang bukas na liham para sa Pangulo ng Pilipinas na
tumatalakay sa online learning o distant learning ng kabataang Pilipino.
Magbigay ng limang punto ng mga salitang ginamit.
B. Sumulat ng sanaysay batay sa sumusunod na premis:
”Ang kahulugan ng sinasabi ng tao ay nabubuo sa pamamagitan ng
pakikipagnegosasyon o pakikipagtalaban ng kahulugan sa kausap.”
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG SANAYSAY
ORGANISASYON
Malinaw na naipaliliwanag ang tinutukoy ng premis ______/40
Lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
ESTILO
Sapat ang mga patunay at detalyeng ginamit ______/30
Maayos at mabisa ang paggamit sa wika
ANYO
Angkop ang pormat na ginamit ______/30
Wasto ang pagkakasulat ng mga pangungusap
KABUUAN
_____/100

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO:
Aralin Kakayahang Istratedyik at Diskorsal
5.3
©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 75
Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikaanim na Linggo (Second Quarter)

ALAM MO BA?
Sa pagpasok ng bagong kurikulum ng Filipino sa Senior High School, higit
na dapat pagtuonan ng pansin ang bakit at paano sa paglinang sa mga
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan
ng pagsasalita
2. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng
wika sa iba’t ibang grupong sosyal at kultural ng Pilipinas
kasanayang komunikatibo sa halip na tuon ay sa ano at sino (Marquez, 2017). Sa
pagpapalalim ng pakikipag-ugnayan, nabubuo ng isang mag-aaral ang iba’t ibang
kakayahang komunikatibo na mas makatutulong sa kanya tungo sa mabisang
pakikipagkomunikasyon.
Ano-ano pang kakayahan ang dapat matutunan ng isang mag-aaral?

MAGSIMULA TAYO!
Dagdagan at ayusin ang diwa ng mga sumusunod na pahayag. Ibahagi ito
sa klase pagkatapos.
1. “Ako ay maganda/gwapo.”
2. “Isa akong Pilipino.”
3. “Masaya ako.”
4. “Positibo akong makakaligtas sa pandemya.”
5. “Mahal ko ang Filipino.”

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Kakayahang Komunikatibo at halimbawa nito
sa iyong aklat sa pahina 137 hanggang 139.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Kakayahang Sosyolingguwistiko –
https://www.youtube.com/watch?v=4wYPodZhFSE
Kakayahang Diskorsal –
https://www.youtube.com/watch?v=vB6x6AH8h7c
KARAGDAGANG KONSEPTO

KAKAYAHANG ISTRATEDYIK

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 76


Kakayahang magamit ang berbal at di-berbal na mga hudyat upang maibatid nang
mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi
pagkakaunawaan o mga puwang o gaps sa komunikasyon. Ito rin ay estratehiyang
ginagamit ng isang tao upang matakpan ang mga ‘di-perpektong kaalaman sa
wika nang sa gayon ay maipagpatuloy ang daloy ng komunikasyon.

MAHALAGANG KATANUNGAN:
Paano naiiba ang kakayahang istratedyik ng isang tao sa ibang
kakayahan mayroon siya?
IBAHAGI

Aling kakayahang istratedyik ang kalimitan mong ginagamit sa


tahanan? Paaralan?
Alina ng hindi?

KAKAYAHANG DISKORSAL
Kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika. Saklaw ng
diskorsal ang pagkakaugnay-ugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na
bumubuo ng isang makabuluhang teksto: 1. Cohesion (pagkakaisa) at
Coherence (pagkakaugnay-ugnay).
May dalawang uri ng kakayahang diskorsal:
Kakayahang tekstuwal o kahusayan ng indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng
iba’t ibang teksto
Kakayahang retorikal na tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal na
makibahagi sa pakikipagpalitan ng ideya sa usapan.

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
1. Ano ang kahalagahang naidudulot ng kaalaman at pagkakaroon ng
kasanayan ng kakayahang istratedyik?

2. Paano nakatutulong sa pakikipagtalastasan ang kasanayan sa kakayahang


diskorsal? Maglahad ng halimbawa.
.

ATING PALALIMIN

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 77


Sa kasalukuyan, ang buong mundo, kasama na ang bansang Pilipinas, ay
humaharap sa isang pandaigdigang krisis- Ang Corona Virus Decease. Dahil dito,
nagkaroon tayo ng tinatawag na New Normal (pagsuot ng facemask, social
distancing, stay at home). Dahil dito, nagiging maparaan na tayo sa
pakikisalamuha sa iba kahit sa ating mga mahal sa buhay. Sa panahong yaon,
ano-anong mga berbal at ‘di-berbal na paraan ng pagpapahayag ang iyong
nabuo/ginawa? Itala ito sa ibaba at lagyan ng maikling pagpapaliwanag.
(Note: Maaari ring maglagay ng mga kakayahang nakikitang ginagawa ng iba
batay sa mga social media posts)
Maaari ring maglagay ng larawan na may caption.

ATING PAHALAGAHAN
A. Pahabain ang sumusunod na pahayag gamit ang mga paraan sa
pagpapahaba ng pangungusap.
1. Suportahan ang usapang pangkapayapaan …

2. Paglingkurian ang sambayanan …

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 78


3. Bumili ang pamahalaan …

4. Mamumuhunan ang mga dayuhang negosyante …

5. Ipaglaban ang kalayaan …

B. Gawin ang pagsasanay sa Likhain Mo Na sa inyong aklat pahina 141.


C. Gawin ang pagsasanay sa Isabuhay Mo Na sa inyong aklat pahina 144-145

ATING ILIPAT
A. Gawin ang pagsasanay sa Tapusin Mo Na sa iyong aklat sa pahina 146.
B. Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng isang talumpati. Sa loob ng
sampung minuto, ipahayag ito sa klase nang may angkop na tono at
kumpas. Ipasa ang isinulat na talumpati sa guro.
PAMANTAYAN SA PAGTATALUMPATI
KATEGORYA Nagsisimula Nagtatangka Napakahusay PUNTOS
Mahusay
(0-4 puntos) (5-8 puntos) (13-15 puntos)
(9-12 puntos)
KAHANDAAN Hindi Bahagyang Naiaangkop Ganap na
naiaangkop ang naiaangkop ang talumpati naiaangkop
talumpati sa ang talumpati sa ang talumpati
tagapakinig; hindi sa tagapakinig; sa
nakakukuha ng tagapakinig; nakakukuha tagapakinig;
atensiyon nakakukuha ng atensiyon nakatutok ang
ng kaunting mga tagapakinig
atensiyon at litaw ng
interes sa
talumpati
KAALAMAN Hindi maayos ang May tangkang Nakapagpa Maaaayos na
SA PAKSA pagpapali maipaliwa paliwanag ng naipaliliwag
wanag; halos nag ang mga ideya; ang mga
walang ideya: may nakapagba ideya;
naibabahaging naibabaha bahagi ng maraming
bagong kaalaman ging ilang bagong naibabaha
at sanggunian bagong kaalaman ging bagong
kaalaman kaalaman
KAHUSAYAN Mahina sa May ilang Angkop ang Mahusay ang
SA pagkakamali sa gramatika at gramatika at ang
PAGSASALITA
gramatika at sa
pagpili ng angkop gramatika at sa ang mga mga salitang
pagpili ng salitang ginagamit;
na salita; hindi
angkop na ginagamit; maayos na
maayos ang salita; maayos- maayos ang maayos ang
pagbigkas ng mga ayos ang pagbigkas; bigkas ng mga
salita; pagbigkas ng salita;
mga salita;
KUMPAS Hindi nagpapakita May Maayos at Mahusay at
AT ng tamang nakikitaang nakikitaan ng tamang-tama
GALAW kumpas at galaw katamaan sa tamang ang
sa pagsasalita; kumpas at kumpas at ginagawang
hindi halos galaw sa galaw sa kumpas at
makagalaw sa pagsasalita; pagsasalita; galaw sa
entablado pagsasalita;
KABUUAN

Pagkatapos mong matutunan at maisakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito ay handa ka na sa
isang maikling pagsusulit. Pag-aralang muli ang mga mahahalagang paksa para sa pagsusulit sa
susunod na araw.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 79


Introduksiyon
sa Pananaliksik
Ikaanim na Modyul

Nakatuon ang modyul na ito sa Introduksiyon sa Pananaliksik. Hinati sa dalawang bahagi


ang mga mahahalagang konseptong kailangang matutuhan hinggil sa paggawa ng saliksik –
kahulugan, bahagi, hakbang at prinsipyo, at mga dapat isaalang-alang.
Lilinangin sa modyul na ito ang karunungan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa pagsuri
ng ilang mga pananaliksik, pag-iisa-isa ng mga hakbang at paggamit ng mga angkop na salita sa
pananaliksik.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 80


INTRODUKSIYON SA PANANALIKSIK
Aralin Kahulugan at Bahagi
6.1 Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikapitong Linggo (Second Quarter)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino
2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik

ALAM MO BA?
Sa panahon ng tumitinding kampanya ng internasyonalisasyon,
naisasantabi ang halaga ng sari-sariling yaman ng wika at kultura ng mga
bansa ang pagkakaiba-iba ng mga ito dahil sa paniniwala na may iisang
pamantayang pandaigdigna nakapadron lamang sa kakayahan at katangian ng
mauunlad na bansa. Samantala, ang wika at kultura ng mga bansang nasa
Ikatlong Daigdig, gaya ng Pilipinas, ay lagi’t lagging ipinalalagay na mababa at di-
kapantay ng mga sumusulong na kalakaran sa daigdig.
Kaya, marapat lang na sa paraan ng pananaliksik, lalalimin pa ang pag-
aaral tungkol sa wika upang mabigyan naman ng atensyon ang ating sariling
pagkakakilanlan.

MAGSIMULA TAYO!
Basahin ang mga halimbawang abstrak ni Marquez (2017) sa inyong aklat
sa pahina 149 hanggang 171. Ibahagi ang iyong mga napansin.

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Introduksiyon sa Pananaliksik at sa iyong aklat
sa pahina 149-171 at 173-194.

Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Introduksyon sa Pananaliksik –
https://www.youtube.com/watch?v=uUyusY3ZyC4

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 81


INTRODUKSIYON SA PANANALIKSIK
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal,
disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa
kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o
resolusyon.
Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa
kanya, ang pnanaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos
ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o
datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng
interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya
sa isa pang esensyal na gawain- ang paghahanda ng kanyang ulat-pananaliksik.
Masasabi rin ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o
impormasyon upang malutas ang isang particular na suliranin sa isang
syentipikong pamamaraan. (Manuel at medel, 1976)
Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay
isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning
masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina E. Trece at J.W Trece (1973)
na nagsasaad na ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makuha ng mga
solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga
datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at
eksplanasyon.

Bahagi ng Saliksik
Sa pangkalahatan, ang isang saliksik ay binubuo ng introduksiyon, katawan, at
kongklusiyon. Ilan sa mahalagang isaisip, kaugnay ng mga bahaging ito, ang
sumusunod:
A. Introduksiyon
- Sikaping maging maikli sa binubuong introduksiyon, proporsiyonal sa
haba ng kabuuang papel.
- Kinapapalooban ng mga impormasyon hinggil sa: (a) kaligiran o
background ng paksa, kaugnay ng mahahalagang isyu, suliranin, o
ideya; (b) layunin ng pananaliksik; (c) depinisyon ng mga konseptong
gagamitin; (d) sa mahahabang sulatin, maaaring isama ang lagom o
overview ng saliksik.

B. Katawan
- Makatutulong ang paggamit ng titulo at subtitulo sa kabuuan ng talakay
upang ihudyat ang daloy o pagbabago ng mga ideya sa isang sulatin.
Ang mga ito ang nagsisilbing signpost, nakaliligaw sa mambabasa.
Gayunman, marapat tandaan na tulad ng mga signpost, nakaliligaw sa
mambabasa ang kulang na paggamit nito samantalang nakalilito naman
ang sobra. Tiyaking sapat lamang ang paggamit ng titulo at subtitulo
sang-ayon sa nabuong pinal na balangkas.
- Gumamit ng mga salitang transisyonal na siyang umaaktong tagapag-
ugnay ng mga ideya sa papel.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 82


-Iangkop ang tono at estilo ng pagsulat batay sa kalikasan ng ginawang
pananaliksik.
C. Kongklusiyon
- Kinapapalooban ng isa o kombinasyon ng sumusunod: (a) buod ng mga
pangunahing ideyang nabuo sa katawan ng saliksik; (b) sipi o pahayag
na nalalagom sa papel at maaaring maging lunsarin ng pagtalakay sa
halaga ng papel; (c) pagbalik sa ideyang binuksan sa introduksiyon; at
(d) pagbubukas ng ilang usaping kaugnay ng nilinang na paksa para sa
susunod na pananaliksik.
- Tiyaking matamo ang full circle effect. Ibig sabihin, malinaw ang: (a)
koordinasyon ng estruktura, na natatamo sa pamamagitan ng
pagbubuod ng mga pangunahing ideyang pinanday sa loob ng saliksik;
(b) koordinasyon ng estilo, na natatamo sa pamamagitan ng muling
pagbanggit sa bahagi ng kongklusyon ng mga sitwasyon, imahen,
talinghaga, o tayutay na maaaring nabuksan sa introduksiyon.

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
A. Sagutan ang gawain sa pahina 176-177 Suriin Mo Na sa iyong aklat.
B. Sagutin:
1. Aling bahagi ng pananaliksik ang maituturing na pinakamahalaga?
Bakit?

ATING PALALIMIN
A. Sagutan ang gawain sa pahina 177 Isabuhay Mo Na sa iyong aklat.
B. Bumuo ng isang listahan ng mga suliraning iyong nakikita sa Social Media
tungkol sa wika at komunikasyon. Itala ang lahat ng nakalap sa kahon.

ATING PAHALAGAHAN
A. Sagutan ang gawain sa pahina 177 Lihain Mo Na sa iyong aklat.
B. Bumuo ng isang simpleng talata batay sa iyong mga nakalap sa gawain B
ng Ating Palalimin ayon sa bahagi ng saliksik. Pumili ng isang paksa
lamang.
I. Pamagat ng Saliksik
II. Introduksiyon
III. Katawan
IV. Kongklusiyon

ATING ILIPAT

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 83


A. Sagutan ang gawain sa pahina 177-178 Tapusin Mo Na sa iyong aklat.

INTRODUKSIYON SA PANANALIKSIK:
Aralin Mga Hakbang at Prinsipyo
6.2 Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
Ikawalong Linggo (Second Quarter)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang makapag-ugnay-
ugnay ang mga ideya sa isang sulatin

ALAM MO BA?
Ang proseso ng pananaliksik ay hindi ganap na kompleto kung wala ang
sulating tumatalakay sa kinasapitan at pagsusuri. Samakatuwid, ang lahat
ng dinaanang proseso sa pananaliksik ay maituturing na preliminaryong
hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng saliksik sa pamamagitan ng pagsulat nito.
Sa pamamagitan ng pagsulat ng saliksik, naibabahagi ng mananaliksik ang
mga impormasyong nalikom mula sa ginawang pag-aaral.

MAGSIMULA TAYO!
Batay sa iyong ginawa output sa Ating Ilipat sa naunang aralin, ibahagi sa
klase ang iyong mga nakalap at nagawang pananaliksik.

(Magpapakita naman ng isang halimbawang pananaliksik ang guro)

Suriin naman ang ipinakitang halimbawa ng iyong guro at ilahad ang iyong
mga natuklasan sa harapan.

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Introduksiyon sa Pananaliksik at sa iyong aklat
sa pahina 149-171 at 173-194.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.
.
PANOORIN
I-klik ang mga sumusunod na link:
Introduksyon sa Pananaliksik –
https://www.youtube.com/watch?v=04Jv-zXBgi0

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 84


MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK
Una: Pumili at Maglimita ng Paksa. Ang paksa ay dapat na alam mo, nakakawili,
mapagkukunan ng daots, may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng
kongklusiyon.
Pangalawa: Magsagawa ng Pansamantalang Balangkas. Ilahad sa isang
pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa. Ilahad ang layunin. Pangatwiranan
ang kahalagahan ng paksa.
Pangatlo. Magtala ng mga Sagguninan o Bibliyograpiya. Huwag takdaan ang
bilang ng maksimum sa pitong sanggunian.
Pang-apat. Mangalap ng Datos. Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa
na. ideya lamang ng nabasa ay sapat na. makatutulong ang paggamit ng index
card sa pagtatala ng mga sanggunian.
Panlima. Bumuo ng Burador. Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang
sasaliksikin. Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng
pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat.
Pang-anim. Gumamit ng Dokumentasyon. Sinupin ang mga datos, gumamit ng
parentetikal na paglalahad ng sanggunian at oberserbahan ang paggamit ng
wastong pagbabantas.
Pampito. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.

MGA HAKBANG AT PRINSIPYO SA PAGSULAT NG SALIKSIK


Ang pagsusulat ay isang proseso at ang mabisang paraan upang matutong
sumulat ng pananaliksik. Ayon kay Neuman (2012), wala mang perpekto at iisang
paraan ng pagsulat, may mga hakbang na matutukoy sa mabisang pagsasagawa
nito. Ito ang sumusunod:

1. Pre-Writing. Tumutukoy ang yugtong ito sa lahat ng paghahanda bago ang


aktwal na pagsulat. Kinapapalooban ito ng paglalatag ng mga tala mula sa
nakuhang datos, paghahain ng mga ideya, pagbabalangkas, pagtitiyak sa
mga sanggunian at pagsasaayos ng mga nabuong komento at punto.
2. Composing. Ito ang yugto ng aktwal na pagsulat ng pananaliksik. Kadikit
nito ang pagsasaayos ng bibliyograpiya at talababa, paghahanda para sa
presentasyon, at pagbubuo ng introduksiyon at kongklusyon.
3. Rewriting. Ito ang yugtong tinatasa at nirerepaso ng mananaliksik ang
sulatin sa pamamagitan ng pagtitiyak sa kaisahan ng mga ideya at
pahayag, pagwawasto sa mga maling gramatika, pagtitiyak na kinilala ang
mga sinangguni at pagrerebyu sa aktuwal na pagsulat. Mahalagang balikan
muli ang nabuong saliksik upang pakinisin pa ang mga pahayag.
Nakatutulong ang yugtong ito sa mabisa at malinaw na daloy ng saliksik.

LAPATAN NATIN

ATING LINANGIN
A. Sagutan ang gawain sa pahina 182 Suriin Mo Na sa iyong aklat.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 85


B. Sagutin:
1. Bakit may sinusunod na hakbang o balangkas ang pagbuo ng
pananaliksik? Ano ang kahalagahan nito?

2. Aling bahagi ng pananaliksik ang maituturing na pinakamahalagang


bahagi at bakit?

ATING PALALIMIN
A. Sagutan ang gawain sa pahina 182-183 Isabuhay Mo Na sa iyong aklat.

ATING PAHALAGAHAN

A. Sagutan ang gawain sa pahina 183 Lihain Mo Na sa iyong aklat.

ATING ILIPAT

A. Sagutan ang gawain sa pahina 184 Tapusin Mo Na sa iyong aklat.

Pagkatapos mong matutunan at maisakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito


ay handa ka na sa isang maikling pagsusulit. Pag-aralang muli ang mga
mahahalagang paksa para sa pagsusulit sa susunod na araw.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 86


________________________________________________________________________

ISANG PANIMULANG PANANALIKSIK


Output Anim na Araw (1 Oras bawat sesyon)
2 Ikasiyam hanggang Ikasampung Linggo (Second Quarter)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
3. Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong
kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad

ALAM MO BA?
Matapos ang mga nabatid na konsepto, kaalaman, at kasanayan kaugnay
sa paggamit at pag-unawa sa pananaliksik bilang mahalagang aspekto ng
ating kultura at lipunang kinabibilangan, mahalagang mailapat ang mga
kabatiran at pag-unawang ito sa pagbuo ng mga pagninilay at mapanuring
obserbasyon sa isang aktuwal na sitwasyon.

TUKLASIN NATIN

BASAHIN
Pag-aralan ang tungkol sa Panimulang Pananaliksik sa iyong aklat
sa pahina 195-196.
Suriin ang mga karagdang detalye ukol sa paksa sa ibaba.

PANIMULANG PANANALIKSIK
Tinatawag na pananaliksik ang isang masistemag gawain ng pagssusuri at
pag-aaral ng mga material at paksaat mga pinagmulan nito upang
makabalangkas ng mga makatotohang pagpapaliwanag at makapagtamo ng
mgs bagong pagdulog at konklusyon ukol sa isa o higit pang larangan.
Nagbigay si Denscombe (2003) ng mga bagay na mahalagang isaalang-
alang sa buo ng saliksik. Ayon sa kaniya, kailangang tiyakin ng isang
mananaliksik na ang suliranin ay nakatutugon sa sumusunod:
1. Inaasahan ng mambabasa. Mahalagang ala ng mananaliksik kung para
kanino ang kaniyang sinusulat. Ang pagiging depektibo ng isang sulatin ay
nakasalalay sa pagtugon ng mananaliksik sa inaasahan ng kaniyang
mambabasa.
2. Itinakdang kumbensiyon. Nararapat na matiyak ng mananaliksik ang
kumbensiyong itinatakda sa ginagawang sulatin sapagkat may epekto ito
sa estilo ng presentasyon, paraan ng pagsangguni o citation, detalye at
haba ng sulatin, paglatag ng teknikal na impormasyon, at paggamit ng mga
salita.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 87


LAPATAN NATIN
Bilang pinal na output, bumuo ng isang panimulang pananaliksik na tumatalakay
sa isang kultura o panlipunang penomena ng bansa. Tiyakin na malinaw at napag-
uugnay ang mga bahagi ng pananaliksik at malinaw na nailalatag ang sanggunian.
(Maaaring sumangguni ng mga halimbawang paksa sa iyong aklat bilang gabay)
Tatasahan ang iyong panimulang pananaliksik batay sa sumusunod na rubrik:
RUBRIK SA PAGGAWA NG PANIMULANG PANANALIKSIK
Mahusay Katanggap-tanggap Kailangang Ayusin
(10-9 puntos) (8-6 puntos) Pa
(5-0 puntos)
Layunin Malinaw na nailatag ang May panaka-nakang Hindi malinaw ang
layunin at argumento ng paglihis sa pangunahing layunin at argumento
pananaliksik layunin at argumento

Nilalaman Balanse ang presentasyon Nakapagbibigay ng ilang Hindi nasusuportahan


ng impormasyon na lubos impormasyong susuporta ang layunin, mababaw
na kaugnay ng layunin; sa layunin; nakabubuo ng ang pagsusuri; walang
nakapagbibigay ng batayang pagsusuri; inihaing bagong
malalim na pagsusuri nakapaghahain ng ilang impormasyon sa
batay sa mga nakalap na bagong impormasyon sa mambabasa
datos; nakapaghahain ng mambabasa
mga bagong impormasyon
sa mambabasa
Organisasyon Lohikal na nailalatag ang Lohikal na nailatag ang Hindi organisado ang
mga ideya; napag-uugnay- mga ideya, bagama’t hindi pagkakasulat; hndi
ugnay ang mga palaging makinis ang napag-uugnay-ugnay
impormasyon; madaling pagpapadaloy ng mga ito ang mga ideya
masundan ng mambabasa
ang daloy
Tono Propesyunal ang tono at Hindi palagiang Hindi angkop ang tono
angkop sa isang propesyunal ang tono at sa isang akademikong
akademikong papel hindi gaanong angkop sa papel
isang akademikong papel
Estruktura Gumagamit ng iba’t ibang May mga pangungusap na Lubhang marami ang
estilo ng pangungusap hindi maayos ang pagkakamali sa
upang makuha ang interes pagkakabuo na pagbubuo ng
ng mambabasa; angkop nakababahala sa pangungusap; nakalilto
ang gamit ng mga salita; mambabasa; limitado at ang gamit ng salita;
maayos nag daloy at hindi palagiang angkop hindi na nakasusunod
ugnayan ng bawat ang gamit ng salita ang mambabasa
pangungusap
Gramatika, Walang anumang May ilang pagkakamali na Lunhang maraming
Pagababaybay pagkakamali nakababahala sa pagkakamali na
, Pagbabantas mambabasa nakawawala ng interes
sa mambabasa
Haba ng Hindi nakasunod sa
Pananaliksik itinakdang bilang;
Nakasunod ang papel sa itinakdang bilang ng pahina karaniwang higit na
kaunti kaysa sa
inaasahan
Paggamit ng Mapagkakatiwalaan ang May ilang problematiko sa Halos walang
Saggunian sangguni; nagmula sa iba’t sinangguning materyal; sinagguning materyal;
ibang sanggunian ang limitado ang materyal; may karaniwang sa internet
mga datos; maayos na ilang kamallan sa pagkilala lamang humalaw ng
kinilala ang mga sangguni sa sinnagguni impormasyon; walang
sapat na pagkilala sa
sinangguni

Kabuuang Puntos:

Pagkatapos mong matutunan at maisakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito ay handa
ka na sa isang Ikalawang Markahang Pagsusulit (Second Quarter Examination). Pag-aralang
muli ang buong bahagi ng una hanggang ikatlong modyul bilang paghahanda.

©STEFTI-SHS 2020-2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I 88

You might also like