You are on page 1of 25

Inihahandog sa inyo ng pangkat 4

Kolektibong Kuwento
 Isagawa ang mga sumusunod na hakbang para sa Gawain ng
kolektibong pagkukuwento.
 Maging aktibo sa pakikinig sa dikta ng guro upang ang
buong pangkat ay makabuo ng makabuluhan at
interesanteng kuwento:
Kolektibong Kuwento
1. Maghanda ng isang buong papel na magsisilbing sulatan
para sa pagbuo ng kolektibong kuwento.
2. Lumikha ng bilog ang bawat pangkat na binubuo ng
limang kasapi.
3. Isusulat ng estudyanteng may-ari ng papel ang simula ng
kuwento at iikot nang clockwise ang nasabing papel para
maituloy ng mga kaklase ang kuwentong gusto nilang
idugtong. Hintayin ang hudyat ng guro sa bawat bahagi
ng kuwento.
Kolektibong Kuwento
4. Bibigyan ng dalawang minuto ang bawat miyembro para
maisulat ang karugtona kuwento hanggang sa
makapagsulat ang huling miyembro sa bawat grupo.
5. Ididikta ng guro ang bawat bahagi ng kuwento na
magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa susundang daloy
ng pagkukuwento.
Kolektibong Kuwento
 Tanong:
 Ano-anong uri ng interaksiyon ang nabuo sa inyong kuwento?
 Aling ang mga pahayag na nagpapakita ng personal na saloobin o
damdamin?
 Maituturing mo bang malikhain ang inyong nabuong kolektibong
kuwento?
 Ipaliwanag ang iyong sagot.
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
 Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng wika na
nakatuon sa interaksiyonal, personal at imahinatibo;
 Napag-iiba ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal,
imahinatibo;
 Natutukoy ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, at
imahinatibo sa pinanood na indie film;
 Naiuugnay ang interaksiyonal, personal, at imahinatibong tungkulin ng
wika sa pinanood na indie film.
Interaksiyonal, Personal at Imahinatibong
Tungkulin ng Wika
 Ang wika ay isang moda ng pag-uugali at hindi isang
purong elementong pragmatika.
 May panlipunang papel na ginagampanan ang wika upang
maglinaw ng kahulugan batay sa mga aktuwal na sitwasyon
at natural na tungkulin nito upang tumugon sa mga tiyak na
layunin at panlipunang konteksto.
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika
 Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng
panlipunang ugnayan, ang wika ay may
interaksiyonal na tungkulin.
 Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-
ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapuwa sa
paligid.
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika
 Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay
lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati
upang bumuo ng interaksiyon at palakasin ang
layuning makipagkapuwa gaya ng “Mahal kita,”
“Kamusta?” “Nanay,” at “Mabuhay.”
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika
 Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa
pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya
ng paggamit ng mga katangiang di gumagamit ng
salita, tulad ng
 kilos,
 tuon ng mata, at
 pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw ng kamay,
pagkiling-killing ng ulo, at iba pang mga kilos).
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika
 Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong
interaksiyon kung paiba-iba ang
 ekspresyon,
 tono, at
 intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa pakikipag-
usap.
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika
 Halimbawa:
 Pormularyong Panlipunan
 Pangungumusta
 Pagpapalitan ng biro
 Kumusta ka na aking kaibigan?
 Maligayang Kaarawan
Personal na Tungkulin ng Wika
 Nagsisilbing gampanin naman ng Personal na
tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at
pagkakakilanlan ng isang indibiduwal.
 Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang
ipahayag ang kaniyang mga personal na
 preperensiya,
 saloobin, at
 pagkakakilanlan.
Personal na Tungkulin ng Wika
 Ang Personal na sulatin ay informal, walang tiyak na
balangkas at pansarili.
 Ito ang pinakagamit na uri ng sulatin sa mga mag-aaral
dahil nagagawa nilang iugnay anumang paniniwala, pag-
iisip, o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.
 Mga halimbawa: Shopping o Groseri List, Tala, Diary,
Dyornal, Dayalog, Liham, Mensahe, Pagbati.
Personal na Tungkulin ng Wika
 Halimbawa:
 Shopping o Groseri List
 Tala
 Diary
 Dyornal
 Dayalog
 Liham
 Mensahe
 Pagbati.
Personal na Tungkulin ng Wika
 Halimbawa:
 Porma/Di-Pormal na Talakayan
 Liham sa Patnugot
 Sang-ayon ako na idaos ang ating retreat
 Ikaw ang talagang tumatanglaw sa aking bawat madilim na gabi
 Nakakabahala ang artikulong inilathala ninyo sa nakaraang isyu
ng inyong pahayagan.
Imahinatibong Tungkulin ng Wika
 Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng
wika upang ipahayag ang
 imahinasyon at haraya,
 maging mapaglaro sa gamit ng mga salita,
 lumikha ng bagong kapaligiran ng tayutay at
 iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng
makapang-akit ng komunikasyon.
Imahinatibong Tungkulin ng Wika
 Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines
halimbawa ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng
wika upang magpatalas ng isang ipinahihiwatig na
kahulugan at damdamin.
 Halimbawa:
 “Password ka ba? – Di kasi kita makalimutan.”
 “Papupulis kita! – Ninakaw mo kasi ang puso ko.”
Imahinatibong Tungkulin ng Wika
 Halimbawa:
 Pagsasalaysay
 Paglalarawan
 Akdang pampanitikan
Pagsubok:
 Suriin ang mga sumusunod na tag line batay sa
ginamit na tungkulin ng wika (interaksiyonal,
personal, at imahinatibo) at ipaliwanag ang iyong
sagot.
 Limitahan ang paliwanag sa dalawa hanggang tatlong
pangungusap.
 (Limang puntos bawat isa.)
Pagsubok:
1. FACEFOOD
Like ko ‘to

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
___________________________________________________
___________________________________________________
_____________________________________________
Pagsubok:
2. JEEPSILOG
Biyaheng Sarap!

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
___________________________________________________
___________________________________________________
_____________________________________________
Pagsubok:
3. TV 45
Kasama Ka!

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
___________________________________________________
___________________________________________________
_____________________________________________
Pagsubok:
4. Bongga ka Lhai!
Parlor ng mga Sikat!

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
___________________________________________________
___________________________________________________
_____________________________________________
Maraming salamat sa
inyong pakikinig
At magandang araw sa
inyong lahat.😍

You might also like