You are on page 1of 10

Gamit ng wika sa lipunan

bilang Personal
AKTIBIDAD
LAYUNIN

•Mabigyang kahulugan ang


Gamit ng Wika bilang
Personal sa Lipunan.
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
• Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya,
saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.

• Ang wika ,pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng
lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa.
Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa lipunan? Marami-rami rin ang nagtangkang i-
katergorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay, isa rito si M.A.K.
Halliday na naglalahad sa pitong tungkulin ng wika na sumusunod:
1. Instrumental
2. Regulatoryo
3. Interaksyunal
4. Personal
5. Heuristiko
6. Representatibo
7. Impormatibo
ANO ANG IBIG-SABIHIN NG PERSONAL?
• Ang personal ay mula sa salitang personalidad.
Nabubuo ang personalidad ng isang tao habang siya’y
nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan. Ayon
sa sikolohiya, ang personalidad ay kaugnay ng mga
pangunahing teorya kabilang ang pag uugali,
psychodynamic, pangkatauhan, biyolohikal, asal,
ebolusyon at perspektibo sa kaalamang panlipunan.
ANO ANG PERSONAL NA GAMIT NG WIKA?
•Ang tungkulin ng wika kung saan ginagamit ito
ng tao sa pagpapahayag ng sariling personalidad
batay sa sariling kaparaanan, damdamin,
opinyon o pananaw.
PERSONAL NA GAMIT NG WIKA
• Ayon sa pag aaral ni Halliday (1973) tungkol sa gamit ng wika, isa sa mga
kategorya ay ang personal. Ginagamit ang wika upang maipahayg ang
sarili at anumang pansariling layunin. Halimbawa, sa isang sanngol o
musmos na hindi pa gaanong natututong magsalita, sinisikap niyang
makapagpahayag sa pamamagitan ng ungol at pag-iyak, o utal-utal na
salita. Karaniwan ito sa mga pagkakataong gutom siya o may nais makuha
o hinihingi ang atensyon ng tagapag-alaga. Nang maging bata na siya at
may alam nang wika at mga salita, mas malinawa na niyang naipaparating
ang kanyang mga nais. Kung gayon, ang isang tao ay nagwiwika upang
maipahayag ang bahagi ng kaniyang isip ayon sa kanyang personal na
layunin.
Ano ang Gamit ng wika sa lipunan bilang
Personal?
• Ang Gamit ng wika sa lipunan bilang Personal ay nagsisilbing
tungkulin ng wika na ginagampanan na palakasin ang
personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag
ang kaniyang mga personal na preperensiya, saloobin, at
pagkakakilanlan.
BIGKAS NA GINAGANAP
1. Pagsulat ng diary o journal

2. Pagpapahayag ng tuwa, paghanga, galit,


pagkabalisa, pagkayamot, atbp.

3. Pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang


uti ng panitikan.
Tapos na, salamat mga anak.

You might also like