You are on page 1of 40

AKADEMIKONG

SULATIN
KAHULUGAN, KATANGIAN AT LAYUNIN
AKADEMIKONG SULATIN

• isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang


karanasang panlipunan.
• Isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung
saan kinakailangan ang mataas na antas ng
kasanayan sa pagsulat.
AKADEMIKONG SULATIN

• Binubuo ng simula (introduksiyon), gitna (paliwanag)


at wakas (resolusyon, konklusyon at rekomendasyon)
• nakabatay sa personal na buhay o di kaya pang –
akademiks at intelektwal ng pangunahing tauhan.
ANG MGA
AKADEMIKONG
SULATIN
MGA AKADEMIKONG SULATIN

1. ABSTRAK
• layunin nito na makapagbigay ng impormasyon tungkol sa
isang paksa.
• uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong sulatin.
• ginagamit sa tesis, siyentipikong papel at lektyur
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

2. SINOPSIS / BUOD
• magbigay ng lagom o buod tungkol sa teksto.
• ginagamit sa mga tekstong naratibo tulad ng mga kwento at
salaysay na naglalahad ng karanasan.
• ginagamit sa narrative report
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

3. BIONOTE
• layunin na makapagbigay ng impormasyon tungkol sa
personal profile ng isang tao.
• pagbubuod na ginagamit sa buhay ng isang tao at sa kanyang
academic career
• ginagamit sa mga aklat at pananaliksik o tesis
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

4. MEMORANDUM
• Layunin nitong magbigay kabatiran tungkol sa magaganap na
pagpupulong
• nagsasaad ng mga mahahalagang impormasyon, tungkulin at
gawain na nais ipabatid sa na pagpupulong.
• ginagamit sa ahensya, kompanya at paaralan
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

5. PANUKALANG PROYEKTO
• pagpapakita ng adhikain para sa isang komunidad
• detalyadong manuskripto o deskripsyon na naglalayong
lumutas ng problema
• isang proposal na kailangang ilatag at naglalayong mailatag
ang mga plano na gagawin sa hinaharap.
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

6. TALUMPATI
• ginagamit sa mga pampublikong okasyon o programa para sa
mga mamamayan.
• layuning magbigay kaalaman, aliw, at panghihikayat sa isang paksa
• isang uri ng sining na nanghihikayat upang paniwalaan ang
kanyang pananaw at pangangatwiran sa paksa
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

7. POSISYONG PAPEL
• mga napapanahong isyu sa lipunan o kahit sa isang
partikular na bagay.
• ginagamit ang concept map sa pagbuo ng kaisipan
• ginagamit upang makabuo ng isang patunay sa
napapanahong isyu
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

8. Replektibong Sanaysay
• layuning makapagbahagi ng mga bagay mula sa sariling
karanasan.
• gumagamit ng unang panauhan
• pormal, lohikal at organisado
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

9. PICTORIAL NA SANAYSAY
• layunin ay makabuo ng isang kaisipan o paksa mula sa mga
litrato.
• sulatin kung saan mas nakakarami ang litrato kaysa sa salita
• kadalasang personal, simple at epeketibo.
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

10. LAKBAY SANAYSAY


• layunin nito ay maitala ang mga naging karanasan sa
paglalakbay
• tinatawag na “travel essay” dahil ito ay naglalaman ng mga
litrato sa paglalakbay
• personal at kalimitang nakakapang-akit ng mambabasa
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

11. AGENDA
• magtakda ng mga paksang tatalakayin sa pagpupulong
• naglalaman ng mga mahahalagang detalye tungkol sa
pagpupulong
• ginagamit sa pagpupulong
HALIMBAWA:
MGA AKADEMIKONG SULATIN

12. KATITIKAN NG PULONG


• minutes of the meeting
• opisyal na tala ng isang pulong
• organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-
usapan
HALIMBAWA:
KATANGIAN NG
AKADEMIKONG SULATIN
1. PORMAL

• Hindi ginagamitan ng impormal o


balbal na pananalita.
• Maliban na lamang kung ang naturang uri
ng pananalita ay bahagi ng pag-aaral.
2. OBHETIBO

• Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong


ibigay at ang argumento sa mga ideya na
sumusuporta sa paksa.
• pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral
sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o
larang.
3. MAY PANININDIGAN

• dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag


at binibigyang-katwiran ang mahahalagang
layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.
• daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at
layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng
manunulat.
4. MAY PANANAGUTAN

• pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng


mga impormasyon.
• Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng
ibang manunulat o plagiarism ay isang
kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng
ating batas.
5. MAY KALINAWAN

• dapat na maging malinaw ang pagsulat ng


mga impormasyon at ang pagpapahayag sa
pagsulat ay direktibo at sistematiko.
LAYUNIN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
LAYUNIN:

1.Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng


mga imporamasyon at malikhaing pagsasagawa
ng ulat.
2.Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa
pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na magagamit
sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
LAYUNIN:

3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-


aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay ang
pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong
konsepto mula sa tinalakay na pagksa nga mga
naisagawang pag-aaral.
LAYUNIN:

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para


makasulat ng iba’t ibang anyo ng akademikong
sulatin.
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso
na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa
pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
LAYUNIN:

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang


sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio.
SALAMAT !!
!

You might also like