You are on page 1of 19

AKADEMIKONG

SULATIN
LAYUNIN:
•Nabibigyang kahulugan ang
akademikong pagsulat
AKADEMIKONG SULATIN
• Akdang tuluyan o prosa na nasa uri ng ekspositori o
argumentatibo, patunay lamang na ito ay isang uri ng
intelektuwalisadong sulatin at hindi lamang basta nanlilibang.
• Nililikha ito ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang
maghayag ng mga makabuluhang impormasyong ukol sa
isang tiyak na paksa na magagamit para sa pang-akademikong
layunin.
MGA KALIKASAN NG
AKADEMIKONG
SULATIN
Fulwiler at Hayakawa (2003)
1. KATOTOHANAN
• Ang manunulat ng akademikong sulatin ay
nagpapamalas ng kakayahang gumamit ng
kaalaman at metodo ng disiplinang
makatotohanan.
2. MAY EBIDENSYA
• Ang mga manunulat sa lahat ng disiplina ay
gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang
proweba at sanggunian upang suportahan
ang katotohanang kanilang inilalahad sa
kanilang sulatin.
3. BALANSE
• Sa paglalahad ng mga imporamasyon ay
kinakailangang gumamit ng tono at wikang
walang pagkiling, seryoso at hindi
nakabatay sa emosyon upang maging
makatwiran sa ibang salungat na pananaw.
KATANGIAN NG
AKADEMIKONG SULATIN
OBHETIBO
- Tiyak ang pagtukoy sa tama at mali at hindi nakabatay sa opinyon at saloobin lamang.

PORMAL
- Hindi gumagamit ng balbal na salita liban na lamang kung ito ang paksa

MALINAW
- Tiyak ang layunin ng sulatin, may direksyon at sistematiko ang paglalahad ng mga konsepto.

MAY PANININDIGAN
- May kongkretong impormasyon ukol sa paksang tinatalakay at may matibay na
pangangatwiran

MAY PANANAGUTAN
- May mapagkakatiwalaang sanggunian ngunit hindi kinopya ang mga impormasyon.
IBA’T IBANG URI NG
AKADEMIKONG SULATIN
PICTORIAL ESSAY
• Isang uri ng sanaysay. Gumagamit ito ng mga larawang may
kinalaman sa napiling paksa.
• Nasa anyong prosa ang sulating ito at ginagamitan ng mga
larawan o letratong may kinalaman sa paksa.
• Layunin nitong magtalakay ng makatotohanang kuwento o
kaganapan, impormasyon at iba pa sa tulong ng mga
larawan.
TALUMPATI
• Ito ay isang sanaysay (pormal o di-pormal) na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig at tagapanood.
• Ang sanaysay ay nasa anyong tuluyan din. Ang talumpati ay
oral o binibigkas.
• Iba-iba ang layon nito. Maaaring magbigay impormasyon,
manghikayat, magtanong at magpaisip sa mga tagapakinig,
maaari ring makapagbigay-aliw
REBYU O KRITIK
• Ito ay pagdalumat sa paksa. Dito sinusuring Mabuti ang
mga mas malalalim pang konsepto at aspekto ukol sa
paksa.
• Layunin nitong magpabatid ng mga makabuluhang
impormasyon at detalye ukol sa mga sulatin, mga likhang
sining, Negosyo, putahe at iba pa.
KATITIKAN NG PULONG
• Ang sulating ito ay naglalaman ng mga tala ukol sa mga
tinalakaya, napagkasunduan at mga paalala na napag-
usapan sa isang [ulong.
• Magkakaiba ang istruktura nito batay sa
pangangailangan ngunit malinaw dapat na naitatala ang
mga mahahalagang impormasyon.
POSISYONG PAPEL
• Ito ay nagsasaad ng tiyak na argumento at panig ukol sa
napa-panahong isyu. Ang mga opinyon at ideya ng
manunulat ay sinusuportahan gamit ang mga mapagka-
katiwalaang sanggunian,
• May layong manghikayat at magbigay ng impormasyon
at paninindigan ukol sa tiyak na argumento.
KONSEPTUWAL NA PAPEL
• Ito ay panimulang sulatin sa paghahanda sa pananaliksik.
Nakasaad dito ang pagpapakilala sa paksa, layunin, at
metodolohiya ng pag-aaral.
• Sistematiko ang ganitong uri ng sulatin. May sinusunod na
istandard sa pagsulat ng bawat bahagi nito.
• Layunin nitong makapaglahad ng mga intelektuwalisadong
paliwanag at detalye ukol sa isang particular na paksa.
GAWAIN
SA
PAGGANAP
BLG.1
Lumikha ng INFOGRAPHIC
ukol sa tinalakay na paksa
Kahulugan, Kalikasan,
Katangian at Anyo ng
Akademikong Sulatin
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
KALINAWAN NG MGA IMPORMASYON 40

PAGIGING MALIKHAIN 30

KAWASTUHAN NG PAGSUNOD SA PANUTO 15

ORIHINALIDAD 15

KABUOAN 100

You might also like