You are on page 1of 7

Maraming gamit ang pananaliksik, bukod sa paghahanap ng solusyon o rekomendasyon.

Sa tulong ng pananaliksik,
maaaring makatuklas ng bagong impormasyon, pangyayari, bagay, o imbensyon

Bigyang Interpretasyon ang Ideyang Lipas na

Sa tulong ng pananaliksik ay magkakaroon din ng Malaki ang naitulong ng pananaliksik sa pagkaimbento ng


telepono at pagpapabuti ng komunikasyon. pagkakataong bigyan ng bagong interpretasyon ang isang ideyang itinuturing
na lipas na.

Magbigay linaw sa Ideya na Pinagtatalunan

Nabibigyang linaw din ng pananaliksik ang mga ideyang pinagtatalunan o nagiging paksa ng debate o
pinagtatalunan. Madalas itong nanagyayari sa larangan ng agham panlipunan.

Magpatunay sa Katotohanan ng Isang Ideya

Sa tulong din ng pananaliksik ay napatutunayan ang katotohanan o validity ng isang ideya.

Malapatan ng Historical na Pananaw ang Isang Pangyayari

Nalalapatan ng historikal na pananaw ang isang pangyayari gamit ang pananaliksik.

Aralin 2 Katangian ng Isang Mahusay na Mananaliksik at Pananaliksik

Ang tagumpay ng pananaliksik ay nasusukat sa resulta, solusyon, o rekomendasyong naibabahagi nito sa mga
tao. Kapag nagkaroon ito ng magandang resulta o makabuluhang epekto sa buhay ng tao, masasabing isa itong mahusay
na pananaliksik.
Katangian ng Mahusay na Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain kung saan naghahanap ng sagot sa katanungan o solusyon sa isang
problema. Upang matamo ito, ang pananaliksik ay dapat magkaroon ng sumusunod na katangian:

• Isinagawa ito nang may pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon at datos;

• Mayroon itong hypothesis at end goal o inaasahang resulta;

• Sumunod ito sa tama at sistematikong pamamaraan at proseso;

• Mayroon itong tukoy na saklaw at limitasyon;

• Gumagamit lamang ito ng tiyak na datos at impormasyon; at

• Wala itong kinikilangan at pandaraya sa resulta

Mga Katangian ng Isang Mananaliksik

Mayroong mga tungkuling dapat tandaan ang bawat mananaliksik upang matagumpay niyang

maisagawa ang kaniyang pananaliksik. Makatutulong ang mga ito upang maging katanggap tanggap at kapani-paniwala
ang kaniyang sulating pananaliksik. Naritoang ilang mga gampanin:

• Mahalaga sa isang mananaliksik ang magkaroon ng interes sa kaniyang paksa.

Kailangang magkaroon siya ng hangaring makabuo ng tanong sa kaniyang isip at

magtanong din sa mga eksperto.

• Kailangang puntahan niya ang lugar na mapagkukunan niya ng mga impormasyon.

Kailangan ding maging mapanuri ang isang mananaliskik sa mga teksto at materyal na

pinagkukunan niya ng impormasyon.

• Hanggang maaari, magsasagawa siya ng ebalwasyon sa mga nakalap na

impormasyon upang lubos na mapatunayan ang isinasagawang pag-aaral.

• Kailangan ay marunong siyang magsama-sama ng mga impormasyon upang

makabuo ng mga bagong kongklusyon.

• Kailangang maipakita niya ang resulta ng pananaliksik sa paraang kawili-wili, may

direksyon, at may tamang dokumentasyon ng mga pinagkunang impormasyon


Aralin 3 Etika sa Pananaliksik

Malaki ang responsibilidad ng isang mananaliksik. Dapat siyang maging maingat sa bawat hakbang ng pananaliksik at
may etika na dapat isaalang-alang. Ang etika sa pananaliksik ay gabay sa tamang pagsasagawa ng pag-aaral o pagsusuri
ng mga datos at impormasyong nakalap sapananaliksik.

Ayon kay Richard William Paul at Linda Elder, ang etika ay kalipunan o set ng mga konsepto at prinsipyo na dapat maging
gabay sa tamang asal patungkol sa isang gawain. Kung gayon, ang etika sa pananaliksik ay naglalaman ng mga
panuntunan na siyang gumagabay sa mananaliksik sa wastong pagsasagawa ng pananaliksik.

Ayon kina Dr. Pamela Constantino at Dr. Galileo Zafra, ang isang mananaliksik ay dapat na:

• kumikilala sa mga pinagkunan ng ideya;

• hindi kumukuha ng datos nang walang pahintulot o permiso;

• hindi subhetibo sa paggawa ng obserbasyon;

• hindi nagmamadali o gumagawa ng short-cut; at hindi nandaraya/

. huwag dayain ang resulta


Aralin 4 Batayang Proseso ng Pananaliksik: Mga Bahagi

mahalagang matutuhan at maunawaan ng isang nagsisimulang mananaliksik na tulad mo ang bawat hakbang sa
pagsasagawa ng pananaliksik. Ang batayang proseso ng pananaliksik ay binubuo ng:

• Pagbuo ng konseptuwal na balangkas, - Ang konsepto ay ideyang binuo mula sa mga pinagtagni-tagning
naobserbahang katangian. Ang konseptuwal na balangkas naman ay ang pangkalahatang paglalarawan na nagpapakita
ng mga ugnayan ng mga konseptong aaralin.

• Pagtukoy sa metodo ng pananaliksik,- ay pamamaraang angkop gamitin para sa paksa at layon ng pananaliksik.
Mayroong mga pangunahing metodo na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng pananaliksik, ito ay ang sumusunod:

Deskriptibo (Descriptive) Ito ay tinatawag ding palarawang paraan ng pananaliksik. Nagsasagawa ito ng mga pagtatala,
paglalarawan,pagpapakahulugan,pagsusuri, at paghahambing.Madalas itong gumagamit ng mga talahanayan upang mas
madaling maunawaan ng mga mambabasa ang mga datos ng pag-aaral.

Eksperimental (Experimental) Ang eksprimental na pamamaraan ng pananaliksik ay itinuturing na pinakasopistikadong


paraan ng pag-aaral upang subukin ang mga palagay o hypothesis. Ang tuon ng metodong ito ay pagtuklas dahil pinag-
aaralan ang mga sanhi at bunga ng mga baryabol (variable).

Historikal (Historical) Ang metodong ito ay nakatuon sa mga nakaraang datos tungkol sa tao, kalagayan, pangyayari, at
iba pang iniuugnay sa kasalukuyan o maging sa hinaharap. Ang mga kamaliang naganap sa nakaraan ay naglalayong
maipakita ang mga paraan para maitama ang kasalukuyan hanggang sa hinaharap.

Pagtukoy sa Layunin ng Paksa Ang layunin ng paksa ay mga hakbang na kailangang isagawa upang masagot ang mga
tanong tungkol sa paksa. Ito ang magsisilbing gabay ng manunulat kung paano niya gagawing mas komprehensibo ang
kaniyang isusulat na pag-aaral.

Mayroong dalawang bahagi ang layunin: pangkalahatan at tiyak. Ang pangkalahatang layunin ay sumusukat sa
kabuuang larawang nais gawin ng manunulat. Ang tiyak na mga layunin, ay ang mga tiyak na hakbang na kailangang
isagawa upang humantong sa pagsagot sa pangkalahatang layunin

• Pangangalap ng datos, - ay ang paghahanap at pag-iipon ng impormasyon, datos, pagaaral, at dokumentong may
kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Ang mga ito ay makatutulong upang higit na mapalutang ang kahulugan at
kabuluhan ng ginagawang pag- aaral. Kabilang sa mga maaaring puntahan para mangalap ng datos ay ang sumusunod:

• mga aklatan,

• Internet at mga online library at repository, at

• pakikipanayaman sa mga eksperto at mananaliksik

• Pagbuo ng konseptong papel,- ay isang paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipang tumatalakay sa ibig tuklasin,
linawin, o tukuyin. Nagsisilbi itong mungkahi ng mga mananaliksik tungkol sa papaksain ng kaniyang pananaliksik.
Karaniwan itong inihaharap ng mananaliksik sa kaniyang guro o tagapayo upang matulungan siyang magkaroon nang
mas malinaw na direksyon sa pagsulat ng kaniyang papel pananaliksik
• Paggamit ng iba't ibang sistema ng dokumentasyon, -ay mahalaga bilang pagkilala sa pinagkunan ng impormasyon at
datos. Nakatutulong din ito na mahanap ang isang partikular na sanggunian at maiwasan ang plahiyo o plagiarism.
Karaniwang binubuo ito ng pangalan ng awtor, petsa, lugar ng publikasyon, pamagat, at iba pa

• Pagbuo ng bibliograpi, -Ang bibliograpi o talasanggunian ay listahan ng mga ginamit na sanggunian. Mababasa rito ang
pangalan ng/ng mga may-akda, pamagat ng aklat o anumang ginamit na reperensya, publikasyon, at lugar at petsa ng
pagkakalimbag. Ito ay makikita sa bandang hulihan ng aklat o ng anumang proyektong isinulat gaya ng pananaliksik.
Nakaayos ito nang paalpabeto upang madaling hanapin ang sangguniang ginamit.

Halimbawa: Vassal, Titus. Mahiwagang Tao: Noon, Ngayon, at Bukas. Pilipinas: Pag-asa, 2004.

• Pagsulat ng burador,- Ang burador o draft ay ang paunang pagsulat ng teksto sa isinasagawang pananaliksik. Ito ay
isinasagawa kapag kompleto na ang mga datos na kakailanganin ng mananaliksik.

• Pagsulat ng pinal na burador - Pagsulat ng Pinal na Burador Ang pinal na burador o final draft ay ang huling pagsulat ng
burador ng pananaliksik. Sa bahaging ito ay kailangang labis na bigyang pansin ang mga pagwawastong isinagawa ng
tagapayo sa mga naunang burador na ipinasa.

You might also like