You are on page 1of 21

PAGPILI NG PAKSA

PAGPILI NG PAKSA
• Madalas ang paksang palasak o
lagi nang ginagamit ang pinipili ng
mga mananaliksik.
• Internet at social media
• Telebisyon
• Diyaryo at magasin
• Mga pangyayari sa inyong paligid
• Sa sarili

ANG SULATING PANANALIKSIK


• Ito ay isang malalimang pagtalakay
sa isang tiyak at naiibang paksa.
Taglay nito ang obhetibong
interpretasyon ng manunulat
• Ayon kina Constantino at Zafra
(2010), ang pananaliksik ay
isang masusing pagsisiyasat at
pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu at iba
pang ibig bigyang-linaw,
patunayan, o pasubalian.
• Ayon naman kay Galero-Tejero
(2011), ang pananaliksik ay may
mahahalagang layunin:
1. isinasagawa ito upang
makahanap ng isang teorya.
2. Mula sa pananaliksik ay
malalaman o mababatid ang
katotohanan sa teorya.
3. Isinasagawa ang pananaliksik
upang makuha ang kasagutan sa mga
makaagham na problema o suliranin.
ang PANANALIKSIK ay isang
sistematikong proseso ng
pangangalap, pag-aanalisa at
pagbibigay-kahulugan sa mga
mapagkakatiwalaang mapagkukunan
ng impormasyon upang masagot ang
isang tanong, upang makadagdag sa
umiiral na kaalaman, o pareho.
Ang RESULTA ng pananaliksik ay
maaaring maghatid sa atin ng sa
isang bagong teorya o konsepto,
rekomendasyon, o isa pang tanong
na nangangailangan ng mas malalim
na pananaliksik.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
OBHETIBO
• Naglalahad ng impormasyong hindi
basta galing sa opinion o kuro-
kurong pinapanigan ng manunulat
kundi nakabatay sa mga datos na
maingat na sinaliksik, tinaya at
sinuri.
• Ito ay sumusunod sa lohikal na
mga hakbang o proseso
patungo sa pagpapatunay ng
isang katanggap-tanggap na
konklusyon
• Nakabatay sa kasalukuyang
panahon (tukoy nito ang petsa
at taon), nakasasagot sa
suliraning kaugnay ng
kasalukuyan, at ang kalalabasan
ay maaaring maging basehan sa
desisyong pangkasalukuyan.
• Ang konklusyon ay nakabatay sa
nakalap na datos mula sa tunay
na naranasan at/o
naobserbahan ng mananaliksik.
• Maaaring masuri at
mapatunayan ng iba pang
mananaliksik ang proseso at
kinalabasan ng pag-aaral dahil
taglay nito ang maingat at
tamang paghahabi at
paghahatol ng mananaliksik.
• Nararapat itong sumunod
sa mga pamantayang
inilahad at kakikitaan ng
pagiging masinop at
malinis sa kabuoan.
Nagmula sa mga materyales
ang mga impormasyon at
datos. Binigyan ng
karampatang pagkilala ang
pinagmulan ng mga ito.

You might also like