You are on page 1of 20

Katangian ng

Pananaliksik
Upang higit pang mapagtibay ang
iyong kaalaman ukol sa
pananaliksik ay kailangang
kilalanin mo ang katangian nito.
Ang pananaliksik ay:
OBHETIBO

Naglalahad ng mga impormasyong hindi


basta galing opinyon o kuro-kurong
pinapanigan ng manunulat kundi
nakabatay sa mga datos na maingat na
sinasaliksik, tinaya, at sinuri.
SISTEMATIKO
Ito ay sumusunod sa lohikal na mga
hakbang o proseso patungo sa
pagpapatunay ng isang katanggap-
tanggap na konklusyon.
NAPAPANAHON O MAIUGNAY
SA KASALUKUYAN
Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy
nito ang petsa at taon), nakasasagot sa
suliraning kaugnay ng kasalukuyan, ay ang
kalalabasan ay maaaring maging basehan sa
desisyong pangkasalukuyan.
EMPIRIKAL

Ang konklusyon ay nakabatay sa


mga nakalap na datos mula sa tunay
na nararanasan at/o na-obserbahan
ng mananaliksik.
KRITIKAL
Maaaring masuri at mapatunayan ng iba
pang mananaliksik ang proseso at
kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay
nito ang maingat at tamang paghahabi at
paghahatol ng mananaliksik.
MASINOP, MALINIS AT,
TUMUTUGON SA PAMANTAYAN

Nararapat itong sumusunod sa mga


pamantayan inilahad at kakikitaan
ng pagiging masinop at malinis sa
kabuoan.
DOKUMENTADO
Nagmula sa mga materyales ang mga
impormasyon at datos. Binibigyan
ang karampatang pagkilala ang
pinagmulan ng mga ito.
Katangian ng
Mananaliksik
Dahil sa kakanyahang ito, ang isang
mananaliksik kung gayon ay may mga
bagay na dapat laging isaisip.
Ayon sa mga propesor na sina Constantino
at Zafra (2010), ang isang mananaliksik ay
dapat magtaglay ng sumusunod na mga
katangian:
1. Matigaya sa pagahahanap
ng mga datos mula sa ibang
mapagkukunan ng sandigan.
2. Mapamaraan sa
pagkuha ng mga datos na
mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos
batay sa katotohanan at sa
kredibilidad ng pinagkukunan; sa
pagsisiguro sa lahat ng panig ng
pagsisiyasat; at sa pagbibigay ng
mga kongklusyon, interpretasyon,
komento, at rekomendasyon.
4. Analitikal sa mga datos at
interpretasyon ng iba tungkol
sa paksa at mga kaugnay nito.
5. Kritikal sa pagbibigay ng
interpretasyon, konklusyon, at
rekomendasyon sa paksa.
6. Matapat sa pagsasabing may nagawa
nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-
aaralan; sa pagkuha ng mga datos nang
walang itinatago, iniiwasan,
ipinagkilalaila, nang walang pagkilala at
permiso kaninuman; at sa pagtanggap sa
limitasyon ng pananaliksik.
7.Responsible sa paggamit ng mga
nakuhang datos, sa mga tao o
institusyong pinagkunan ng mga ito at
pagtiyak na maayos at mahusay ang
mabubuong pananaliksik mula sa sa
format hanggang sa nilalaman at sa
prosesong pagdaanan.
Gayundin naman, ang isang mananaliksik ay
dapat maging mapagmasid o mapag-obserba,
curios, at sensitibo sa mga isyung panlipunang
maaaring mahagip ng pagsasaliksik na
ginagawa, maingat sa mga terminong
ginagamit sa pananaliksik, at sinisugurong
tama ang paggamit ng mga ito.

You might also like