You are on page 1of 4

1. Ano ang pananaliksik?

Ang pananaliksik[1] ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong


sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-
alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga
panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na
pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o
maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng
prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o
nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng
mga mamamayan.

2-5. Katangian ng pananaliksik?

1. Ang pananaliksik ay sistematiko


a. May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa
pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa
pananaliksik.

2. Ang pananaliksik ay kontrolado


a. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling constant.
b. Hindi dapat ito baguhin upang kahit ano mang pagbabagong maganap ay
maiuugnay sa eksperimental na baryabol.
c. Kailangan sa eksperimental na pananaliksik.

3. Ang pananaliksik ay empirical


a. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.

4. Ang pananaliksik ay mapanuri


a. Ang mga datos ay kailangang suriin nang krikital upang hindi magkamali ang
mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap.
b. Gumagamit ang mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pang-
estadistika upang masabing analitikal ang pananaliksik.
6-10. Katangian ng mabuting mananaliksik?

1. Masipag.
a. Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at pagsisiyasat
sa lahat ng anggulo at panig ng pinapaksa ng pananaliksik.
b. Hindi maaaring doktorin ang resulta
c. Mahahalata kung naging tamad siya – kakulangan sa datos, katibayan, at mga
hindi mapangatwiranang konklusyon.

2. Matiyaga.
a. Kakambal ng sipag ang tiyaga
b. Kailangang maging pasensyoso ang isang mananaliksik.
c. Kailangan niyang pagtiyagaan ang pangangalap ng mga datos mula sa iba’t
ibang hanguan.

3. Maingat.
a.Kailangang maging maingat ang isang mananaliksik
b.Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkakilala sa pinagkunan ng datos at
pinagmulan ng anumang ideya.
c.Kailangan upang maging kapani-paniwala ang mga resulta sa pananaliksik.
d.Maingat na tiyakin ang iba’t ibang panig ng pagksang sinisiyasat at maingat na
tiyaking may sapat na katibayan o balidasyon.

4. Sistematik
a. Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain.
b. Kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa
pagkakasunod-sunod.

5. Kritikal o mapanuri.
a. Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain.
b. Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
c. Kailangang maging kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa pag-
ieksamen ng mga impormasyon, datos, ideya, o opinyon upang matukoy kung
ang mga ito’y valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan.
d. Kailangan niyang timbang-timbangin ang katwiran ng mga impormasyon
upang kanyang mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang kanyang
mapakikinabangan sa kanyang pananaliksik.

11-15. Pangunahing bahagi ng pananaliksik at ibigay ang mga nilalaman o


kahulugan nito
PANIMULA

Taglay nito ang rasyunal na dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik. dito
ipinapahayag ang mga layunin ay kahalagahan ng pag-aaral. Ipinapaliwanag din dito
ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral, batayang konsepto o kung paano isasagawa ang
pag-aaral. Inilalahad na rin dito ang paraan ng pananaliksik na gagamitin, at paano
titipunin ang mga datos.

KATAWAN O NILALAMAN

Dito inilalahad ang mga natuklasan sa pagsasaliksik. Maaaring gumamit ng sari-saring


pantulong gaya ng tsart, mapa, grap, at talahanayan sa pagpapaliwanag sa resulta na
natagpuan sa pag-aaral at pananaliksik.

WAKAS O KONKLUSYON

Gagawin dito ang paglalagomng resulta ng pag-aaral at tinatapos sa paglalahat o


pagbibigay ng konklusyon at rekomendasyon ukol sa maaari pang gawin kaugnay ng
pag-aaral, gaya ng pag-aaral para malinawan pa ang ilang isyu na hindi lubhang
nalutas sa pag-aaral na ito.

ANG BIBLIOGRAPI

Ito'y talaan ng mga libro, magasin, peryodiko at iba pang sanggunian na ginagamit sa
pag-aaral. Nararapat lamang na ipakita ng nagsaliksik ang pasasalamat sa mga awtor
ng libro at iba pang sangguniang ginamit at nakatulong sa ginawa nyang pag-aaral.
at ng findings ay kailangang lohikal na nakabatay sa empirical na datos at
walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik.
b. Walang puwang ang pagkiling..

You might also like