You are on page 1of 1

1. Ang pananaliksik ay sistematik.

Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang na dapat sundin tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa kung anumang layunin ng pananaliksik. 2. Ang pananaliksik ay kontrolado. Dapat ay hindi mabago ang mga baryabol na sinusuri, lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik. Dahil anumang pagbabagong magaganap dito ay makaaapekto sa buond pananaliksik. 3. Ang pananaliksik ay empirikal. Dapat ang mga pamamaraan at baryabol na gagamitin sa pananaliksik, gayundin ang mga datos na makakalap, ay katanggap-tanggap. Hidni ito dapat maging isang teorya lamang o kaya nama'y gawa-gawa lamang. Dapat ito ay maging katotohanan na sasang-ayunan ng nakararami. Dapat ay may basehan na karanasan o obserbasyon. 4. Ang pananaliksik ay mapanuri. Ang mga datos na nakalap sa pananaliksik ay dapat suriin ng mabuti upang hindi magkamali sa pag-iinterpret ang mananaliksik. Madalas na ginagamitan ng estadistika ang pagsusuri upang masabing analitikal ang pananaliksik. 5. Ang pananaliksik at obhetibo, lohikal at walang pagkiling. Anuman ang lumabas na resulta sa pananaliksik ay hindi dapat mabago o mabahiran ng personal na saloobin ng mananaliksik. 6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteytib o istatistikal na metodo. Nakalahad sa numerikal na pamamaraan ang mga datos at ginagamitan ng istatistika upang maging mas akyureyt ang resulta. Madalas na ginagamitan ng porsyento, ratio at distribusyon ang paglalahad ng mga numerikal na datos. 7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. Ang isang pananaliksik ay naglalaman ng mga datos na nakalap ng isang mananaliksik na nagmula mismo sa kanyang paghahanap at pagtuklas dahil kailangan na ang mga datos ang galing sa praymari sorses. Hindi ito galing sa pag-aaral ng ibang mananaliksik. 8. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali. Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang accuracy ng mga datos na makakalap, pati na rin ang magiging resulta nito. Pinaglalaanan

ito ng sapat na panahon at ibayong pag-iingat dahil kung hindi ay hindi magiging matagumpay ang pananaliksik at hindi magiging matibay ang mga reulta at kongklusyon. 9. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang. Dapat ay maging matapang ang isang mananaliksik sapagkat hindi maiiwasan na makaranas siya ng di magagandang bagay habang ginagawa ang kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding hindi sumasang-ayon ang lipunan sa resulta ng pag-aaral, o kaya nama'y magkaroon ng hindi pakakaunawaan sa pagitan ng mga mananaliksik. 10. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon. Bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik ay dapat na maisagawa ng tama upang maging tama rin ang resulta. Nararapat lamang na ang kongklusyon sa isang pag-aaral ay may kaakibat na matibay na ebidensya upang sumuporta dito.

You might also like