You are on page 1of 10

ETNOGRAPIKONG

PANANALIKSIK
Kahulugan
 Nagmula sa salitang griyego na: ethnos
= mga tao at grapiya = pagsusulat
 Ito ay pananaliksik na kadalsan
ginagamit sa larangan ng agham
panlipunan, partikular na sa
antropolohiya at sa ilang mga sangay
ng sosyolohiya
ANG MISMONG
PANANALIKSIK AY
NAKIKIPAMUHAY,
NAKIKIHALUBILO, AT
NAKIKISANGKOT SA
KANYANG MGA IMPORTANTE
KATANGIAN
 Layunin ng pananaliksik na ito na makakalap
at makakuha ng mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa natural na kaugalian
at gawain ng mga ispesikong pangkat etniko
 Isinasaalang-alang ang iba’t ibang pag-uugali
ng taong makakasalamuha upang hindi
magkaroon ng alitan sa pagitan ng mga taong
sangkot sa nagaganap na pagbabahagihan ng
mga nalalaman at paniniwala ng bawat isa
 Kinakailangan sa pananaliksik na ito ang
pagiging mapanuri dahil maaaring magbago ang
mga teorya o hinuha o nabubuo sa isipan
habang napagdadaanan ang proseso ng
pakikipamuhay sa partikular na grupo
 Ang mga resulta ng impormasyong makakalap
sa pananaliksik na ito ay makatotohanan at hindi
masasabing basta prediksyon lamang dahil sa ito
ay nakabase sa tunay na karanasan ng mga
impormanteng kasangkot sa pag-aaral na
isinagawa
 Ang paggalang at respeto ay dapat na taglayin
sa paraam ng pananaliksik na ito upang
mapangalagaan din ang mga kultura at gawi
na mayroon sa lugar ng grupong pinag-aaralan
at para maiwasan na makasakit sa pagkatao ng
kapwa
PAMAMARAAN SA
PAGSASAGAWA NG
ETNOGRAPIKONG
PANANALIKSIK
 Pagsama-samahin ang mga nakalap na simbolikong
kahulugan mula sa pakikipag-ugnayan.
 Suriin ang bawat datos na may iisang pananaw,
sikapin ding panatilihin ang pagkakaiba ng totoo at
siyentipikong pananaw sa reyalidad.
 Pag-ugnayin ang mga simbolo at ang kanilang
kahulugan sa pang araw-araw na pakikisalamuha
 Itala lahat ng pag-uugali
 Bigyang pansin ang lebel ng proseso, pagbabago at
katatagan ng pamamaraan.
 Ang gawain ay dapat maging icing uri ng
simbolikong pakikislamuha
 Iwasang gumamit ng kaswal na ekplanasyon
MGA BENTAHE
 Ang mga datos ay sakto at makatotohanan
 Makakakuha ng pagtitiwala sa mga mambabasa
 Mapapalawig ang ating kaalaman tunkol sa kultural
na aspeto ng ibang mga tao
 Malawak ang maaaring mapagkunan ng mga
impormasyon
 Mapapaunlad ang iteraksyon sa kapwa
 Makatutulong sa atin sa pagmulat sa realidad ng
buhay
 Isang maganda at interesadong karanasan sa
pagtuklas
MGA DISBENTAHE
 Mahabang panahon ang ginugugol
 Hindi pormal ang pakuha nga mga
impormasyon at pakikipanayam
 Laging may mga pagbabago
 Hindi sigurado ang kaligtasan ng mananaliksik
 Matrabaho/pagsasakripisyo
 Komplikado at mahirap

You might also like