You are on page 1of 15

Pananaliksik

Ito ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan


sa mga partikular na katanungan ng tao
tungkol sa kanyang lipunan at kapaligiran.
Ayon sa Merriam Webster Dictionary
• Ang pananaliksik ay isang organisado at
sistematikong pamamaraan ng paghahanap ng
mga katugunan sa ating mga katanungan.
Ayon kay Fred N. Kerlinger
Ang pananaliksik ay isang
sistematiko,kontrolado,empirikal at kritikal
napag-iimbestiga sa mga tiyak na pananaw na
nauukol sa iniisip na ugnayan ng tao sa natural
na penomenon.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

1. Makadiskubre ng bagong kaalaman.


2. Maging solusyon sa suliranin.
3. Umunlad ang sariling kamalayan.
4. Makita ang kabihasnan ng ginagamit
ng pamamaraang estratehiya.
5. Mabatid ang lawak ng kaalaman sa
isang partikular na bagay.
Katangian ng Mabuting Pananaliksik
1. Ang pananaliksik ay sistematiko
a. may sinusunod itong proseso o mga
hakbang tungo sa pagtuklas ng
katotohanan,solusyon ng suliranin o ano pa mang
nilalayon ng pananaliksik.
2. Ang pananaliksik ay kontrolado
a. lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang
constant
b. hindi dapat ito baguhin upang kahit
anomang pagbabagong maganap ay maiuugnay
sa eksperimental na baryabol
c. kailangan sa eksperimental na pananaliksik
3. Ang pananaliksik ay emperikal
a. kailangang maging katanggap-tanggap ang
mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik,maging ang mga datos na nakalap
4. Ang pananaliksik ay mapanuri
a. ang mga datos ay kailangang suriin nang
kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik
sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na
kanyang nakalap.
b. gumagamit ang mananaliksik ng mga
nabalideyt na estadistika
5. Ang pananaliksik ay obhetibo,lohikal at
walang pagkiling
a. lahat ng findings ay kailangang lohikal na
nakabatay sa emperikal na datos at walang
pagtangkang ginawa upang baguhin ang resulta
ng pananaliksik.
b. walang puwang ang pagkiling
6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng
kwantitateyb o istatistikal na metodo
a. ang mga datos ay dapat na mailahad sa
pamamataang numerikal at masuri sa pamamagitan
ng istatistikal na tritment.
7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda
a. ang mga datos na nakalap ay sarili niyang
tuklas at hindi mula sa panulat o tuklas ng o lathala
ng ibang mananaliksik.
8. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na
imbestigasyon,obserbasyon,at deskripsyon
a.bawat aktibidad na pampananaliksik ay
kailangang maisagawa nang tumpak na tuklas at
humantong sa pormulasyon ng mga siyentipikong
paglalahat
b. lahat ng konklusyon ay nakabatay sa mga
aktwal na ebidensiya
9. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi
minamadali
a. kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang
b. pag ito’y minadali,hindi matibay ang
konklusyon at paglalahat
10. Ang pananaliksik ay pinagsisikpan
a. walang pananaliksik na isinasagawa nang
walang pagsisikap
b. kailangang paglaanan ng panahon,talino, at
sipag.
11. Ang pananaliksik ay kailangan ng tapang
a. kailangan ng tapang sapagkat maaaring
makaranas ng hazards at discomforts sa
pananaliksik
b. maaari siyang dumanas ng di- pagsang-
ayon ng publiko at lipunan
c. maaaring magkakaroon ng di-pagkakaunawaan
12. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-
uulat
a. lahat ng datos ay kailangang maingat na
mailathala
b. maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto
sa mga tuklas ng pananaliksik
c. kailangang maiulat sa pasulat na paraan sa
anyomng isang papel pampananaliksiknat
kadalasan, sa pasalitang paraan o ang oral defense o
presentation

You might also like