You are on page 1of 3

TAKDANG-ARALIN

1. ANO ANG KAHULUGAN NG PANANALIKSIK?


Ayon sa Wikipedia, ang pananaliksik ay ang paghahanap ng kaalaman o anumang sistematikong
imbestigasyon upang patunayan ang isang katotohanan.
Ayon naman kay Atienza atbp. Ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri
at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o
aspekto ng kultura at lipunan.
Ayon naman kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya,
ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin.

2. ANG APAT NA PINAGMULAN NG KAALAMAN.

 Kaalamang intuitive- Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng paniniwala, pananampalataya,


pakiramdam, at iba pa; nababatay ito sa damdamin, laban sa tiyak na katotohanan.
 Kaalamang authoritative- Mga impormasyong natanggap sa mga tao, aklat, o sa Dakilang
Lumikha, at iba pa; nakadepende ang lakas o kapangyarihan ng mga impormasyon sa lakas o
kapangyarihan ng mga pinagmulan nito.
 Kaalamang lohikal- Ito naman ang tumutugon sa pagpapaliwanag sa “unang punto” (na kung
saan tanggap sa pangkalahatan) patungo sa “ikalawang punto” (ang bagong kaalaman).
 Kaalamang empirical- Ito naman ay nagmula sa nasasaksihan, obhetibong katotohanan na
natutukoy sa pamamagitan ng obserbasyon o eksperimentasyon.

3. ANG SAMPUNG KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PANANALIKSIK

 Ang pananaliksik ay sistematiko - May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga


hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa
pananaliksik.
 Ang pananaliksik ay kontrolado - Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling
constant. Hindi dapat ito baguhin upang kahit ano mang pagbabagong maganap ay
maiuugnay sa eksperimental na baryabol. At Kailangan sa eksperimental na pananaliksik.
 Ang pananaliksik ay empirical - Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang
ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
 Ang pananaliksik ay mapanuri - Ang mga datos ay kailangang suriin nang krikital upang hindi
magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap.
At gumagamit ang mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pang-estadistika upang
masabing analitikal ang pananaliksik.
 Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal, at walang pagkiling - Lahat ng findings ay kailangang
lohikal na nakabatay sa empirical na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang
resulta ng pananaliksik.

This study source was downloaded by 100000796162318 from CourseHero.com on 07-04-2022 07:34:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/132934074/Kompandocx/
 Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteytib o istatistikal na metodo - Ang mga datos ay
dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na
tritment.
 Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda - Ang mga datos na nakalap ay sarili nyang tuklat at
hindi mula sa panulat, tuklas, o lathala ng ibang mananaliksik.
 Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon, at deskripsyon - Bawat
aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang
tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga siyentipikong paglalahat.
 Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali - Kailangang pagtiyagaan ang bawat
hakbang at kapag ito’y minadali hahantong ito sa hindi matibay na kongklusyon at paglalahat.
 Ang pananaliksik ay pinagsisikapan - Walang pananaliksik na isinasagawa nang walang
pagsisikap at kailangang paglaanan ng panahon, talino, at sipag.
 Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang - Kailangan ang tapang sapagkat maaaring
makaranas ng hazards at discomforts sa pananaliksik at may mga pagkakataon ding maaari
siyang dumanas ng di-pagsang-ayon ng publiko at lipunan.
 Ang pananaliksik ay maingat na pagtala at pag-uulat - Lahat ng datos ay kailangang maingat
na mailathala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng
pananaliksik. At kailangang maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel pampananaliksik
at kadalasan, sa pasalitang paraan o ang oral defense o presentation.

4. MGA TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK.

 Una – Kahirapan, Katapatan, at Integridad.


- Marapat na paghirapan ang isasagawang pananaliksik. Pagtuunan ito nang tamang
pagsisikap; hindi kailangang madaliin ang pananaliksik, subalit mahalagang sundin ang
panahong itinakda upang tapusin ang gawain. Mahalaga ang katapatan at integridad na
pananaliksik upang maging kapani-paniwala at mapananaligan ang mga pag-aaral. Hindi
rin dapat isantabi ang katotohanang mawawala ang pagtitiwala ng komunidad sa oras na
matuklasan na may pagsisinungaling ang isinagawang pananaliksik?
 Ikalawa – Respeto sa buhay, batas, at pampublikong kagandahan
- Tiyakin na naaayon sa tamang proseso at ipinatutupad na batas ang gagawing
pananaliksik, tungo sa isang kontribusyon para sa ikagaganda ng lipunan. Iwasan ang
pagsasagawa ng mga eksperimentasyon na magkakaroon ng masamang epekto sa buhay
ng tao, hayop, kapaligiran o kalikasan o mga bagay na labis na ikasisira ng kaayusan ng
publiko o lipunan.

 Ikatlo – Responsibilidad sa komunikasyon: Pakikinig at Pagpapabatid.


- Maghangad na talakayin ang mga isyu na nakapagbibigay-interes o kaya naman mula sa
siyensa, sosyolohiya, politika, komersyo, at iba pa na ganap ang magiging kapakinabangan
ng lipunan. Makinig at/o obserbahan ang lahat ng anggulo na may pangangailangan sa
pag-aaral upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng komunidad na kinabibilangan.
Huwag sadyaing maligaw o hayaang maligaw ang ibang tao tungkol sa mga bagay na
kaugnay sa isyung tinatalakay ng pag-aaral. Ipakita, iharap at suriin ang mga impormasyon,

This study source was downloaded by 100000796162318 from CourseHero.com on 07-04-2022 07:34:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/132934074/Kompandocx/
katibayan, teorya o interpretasyon sa paraang siyentipiko, sistematiko at organisado na
taglay ang matapat, tiyak at wastong paglalahad.

This study source was downloaded by 100000796162318 from CourseHero.com on 07-04-2022 07:34:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/132934074/Kompandocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like