You are on page 1of 23

ANG PANANALIKSIK

Kahulugan, Katangian,
Layunin at Kahalagahan

EVELINA G. MARAPAO
Tagapagdaloy
KAGAWARAN NG EDUKASYON
LAYUNIN:

a. Natutukoy ang kalikasan, katangian, layunin at kahalagahan


ng pananaliksik;

b. Naipaliliwanag ang kahulugan ng pananaliksik; at

c. Napahahalagahan ang mga batayang kaalaman sa


pananaliksik

KAGAWARAN NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG EDUKASYON
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

PROCESO
PAGTUKLAS
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Ang pananaliksik ay maingat na pagsusuri o pagsisiyasat sa isang
suliranin o problema. Gumagamit ng pamamaraang pormal, sistematiko
at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring wasto, lohikal, hindi
madalian at matiyagang pangangalap ng datos, pagtatakda sa mga
resulta at pag-uulat sa mga kinalabasan.

Montera, et al. (2011)

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Ang pananaliksik ay sistematikong proseso ng pangangalap at
pagsusuri ng mga datos upang mapataas ang pag-unawa sa
phenomenon na nauukol sa tao at nagbibigay-interes sa kaniya.

Leedy at Ormrod (2001)

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Ang pananaliksik ay sinadya, sistematiko, at siyentipikong proseso ng
pangangalap, pag-uuri-uri, pag-organisa, paglalahad, pagsusuri at
pagpapakahulugan ng mga datos para sa solusyon ng isang suliranin,
prediksyon, imbensiyon, pagtuklas ng katotohanan o kaya ay
pagpapalawak o beripikasyon ng umiiral na kaalaman, lahat para sa
pagpapanatili at pagpapaunlad sa kalidad ng buhay.

Aguinaldo (2002)

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Ang pananaliksik ay gawaing napakahirap sa maraming tao; habang
sa mga baguhan, ito ay kumplikadong proseso. Sa mga mag-aaral
naman ay bagay na kinakailangang magawa upang makumpleto ang
kahingian ng kurso; sa kabilang banda, yaong mga taong
nagpapahalaga sa kaalaman at katotohanan, ito ay hamong
nakapagpapasigla at nakapagbibigay-kasiyahan.

Salmorin (2006)

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sistematiko, obhektibo at organisadong pagsusuri,
pagpapakahulugan at pagtatala ng mga namasid at
nakalap na datos upang makabubuo ng paglalahat,
prinsipyo o teorya.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

OBHETIBO
ORGANISADO
SISTEMATIKO
KAGAWARAN NG EDUKASYON
OBHETIBO
• Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinion o kuro-kurong
pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na
sinaliksik, tinaya at sinuri,

• Ito ay batay sa kaisipang pagsisiyasat dahil anumang palagay o haka-haka ay


hinahanapan ng katibayan para mapatunayan batay sa mga tiyak na suliranin.

• Ang layunin ng pananaliksik ay patunayan ang mga batayang palagay, haka-


haka o paniniwala.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan

• Nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan at


ang kalalabasan ay maaaring maging basehn sa
desisyong pangkasalukuyan.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
EMPIRIKAL
• Ang konklusyon ay nakabatay sa mg
anakalap na datos mula sa tunay na
naranasan at/o na-obserbahan ng
mananaliksik.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Kritikal
• Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang
proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat
at tamng paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
ORGANISADO
• Ang mga Gawain para sa mga metodolohiya ay nakatemplate para sa mas
magaang pagsasakatuparan ng proseso.

• Ang mga kasapi ay may tiyak na gagawin batay sa panahon para sa


pananaliksik na pangkatan para sa pagbubuo ng papel.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SISTEMATIKO
• Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso
patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap
na konklusyon.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
DOKUMENTADO
• Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at
datos. Binigyan ng karampatang pagkilala ang
pinagmulan ng mga ito.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Maaaring uriin batay sa layunin ang pananaliksik

• Una ay ang pananaliksik na nagtataglay ng baliditi sa loob ng akademikong


kapaligiran.

- Ito ay pananaliksik na nag-aambag ng mga kaalaman o kaya ay


nakabatay sa kabatirang pangkaalaman.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

• Ikalawa ay ang pananaliksik na nagtataglay ng balyu o halaga


sa loob ng kapaligiran ng mga praktisyuner na nagdadagdag
ng mga serbisyong pang-inobasyon at pag-unlad

KAGAWARAN NG EDUKASYON
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

• Ikatlo ay pananaliksik na nagpapabatid ng patakaran sa siyang


pinakadominanteng barayti sa kasalukuyang panahon.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ang nagbibigay direksiyon sa maaaring


landasin ng isipan o kamalayan ng madla.

Naghahain ito ng mga kabatiran sa pagpapabuti ng polisiya at


serbisyong pampubliko o pampribado.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Napapabuti nito ang lagay ng kalusugan maging ang


produksiyon at pagluluwas ng produkto.

Nakasalalay sa pananaliksik ang layo ng maaaring marating ng


isang bansa.

KAGAWARAN NG EDUKASYON

You might also like