You are on page 1of 36

INTRODUKSYON SA

PANANALIKSIK
Ang kasabihang “ Ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait
sa sarili” ay isang matandang kasabihan na may talinhagang
dapat pagtuunan ng pansin upang maihatid tayo sa
makabagong pNhon. Ito ay nangangahulugang bago maniwala,
kinakailangan munang magbigay o maglahad ng mga
ebidensiya o patunay upang maihiwalay ang katotohanan sa
kuro-kuro na isa sa mga kinakailangan sa pagbuo ng isang
pananaliksik.
KAHULUGAN NG
1.1

PANANALIKSIK

“Maski habang si Francis Bacon ay


nagmamatuwid, ang totoong paraan ay
isinasabuhay ni Galileo, sa pagsasama-sama ng
pagmamasid, pagpapalagay, sipnayang
pagahango, at pantiyak na pagsubok na naitatag
ang agham na pagkilos.”
- Encyclopedia Britannica(1970)

20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 3


URI NG PANANALIKSIK BATAY SA
1.6
KLASE NG PAGSISIWALAT NG DATOS
1. Kwantiteytib- ginagamit sa pagkalap ng
numeriko o istatistikal na datos upang makabuo
ng pangkalahatang pananaw na kumakatawan
sa paksa o isyu na pinag-aaralan. Ang klase ng
pag aaral na karaniwang nilalapatan ng
istatistiko ay ang pag aaral sa relasyon at pag
aaral sa relasyon at pag aaral na ebalwasyon.

20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 4


• Ang pag aaral sa relasyon ay naglalayong tukuyin
ang kaugnayan ng mga pabago-bagong batayan sa
isa’t-isa. Ang halimbawa ng istatistikong ginagamit
sa ganitong pag-aaral ay Pearson’s r, Spearman rho,
at Linear Regression, ma kung saan ang magiging
resulta ay magpapakita ng numerikong kaugnayan
ng mga pabago-bagong batayan.

INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 5
• Ang pag aaral na ebalwasyon ay naglalayong
ikumpara ang mga nakalap na datos sa mga
binabalangkas na pamantayan. Ang halimbawa
ng istatistikong ginagamit sa ganitong pag-
aaral ay chi-square, t-test, z-test, at analysis of
variance, na kung saan ang magiging resulta ay
magpapakita ng mga numerikong pagkakaiba
ng mga pabago-bagong batayan.

20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 6


2.Kwaliteytib- ginagamit sa pagkalap ng mga
karanasan ng tao sa kanilang ginagalawang lipunan na
hindi maaaring isalin sa numerikong pamamaraan
upang makita ang magkakaibang reyalidad ng paksa o
isyu na pinag-aaralan. Ang pag-aaral na karaniwang
gumagamit ng kwaliteytib na pamamaraan ay
grounded theory, etnograpiya, pinominograpiya, at
pinominolohiya.

20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 7


• Grounded Theory
-unang ginamit nina Barney Glaser at Anselm Strauss noong 1967.
- ang datos ay kinakalap at sinusuri at mula doon nabubuo ang teorya.
- pinaniniwalaang bumubuo ng teorya na mas malapit sa reyalidad.
• Etnograpiya
- ang kaisipan sa likod ng pananaliksin na ito ay yaong pagmamasid
ng mananaliksik sa paggalaw ng kaniyang pinapaksa nang may
pagtatangi sa panahon.
- Ang mgs datos say dapat na makalap katulad sa nilalarawan nina
Martyn Hammersley at Paul Atkinson na “natural na katunayan,”
isang kapaligiran na hindi dapat inakma o nabago ng sinasadya para sa
pagsasaliksik.

20XX presentation title 8


• Pinominograpiya
- Isang balangkas na nag-iimbistiga sa mga kwaliteytib na paraang
nararanasan o naiisip ng mga tao tungkol sa isang bagay.
- may limitadong bilang lamang
- Ang kagawian ay pinag-aaralan ng walang impluwensiya ng
mananaliksik.

• Pinominolohiya
- sa larangan ng agham pampisikal, ang teoryanf pinominolohikal
ay tanyag at ito ay nilalarawan bilang isang teorya na
nagpapahayag sa matimatikal na paraan ang resulta ng
pinagmamasdang pinomina na hindi nagbibigay ng detalyadong
atensyon
20XX sa kanilang pangunahing kabuluhan.
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 9
Kung ang pinominograpiya ay ang pag-aaral ng
pagkakaiba sa karanasan ng mga tao, ang pinominolohiya ay
ang pag-aaral sa pagkakapareho kung paano dinaranas ng
mga tao ang mga bagay-bagay.

• Magkahalong Pamamaraan
- ginagamit kung ang suliranin sa paksa o isyu na pinag-
aaralan ay hindi lubusang masasagot sa pamamagitan ng
kwantiteytib o kwalititeytib na pamamaraan lamang.

20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 10


1.7 PAHAPYAW NA PAGTALAKAY SA MGA
PARAAN NG PANGANGALAP NG MGA DATOS
AT TAMANG PAGSIPI SA MGA ITO
May dalawang uri ng pangangalap ng mga datos batay sa
pinbagmulan nito:

1) Hanguang Sekondarya o tinatawag ding secondary sources ay


mga datos na kinalap ng ibang mananaliksik at manunulat na
maaaring maging kapaki-pakinabang sa pagbuo ng konsepto
sa ginagawang sariling pananaliksik.

20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 11


Ang mga ito ay amkukuha sa mga libro, dyornal, peryodiko
at iba pang lathalain. Maaari ring makuha ang mga ito sa mga
palabas sa telebisyon at mga datos sa internet.
Ang mga halimbawa nito ay:
• Mga aklat- ensayklopedia, diksyunaryo, alamac, atlas, at
taunang-ulat
• Mga pag-aaral – tisis, disertasyon, feasibility study, at pag-
aaralna maaaring makuha sa internet. Siguraduhin lang na
kumpleto ang tala-sangunian nito para maging maayos na
batayan ng iyong pananaliksik.
• Mga nalathalang artikulo- dyornal, magasin, pahayagan, at
newsletter
• Mga monograp, manwal,
20XX polyeto,
INTRODUKSYON at manuskripto
SA PANANALIKSIK 12
2) Hanguhang primarya o tinatawag na primary sources ay
mga datos na kusang kinalap ng mananaliksik para sumagot
sa mga suliranin ng kanyang pag-aaral. Maraming
pamamaraan ng pagkalap ng mga datos sa uring ito:
• Pagmamasid- ang mananaliksik ay pagmamasdan ang
galaw ng tao sa lipunan patukoy sa paksa o isyu ng kanyang
pinag-aaralan.
• Pakikisalamuha- ang mananaliksik ay sasama sa grupo na
pakay ng kanyang pag-aaral at susubukang danasin ang
kanilang pamumuhay.
• Pakikipanayam- ang mananaliksik ay magtatanong sa mga
manunugon sa berbal na paraan patukoy sa paksa o isyu na
kanyang pinag-aralan.
20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 13
• Pakikipagtalakayan- ang mananaliksik ay bubuo ng isang
grupo ng piling manunugon upang malaman ang kanilang
pananaw sa paksa o isyu na kanyang pinag-aaralan sa
pamamagitan ng malayang talakayan.
• Paggamit ng serbey- ang mananaliksik ay gagawa ng isang
talatanungan o pabalik-balik ang sulating pananaliksik.

20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 14


1.8 PAGHAHANDA SA
PAGSULAT NG SULATING
PANANALIKSIK
1. GAANO KAHABA ANG SULATING PANANALIKSIK?
-makabubuti kung isaalang-alang ang pahina at bilang ng mga salitang
bumubuo sa sulatin upang mapaghandaan ang panahong gugugulin dito.
2. KAILAN ANG PETSA NG PAGPAPASA NG BAHAGI O
KABUUAN NG SULATING PANANALIKSIK?
-makabubuting tandang Mabuti ang petsa ng takdang araw ng pagpapasa
ng pananaliksik upang mabilisna maibalik pang muli ang papel kung
sakaling may kailangan pang baguhin.
3. ANO ANG MGA KAUKULANG FORMAT(uri ng laki ng font,
pag-aagwat, margin, at iba pa) NA DAPAT GAMITIN?
-sundin ang mga ito upang hindi maging paulit-ulit o pabalik-balik ang
sulating pananaliksik.

20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 16


PROSESO NG
1.9
PAGSULAT NG
SULATING
PANANALIKSIK

20XX presentation title 17


A. Paraan sa pagpili at Pagbuo ng Paksa (Tisis title)
Ilan sa mga dapat tandan sa pagpili ng paksa ay:
1. Ang paksa ba ay nararapat?
2. Paliitin ang sakopng iyong pananaliksik.
3. Pumili ng paksang naaayon sa iyong interes at sa interes ng iyong
mambabasa.
4.Nararapat na gumawa ng mga tanong na sasagutin ng iyong
pamanahong sulatin upang magkaroon ng direksyon ang iyong
pananaliksik.
5. Ang sagot na iyong makukuha mula sa iyong pananaliksik ay
magiging iyong thesis statement.
20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 18
Sa pagpili ng paksa o isyu na gusto mong tugunansa iyong
pananaliksik, dapat isaalang-alangang mga sumusunod na katanungan:
• May sapat ka bang interes at kaalaman sa paksa o isyu?
-ang iyong interes sa paksa o isyu ay magbibigay sayo ng lakas ng
loob at pagnanais upang ipagpatuloy at tapusin ang iyong
pananaliksik.
• Napapanahon ba ang paksa o isyu?
- Nararapat na napapanahon ang paksa o isyu ng iyong pananaliksik
sapagkat ito ang magbibigay ng interes sa mga mambabasa ng gamitin
ang iyong natuklasan at ito rin ang magsasabi kung may sapat na
lathalain at pag-aaral na sumusuporta sa iyong ginagawang
pananaliksik.

20XX presentation title 19


• May kakayahan bang kalapin ang mga kinakailangang datos sa
itinakdang panahon ng pananaliksik?
-may mga datos na nangangailangan ng mahabang panahon bago
makamtan, at may mga datos din na hindi basta-basta makukuha
nang walang kaukulang pahintulot at halaga. Siguraduhing ang
iyong kakayanan at panahon ay sapat upang makuha ang lahat ng
datos ng kinakailangan ng pananaliksik.

20XX INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK 20


• Ang grupo o sector na nilalayon ng iyong paksa o isyu ay dapat
ding matukoy. Katulad din ng sa paksa, hindi dapat masyadong
malawak at hindi masyadong limitado ang natukoy na grupo.
• Sa paggawa ng pamagat, bukod sa paksa o isyu, dapat natutukoy
din ang lugar at panahon ng pananaliksik sapagkat ang
kawastuhan ng iyong pananaliksik ay nakabase rin sa lugar at
panahon. Kung isasakatuparan ng ibang mananaliksik ang
kaparehong pag-aaral sa lugar at panahon, hindi matutukoy kung
makukuha rin ang katulad na resulta.
FORMULA:
Pamagat = Paksa + Grupo + Lugar + Panahon

20XX presentation title 21


HALIMBAWA:

Paksa: Kimunikasyong Internal


Grupo: Mga Guro at Kawani
Lugar: Eulogio Rodriguez Integrated School
Panahon: 2015

Pamagat:
“ Komunikasyong Internal ng mga Guro at Kawani ng Eulogio
Rodriguez Integrated School (ERIS) sa Taong 2015.”

20XX presentation title 22


B. Pagpapahayag ng Layunin sa Paksa
Makabubuting balangkasin ang pag sasaad ng suliranin sa
pamamagitan ng pagtukoy sa nakapag-iisang nagbabagong batayan
(independent variable) at di mapag-iisang nagbabagong batayan
(dependent variables).
Halimbawa, kung ang pamagat ng pananaliksik ay “Ang Pagkain ng
Kendi Bilang Batayan ng Pagkasira ng Ngipin,” ang nakapag iisang
batayan ay ang pagkain ng kendi at ang di mapag-iisang batayan ay
ang pagkasira ng ngipin. Nangangahulugang nais malaman ng
mananaliksik ang dami o laki ng kasiraan sa ngipin na dulot ng
pagkain ng kendi at hindi kung gaano kadami ang kending nakain
kapag may sira ang ngipin.
20XX presentation title 23
Mga dapat tandaan sa pagsasaad ng suliranin:
• Ang pangunahing suliranin ay dapat nakabasi sa pamagat ng
iyong pananaliksik.
• Ang mga napapailalim na suliranin ay dapat isaayos upang
matukoy ang mga nagbabagong batayan at ang kanilang
relasyon o pagkakaiba. Huwag ng tukuyin ang mgabagay na
hindi kasama sa nagbabagong batayan sapagkat masasayang
lamang ang oras at wala ring maitutulong ang mga makakalap
na datos sa pananaliksik.
• Ang katangian ng mga manunugon ay hindi kasama sa bahaging
ito maliban na lamang kung ang mga katangiang ito ay kasama
sa mga nagbabagong batayan.
20XX presentation title 24
C. Paghahanda ng mga pansamantalang sanggunian
Matapos matiyak ang tatahaking daan sa pananaliksik, napapanahon
naupang simulang manaliksik ukol sa napiling paksa. Tandaan na
hindi dahil nakapili na ng paksa at Nakagawa ng tanong ay kailangang
panindigan na ito hanggang katapusan.
Ang mga dapat isaisip habang nanaliksik:
• Siguraduhing gumamit ng maraming klase ng pagkukunan ng datos
(Internet, libro, dyornal, bidyo, panayam atbp.)
• Sapat na panahon upang isakatuparan ang pananaliksik. Maglaan ng
hindi bababa sa dalawang oras ng pananaliksik kada sesyon.

20XX presentation title 25


• Magtabi ng talaan at kopya ng lahat ng impormasyong makukuha. Kunin
ang lahat ng impormasyon tungkol sa mga sanggunian upang hindi
magpabalik-balik ng paghahanap ng mga sanggunian. Siguruhing makuha
ang mga sumusunod na impormasyon:
Pamagat ng artikulo at libro
Petsa ng pagkakalathala
May akda at ang pinaglathalaan kompanya
Mga pahinang ginamit
• Subukang isalin sa iyong sariling pananaw at pangungusap ang mga
impormasyon. Makatutulong na isalin sa sariling pangungusap ang mga
impormasayon upang hindi maakusahan ng pangongopya o plagiarism.
Kung sadyang kinakailangang kumuha ng mga pangungusap ng derekta
sa sanggunian, siguraduhing nakasama sa papel ang pinagkunan.
20XX presentation title 26
• Siguraduhing din na ang mga kongklusyon na nabubuo mula sa mga
sanggunian ay natatala.
• Siguruhing makahanap ng mga detalye na susuporta sa tisis o
katanungan.
Sa pananaliksik ng paksa o isyu na pinag-aaralan, kinakailangan na
mangalap ng mga posibling literatura at pag-aaral na susuporta sa
pagbalangkas ng mapanahong sulating pananaliksik. Karaniwang
ginagamitan ng indeks kard ang mano-manong pagtala ng mga
sanggunian. Subalit sa modernong panahon at sa pagkakaroon ng mga
makabagong digital na kagamitan, ang karaniwang kagawian ay ang
pagkuha ng larawan sa mga pahina. Ang mga esensyal na impormasyon
tungkol sa talasanggunian ay karaniwang makikita sa pahinang pamagat
at sa likod naman nito ay ang pahina ng karapatang-ari.
20XX presentation title 27
Anu-ano at saan-saan makikita ang mga ito?
• Ang mga literatura ay maaaring makuha mula sa mga aklat, dyornal,
magasin, dyaryo, at iba pang nalathalang materyales. Ang mga pag-
aaral ay maaaring makuha mula sa pamanahong sulating pananaliksik,
tisis, at dissertation. Makikita ang mga lathalaing ito sa mga silid
aklatan. Sa bawat literatura nakukuhanin, dapat tukuyin ang tala-
sanggunian. Ang simpleng pormat sapagkuha ng talasanggunian ay:
• Apelyido, Inisyal. (Taon ng Pagkakalimba). Pamagat: Kung may
pumapailalim na pamagat. Edisyon. Publikasyon. Lugar ng
publikasyon. Volume, Series, Pahina.
• May mga literatura at pag-aaral din na maaaring makuha sa internet.
Siguraduhing lihitimo ang mga ito.

20XX presentation title 28


D. Paggawa ng pansamantala at pinal na balangkas
I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1.1 Introduksyon at Kaligiran ng Pag-aaral
1.2 Teoretikal na balangkas
1.3 Konseptuwal na Balangkas
1.4 Pasasaad ng Suliranin
1.5 Palagay
1.6 Pinagdausan ng Pananaliksik
1.7 Kahalagahan ng Pag-aaral
1.8 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
1.9 Katuturan ng mga Katawagang ginamit

20XX presentation title 29


II. MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL
2.1 Lokal na Literatura
2.2 Banyagang Literatura
2.3 Lokal na Pag-aaral
2.4 Banyagang Pag-aaral
2.5 Sintesis
III. PAMAMARAAN NG PAG-AARAL
3.1 Disenyo ng pannanliksik
3.2 Populasyon at mga Manunugon
3.3 Mga Istrumentong Ginamit
3.4 Hakbang sa Pagkalap ng Impormasyon
3.5 Istatistikong Paglalapat ng Impormasyon
20XX presentation title 30
IV. PAGPAPAKITA, PAGSUSURI, AT PAGPAPAKAHULUGAN SA
RESULTA
• Pagpapakita ng Resulta
• Pagsusuri ng Resulta
• Pagpapakahulugan ng Resulta
V. PAGLALAHAT NG MGA TUKLAS, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON
5.1 Paglalahat ng Napag-alaman
5.2 Konklusyon
5.3 Rekomendasyon
VI. TALASANGGUNIAN
VII. MGA KARAGDAGAN
20XX 31
Ang nilalalaman ng balangkas ay maaaring madagdagan o mabawasan depende
sa kagustuhan ng guro o institusyon na pagpapasahan.
Matapos mabuo ang balangkas, ilapat ang mga nakalap na datos sa balangkas
upang malaman kung may dapat pang punuan na mga datos bago isagawa ang
pananaliksik.

E. Pagsulat ng Burador at Pagwawasto (pre-writing, actual-writing,


rewriting)
Kapag nailapat na ang mga datos napapanahon nang sumulat ng pang-unang
burador. Sa isang pamanahong sulating pananaliksik, maraming beses
gumagawa ang isang mananaliksik ng burador hanggang makagawa ng pinal na
sulatin kaya huwag piliting makabuo ng isang perpektong sulatin nang isang
gawaan lamang.

20XX presentation title 32


Ang mga dapat tandaan sa paggawa ng burador ay ang mga
sumusunod:
Isulat ang mga bagay na nasasaisip at huwag
masyadong umasa sa mga pag-aaral ng ibang
mananaliksik.
Kilalanin ang lahat ng pinagkunan na sanggunian.
Matapos makagawa ng burador, basahin itong muli o
kung maaari ay ipa basa sa iba upang malaman ang
kaayusan ng naisulat na burador at kung paano ito
maintindihan ng mga mambabasa.
20XX presentation title 33
F. Pagsulat ng Kinalabasan ng Pag-aaral
Matapos maisaayos ang mga burador, gawin na ang
pinal na burador. Ang pinal na burador ay kakikitaan na
lamang ng iilang pagkakamali. Dapat ito ay nasa taan
porma na at maayos ang daloy ng mga ideya. Idagdag na
ang pang-unang pahina na kinapapalooban ng pamagat
at pangalan ng mananaliksik. Bago ipasa ang
pamanahong sulatin, siguraduhing maayos na ang
talasanggunian at nabago na ang mga napunang
kamalian mula sa mga naunang burador.

20XX presentation title 34


20XX presentation title 35
20XX presentation title 36

You might also like