You are on page 1of 5

PAGSULAT NG PANANALIKSIK

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksiyon o Panimula
Kaligirang Pangkasaysayan
Paglalahad ng Layunin at Suliranin
Teoretikal na Balangkas
Konseptuwal na Balangkas
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw, Lawak, at Delimitasyon
Katuturan ng mga Salitang Ginamit

1.1 INTRODUKSIYON O PANIMULA


Isang maikling talatang kinapalolooban ng pangkalahatang pagtatalakay sa paksa ng pananaliksik.
1.2 KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Sa bahaging ito tinatalakay ang naging basehan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral. Inilalahad
ang kasaysayan ng pangunahing ideyang napili.
1.3 LAYUNIN NG PAG-AARAL
PAGLALAHAD NG LAYUNIN
Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aaral.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Isinisiwalat dito ang mga suliraning target na masolusyunan. Dito babanggitin ang mga suliranin sa anyong
patanong.
1.4 TEORETIKAL NA BALANGKAS
Sa bahaging ito ilalahad ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral. Sa teoryang gagamitin iaangkla ang
sariling pagtingin sa paksang pag-aaralan.
1.5 KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Sa bahaging ito, ginagamit ng mananaliksik ang kanyang mahusay na paghinuha na nagpapakita ng input
o hakbang sa kalutasan ng suliranin, ang proseso ng pagsasagawa, at ang output o kalutasan o
kalalabasan.
1.6 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Inilalahad sa bahaging ito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral at kung ano ang magiging
kontribusyon nito sa lipunan, edukasyon, at siyensiya.
1.7 SAKLAW AT DELIMITASYON
Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.
1.8 KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT
Sa bahaging ito makikita ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y may
kahulugan

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


- nagsasaad ng mga literatura at pag-aaral na may kinalaman sa kasalukuyang isinasakatuparang saliksik
- importanteng konsepto ay inilahad sa tematikong pamamaraan at ang mga synopsis ng mga nabasa ng
mananaliksik ang batayan
- pormal na pangangalap ng propesyunal na literatura na may kaugnayan sa isang partikular na suliraning
pananaliksik
- sa pamamagitan ng pamamaraang ito, matutuklasan ng tiyak ang mga natutunan ng ibang nanaliksik na
may kaugnayan sa iyong paksa
- pangangalap ng kaugnay na literature ay kinakailangang komprehensibo kung maaari– isang payak na
dulog upang malinaw na maiugnay ang isang pag-aaral sa iba pang pag-aaral
- ang mga kaugnay na literatura ay hindi lang tumutukoy sa mga nakaraang pag-aaral na isinagawa,
gayundin ay nagdaragdag ito ng makabagong impormasyon
- Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga diskusyon ng mga impormasyon prinsipyo, datos, at
katotohanan sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na isinagawa. Ang mga materyal na ito ay nasa
klasipikasyong; Lokal- kung ito ay inilathala sa Pilipinas at Banyaga- kung ito ay inilathala sa ibang bansa.
Ang pag-aaral at pag-iimbestiga na isinagawa at may kaugnay o pagkakatulad sa pananaliksik ay
makakatulong sa pag-aaral.

REVIEW OF RELATED LITERATURE


- detailed review of existing literature related to the topic of a thesis or dissertation
- in RRL, you talk about knowledge and findings from existing literature relevant to your topic
- it is important for a researcher to have a comprehensive and relevant body of supporting materials to his
research work
- provides insight into the theoretical/conceptual background of the study
- provides the rationale of the framework of the study
- the theoretical framework for instance, is obtained or conceived through the literature search
- reviewing related materials helps the researcher to gather valuable data and ideas that can guide him in
his own research
 
MGA KADALASANG PARTE NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-
AARAL
- LOKAL NA LITERATURA
BANYAGANG LITERATURA
- LOKAL NA PAG-AARAL
BANYAGANG PAG-AARAL

INPUT
- pagbabasa ng mga kaugnay na literatura
- kasama sa prosesong ito ang pagtingin kung alin ang ba ang babasahin mo nang maigi at alin ang
papasadahan
- maaaring kumuha ng impormasyon sa mga thesis, libro, internet, at iba pang mga reference material

PAGPROSESO
- paggawa ng buod, paggawa ng mga notes, pagkukumpara ng mga sanggunian
- kung hindi naman kaugnay, pwede na itong tanggalin at palitan ng kaugnay na libro

LITERATURA
- Ang teoryang realismo ayon sa pag-aaral ni Limbo (2010), “ay ang pagpapahayag ng pagtanggap sa
katotohanan o realidad ng buhay. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng
may-akda sa kanyang lipunan sa makatotohanang pamamaraan. Ang teroyang ito ay naninindigan sa
katotohanan kaysa kagandahan”. Ipinangkat rin sa anim na klasipikasyon ang pagsusuring realismo sa
panitikan. Ito ay ang pinong (gentle) realismo, sentimental na Realismo, sikolohikal na Realismo, Kritikal na
Realismo, Sosyalistang Realismo at mahiwagang realismo.
- Ang teoryang realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng mga cognitive bias (kamalayang may
kinikilingan) ay hindi pagkakamali kundi lohikal at paraan ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa
"tunay na mundo". Kasama nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak na
kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga Cognitive experimenter (mga sumubok sa kamalayan)
(Bantique 2018).
- Ang Realismo ang pilosopiyang pananaw ng tao na magkaroon ng layuning katotohanan. Isang
katotohanang independent sa ating isip at imahinasyon, at ng gawain at paniniwala (Lozano, 2015).        
- Ayon sa European Journal of Marketing (2006) na pinamagatang “Research Design in Realism,”
ipinapakita ng pag-aaral ang layuning mai-aplay ng mga prinsipyo na paradaym sa pagiging totoo
(realismo) sa loob ng proyekto ng mga pananaliksik na may husay. Ang papel ay nagsisimula sa
pammamagitan ng pagtatatag ng pagiging kapakipakinabang ng pananaliksik sa realism para sa
pagsisiyasat sa pagmemerkado sa phenomena sa pamamahala, at pagkatapos ay isinaalang-alang ang
mga implikasyon ng pagiging totoo paradaym para sa pananaliksik na disenyo at matuklasan ang mga isyu
tulad ng antas ng naunang teorya sa kinakailangan, ang paggamit ng pagtitiklop ng lohika at triangulasyon
ay tinalakay. Bilang karagdagan, ang mga alintuntunin para sa mga patatasa ng impormasyon ng pagiging
totoo at pag-uulat ay binuo.

PAG-AARAL
- Sa isinasagawang pagsusuri ni Barameda (2017), tungkol sa akdang “Isang Dipang Langit” ni Amado V.
Hernandez, isinalaysay nya sa kanyang isinigawang pagsusuri na ito ay nagpapakita ng paghihimagsik at
pagdurusa na naranasan ng may-akda habang siya’y nasa bilangguan. Ito ay nagpapakita ng teoryang
realismo sapagkat ito ay sumasalamin sa realidad na ang mga mahihirap at walang laban ang patuloy na
nababaon sa kahirapan at mga gahamang mamamayan ay patuloy na kumakamkam sa yaman ng bansa.

KABANATA III
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
METODOLOHIYA
- sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa
pangangalap ng datos sa isang pananaliksik

- Tekstong Impormatibo
- Deskriptibo
- Naratibo
- Prosidyural
- Persuweysib
- Argumentatibo

- Research Method
- Research Design
- Respondents/Participants
- Sampling Procedure
- Research Instrument
- Data Gathering

DISENYO NG PANANALIKSIK
- pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at
proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan
- nagtitiyak na masasagot ng pananaliksik ang suliranin at matutupad ang layunin na itinakda nito
- detalyadong balangkas kung paano isasagawa ang imbestigasyon
- kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan mangangalap ng datos ang mananaliksik, ano at
paano gagamitin ang napiling instrumento, at ang mga pamamaraan kung paanong susuriin ang datos
MGA DISENYO NG PANANALIKSIK
- KUWANTITATIBO
- KUWALITATIBO

DISENYO AT PAMAMARAAN
SARBEY
- isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na
populasyon o sampol ng pananaliksik
- ginagamit sa mga siyentipikong layunin tulad ng marketing research, sikolohiya, kalusugan at medisina, at
sosyolohiy
- ang katagumpayan nito ay nakabatay sa husay ng pagpili ng representatib ng buong populasyon
- HALIMBAWA: Ilang bahagdan ng mga Pilipino ang nagtitiwala pa sa pangulo ng Pilipinas?
PAKIKIPANAYAM
- pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o di kaya ay may personal na pagkaunawa
sa paksa ng pananaliksik
- may tatlong uri ng pakikipanayam ang structured, semi-structured, at unstructured
DOKUMENTARYONG PAGSUSURI
- ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik
sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga dokumento upang
malutas ang mga suliranin. Ilan sa mga uri ng dokumentaryong pagsusuri: pagsusuri sa nilalaman (content
analysis), pagsusuring semyotiko (semiotics), pagsusuring diskorsal (discourse analysis), at
interpretatibong pagsusuri (interpretative analysis)
NAKABALANGKAS NA OBSERBASYON
- ginagamit ito sa mga uri ng pananaliksik na nangangailangan ng field study gaya ng etnograpiya
- ang nakabalangkas na obserbasyon ay pagmamasid ng mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng pag-
aaral habang sistematikong itinatala ang kanilang pagkilos, interaksiyon, at pag-ugali sa pamamagitan ng
gabay sa obserbasyon
PAKIKISALAMUHANG OBSERBASYON
- pag-aaral sa kilos, pag-uugali, at interaksiyon ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran
- kasabay ng sistematikong obserbasyon, ang mananaliksik ay nakikisalamuha at nakikisali sa karaniwang
mga proseso o pamumuhay ng mga tao sa komunidad
 
KABANATA III
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang detalye kung paano isinasagawa ang pag-aaral tulad ng:
- paglalarawan sa disenyong ginamit
- mga kalahok
- lugar na pinagdausan ng pananaliksik
- instrumentong ginamit
- kung paano ito ginamitan ng istatistikal na paglalapat
- pamamaraan ng pangangalap ng datos
 
DISENYO NG PANANALIKSIK
Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.
 
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon.
Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari ay kung paano at bakit niya ginawa ang
bawat hakbang.

PAMAMARAAN NG PANGONGOLEKTA NG DATOS


Ang pagpapasya sa kung anong pamamaraan ang gagamitin o pipiliin ay nararapat na ibatay sa suliranin
at sa pagnanais ng mananaliksik na maging katiwa-tiwala at balido ang mga datos.

You might also like