You are on page 1of 2

REVIEWER FOR FILIPINO 2

__________________________________________________________________________
TENTATIBONG BIBLIOGRAPI
- pansamantalang listahan ng mga sangguniang ginamit sa opisyal na pag-aaral ng
paksa ng pananaliksik?
 DALAWANG ESTILO SA PAGTUKOY SA BIBLIOGRAPI:
* APA - AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION – ginagamit sa
larangan ng: EDUKASYON, SIKOLOHIYA, AGHAM PANLIPUNAN, AGHAM
* MLA - MODERN LANGUAGE ASSOCIATION – ginagamit sa larangan ng:
HUMANIDADES, PANITIKAN, WIKA
 Halimbawa ng APA:
* Aklat - Reyes, A. (2016). Kumunikasyon at Pananaliksik at kulturang Pilipino.
Lungsod Makati; University Press of First Asia.
* Artikulo - Delos Reyes, J (2015, November 17). The Internet remembers us.
Inquirer Libre, p. 4
* Social Media - GMA News. (17 November, 2015). President Noynoy Aquino
(P-Noy) strongly advocated for the participation of Filipino micro, small, and medium
enterprises in the regional trade among APEC member-economies [facebook status
update]. Retrieved from http://www.facebook.com/gmanews/?fref=nf#
 Halimbawa ng MLA:
* Aklat - Reyes, Alvin Ringgo. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Lungsod Makati: University Press of First Asia, 2016. Print.
* Artikulo - Delos Reyes, J. “The Internet remembers us.” Inquirer Libre 17 Nov.
2015: 4. Print
* Social Media - GMA News. (). President Noynoy Aquino (P-Noy) strongly
advocated for the participation of Filipino micro, small, and medium enterprises in the
regional trade among APEC member-economies.” 17 November. 2015, 10:56 am.
Facebook
 OPAC (Online Public Access Catalog) - ay mga sangguniang nakaprograma na sa
mga computer.
* Gamit at benepisyo nito - Madali nang humanap ng datos at impormasyon.
 CARD CATALOG: manwal na paghahanap ng sanggunian sa mga libro na makikita sa
silid-aklatan.
 BURADOR - Kilala sa tawag na “draft”. Binansagang kabuuang pananaliksik pero hindi
pa ang pinal na sulatin
 MGA BAHAGI NG BURADOR:
* INTRODUKSYON – binubuo ng:
1. kaligiran ng paksa – kahalagahan at kabuluhan ng paksa
2. layunin ng paksa – Mga pakay o nais isagawa sa pananaliksik
3. gamit ng paksa – Mga inaasahang pakinabang ng pag-aaral
4. konseptuwal na balangkas o balangkas teoretikal – paglalarawan ng
konsepto o teorya
5. saklaw at delimitasyon – pokus at hangganan ng pag-aaral
6. depinisyon ng mga terminolohiya – pagbigay kahulugan sa mga salita
* KATAWAN – binubuo ng:
1. Kaugnay na literature – mga pag-aaral na kahawig ng isinasagawang
pananaliksik.

1|FIL 2: 4TH MID-QUARTER


2. Disenyo at metodo ng pananaliksik – Uri ng pananaliksik at ang mga
gagamiting kasangkapan sa pangangalap ng datos.
3. Presentasyon ng datos – Metodo ng pananaliksik, datos sa grapikong
pantulong at pagsusuri
* KONKLUSYON – lagom ng mga impormasyon o nasuring datos.
* mababasa rin ang rekomendasyon ng mga mananaliksik sa susunod
pang mananaliksik.
* SANGGUNIAN - Naglalaman ng listahan ng mga pinagkuhanan ng datos.
 KONSEPTONG PAPEL - Gabay upang mabuo ang isang pananaliksik. tawag sa isang
malaikling akademikong papel na nagbibigay ng pagkalahatang impormasyon
tungkol sa isang panukalang saliksik
 MGA BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL:
* RASYONAL - nagsasaad ng pinanggalingan ng impormasyon tungkol sa
paksa?
* LAYUNIN - ito ang ginagawang gabay sa daloy ng pagtatalakay ng isang
pananaliksik upang masabing mayroong direksyon ang pag-aaral
* METODOLOHIYA - kailangang gamitan ng siyentipikong paraan sa pagsusuri
at pagtataya ng mga datos na ginamit
* INAASAHANG AWTPUT - naglalaman ng mga pagtantsa sa mga minimithing
bunga ng pag-aaral

 BALANGKAS – tinatawag din na “skeleton” ng pananaliksik


 PAGREBISA NG NILALAMAN - tinitingnan ang balarila, gramatika at pagkaayos ng
mga salitang ginamit.
 PAGREBISA NG PAGKAKASULAT - tinitingnan kung mayroon pa bang kailangang
idagdag o dapat tanggalin sa mga impormasyong nailagay.
 PRIMARYANG DATOS – Datos na nagmula sa tuwirang pinanggalingan ng
impormasyon, tulad ng isang tao o organisasyon, pampubliko man o pampribado.
 SEKONDARYANG DATOS – Datos na nagmula sa tao o organisasyong hindi tuwirang
pinanggalingan ng impormasyon. Maaaring pinagpasahan lamang ito ng impormasyon,
ngunit hindi direktang nakasaksi o nakaranas ng pinag-aaralang pangyayari.

2|FIL 2: 4TH MID-QUARTER

You might also like