You are on page 1of 3

MGA ISYU SA PANANALIKSIK

PLAGIRISM- ang pagkopya ng sulatin,disenyo,balangkas plano,karikatura o anumang likhang


isip ng walang pahintulot.
PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA
1.PANAHON
2.EDAD
3.KASARIAN
4.PERSPEKTIB
5.LUGAR
6.PROSESYON O GRUPONG KINABIBILANGAN
7.ANYO O URI
8.PARTIKULAR NA HALIMBAWA O KASO
9KUMBINASYON NG DALAWA O HIGIT PANG BATAYAN
MGA DAPAT ISAALANG ALANG SA PAGPILI NG PAKSA
1. Kumbinsihin ang sarili kung bakit gusting saliksikin ang paksang nasa isip.
2. Itala ang dahilan kung bakit ito gustong pag aralan.
3. Gumawa ng T-chart na naglalaman ng positibo at negatibong aytem kung sakaling ituloy ang
paksa.
4.Tanungin sila kung ano ang tingin nila sa kahalagahan o positibong epekto ng pag aaral sa
napupusuang paksa.
5. Muling isipinb kung napapanahon ba ang paksang iyong napili at kung angkop sa inyung
layunin ng pananaliksik.
PAGPSULAT NG TENTATIBONG BALANGKAS
TENTATIBONG BALANGKAS- tatlong pahinang papel na naglalaman ng mga plano at tunguhin
ukol sa pananaliksik ng isang tiyak at piniling paksa.
ANG TENTATIBONG BALANGKAS AY NARARAPAT NA MAGKAROON NG MGA:
1. RASYUNAL- ito ang taguri sa makatuwiran, siyentipiko at malinaw na paglalahad ng
batayang sanligan kung bakit kailangang pag aralan ang nasabing paksa.
Ano ang saysay ng pag aaral at pananaliliksik ng partikyular na paksang ito sa panahon
ngayon
2. PANGKALAHATANG LAYUNIN- ito ay malawak at pambungad na paglalatag na nais na
tunguhin ng pag aaral kaugnay ng rasyunal ng pananaliksik. Ano ang mayroon sa
pananaliksik na ito?
3. MGA TIYAK NA LAYUNIN- dito iniisa isa ang mga tiyak at ibat ibang aspekto ng Dahlan
sap ag aaral ng paksa ng pananaliksik.Ano ang gusting matuklasan ng mananaliksik?
4. MGA SULIRANIN SA PAG-AARAL- nilalaman ang bahaging ito ang mga batayang sulirani,
isyu, mga pangyayar, haka-haka at kasalukuyang kalagayan ng paksa na siyang
nagbibigay saysay upang ito ay bigyan ng pansin at paglaanan ng mananaliksik.Ano- ano
ang mga isyu at suliraning lulutasinn ng pananaliksik na ito?
5. MGA HAYPOTESIS- ito ang pinakalohikal o pinakamakatuwing mga paglagay ukol sa isyu
na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan, mapatibay,
masusugan o mapasubalian.Ano-ano ang mga makatuwirang pagpapalagy ng
mananaliksikk ukol sa kanyang paksa?
MGA URI NG HAYPOTESIS
1. HAYPOTESIS NA DEKLARATIBO- batayang uri ng haypotesis na nakatuon sa paglalahad
ng positibong ugnayan ng dalawang salik sa pananaliksik.
2. HAYPOTESIS NA PREDIKTIBO- uri ng haypotesis na kaugnay ng pagbibigay ng isang
kondisyon na sitwasyon sa paksa.
3. HAYPOTESIS NG PATANONG- maari ring magsilbing haypotesis ang mga lohikal na
tanong na inilalahad sa isang pananaliksik.
4. HAYPOTESIS NA NULL- tinutukoy sa uri ng pananaliksik na ito na walang direktang
ugnayang umiiiral sa mga salik na naitala kaugnay ng problemang pinapaksa ng
pananaliksik.
5. SAKLAW AT DELIMITASYON- tinitiyak ng bahaging ito ang pananaliksik ang magiging
tunguhin ng pag aaral at ang pangunahing pokus ng paksa.Malinaw na inilalahad dito
kung sino sino ang bahagi ng pananaliksik, mula at hanggang kailan ito gagawin maging
ang lugar kung saan ito isasagawa at kung ano ano pa ang mga bagay na tatalakayin at
hindi na tatalakayin ng pananaliksik.
6. KAHALAGAHAN NG PAG AARAL- inilalagay sa bahaging ito ng pananaliksik ang tiyak na
kahalagahan ng pananaliksik sa ibat ibang mambabasa ng pag aaral.
7. KATUTURAN NG MGA TERMINONG GINAMIT- bahagi ng pananaliksik na nagsisilbing
kalipunan ng mga terminong ginagamit sa isang pananaliksik.Binibigyang kahulugan ang
mga terminong ginamit sa isang pananaliksik.Binibigyang kahulugan ang mga termino
batay sa kung paano ito ginagamit sa pananaliksik.
 ALTERNATIVE MEDIA- mga media outlet/outfit na hindi pinapatakbo ng malalaking
kompanya.
 BALBAL- salitang kanto o kalye.
 COPYREADING- proseso ng pagwawasto ng kopya gamit ang mga tiyak na simbolong
pampamamahayag.
 DIYARYO/PAHAYAGAN- uri ng pahlilimbag na naglalaman ng balita impormasyon at
palatastas kadalasang na imprenta sa mababang halaga.
 EDITOR- taong nagwawasto ng kamalian sa diaryo.
 JARGON- mga salitang kinikilala sa isang grupo ng mga tao na nasa parehong
propesyon na di sinasadyang naihihiwalay dahil sa tiyak lamang ang gamit nito.
 KOLOKYAL- antas ng wika na pangkaraniwang ginagamit sa loob ng bahay ;impormal
sa katangian
 K-12—bagong kurikulum sa batayang edukasyon sa pilipinas
 LINGGUWISTA- pag aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang lingguwesta ng mga
dalubhasa dito.
 MASS MEDIA- midyang pangmasa;ay mga midya katulad ng radio, internet o iba pang
mga bahay na nakakaabot sa maraming mga tao.
 MGA SALITANG SHOKOY- mga salitang hindi Espanyol at hindi rin ingles ang anyo at
malimit ng bunga ng kamangmangan sa wastong anyong Espanyol ng mga
edukadong nagnanais magtunog Espanyol.
 ONLINE MEDIA- mga news agency na non print.
 OPOSYAL NA WIKA-isa rito ang tungkuling gamitin sa kumunikasyong pang madla.
 ORTOGRAPIYA- paraan ng pagbibigay simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat.
 PAHAYAGAN- ito ay maaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan
itong inilalathala ng araw araw o lingguhin.
 WIKANG PAMBANSA- wika ng pagkakakilanlan.
 PUBLISHING HOUSE- pamlibangan; lugar kung saan inilimbang ang mga pahayagan.
 PROOFREADING- pangwakas na pagwawasto ng kopya na tapos nang sumailalim sa
proseso o copyreading.
 SIRKULASYON- sakop na lugar at dami ng bilang ng produksyon at distribusyon ng
pahayagan.
 TABLOID-uri ng pahayagan na nakalimbag sa mas maiit na sukat ng papel.
 TABLOIDIZITION- proseso ng paggamit ng mga salitang standard ang gamit sa tabloid.
 TEKNIKAL- ang pagsulat na sumasaklaw sa pagsulat ng mga sulating may kinalaman
sa komersyo o empleyado.
 WIKA- isang bahagi ng pakikipagtalastasan.Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at
mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan
DEPINASYON NG TERMINOLOHIYA
-upang maging mas Madali at ganap ang pagkakaunawa ng mga mambabasa, ang mga
mananaqliksik ay bumabalangkas ng listahan ng mga mahahalagang terminolohiya kasama ang
mga kahulugan nito.
BRAND-ay ang pangalan o tatak ng isang produkto.
GITNANG URI- uring sosyal na nasa pagitan ng mga nasa ibabang uri.
IMAGINARY APPETITE- isa sa pangalawang epekto ng pera, ang produkto ng ekonomiya.
IMITASYON- huwad na produkto at gumagamit ng mga brand ng mga orihinal na kagamitan.
KONSUMERISMO- idelohiyang humihikayat sa pagkuha ng mga paninda at serbisyo upang
makatamasa ng personal na kaligayahan.
MATERYALISMO- isang teoryang tumatalakay sa sosyal at ekonomikal nap ag unlad kung saan
ang mga pagbabago sa material na kondisyon ang unang nakakaimpluwensya sa kung papano
naisasaayos ang lipunan ng tao.
MERKADO- isang grupo ng mga manmimili na hindi nagkakaiba ang mga ninanais at
pangangailangan na napapaloob sa isang natatangin lugar.
PAMBANSANG BURGESYA- binubuo ng mga negosyante sa siyudad at probinsya na interesado
sa makabayang idustriyalismo burgesya, sila ay 1-2% ng populadyon.
PROLETARIAT- sa pananaliksik na ito ay tutukoy sa mga manggagawa na naabuso ng mga
kapitalista.Sila ang mga manggagawang kinakailangan ibagbili sa mga kapitalista ang kanilang
kakayanhang magtrabaho.

TEORYA NG URI- ay ang teorya ni Karl Marx na nagsasabing ang lipunan ay nahahati sa
dalawang uri;ang pambansang burgesya at proletrariat.

TENTATIBONG TALASANGGUNIAN- pansamantalang listahan ng mga sangguniang ginamit sa


inisyal nap ag aaral ng paksa ng pananaliksik .Ang mga ginagamit sa talasanggunian ay maaring
mga material na teksbok, diksyunaryo, pananaliksikk at tesis, pahayagan, magasin, journal, at
mga artikulo at iba pang sulatin na nagmula sa internet.
Ex.
Baquiran,R. Hiwatig: Pagsipat sa mga Tekstong poetiko at popular.Manila:UST Publishing
house, 2014.
Bernalis,R. et Al Pagbada,Pagsulat,Pananaliksik:Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 2- Antas
Tersyarya. Valenzuela City: Mutya Publihing House, 2014

B. ESTILO SA SANGGUNIAN NA APA AT MLA- dalawang estilo na ginagamit.


1. APA NA FORMAT- ang estilo na ito ay madalas na ginagamit sa mga disiplinang
sikolohiya at iba pang kaugnay na disiplina.Binubuo at pinaunlad ito ng American
psychological association na syang kilalang tawag dito sa ngaun.
2. MLA NA FORMAT- mula naman ito sa pagbuo at pagpapaunlad ng Modern Language
Association.Ang estilo naming ito ay ginagamit kaugnay ng mga paksa ng teksto na
hinngil sa humanidades. Sa kasalukuyan, MLA 7th edition ang siyang pinakahuling
edisyong ginagamit.
PAGLALAHAT- napakahalaga ng pananaliksik bilang isa sa mga pinagkaproduktibong gawainng
tao.Mahalagang matutuhan ito hindi tamang ng mga prosesyunal kundi maging ng mga mag
aaral sa senior high school at antas kolehiyo.

You might also like