You are on page 1of 22

MGA HAKBANG AT

KASANAYAN SA PAGSULAT
NG SULATING
PANANALIKSIK
PAGTUKOY AT PAGLILIMITA NG PAKSA

Maaaring totoo ang paniniwala na ang tagumpay


at kabiguan ng anumang gawaing pananaliksik ay
nakasalalay sa napiling paksa. Ang paksang dapat
piliin ay dapat kawili-wili sa mambabasa, may
kahalagahan at limitado ito ayon sa layunin,
kakayahan, at mga datos na makokolekta at panahong
maaaring gugulin.
Ayon kay Semorlan et.al, para sa mga
estudyanteng kauumpisa pa lamang humarap sa
bigat ng gawaing pangkolehiyo, kailangang pumili
ng isang paksa na partikular na paggagamitan ng
isang semestre. Dapat talakayin nila ang mga
ordinaryong paksa, karaniwang problema at
pangyayari; mga paksang madalas ding tinatalakay
sa akademya at media.
Sa paglilimita ng paksa dapat isaalang-
alang ang sakop ng panahon, edad, kasarian,
propesyon o grupong kinabibilangan, lugar
at sakop ng anyo o uri at kalagayan sa
lipunan.
PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

Ang konseptong Papel ay ang magsisilbing


proposal ng pananaliksik. Dito lilinawin kung ano
ang gagawing sulatin, bakit ito ang napiling pag-
aralan at paano isasagawa ang napiling sulating
pananaliksik.
Ayon kina Glecy at Atienza, ang
konseptong papel ay isang kabuuan ng
ideya, nabuo mula sa isang framework
ng paksang tatalakayin.
Bahagi ng
Konseptong Papel
1. Rasyonal (Rationale) – ay sumasagot sa tanong
na “Bakit ito ang gagawing pananaliksik?”
Tinatalakay dito ang importansya at kabuluhan ng
napiling partikular na paksa. Inilalahad din nito
ang pinanggalingan o pinagmulan ng ideya, mga
kasaysayan at dahilan ng pagkakapili ng partikular
na paksa.
2. Layunin (Objective) – ay ang hangarin o
pakay ng pag-aaral na nais matamo ng napiling
paksa. Maaari itong pangkalahatan (general) o
tiyak (specific).
3. Pamamaraan o Metodolohiya (Paano isasagawa
ang pananaliksik?)
Ang paraan (technique) at pamamaraang
(method) ay ginamit sa pagkuha ng datos at pagsusuri
sa piniling paksa sa pananaliksik ay nasa bahagi ng
metodolohiya. Maaaring gamiting paraan sa pagkuha
ng datos ang sarbey, questionnaire, case study,
obserbasyon, interbyu at iba pa.
TENTATIBONG BIBLIOGRAPI

Bibliograpi- ay mga pahinang kinasusulatan ng lahat ng


mga ginamit na sanggunian sa pamanahong papel o sa
kahit anong uri ng pananaliksik. Nakatala rito ang mga
aklat, babasahin, sulating nalathala at di-nalathala, mga
pahayagan, mga taong kinapanayam at iba pa.

Halimbawa: Arceo, Liwayway. Pagbubukas Loob sa Diyos: St. Pauls Publication 1992
PAGBUO NG TENTATIBONG
BALANGKAS

Pagbabalangkas -pagsasaayos ng mga ideyang


nakalap mula sa inisyal na paghahanda ng datos.
Ang balangkas ay larawan ng pangkalahatang
hakbang. Ito ay nagbibigay direksyon sa manunulat
kung paano tatalakayin ang paksang napili niya.
- Paghahati-hati ng mga kaisipan tungkol sa
paksang susulatin mula sa pinakamalaki o
pinakapangunahin hanggang sa pinakamaliit o
pinakahuling bahagi ng kaisipan na nais
sulatin.
Mga halimbawa ng Balangkas
1.Balangkas Desimal (Numbers)
2. Balangkas Romano at Arabiko (Letters)
PANGANGALAP NG
MGA DATOS
Uri ng mapanghahanguan ng mga
datos na magagamit sa pananaliksik
1. Pangunahing Datos – nagmumula sa tuwirang
pinanggalingan ng impormasyon na maaring
indibidwal na tao, iba’t ibang organisayon pribado
man o pampubliko. Magagamit din sa bahaging ito
ang mga sulat, talaarawan, talumpati, akdang
pampanitikan, talambuhay, dokumento, batas,
kontrata at lahat ng uri ng orihinal na talaan.
Maaaring ang manuskripto ay nakasulat sa sulat-
kamay lang kinauukulan.
2. Sekondaryang Datos- Tumutukoy sa mga datos
na kinalap mula sa mga aklat, diskyunaryo,
ensayklopedya, almanac, tesis, disertasyon,
manuskrito at mga artikulong mababasa sa mga
pahayagan at magasin. Maaaring ang mga datos ay
nalathala o di-nalathalang mga sulatin o
pananaliksik.
Ang mga datos ay maaaring makalap sa:
A. Silid- Aklatan – ay masasabing isang
tunay na daigdig, balon o reservoir ng mga
kaalaman, kaisipan, ng mga impormasyong
sentro ng pagkatuto.
B. Internet – isang balon ng mga
impormasyon at tunay na napakalaki ng papel
na ginagampanan sa pananaliksik. Tutukuyin
lamang ang website na kinakailangan upang
makiha ang impormasyon na nais makita.
C. Field Interbyu, Pagmamasid, panonood,
atbp. – pakikipag-usap, pagtatanong o pag-
uusisa sa taong may kaugnayan sa paglilinaw
sa paksang napili o isinasagawa.

You might also like