You are on page 1of 18

PAGSULAT NG

PANANALIKSIK:
PAGPILI NG
PAKSA
G. Ariel T. Rivera
Guro, Pagbasa at Pagsulat
MAIKLING
GAWAIN
PANIMULA
Sa araling ito’y masusubukan mong mag-isip at
pumili ng sarili mong paksa para sa isasagawa
mong pananaliksik. Ang pagpili ng paksa ay isa sa
pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng
pananaliksik. Madalas mga paksang palasak o
lagi nang ginagamit ang pinipili nang
mananaliksik dahil ang mga ito ang laging
nakikita sa kapaligiran at sa iba’t ibang uri ng
media. Subalit kung mag-iisip at magiging
mapanuri ang mananaliksik ay marami pang
maaaring mapagkunan ng paksa, isang bago at
naiibang paksa. Makikita sa ibaba ang ilan sa mga
ito: Internet at social media, telebisyon, diyaryo at
magasin, mga pangyayari sa iyong paligid at sa
sarili.
ANG SULATING
PANANALIKSIK
ISAISIP!
Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa
isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito basta
pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa
iba’t ibang primarya at sekundaryang mapagkukunan
ng impormasyon kundi taglay nito ang interpretasyon
ng manunulat sa mga impormasyong kanyang
nakalap. Ang interpretasyong ito ang
pinakamahalagang elemento ng isang tunay na
sulating pananaliksik (Spalding,2005).
Ayon kina Constantino at
Zafra (2010), ang
pananaliksik ay isang
masusing pagsisiyasat at
pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao,
isyu, at iba pang ibig
bigyang-linaw, patunayan
o pasubalian.
Ang pananaliksik ay isang
sistematikong proseso ng
pangangalap, pag-aanalisa, at
pagbibigaykahulugan sa mga datos
mula sa mga mapagkakatiwalaang
mapagkukunan ng impormasyon
upang masagot ang isang taong,
upang makaragdagag sa umiiral na
kaalaman,o pareho. Ang resulta ng
isang pananaliksik ay maaaring
maghatid sa atin sa isang bagong
teorya o konsepto, tumaliwaso
sumuporta sa isang teorya o konsepto,
rekomendasyon,o isa pang tanong na
nangangailangan ng mas malalim na
pananaliksik.
Isang magandang pagkakataon
ang pagbuo ng sulating
pananaliksik upang mapatunayan
ang katotohanan sa isang teorya
at nang mapabulaanan ang mga
haka-haka kaugnay nito. Kaya
naman, dito papasok ang
pangangalap ng mga
impormasyon, pagsusuri, at
pagbibigay-interpretasyon sa mga
nakalap na impormasyon at datos
upang makita o mabatid ang
katotohanang taglay ng mga ito.
PAGKAKAIBA NG
SULATING
PANANALIKSIK SA
ORDINARYONG ULAT
Ang pagbuo ng sulating pananaliksik
ay hindi basta katulad lang ng
pagbuo ng isang ulat na kung saan
ang manunulat ay mangangalap din
ng impormasyon patungkol sa
paksang isusulat at saka ilalahad ang
tungkol sa mga nakalap na
impormasyon.
Higit na malawak ang pokus ng ulat at iba pang
pangkaraniwang teksto samantalang ang pokus
naman ng sulating pananaliksik ay mas limitado
sapagkat inaasahang susuriin, hihimayin, palalalimin,
at bibigyang-interpretasyon ng mananaliksik ang
kaalamang ilalahad patungkol sa paksa upang ang
maibabahagi niya ay hindi lang sarili niyang opinyon
kundi pagpapatunay na dumaan sa proseso nang
masusing pag-aaral at may makaagham na basehan.
Ang isa pang malaking pagkakaiba ng
dalawang uring sulating nabanggit ay
ang dami o lawak ng
gagamiting kagamitan o sanggunian.
Mas maraming sanggunian ang
kakailanganin sa pagsulat ng
pananaliksik kaysa sa ordinaryong ulat.
Ang isa pang malaking pagkakaiba ng
dalawang uring sulating nabanggit ay
ang dami o lawak ng
gagamiting kagamitan o sanggunian.
Mas maraming sanggunian ang
kakailanganin sa pagsulat ng
pananaliksik kaysa sa ordinaryong ulat.
Sa sulating pananaliksik ay maaaring kailanganin
mong lumabas, magsagawa ng obserbasyon,
makipanayam o magsarbey at pumunta sa
palengke, sa mga paradahan ng traysikel, mga
museo, makasaysayang pook, o sa mga lugar kung
saan matatagpun ang mga tao, bagay, o
mapagkukunan ng impormasyong tutugon sa mga
katanungan o suliraning gusto mong ihanap ng
kasagutan.
Ang mga kabatiran, datos, o
impormasyong makakalap mo mula
sa mga tao, kagamitan, o lugar na ito
ay iyong pag-aaralan, hihimayin at
uunawain para sa mahusay at angkop
na konklusyon ng iyong susulatin.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang
isang mananaliksik ay dapat na magtaglay ng
sumusunod na mga katangian:
“SUMULAT UPANG TIKMAN ANG
BUHAY NANG DALAWANG BESES, SA
SANDALI AT SA PAGGUNIT.”
- Ginoo

You might also like