You are on page 1of 34

FIL.

001: PAGBASA
AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
MODYUL 2:
INTRODUKSYON SA
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG FILIPINO
ARALIN 2.1
ANG PANANALIKSIK
Layunin:
Nakapagsasaliksik ng mga
impormasyon o kaalamang
napabulaanan sa mga particular na
disiplina dahil sa pananaliksik ng mga
eksperto
ANG
PANANALIKSIK
 Ang salitang pananaliksik o riserts ay katumbas ng
salitang ingles na research.
 Nagmula ang salitang ingles sa research sa lumang
salitang pranses na cerchier na ang ibig sabihin ay
maghanap o magsaliksik. Ang unlaping “re” na
nangangahulugang uli o muli ay nagpapahiwatig ng pag-
uulit ng paghahanap o pagsasaliksik (Estolas at
Boquiren, 1973:4)
ANG
PANANALIKSIK

Add Your Text


 ay isang masusing pagsisiyasat at
pagsusuri sa mga ideya, konsepto,
bagay, tao, isyu, at iba pang ibig
bigyang-linaw, patunayan, o
pasubalian (Constantino at Zafra
2010, as cited in Aurelio et al. 2017).
ANG
PANANALIKSIK
 Isinasagawa ang pananaliksik bilang isang lohikal at organisadong
Add Your Text
batayan ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa tao, kultura, at
lipunan. Ginagamit ito bunsod ng pangangailangang palawakin at
palalimin ang kaalaman sa isang larangan lalo na sa mga institusyong
pang-akademiko. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, nahahanapan
natin ng sagot ang mga katanungang bumabagabag sa ating isip,
naisasakatuparan ang interes sa isang bagay, at nalilinang ang
kakayahang makahanap ng solusyon.
KAHALAGAHAN AT GAMIT NG
PANANALIKSIK
KAHALAGAHAN AT GAMIT NG
PANANALIKSIK
 Tinalakay nina Zarah (2016, sa Aurelio et al. 2017) at Rosen (2015, sa
Add Your Text
Aurelio et al. 2017) ang mga sumususunod na mahahalagang dahilan kung
bakit nagsasagawa ng pananaliksik:

1.Kasangkapan ang pananaliksik sa pagbuo ng bagong kaalaman.

2. Instrumento ito sa pag-unawa sa iba't ibang mga isyu.


KAHALAGAHAN AT GAMIT NG
PANANALIKSIK

3. Paraan ito ng pagpapatunay sa mga di-makatotohanang


impormasyon at pagsuporta sa kung ano ang totoo.
 Maraming mga pagkakataong pinaniniwalaan ng marami ang
isang bagay na kalaunay mapatutunayang walang katotohanan.
Ang pagpapatuloy ng mga pananaliksik ang siyang nagbibigay-
daan upang mapabulaanan ang mga paniniwala o impormasyong
inaakala ng marami na totoo subalit hindi pala.
KAHALAGAHAN AT GAMIT NG
PANANALIKSIK

4. Midyum ito ng paghasa at paghikayat upang mahalin ang


pagbabasa, pagsulat, pag-analisa, at pagbabahagi ng mga
mahahalagang impormasyon.
Sa pananaliksik, upang maging makatotohanan ang kalalabasan, isang
pangangailangan ang matinding paghahanap ng makabuluhang
impormasyon na maaaring matamo sa pagbabasa. Sa paghahatid ng mga
bagong tuklas na kaalaman mula rito, kailangan namang maisulat ito sa
isang mahusay na pamamaraan. Kung gayon, nahahasa at lalong
nahihikayat ang mga nagsasagawa ng pananaliksik na mapaghusay ang
mga kasanayang nabanggit.
KAHALAGAHAN AT GAMIT NG
PANANALIKSIK

5. Pagsasanay at pagpapaunlad ito sa kritikal na pag-iisip ng


tao.

 Kinasasangkutan ng pananaliksik ang malalim na pagsusuri ng


mga impormasyon, nahahasa kung gayon ang kritikal na pag-
iisip ng mga mananaliksik.
KAHALAGAHAN AT GAMIT NG
PANANALIKSIK

6. Paraan ang pananaliksik upang makasabay


Add Your Text at
makaagapay sa pagbabago.

 Sa pamamagitan ng mga bagong tuklas na kaalaman mula sa


mga pananaliksik, nagkakaroon ng inobasyon sa teknolohiya,
mga produkto at serbisyo na siyang behikulo ng kasalukuyang
panahon upang makasabay sa patuloy na pagbabago ng
lipunan.
KAHALAGAHAN AT GAMIT NG
PANANALIKSIK

Add Your Text

7. Solusyon ito sa mga suliranin at hanguan


ito ng impormasyon upang magdesisyon.
MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
1. Sistematiko
 Ang pananaliksik ay sumusunod sa lohikal ng mga hakbang o
proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na
kongklusyon.
2. Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan.
3. Empirikal
 Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa
tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik.
MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK

4. Kritikal
 Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang
proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at
tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.

5. Masinop, malinis, at tumutugon sa pamantayan.


MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK

6. Dokumentado
 Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos.
Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.

7. Makatwiran at walang kinikilingan


 Ang lahat ng datos ay makatwiran at nakabatay sa mga pagsusuri
at eksperimentasyon. Iwasang magbigay ng personal na saloobin
o ideya.
ETIKA NG
PANANALIKSIK
ETIKA NG PANANALIKSIK

Add Your Text


1. Pagiging matapat ng mananaliksik
 Bahagi ng etika ng pananaliksik ay ang pagiging matapat ng
mananaliksik sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng
paglalahad ng mga impormasyong nakalap. Tandaan na mahigpit
na ipinagbabawal ang pagmamanipula ng impormasyon sapagkat
ito ay lumalabag sa kung ano ang tama, nararapat at makatwiran.
ETIKA NG PANANALIKSIK

2. Paghingi ng pahintulot sa mga indibiduwal


Add Your Text na makatutulong

sa pag-aaral
 Ang paghingi ng pahintulot sa mga kalahok sa pag-aaral o sinumang tao
na makatutulong sa pananaliksik ay isa sa dapat isaalang-alang ng
mananaliksik. Kung gagamit din ng anumang teknolohiya gaya ng video
o tape recorder sa pagdodokumento ay marapat na hingin muna ang
pagsang-ayon ng mga kalahok sa pag-aaral.
ETIKA NG PANANALIKSIK

3. Isipin ang kapakanan ng kalahok


 Sa panahon ng panayam o pagsasagawa ng pag-aaral, palaging isipin ang
kanilang kapakanan kaysa sa personal na interes at sariling kapakanan.
Gayundin, kung kinakailangang protektahan ang kanilang identidad ay
dapat hindi magdalawang isip ang mga mananaliksik na gawin ito. Ang
mga impormasyong nakalap ay dapat manatili lamang bilang bahagi ng
pag-aaral at hindi maaaring gamitin laban sa kalahok.
ETIKA NG PANANALIKSIK

Mahalagang mapanatili ang tiwala ng mga kalahok sa mga mananaliksik.


Kung matapos na ang pananaliksik, mahalaga pa rin na magbalik ang mga
mananaliksik at ipaalam ang naging resulta ng pag-aaral. Karapatan nilang
malaman ang resultang ito sapagkat bahagi na rin sila ng nasabing pag-aaral.
ETIKA NG PANANALIKSIK

4. Kilalanin at banggitin ang mga sanggunian ayon sa tamang pormat


 Ang pagbanggit at pagkilala sa mga awtor ng mga pag-aaral na
nakatulong sa pananaliksik ay pagpapakita ng pagbibigay-galang sa
intelektuwal na karapatan ng may-akda. Sa pagkilala ng mga may-
akda mahalagang isaalang-alang ang tamang pormat ng pagsulat ng
sanggunian.
Hal.: American Psychological Association (APA), Mother Language
Association (MLA), o Chicago Manual of Style
ETIKA NG PANANALIKSIK

5. Iwasan ang pagreresiklo ng material


 Iwasan iang muling paggamit ng mga nailathalang
materyal o mga papel na naipasa na sa ibang kurso.

6. Agarang pagbibigay ng kongklusyon nang walang


sapat na batayan.
PAGLALAPAT
 Ano-anong mga katangian ang nararapat mong
taglayin bilang isang Addmananaliksik?
Your Text Magtala ng
lima at magbigay ng maikling paliwanag sa bawat
isa gamit ang sariling pananalita. (25 PTS)
PANGKATANG
GAWAIN
 Nakabatay ang Addsumusunod
Your Text na gawain
sa aklat na “Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik at Sulating Akademiko”
nina Aurelio et al. (2017).
PANUTO:

 Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na nagsasaliksik ang mga


iskolar sa iba’t ibang larangan ay dahil paraan ito ng pagpapatunay sa
mga di-makatotohanang impormasyon at pagsuporta sa kung ano ang
totoo. Kaugnay nito, magsaliksik ng mga impormasyon o kaalamang
napabulaanan (sa makikitang disiplina sa ibaba) dahil sa pananaliksik
ng mga eksperto. Gamitin ang format sa ibaba. (50 pts.)
WIKA
Dating kaalaman:
Bagong kaalaman:

Pamagat ng pananaliksik o artikulong


bumasag sa dating kaalaman:
Sanggunian (MLA format):
MEDISINA
Dating kaalaman:
Bagong kaalaman:
Pamagat ng pananaliksik o artikulong
bumasag sa dating kaalaman:

Sanggunian (MLA format):


KASAYSAYAN
Dating kaalaman:
Bagong kaalaman:
Pamagat ng pananaliksik o artikulong
bumasag sa dating kaalaman:

Sanggunian (MLA format):


SALAMAT

You might also like